Galleries

Turismo

Repost repost din kapag walang time ūüėÄ Paano napapanatili ng Department of Tourism ang mataas na level ng confidence nito na masaya mamasyal sa Pilipinas sa kabila ng mga internal problems ng bansa? Here are the ways. (Originally posted on April 2012)

The Pinoy Site

Bilib ako sa optimism ng Department of Tourism (DoT). Malupet ang misyon nilang ibenta ang Pilipinas (figuratively speaking) sa buong mundo pero hindi sila umaatras. Palaban sila.

Sa kabi-kabilang batikos at pagpuna sa mga idea ng DoT, sumuko na dapat ang mga miyembro nito at inamin sa kanilang mga sarili na nag-aksaya lang sila ng panahon at pera.

Pero andyan pa rin sila at ipinagpipilitang maganda sa Pilipinas at mas masaya dito kesa kahit na anong bansa sa mundo.

Paano kaya nila nagagawa ‚Äėyun?

Wala akong idea sa kung paano nila napapanatili ang mataas na level ng positiveness at determinasyon nila, pero kung naging staff siguro ako ng DoT (at pinangakuan ng pagkalaki-laking sweldo) para i-promote ang bansa, ganito ang mga gagawin ko para ma-motivate:

1. Tuwing gigising sa umaga, uulit-ulitin kong sambitin ang mga katagang:
‚ÄúMaganda sa Pilipinas‚ÄĚ, ‚ÄúThe Best ang Pilipinas‚ÄĚ, ‚ÄúAng SAYA SAYA sa Pilipinas‚ÄĚ

2. Hindi…

View original post 212 more words

Advertisements

Job Interview Tips Para sa Bagong Graduates (Part 1/2)

Hello fresh graduates.
Wini-welcome ko na kayo in advance sa real world.

MUWAHAHAHAHAHAHA!!!!
BWAHAHAHAHAHA!!!

Wala lang, feel ko lang maglabas ng carbon monoxide.
Este, dioxide pala.

Bilang bagong graduates, as soon as possible ay dapat makapag-move on na kayo sa pagiging estudyante. I-dilute na dapat agad ang hangover mula sa student life at tanggapin ang mapait na katotohanang tapos na ang inyong maliligayang araw.

JOKE!

Mas maaga kayong makapag-umpisa sa paghahanap ng trabaho, mas maaga ninyong maiintindihan ang kalakaran sa job hunting.

At gusto ko kayo tulungang mga fresh graduates na makapagbigay ng maangas na impression sa inyong potential employer.

Kaya read on.

Ang unang-unang dapat n’yo gawin para maging matagumpay sa job interview ay ipasa yung entrance exam ng kumpanya.

EXAM NA NAMAN???! GRADUATE NA’T LAHAT, EXAM PA RIN???

Oo, ang buhay ng tao ay walang katapusang exam kaya tumahimik ka na lang at ipasa ito.

Hindi naman ito kasing hirap ng board exam o entrance exam ng College.
Aptitude test lang at gusto lang alamin ang general IQ mo.

Pag naipasa mo na ang test, mag-ready ka na sa interview.

Pero meron yatang mga kumpanya ngayon na interview muna bago test. Alin man ang mauna, may test pa rin na dapat ipasa.

Bago ang lahat, gusto ko lang ipagyabang na lahat ng job interview na pinagdaanan ko ay ipinasa ko at ako ang namili ng kumpanyang gusto mag-hire sa akin.

O, ‘di ba? Ang yabang ‘di ba?

Kaya gusto ko i-share yung nalalaman ko para makapasa sa iyong job interview.

Job-Interview
careerguidetips.com

Heto ang mga mahihirap na tanong na lumalabas sa mga interview.

1. Bakit sa kumpanyang ito ka nag-apply?
2. Ano ang maiko-contribute mo sa kumpanyang ito?
3. Ang kurso mo ay ganyan pero ang trabaho dito ay ganito, kaya mo ba ang trabahong ito?
4. Ano’ng meron sa iyo na wala sa iba? Bakit dapat ka naming i-hire?
5. Kung sakaling matanggap ka sa kumpanyang ito, saan mo nakikita ang iyong sarili 5 years, 10 years from now? Ano na ang na-accomplish mo sa mga panahong iyon?

Ang hihirap na tanong ano?

Bago ko ibigay ang mga sagot sa tanong na iyan, heto muna ang mga dapat mong gawin bago yung interview.

1. Mag-research tungkol sa kumpanya

Alamin ang mga basic na impormasyon gaya ng ano ang produkto ng kumpanyang ito, ang mga benepisyong ibinibigay n’ya at schedule ng trabaho.

2. Mukha ka dapat tao sa araw ng interview

Walang pakialam ang kumpanya kung ilang araw kang tatagal nang hindi naliligo o ilang taon ka nang hindi nagpapagupit ng buhok o gaano karami ang tingga mo sa katawan.

Ipakita mo ang pinaka-maayos mong hitsura sa araw ng interview. Ibalik mo na lang yung tingga mo sa dila kapag na-regular ka na.

3. Mag-damit ng payak

Hindi gusgusin at mukhang yagit at hindi rin naman mukhang ikaw ang may-ari ng kumpanya. Parang magde-defend ka lang ng thesis o research paper. At huwag damihan ang paggamit ng pabango.

Plantsahin ang damit at linisin ang sapatos.

4. Sikaping magkaroon ng kumpletong tulog bago ang interview

Kailangan mong maging alert sa araw ng interview. Hindi mukhang distracted, matamlay at galing sa sakit. Kung mamimili ka ng isang araw sa buhay mo na masigla ka at punung-puno ng vibrance, glow, spontaneity at kung anu-ano pang positive vibes ay ito na ang araw na ‘yun.

Kelangan mo ng presence of mind sa araw ng interview.

5. Kumain ng mga siguradong pagkain

…na hindi sisira ng araw mo. Huwag mag-take risk sa mga pagkaing hindi ka sigurado kung ano ang magiging epekto sa iyo. Alam mo ang sarili mong katawan. Kumain lang ng mga pagkaing alam mong kasundo ng tyan mo.

