Ang blogsite na ito ay kasalukuyang naghahanap ng manunulat para makapagluwal ng mga akdang magbibigay aliw, tuwa, lungkot, tawag-pansin, kapaki-pakinabang na kaalaman at/o walang katuturang pag-aaksaya ng oras sa lahat ng napapadaan dito.
Ano ang gagawin ng manunulat sa blog na ito?
- Magsusulat siya para sa blog na ito base sa mga topics na ibibigay sa kanya
- Magre-research para sa mga assigned topics kung kakailanganin ito sa kanyang isusulat
Gaano karami ang isusulat?
Marami. May mahigit 300 pending topics/articles ang kasalukuyang naghihintay na maisulat. Mamimili ng isusulat mula sa mga assigned topics ang manunulat. Malaya din siyang makakapag-decide kung gaano karami sa mga topics na ito ang kanyang nais isulat.
Ano ang mapapala ng manunulat dito?
- Monetary compensation
- Mag-ambag sa pagpapalaganap ng makabuluhang impormasyon sa mga makababasa ng blog na ito
- Writing credential (kung papasukin ang pagsusulat bilang propesyon)
Ito ba yung tinatawag nilang “Ghostwriting”?
Hindi. Kasi sa ghostwriting eh anonymous yung totoong author at ibang tao ang makakakuha ng lahat ng credit sa ginawa niyang akda. Pero dito, kung sino ang talagang nagsulat ang tatanggap ng credit sa anumang isusulat niya.
Paunawa lang po, ang lahat ng akda ay dadaan muna sa masusing pagsusuri (around 5 minutes) bago mailathala upang pag-piyestahan ng mga mambabasa.
Ano ang mga requirements para sa magsusulat sa blog na ito?
- May kakayahang sumulat
- Preferably isang Bible believing Christian (dahil may mga topics na Christian themed)
- May malasakit sa Pilipinas
- Kwela (pero medyo serious)
- Magaling Tumagalog
- Preferably nakatira sa Pilipinas (hangga’t maaari lang naman)
- Hindi kriminal at pinaghahahanap ng mga awtoridad
Ang edad, kasarian, experience, educational attainment, pinapasukan o ginradweytan na paaralan, occupation, social status, marital status, tax status o Facebook status ay hindi pagbabatayan para makapagsulat sa site na ito.
Paano magi-inquire ang mga interesadong magsulat para sa The Pinoy Site?
Pakigamit po yung form sa baba para sa anumang inquiries. Makakatanggap ng libreng mensahe ang lahat ng mga magi-inquire. Maraming salamat.
Magandang araw! Nais ko po sanang mag apply. Paano po? Maraming salamat!
Napaka galing ng website na ito !