6. Dumating ka bago ang oras

Dumating ka na ng tatlong oras na mas maaga sa schedule. Huwag na huwag ka lang pale-late ultimo isang minuto sa oras ng iyong interview dahil siguradong lagpak ka agad sa tardiness.

7. I-kondisyon ang isip at kalooban

Singhutin ang lahat ng confidence na mahahagilap sa iyong paligid. I-brain wash mo ang iyong sarili na lahat ng ibibigay na tanong sa iyo ay sasagutin mo ng may buong katalinuhan at karunungan.

Isipin mong ikaw ay nasa isang pakikipaglaban na kung saan ang mahina ay lalapain ng malakas. Kailangan may mentality ka ng isang warrior, isang gladiator, isang sundalo, isang MISS…UNIVERSE…CANDIDATE!

Ikaw ang pinaka-alert, pinakamabangis, pinaka-mabagsik na job hunter na nabubuhay! Wala silang makikitang kasing galing na empleyado na kagaya mo sa buong buhay nila saan mang sulok sila ng kalawakan magtungo.

You eat interviewers for breakfast! Growl! Growl! GRROOOOOWWWLLL!

comics-wolverine-get-mad-teaser
parang wolverine dapat ang mindset hehe (marvel.com)

Ganyan ang mentality pero huwag na huwag mong ibe-verbalize ‘yan na maririnig ng potential employer at baka ipatapon ka palabas sa guard.

Sa susunod na post, ibibigay ko ang mga panukala kong sagot dun sa mga madalas na tanong sa mga interview.

Itutuloy…

Magandang Course na Walang Math

Isang bisita ng blog na ito ang nagtanong sa akin dati kung ano ang magandang course na walang math.¬†Last year pa n’ya itinanong sa akin ‘yun at ngayon ko pa lang sasagutin.

Ms. Kath, pasensya na sa late kong reply, heto na ang sagot ko sa tanong mo.

Wala akong alam na course na walang math.

Ayon.

Ang pagkakaalam ko ay meron at merong subject na math ang anumang kurso at least sa unang dalawang taon man lang ng buong kurso.

PERO!!!

Maraming trabaho ang hindi nangangailangan ng kaalaman sa math. At malamang ay madaling madali lang ang math subject nito sa kanilang curriculum.

Kung interesado kang malaman ang masasabi kong “magandang” trabaho na walang math, tuloy lang sa basa.

math quotes
andameng may ayaw sa math…

Kung hindi ka pa nakakapili ng iyong course hanggang ngayon, meron sana akong gustong isali sa listahan ng mga pinagpipilian mong course na walang math. Baka gusto mong i-consider ang kursong ipapakilala ko.

Ang propesyon ng course na ito ay:

1)  may mababang competition sa job market
2)  high paying job (500 pesos per hour above)
3)  in demand sa pilipinas at sa ibang bansa
4)  kahit walang experience, makakapag-start agad mai-practice ang propesyon
5)  may significant contribution sa buhay ng tao
6)  flexible ang oras
7)  pwedeng kahit sa bahay mo gawin

Too good to be true? Siguro.

Ang tinutukoy kong course ay speech pathology.

speech therapist
Advanced Medical.net

Ang mga speech pathologists o speech therapists ay nagtuturo sa mga batang may speech development disorder na matutong magsalita. Tinuturuan nila ang mga bata na makipag-communicate. Pwede rin sila sa mga adult pero sa mas maraming sitwasyon ay bata ang kanilang inaasikaso.

Maraming dahilan ang speech disorder sa isang bata. Isa sa mga dahilang ito ang autism.

Isang malungkot na impormasyon ang ipinahayag ng National Council on Disability Affairs (NCDA) sa kanilang website:

Statistics show that in the Philippines at least 600,000 families are estimated to be affected with autism. Likewise, there was a recent report from the Center for Disease Control of the United States that one (1) out of 110 individuals is affected of some forms of autism.

It is also the fastest rising developmental disability that will be diagnosed more than diabetes, cancer and AIDS combined in the coming years.

(Source: NCDA Website)

Bukod sa autism, may iba pang mga dahilan sa speech development disorder ng mga bata. Pwedeng developmental delay lang. Pwede din naman dahil sa hearing disorder at iba pang mga kadahilanan. Nakakadagdag ang mga dahilang ito sa dami ng mga kabataang may speech at/o communication disorder.

Kung ano man ang dahilan ng speech disorder ng bata, speech therapist ang gumagabay sa batang ito para matutong mag-express ng sarili sa pamamagitan ng verbal na pamamaraan.

Napakasakit para sa mga magulang ang hindi magawang makipag-communicate sa anak. Yung hindi nila makakuwentuhan ang anak. Yung hindi man lang nila matanong ang anak kung ano ang gusto nito o kung ano ang masakit sa kanya.

Merong mga magulang na naiirita sa mga anak na madaldal at makulit pero hindi lang nila alam kung gaano kabigat ang pighati ng mga magulang na napakaraming taon ng dinadala sa mga therapy session ang kanilang anak sa pag-asang balang araw ay masabi man lang nito ang sarili n’yang pangalan.

Ang speech therapist na makapagbibigay ng kakayahan sa bata na makipag-communicate ay isang hulog ng langit para sa kahit na sinong magulang.

Sa kasamaang palad, may malaking kakulangan sa bilang ng mga speech therapist ang ating bansa.

speech pathologist
kung mahilig ka sa bata, baka pwede sa ‘yo ang maging speech therapist…
(bilinguistics.com)

Habang dumadami ang kaso ng speech disorder (o child developmental disorder) sa ating bansa, lalong nagiging importante at scarce commodity ang mga speech therapist sa atin.

Pinag-aagawan ang available schedule ng mga speech therapist kung alam mo lang.
Kaya kahit mag-set sila ng mga demands, nahihirapan silang tanggihan ng mga magulang.

(Dini-discourage ko ang cold hearted practice na ito ng ilang speech therapist. Pwedeng bumalik sa inyo¬†‘yang gawaing ‘yan balang araw.)

Hindi sila mababakante lalo na kung may reputasyon ang therapist na nakakapag-produce s’ya ng¬†agarang resulta sa tini-therapy na bata.

Kung dadami lang sana ang mga speech therapist sa Pilipinas, mas maraming magulang ang hindi na kelangang pumunta pa sa malalayong lugar maipa-therapy lang ang anak. Malaki na ang gastos sa therapy sessions, dagdag pa ang transportation.

Sana rin ay makapagbigay ang Pamahalaan natin ng ganitong serbisyo sa mga kapuspalad nating mga kababayan na namimighati sa anak na may problema sa komunikasyon.

Sa kasamaang palad, ang speech therapy course ay ino-offer lang sa tatlong eskwelahan sa BUONG Pilipinas.

1. UP Diliman
2. University ng Sto. Tomas
3. Cebu Doctor’s University

Nabanggit na rin lang ang child developmental disorder, maaari mo na rin sigurong i-consider ang mga kursong may kinalaman dito gaya ng Occupational Therapy at Child Developmental Neurology at mga kagayang course.

Wala itong math. Pero kelangan mo ng passion para sa mga bata.

Good luck sa pagpili ng iyong course.

—————————————-

Iba Pang References:

Kelangan Ba Ang Dot Com?

Usapang techie muna tayo. Naks, wala pa akong isang taon nagbo-blog, feeling maalam na sa internet. Pagbigyan n’yo na ‘ko, para naman may mai-post ako hehe

kelangan ba ng domain
importante ba magkaroon ng sariling domain? (redorbit.com)

Sa totoo lang, pinag-iisipan ko na kung magtatatag ba ako ng sarili kong domain sa mundo ng internet o hindi.¬†Para bang bibili ako ng lupa para tayuan ng bahay para hindi ako laging nakikitira lang (kahit na libre pa s’ya).

Marami akong nakikini-kinitang benepisyo ng pagkakaroon ng sariling domain:

  1. Pwede ko pagkakitaan ang website ko
  2. Pwede ako magbenta ng mga bagay-bagay
  3. Pwede ako maglagay ng link papunta sa mga sponsor

Teka, puro monetary purposes ah. Actually, yun talaga ang pinaka-purpose na nakikita ko sa pagkakaroon ng sariling domain. Parang nagtatayo na rin ako ng tindahan o establishment kapag nag-register ako ng domain name.

Para bang mabibigyan mo ang iyong sarili ng professional na imahe sa internet kapag may sarili kang domain name. Imaginin na lang natin ang ABS-CBN o GMA Network News na merong “.wordpress.com” o “.blogspot.com” sa hulihan ng kanilang url. Kaawa-awa ng dating, ‘di ba? Ano, nagtitipid? Hehe

‘Di naman ako nagmamadaling magkaroon ng sariling domain dahil wala pa naman akong gusto ibenta. Hindi rin naman ako sakit, este, sikat. Hindi pa naman household name ang “thepinoysite” o ang “residentpatriot”.

Pero just in case na pumanig sa aking pabor ang alignment ng mga planeta, ng mga elements ng earth, ng mga molecules sa dagat at ng mga quantum particles sa sulok ng kalawakan (lahat ‘yun sabay-sabay dapat mangyari) aba’y dapat ready ako.

Kaya tumitingin-tingin na ako ng mga posible kong pagtayuan ng sulok kong takda sa ibabaw ng world wide web. Mahirap na rin at baka maunahan ako sa pag-register ng gusto kong domain name at kailanganin ko pang bilhin yun sa napakamahal na halaga.

Isang sinubukan ko ay ang Infinite.ly.

infinite.ly registration pageKagaya ng wordpress at blogspot, hindi kailangan ng kaalaman sa programming para mai-setup ang sariling website gamit ang Infinite.ly at hindi mangangailangan ng maraming oras para maging pamilyar sa mga tools sa paggawa ng sariling website dito.

Heto ang nagawa kong website: http://residentpatriot.com

So far eh salat na salat pa sa kalamnan ang site na ito kaya ‘wag n’yo kong malait-lait sa aesthetic aspect nito dahil sinusubukan ko pa lang ito. (Taray ano? hehe ūüôā )

Nangako ako sa Infinite.ly na magbibigay ako ng review sa serbisyo nila kung ipapasubok nila sa akin ang premium account ng walang bayad. Kaya heto na ang aking review.

Pros Muna

1. Mas madali ang mga commands nito kesa sa wordpress at blogspot, kaya kung kaya mo gamitin ang wordpress at/o blogspot, yakang yaka mo gamitin ito.

2. Mura na s’ya sa halagang 1600 pesos a year.

3. May mga libreng special fonts ito na hindi makukuha ng libre sa ibang mga blogging site.

infinite.ly fonts
importante ang fonts! huwag itong ipagwalang-bahala! huwaaaag!!!

4. Mabilis ang customer service. Nung hindi ko ma-access ang account ko, wala mang 24 hours ang lumipas eh inasikaso nila ‘ko agad.

Cons Naman

1. Minsan hindi nagre-respond ng maayos ang mga tool commands (o baka mabagal lang ang pc ko :))

2. Maliit lang ang file storage capacity n’ya (50MB) kumpara sa 3GB free storage na binibigay ng wordpress.

3. Wala pa s’yang multiple upload capacity (‘di pa n’ya kayang mag-upload ng maraming files ng sabay-sabay).

Sa ngayon, ito pa lang ang mga masasabi ko tungkol sa website na ito, hindi pa kasi ako tapos sa pag-evaluate. Bago pa lang ang hosting service na ito kaya marami pang improvements ang nakikita kong maaari nilang gawin sa malapit na hinaharap.

Kung may alam din kayong pwedeng subukan na hosting service, pa-share naman.

Matuto Kang Lumandi

Advisory: Paumanhin sa mga gals, for the boys muna ang aking post ngayon pero pwede n’yo itong i-forward o i-share sa mga kilala n’yong lalake. (Kung sa tingin n’yo useful ūüôā )

Ang post na ito ay dini-dedicate ko sa lahat ng mga batchmates kong lalake na single pa rin hanggang ngayon.

********************************************************************************
********************************************************************************

matuto kang lumandi

Pare ko, pasensya na sa sasabihin ko.
Wala akong intensyong makipag-basag-ulo.

Naalala ko lang kasi…
Araw na naman pala ng mga puso at…

at…

…single ka pa rin.

Pero alam ko naman, cool ka lang ‘di ba?
So what, ‘di ba?
Eh ano ngayon, ‘di ba?

Matagal ka ng single at hindi ka na affected.

Gastos lang ang lovelife.
Marami ka pang dapat gawin na mas importante.
Ine-enjoy mo pa ang blessedness ng singlehood.

Tama. Tama ka d’yan.

Napansin ko pala, kumpara 10 years ago, padami yata ng padami ang mga magagandang kadalagahan sa atin. Napansin mo rin ba? Hindi? Talaga?

Mas marunong na sila mag-ayos ng sarili.
Mas marunong na sila magdala ng fashionable na damit.

At hindi lang sila magaganda, may mga pinag-aralan at may trabaho pa. Pero sa estado mo ngayon, alam ko naman hindi mo masyadong iniisip ‘yan. Darating din ang soul mate mo sa tamang pagkakataon, ‘di ba?

Sabi nga pala sa isang 2012 estimate ng gender ratio eh hindi naglalayo ang dami ng mga lalake at babae kaya hindi natin masasabing merong kakulangan sa dami ng mga Pilipina. (Source 1, Source 2)

Pero sa kabila ng pagkalat ng mga available at eligible bachelorettes, marami pa ring gaya mo na nasa tamang edad na (35 years old above) ang single pa rin hanggang ngayon.

Hindi ka naman bading.
May hitsura ka naman.
May maganda ka namang trabaho.
Interesting ka naman pag nakilala.
Mabait ka naman at maginoo.

So, ano ba ang problema? Oo nga pala, wala namang problema…

Pero ito ba ang uso ngayon? Magpakatandang binata? Magpaka-All by Myself?

Hindi ko naman tinatawaran ang dahilan mo sa pagiging single at alam ko namang maraming pwede at valid na dahilan para maging single ang isang middle aged na lalake. Walang sinuman ang maaaring humusga sa dahilan mong iyon.

Pero dahil pakialamero lang talaga ako (sa mga taong may malasakit ako) eh pwede ko bang ibahagi ang aking hamak na opinyon? Ano? Sigurado kang ayaw mong malaman?

Ganito kasi ‘yun eh, meron kasi akong suspetsang isa pang dahilan sa pagiging single mo.

Katamaran…

Tamad ka, kaya single ka pa rin.

Ops, ops, sandali lang, ibaba mo muna ‘yang hawak mong pamalo. Sabi na sa ‘yo ‘di ako naghahanap ng away eh. Nagse-share lang ako ng opinyon.

Alam mo, sa tingin ko kasi, marami sa mga matinong kalalakihan na kagaya mo ang tinatamad.

Tinatamad manligaw.
Tinatamad sumubok.
Tinatamad mag-isip ng approach.
Tinatamad gumastos.

Pero higit sa lahat, tinatamad lumandi.

Tama, lumandi.
Kelangang lumandi ang isang tandang para maka-bingwit ng inaheng manok.
Kelangang lumandi ang lalaking pusa para maka-score sa babaeng pusa.

Pero ang tinutukoy ko eh ‘yung pantaong landi.
Hindi landing panghayop.
Landi na pang-disenteng lalake.
Let me elaborate.

Tingnan natin ang pagkakaiba ng disenteng lalake na tamad kumerengkeng at ng disenteng lalake na marunong lumandi…

sample ng hindi malandi

Kita mo naman ang resulta ‘di ba? Dahil sa katamaran, tinatapos mo yung lahat ng tsansa na inilalatag ng tadhana para sa ‘yo.

Pero tingnan natin ang ibang metodolohiya. Subukan mong lumandi ng konti…

sample ng malandi

Nakuha mo ba ‘yung gusto kong sabihin?

So kung ikaw na isang disenteng lalake ay nagtataka kung bakit pumapatol ang mga matinong babae sa mga may asawa na, sa mga total jerk, o sa mga chickboy-chikboyang sons of satan (term na gamit ni Manix Abrera) eh baka dahil isa ka na rin sa mga may kasalanan.

Kung marami lang sanang disenteng lalake kagaya mo ang magsisipag na manligaw sa mga matitinong kababaihan ng ating bayan eh di hindi sana napariwara ng landas ang maraming kadalagahan sa ating bansa.

Ayon, nasisi ka pa tuloy.

So, bilang unsolicited advice mula sa isang pakialamerong nagmamalasakit, bakit ‘di mo subukan lumandi?

Matuto kang lumandi.
Yung disenteng landi.
Yung pantaong landi.

Huwag mo namang landiin lahat ng kababaihang makita mo.
Hayop lang ang gumagawa nu’n.

Landiin mo lang yung special someone na hindi mo magagawang lokohin.

Tandaan mo, pare…ANG TUNAY NA LALAKI, MARUNONG LUMANDI.

David and Venus #8

Komiks muna…
Parang may nagji-jeling-jeling yata…

david and venus 8

‘Wag Lang ‘Di Makapag-Rebelde

Naaalala mo pa ba ang kabataan mo?
Parang ang sarap mag-rebelde noon, ‘di ba?
‘Yun bang ipapakita mong iba ka sa lahat, hindi ka sumusunod sa kalakaran.
Proud ka pa minsan ‘pag alam mong hindi normal ang ginagawa mo.
Kakaiba ka.

Pangkaraniwan lang siguro sa paglaki ang damdaming mag-rebelde.
(‘Wag lang aabot sa puntong gusto mo na maging NPA o makipaghabulan sa mga pulis)

Kagaya ng munting ibon na tumatalon mula sa mataas na pugad para matutong lumipad.
O gaya ng batang tigre na humaharap sa dambuhalang elepante para matutong lumaban.
Tayo mang tao ay sinusukat ang sarili nating kapasidad.

Sinusuong natin ang mga sitwasyong hindi natin alam ang kalalabasan.
Tinatahak natin ang mga kalsadang hindi alam kung ano ang patutunguhan.
At minsan pa nga ginagawa natin ito kontra sa abiso ng mga nakatatanda.
Nung mga mas marami na ang nalalaman sa buhay.

accreditation
isang editorial cartoon na ginawa ko noon tungkol sa pagtatakip ng flaws ng aming eskwelahan para lang tumaas ang rating nito sa school accreditation…

Ang pagre-rebelde ay may dala-dalang hindi mabuting kahulugan.
Subalit ang pagre-rebelde ay isang paraan para kilalanin ang sarili.
Para malaman kung ano ang iyong personal preferences sa buhay.
Para malaman mo kung ano ang kaya mo at hindi.
Dapat yata talaga nating daanan ito para matuklasan ang ating personal identity.

Iba-iba din ang paraan natin sa pagiging rebelde.
Para sa akin, isang paraan ay ang pagtaliwas sa pangkaraniwan.

Pero ano na nga ba ang pangkaraniwan?
Sa dami ng kabaliwang ginagawa ng mga tao sa panahong ito,
ang hirap na yata maintindihan kung ano ang “pangkaraniwan”.

Pero kung kokontra ako sa gawi o kaugalian ng mga tao sa aking paligid,
iyon ay isang paraan ng pagre-rebelde para sa akin.

Kaya kung maraming kalalakihan ang umiihi sa pader,
rebelde ako kung iihi lang ako sa banyo.

ghostfighter
isang strip na ginawa ko noon gamit ang mga karakter ng ghostfighter…pinapatamaan nito ang scripted na isasagot ng mga isu-survey na estudyante para sa school accreditation

Iba’t iba ang pagpapahayag natin ng pagiging rebelde.

Merong cute
– mga kakaibang kolorete sa daliri
– paglalagay ng kakaibang mga keychain sa bag o celphone
– kakaibang kasuotan

Merong agaw-pansin
– kulay orange na buhok
– mga tingga sa mukha
– tattoo

Meron ding mga patago, mga pasaway, mga delikado at yung iba ay nasa
level na ng pagiging salot at peste ng lipunan.

teachers meeting
isang strip na bina-blind item ang isang teacher na naningil ng mahal sa mga handout photocopies

Pero madalas ay magastos maging kakaiba.
Kailangan ng pera para mai-express ang personal na rebelyon.

Nung college ako, dahil mahirap lang kami, dinaan ko lang sa mga drawing ang pagiging rebelde ko.

Kasama sa post na ito ang ilang mga drawing ko para sa school publication namin noon.
Tinutuligsa ko sa mga drawing na ito ang mga napansin kong mali sa aming paaralan.

Walang pinatawad, mula school administration, teachers, guards hanggang kapwa estudyante ay tinuligsa.

Yung iba na-publish, yung iba hindi.
Mabuti na lang at hindi ako napahamak sa mga drawing na ito.
Natakot siguro ang editor in chief ng aming school magazine na ilabas ang iba sa mga ito.

Hindi hamak na perwisyo sa akin at sa aking mga magulang kung sakaling na-kick out at na-blacklist ako sa ibang eskwelahan dahil sa mga drawing na ito.

Hindi ko agad naisip ang mga bagay na iyon nung panahong ginawa ko ang mga ito.

school guards
pamumuna sa walang habas na tuition fee increase at sobrang higpit na mga guard na pati paglakad sa loob ng campus, sinisita…bawal ang jaywalking sa loob ng campus noon

Sa pagre-rebeldeng ginawa ko, meron bang nabago?
Hindi ko alam…

Meron ba akong naimpluwensyahan?
Hindi ko rin alam…

Pero sa pamamagitan nito, nalaman ko ang mga hangganan na dapat kong itakda para sa aking sarili. Para sa sarili kong kapakanan at kapakanan ng mga umaasa sa akin.

student council
pagpuna sa maagang pagkatuto ng mga estudyante sa dirty politics…

Sa mga feeling cool sa pagre-rebelde at nagsisimula pa lamang tuklasin ang tunay na sarili,
hayaan n’yong ibahagi ko ang mga tips na ito:

1. Huwag ilagay ang sariling buhay at/o kinabukasan sa peligro
2. Gayundin, huwag ilagay ang buhay at/o kinabukasan ng ibang tao sa peligro
3. Irespeto ang karapatan ng iba (lahat tayo may feelings)
4. Sumunod sa batas (huwag maging salot ng lipunan!)
5. Panindigan ang mga resulta ng sariling desisyon

Ang pagtaliwas sa karaniwan ay hindi nangangahulugan na sisirain mo na ang buhay mo.
Puwede kang mag-rebelde na nananatili pa rin sa tama, konting creativity lang ang kailangan.

puppet student
feeling ko noon, kumakain ng pera ang school admin namin at meron silang mga alagang estudyante na sunud-sunuran sa kanila…

Maligayang pagre-rebelde (pagtuklas ng sarili) sa inyong lahat.

Ipatupad ng Maayos ang Batas

Nagrereklamo na ang misis ko sa mga pinagpopo-post ko kaya tatapusin ko na ang topic na ito para magbigay daan sa mas magaang mga tema ūüėÄ Medyo nakaka-depress na nga ang topic na ito kaya ira-wrap up ko na.

**************************************************************************

May kilala akong Amerkano na naninirahan sa Japan (isang gunless society) at tinanong ko s’ya bakit maraming baril sa Amerika. Sabi n’ya ito raw ay karapatan nila at isinasaad ng kanilang konstitusyon.

Tinanong ko naman s’ya ano ang masasabi n’ya sa Japan. Safe daw dito at hindi daw dapat i-introduce ang mga baril sa lipunan ng mga Hapon.

Medyo naiintindihan ko kung bakit n’ya nasabi iyon. Iba’t ibang kultura, iba’t ibang approach. Hindi lahat ng uubra sa isang bansa ay uubra sa ibang bansa.

Guns and Abortion
armahan ba pati baby…
(blogs.post-gazette.com)

Malimit na katwiran ng mga Amerkano sa pag-aari ng baril ay…

1. hindi sagot ang gun control sa pagsugpo ng krimen
2. damihan pa lalo ang baril sa lipunan upang bumaba ang krimen
3. hindi baril ang pumapatay kundi yung taong may hawak nito
4. nakasaad sa konstitusyon ang karapatang armahan ang sarili

Pero hindi naman komo Amerkano sila eh gagayahin na lang natin lahat ng ginagawa nila kahit na sabihin pang best friend natin sila forever.

Si Robin ba eh nagsuot ng de-sungay na maskara kagaya ni Batman?
Si Ernie ba eh tumatawa kagaya ni Bert?
Si Ningning ba eh nagpagupit ng buhok kagaya nung kay Gingging?

Pwede naman yatang hindi na natin gayahin ang argumento ng mga Amerkano sa kanilang mga baril. Hindi naman sinasabi sa konstitusyon natin na may right to bear arms tayo at hindi rin naman lahat eh can afford bumili ng baril sa atin.

Merong mga gun laws ang Pilipinas, pero bakit hindi ito ipinapatupad ng maayos? “Maayos” na ang ibig sabihin eh walang pipiliing lugar, tao, sitwasyon, oras, araw o buwan kung kelan ito ipapatupad. Malaki ang maitutulong sa¬†pagbaba ng karahasang dulot ng baril sa ating bansa kung magagawa ito ng mga awtoridad.

Mga kasalukuyang batas na umiiral patungkol sa mga baril:

Tapos may mga panukala pang dagdag na batas patungkol sa mga baril:

Tadtarin man natin ng batas ang bansa natin, wala ring mangyayari kung hindi ito maipapatupad ng maayos. Bakit hindi sila magpanukala ng batas na magpaparusa ng mabigat sa mga hindi nagpapatupad ng batas?

no to gun violence
lahat tayo ayaw sa gun violence…
(www.ctvnews.ca)

Meron ding mga gun control laws ang Singapore at Japan at mahigpit nila¬†itong ipinapatupad kaya’t may resultang nakikita at napapakinabangan¬†ang mga mamamayan sa mga batas na ito.

Hindi pa natatapos ang series ng posts kong ito eh may mga karahasan at kriminalidad na namang nangyari sa Pilipinas na involved ang mga baril (kahit merong umiiral na gun ban).

Magandang balita na maraming nahuli ang mga pulis sa mga lumabag ng umiiral na gun ban pero malungkot lang tanggapin na marami pa rin ang gustong sumuway at lumusot sa mga batas natin.

Para sa akin ay kelangan ng seryosong pagpapatupad at pagpapasunod sa batas ang dapat gawin para bumaba ang karahasang dulot ng mga baril sa ating bansa.

At bago ko tuluyang isara ang temang ito (sa ngayon) ay iiwanan ko lang ang mga last thoughts ko:

1. hindi man sagot ang gun control para tuluyang sugpuin ang kriminalidad, magagawa nitong paliitin ang pinsalang maaaring likhain ng mga masasamang loob

2. kelangan i-exhaust ang lahat ng paraan para huwag mapasakamay ng mga kriminal at may diperensya sa pag-iisip ang mga mapaminsalang baril o anumang sandata

3. dapat parusahan ng mabigat ang mga hindi nagpapatupad ng batas

Related Blog Posts/Articles:

Bayolente ba ang mga Pilipino?

Ipagpapatuloy ko lang ang pagsasabi-sabi tungkol sa karahasan sa Pilipinas na dulot ng mga baril, loose firearms to be eksak. (Pangangatawan ko na ang pagtalakay sa topic na ito ngayong Enero. May 2 posts pa akong natitira tungkol dito ūüėÄ )

Ayon sa isang statistic, kasama ang Pilipinas sa ranking ng “Worst Countries for Firearms Related Deaths” sa buong mundo. Hindi kasama sa ranking na ito ang mga bansang may kasalukuyang digmaan o giyera na nagaganap.

Death by Firearms Around the World (Source: Forbes.com)
1. El Salvador
2. Jamaica
3. Honduras
4. Guatemala
5. Swaziland
6. Colombia
7. Brazil
8. Panama
9. Mexico
10. Philippines
11. South Africa
12. United States

Mapapansin sa listahang ito na tayo lang ang galing sa Asia at mas mataas pa ang rate natin sa US.

Sa isa pang survey naman na ginawa ng GunPolicy.org, lumilitaw din na mas mataas ang rate ng gun homicide sa Pilipinas kesa sa US.

gunpolicyorg chart

Bakit ba kahit mga small-time holdaper na nanghoholdap ng mga pobreng pasahero ng dyip ay may baril? Para na lang bang celphone ang baril ngayon? Kapresyo na lang ba ng load ang mga bala ng baril?

Sa Pilipinas, ano ang kasiguruhan natin na hindi tayo malalagay sa ganitong mga pangyayari?

1. pagbagsak ng bala ng baril sa ating bubungan habang tayo ay natutulog
2. matamaan ng bala mula sa nagbabarilang pulis at kawatan sa kalsada
3. mabaril ng isang naghuhuramentadong siraulo sa kalye
4. maging sacrificial hostage ng mga masasamang loob
5. mapagkamalan ng mga gun for hire killers

Halimbawa bang maraming marami na tayong hawak na baril eh bababa na ang tsansa natin na ma-involve sa mga insidenteng nakasaad sa taas? Paano yung mga bata? Dapat na rin ba silang pabaunan ng baril kapag umaalis ng bahay?

Sapat na ang dami ng kolesterol na kinakain natin sa araw-araw para malagay tayo sa bingit ng kamatayan. Hindi na natin kelangan ng mga baril para dumagdag pa dito. Sa mga kinauukulan, sana naman po, mabigyan na natin ito ng pangmatagalan na solusyon.

So, bayolente ba ang mga Pilipino? Mahirap pa rin masabi, dahil naniniwala pa rin akong marami ang peace loving people sa ating mga kababayan.

Pero kung gusto mong maka-meet ng mga bayolente, subukan mong mag-post ng anti-Filipino message sa iyong twitter, facebook, instagram o youtube account.

hindi galit

Recommended Articles:

Kelangan Natin ng Kontrol

Gun control…kelangan natin ng gun control. Total gun ban man o mas pinaigting na gun control.

Meron akong bayaw na naholdap sa jeep. Tinutukan s’ya ng baril kaya hindi s’ya nakapalag. Buti na lang nakuhanan lang s’ya ng celphone at walang nangyaring¬†masama sa kanya pero ilang araw s’yang nasa state of shock pagkatapos ng insidenteng iyon.

Sa loob ng jeep. Mantakin mo ‘yon. Sa loob ng jeep?
Eh wala namang mayamang sumasakay ng jeep ah.
Kahit sa halagang 150 pesos yata eh pwede na ikamatay kung hindi ito ibibigay.

Kung sanang kutsilyo ang gamit ng mga kawatan eh madali pa silang matatakbuhan o pwede rin silang labanan kung mabilis ka sa kung fu.

Pero kapag baril ang hawak nila, sila ang hari.

Hindi ko pa rin alam kung paanong nangyari na mas madali magkaroon ng baril sa ating bansa na marami ang nagsasabing mahirap sila, nagugutom at walang pinagkakakitaan.

Ang alam ko ay nangangailangan pa rin ng pera para makakuha ng baril at hindi naman libre sa set ang mga bala. So, bakit marami ang may hawak na baril?

Walang may baril sa aming pamilya at last akong nakahawak ng baril ay nuong batang bata pa ako nang ipahawak ng aming kapitbahay ang kanyang 0.38 yata yun na baril sa akin.

Mabuti na lang at hindi ko ipinutok sa ulo n’ya ‘yung baril sa pag-aakalang laruan¬†lang ito. Ngayon ko lang naisip kung gaano ka-reckless ang ginawa n’yang iyon.

Kaya kung magkakaroon man ng total gun ban ay hindi apektado ang aking pamilya. Dahil wala nga kaming pag-aaring baril in the first place. ¬†Mula’t mula pa ay delikado na kami sa mga taong may legal o illegal na pag-aaring baril.

At sa tingin ko ay marami din ang mga katulad namin na pamilyang uunahin pang bumili ng pagkain kesa bumili ng mga baril at mga bala nito.

israel houses
dapat yata ang mga bahay sa pilipinas ay igaya sa mga bahay sa israel para walang tumagos na bala sa loob ng bahay (ginoogle na picture)

Marami ang tutol sa total gun ban lalo na yung nagkaroon na ng first hand encounter sa karahasan na laganap sa paligid natin.

Sinasabi ng ilan na hindi sagot ang total gun ban sa problema ng krimen. Na ang mga kriminal ay hahanap at hahanap pa rin ng ibang paraan para makapaghasik ng lagim, may baril man o wala.

Eh para saan pa yung total gun ban na ipinapatupad kapag election period?
Ano ba ang layunin ng patakarang ito? Hindi ba para pababain ang krimen?

Kung parati na lang walang silbi ang katwiran natin sa mga patakarang gustong ipatupad, mas mabuti kayang huwag na lang magpatupad ng kahit na anong batas ang ating pamahalaan?

Meron pang mga nagsasabi na kulang pa ang baril kaya nangyayari ang mga karahasang ito. Kung sakali bang bibigyan natin ang lahat ng mga tao ng access sa baril ay magiging ligtas na tayo at ang ating mga mahal sa buhay sa karahasan at pinsalang dulot ng mga baril?

Kaya kung matagumpay na maipapatupad ang gun ban sa election period, sana ipatupad na lang ito sa mas mahabang panahon. Mga 3 months before and after ng election. Bale 6 months na total gun ban sa buong Pilipinas every 3 years. O kaya, 1 entire year of total gun ban every election year.

Idagdag na rin yung total gun ban tuwing December at January.

Sa laganap na loose firearms, ang kaligtasan ng lahat ay hindi sigurado, law abiding citizen ka man, maimpluwensyang tao man, kahit na nga yung mga kawatan mismo.

Okay, everybody, repeat after me…

Walang saysay ang umasenso sa Pilipinas kung buhay natin ang kapalit nito
(Walang saysay ang umasenso sa Pilipinas kung buhay natin ang kapalit nito)

What’s fun sa Pilipinas kung lagi tayong may agam-agam sa ating kaligtasan
(What’s fun sa Pilipinas kung lagi tayong may agam-agam sa ating kaligtasan)

Walang kabuluhan ang humikayat ng mga dayuhang bumisita sa atin kung hindi na nga natin masiguro ang kaligtasan natin sa Pilipinas eh iisipin pa natin ang kanilang kaligtasan
(Ang haba naman…)

Recommended Blog Articles:

Isyu ng Karahasan

Ang isyu ng kriminalidad at karahasan ay kasing laki ng isyu ng katiwalian sa ating bansa. Wala akong statistical data sa bagay na iyan pero nang ipinanganak ako sa Pilipinas ay inabutan ko na ang mga ito at nananatili pa rin magpa-hanggang ngayon.

Nitong nakalipas na selebrasyon sa pagsapit ng bagong taon nangyari ang kalunus-lunos na pagkamatay ni Stephanie Nicole mula sa stray bullet.

Bagamat taun-taon na lang may namamatay sa stray bullet tuwing sinasalubong ang pagpasok ng bagong taon, napansin ko na mas maingay ang mga tao ngayon at ang media sa pagkondena ng pangyayaring ito.

Magandang indikasyon ito na hindi pa tuluyang namamanhid ang mga mamamayan sa karahasan na nangyayari sa ating paligid. Nakadagdag pa sa panawagan ng mahigpit na gun control ang mga insidente ng pamamaril sa Cavite kamakailan.

baril at mga bala
kapag may magka-away ba, barilan na kaagad? hindi ba pwedeng sapakan muna? (http://wallsdl.com/wallpaper/gun-guns-ammo/)

Hindi ko lang mawari kung bakit tila baga tahimik ang blogosperyo at ang maraming Pinoy Bloggers tungkol sa isyung ito.

Maraming nagpost ng kani-kaniyang opinyon tungkol sa Anti-Cybercrime Law at maging tungkol sa RH Bill (na isa ng batas ngayon) subalit hindi ko kinakikitaan ng parehong uri ng passion ang mga kapit-bloggers patungkol sa isyu ng karahasan o gun control sa ating bansa.

Naging kabi-kabila din ang mga post na pare-pareho ang topic nung pumasok sa finals si Jessica Sanchez sa American Idol, pati nung kumalat ang video ni Amalayer, at nung ma-knock out si Manny Pacquiao.

Pero nung maging maalingasngas ang usapin ng gun control recently eh halos wala akong namataang nagbo-blog ng reaksyon patungkol dito. Naiisip ko tuloy kung “taboo” ba ito sa blogosphere?

Bago lang ako sa pag-blog (9 months, baguhan pa bang matatawag iyon?) kaya hindi ko alam kung meron bang unwritten rule para huwag mag-express ng opinyon tungkol sa karahasan sa ating bansa partikular na sa mga karahasang involved ang loose firearms.

Medyo alangan tuloy akong gawing topic ito sa aking blog post. Pero bahala na. Hindi na popular na topic, kung hindi popular.

Ang post ko sa mga susunod na araw ngayong Enero ay tungkol sa usapin ng karahasan¬†sa ating bansa, kaya patatawarin po sa mga maaaring ma-offend ng paksang ito. Express n’yo na lang po ang inyong reaksyon sa comment section or ignore n’yo na lang po ako for 1 month ūüôā

Iba-iba ang opinyon natin patungkol sa karahasang dulot ng mga baril, pero naniniwala ako na napakaraming Pilipino pa rin ang pro-peace at anti-violence. Naniniwala akong lahat ng taong nasa tamang pag-iisip ay naghahangad na mabuhay ng ligtas at payapa sa Pilipinas.

Magandang pag-usapan ang isyung ito habang mainit pa dahil ilang weeks from now eh matatabunan lang ang isyung ito ng iba pang usapin. Mauungkat lang ulit kapag meron na namang kalagimang naganap.

Sana ay mas marami pang Pinoy Bloggers ang magpahayag ng kani-kanilang opinyon patungkol sa isyung ito ng karahasan sa ating bansa dulot man ng baril o karahasan in general.

Maiparinig sana natin ang ating boses sa kani-kaniya nating blog. Lahat tayo sampu ng ating mga mahal sa buhay ay potensyal na biktima ng karahasan sa ating bansa.

Nararapat lang na ipaalam natin sa madla, sa media at lalo na sa mga kinauukulan (na maaaring makabasa nito) ang katayuan, pananaw o panawagan natin para sa ligtas at
hindi bayolenteng Pilipinas.

warlord politicians
http://www.philstar.com/opinion/2012/11/06/863720/editorial-dismantle-them

Wala tayong private armies, wala tayong personal bodyguards, public transport lang ang marami sa atin. Hindi tayo nagpipirmi sa isang bullet proof na hawla. At tuwing lumalabas tayo, ang mga musmos nating anak, ang sweetheart natin, ang mga magulang natin, nae-expose tayo sa panganib ng karahasan sa Pilipinas.

Kahit nga nasa bahay lang, delikado na rin tayo sa mga panahong ito.

Ang isyu ng karahasan ay isyung umaapekto sa ating lahat at dapat nating i-pressure ang pamahalaan at lahat ng kinauukulan na gumawa ng mga hakbang para protektahan ang karapatan nating mabuhay ng ligtas at malayo sa krimen.

Sa mga hindi interesado sa topic na ito, isang taos puso pong paumanhin.

Maligayang 2013 sa Ating Lahat!

Hello kaPinoy. Isang maligayang bagong taon sa iyo. Ang tagal kong hindi nakapag-update ng blog na ito. Napasarap masyado sa bakasyon.

Umuwi ako sa Pilipinas for 2 weeks at nakalimutan kong may blog pala ako hehe joke. Hirap lang talaga makapag-update kapag bakasyon mode. Paumanhin sa mga hindi ko na-replyan agad sa comment at hindi ko nabisitang post for the nagdaang weeks.

Medyo bangag pa ako sa bakasyon kasama ang aking mag-ina at mga kaanak. Pakiramdam ko’y wala pa ako sa aking sarili at hindi makapaniwalang nasa ibang bansa na naman pala ang aking katawan. (Ang puso’t isipan ko’y nasa Pilipinas lagi.)

Naghahanap na nga ako ng raket, este mapagkakakitaan sa Pilipinas para makapag-retire na ako sa pagiging OFW at nang makapiling ko na lagi ang aking pamilya.

balikbayan goods from pinas
hindi maaaring kalimutan magbaon ng pinoy goods pagkatapos magbakasyon sa atin

Syempre hindi maaaring mawala ang mga baong wet at dry goods mula sa Pilipinas pagkatapos ng bakasyon. Sa tingin ko minsan eh dapat bawas-bawasan ko ang pinagbibili ko dahil bumibigat ang karga ko dahil sa mga ito. Pakiwari ko’y magkaka-hernia ako sa pagbubuhat ng mga bagahe ko.

Pero nakakatulong ako sa ekonomiya ng Pilipinas kaya ayus lang. Gawan ko na lang ng paraan pag nadisgrasya ang pinanggagalingan ng testosterone hormones ko.

Ang kaugalian na magbaon ng goods mula sa sariling bansa ay hindi unique sa mga Pilipino. May alam akong mga Amerkano, Indian, Korean, Australian at iba pang lahi na kahit nasa ibang bansa ay sadyang nagtatabi ng pagkain o anumang goods mula sa kanilang sariling bayan. Mahirap talaga mapahiwalay sa nakasanayan (lasa, entertainment, kemikals atbp.).

Sa tuwing umuuwi din ako ay marami akong pinapansin sa paligid. Ilan sa mga napansin ko ngayong bakasyon ang mga sumusunod:

  1. Mabilis ang immigration process sa airport para sa mga arriving passengers
  2. Malinis na ang banyo sa arrival area ng airport
  3. Kahit saan mapadpad sa syudad, may makakainan
  4. Napakaraming naglipanang “For Registration” na sasakyang tumatakbo sa kalsada
  5. Mahilig pa rin magsipag-hi beam ang maraming mga sasakyan sa gabi
  6. Marami sa mga pagkaing pang-holiday ang masama sa puso
  7. Marami na ang naglipanang campaign materials sa mga pader, bubong at poste
  8. Kakaunti na lamang ang nagpapaputok sa amin (matipid na, ligtas pa)
  9. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay nasa ibang bansa na
  10. May mga bagay na mas magastos pa sa Pilipinas kesa presyo ng ibang bansa

Marami rin akong nakuhang mga bagong idea para sa future posts ng blog na ito. Kelangan ko lang ay oras at concentration ūüėÄ

Masaganang pagpapala sa ating lahat ngayong 2013!