Kasalukuyang Mga Senador ng Pilipinas

June 2019 Update – Naiproklama na ang mga bagong Senador

Narito ang listahan ng mga Kasalukuyang Senador ng ating bansa:

Senate President: Vicente C. Sotto III
Senate President Pro-Tempore: Ralph G. Recto
Majority Floor Leader: Juan Miguel “Migz” F. Zubiri
Minority Floor Leader: Franklin M. Drilon

1. Franklin “Frank” M. Drilon
Term: 2016-2022

2. Emmanuel Joel Villanueva
Term: 2016-2022

3. Vicente “Tito” C. Sotto III
Term: 2016-2022

4. Panfilo “Ping” M. Lacson, Sr.
Term: 2016-2022

5. Richard “Dick” J. Gordon
Term: 2016-2022

6. Juan Miguel “Migz” F. Zubiri
Term: 2016-2022

7. Emmanuel “Manny” D. Pacquiao
Term: 2016-2022

8. Ana Theresia “Risa” Navarro Hontiveros-Baraquel
Term: 2016-2022

9. Francis Pancratius “Kiko” N. Pangilinan
Term: 2016-2022

10. Sherwin “Win” T. Gatchalian
Term: 2016-2022

11. Ralph G. Recto
Term: 2016-2022

12. Leila Norma Eulalia Josefa M. de Lima
Term: 2016-2022

13. Cynthia A. Villar
Term: 2019-2025

14. Mary Grace Poe – Llamanzares
Term: 2019-2025

15. Christopher Lawrence “Bong” T. Go
Term: 2019-2025

16. Pilar Juliana “Pia” S. Cayetano
Term: 2019-2025

17. Ronald “Bato” M. dela Rosa
Term: 2019-2025

18. Juan Edgardo “Sonny” M. Angara
Term: 2019-2025

19. Manuel “Lito” M. Lapid
Term: 2019-2025

20. Maria Imelda Josefa “Imee” R. Marcos
Term: 2019-2025

21. Francis N. Tolentino
Term: 2019-2025

22. Aquilino “Koko” dela Llana Pimentel III
Term: 2019-2025

23. Ramon “Bong” Revilla, Jr.
(Real name: José Maria Mortel Bautista Jr.)
Term: 2019-2025

24. Maria Lourdes Sombillo “Nancy” Binay-Angeles
Term: 2019-2025

Narito ang ilan sa mga tungkulin ng mga Senador:
  • Humarap sa kanilang lupon para madinig sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang katungkulan
  • Magdeklara ng kundisyon ng giyera ayon sa boto ng 2/3 ng pinagsamang pagpupulong ng senado at kongreso
  • Sa panahon ng giyera o sakuna, maaaring bigyan ng kongreso ang Pangulo ng kapangyarihan para tugunan ang sitwasyon, maaari din itong bawiin ng kongreso
  • Isaad ang paglalaanan ng mga espesyal na pondo at siguraduhing may mapapagkunan nito ayon sa pambansang ingat-yaman o di kaya ay nararapat na kalapin sa naaayon na pagbubuwis
  • Gampanan ang kanilang tungkulin sa mga komiteng itinalaga sa kanila
  • Magtalaga ng sistema para imungkahi o tanggihan ng taumbayan ang isang batas na ipinasa ng kongreso alinsunod sa pamamaraan ng pagmungkahi o pagtanggi
  • Isaad ang katangian ng mga hukom para matangap sa mababang hukuman
  • Tanggihan o pahabain ang martial law na ideneklara ng pangulo
  • Linawin ang limitasyon at sakop ng mga korte ng hustisya maliban sa pinakamataas na korte o kataas-taasang hukuman
  • Mag-impeach ng pangulo, ikalawang pangulo, miyembro ng punong kahukoman, miyembro ng komisyon ng konstitusyon at ang ombudsman
  • Magmungkahi ng mga karagdagan o amyenda sa mga umiiral na batas
  • Magmungkahi ng mga pagbabago sa konstitusyon

References:

Advertisements

Preamble of 1987 Constitution

Ito ang panimula ng kasalukuyang Konstitusyon ng ating bansa. Para bang panata para sa ating Konstitusyon.

Tagalog

Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito.

English

We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.

Republic of the Philippines 1987 Constitution Link:
Tagalog dito
English here

Kasalukuyan at Dating mga Pangulo ng Pilipinas

July 2016 Update – Nanumpa na si Rodrigo Duterte bilang ika-16 Pangulo sa Kasaysayan ng Pilipinas.

*************************************************************

Narito ang listahan ng mga naging Pangulo ng ating bansa mula nung lumaya tayo sa pamamahala ng mga Kastila.

UNANG REPUBLIKA

1. Emilio Aguinaldo (1st President)
(1869-1964)
Mula: January 23, 1899
Hanggang: April 1, 1901

COMMONWEALTH

1. Manuel L. Quezon (2nd President)
(1878-1944)
Mula: November 15, 1935
Hanggang: August 1, 1944

IKALAWANG REPUBLIKA
(1943 Constitution ng Japan)

1. José P. Laurel (3rd President)
(1891-1959)
Mula: October 14, 1943
Hanggang: August 17, 1945

2. Sergio Osmeña (4th President)
(1878-1961)
Mula: August 1, 1944
Hanggang: May 28, 1946

IKATLONG REPUBLIKA

1. Manuel Roxas (5th President)
(1892-1948)
Mula: May 28, 1946
Hanggang: April 15, 1948

2. Elpidio Quirino (6th President)
(1890-1956)
Mula: April 17, 1948
Hanggang: December 30, 1953

3. Ramon Magsaysay (7th President)
(1907-1957)
Mula: December 30, 1953
Hanggang: March 17, 1957

4. Carlos P. Garcia (8th President)
(1896-1971)
Mula: March 18, 1957
Hanggang: December 30, 1961

5. Diosdado Macapagal (9th President)
(1910-1997)
Mula: December 30, 1961
Hanggang: December 30, 1965

IKAAPAT NA REPUBLIKA
(Kilusang Bagong Lipunan)

1. Ferdinand Marcos (10th President)
(1917-1989)
Mula: December 30, 1965
Hanggang: February 25, 1986

IKALIMANG REPUBLIKA
(1987 Constitution)

1. Corazon Aquino (11th President)
(1933-2009)
Mula: February 25, 1986
Hanggang: June 30, 1992

2. Fidel V. Ramos (12th President)
(born 1928)
Mula: June 30, 1992
Hanggang: June 30, 1998

3. Joseph Estrada (13th President)
(born 1937)
Mula: June 30, 1998
Hanggang: January 20, 2001

4. Gloria Macapagal-Arroyo (14th President)
(born 1947)
Mula: January 20, 2001
Hanggang: June 30, 2010

5. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III (15th President)
(born 1960)
Mula: June 30, 2010
Hanggang: June 30, 2016

6. Rodrigo “Digong” Roa Duterte (16th President)
(born 1945)
Mula: June 30, 2016
Hanggang: Incumbent

Ilang Mga Tungkulin at Kapangyarihan ng Pangulo
  • Commander in chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
  • Pinuno ng ehekutibong sangay ng Pamahalaan (kabilang ang mga Cabinet at lahat ng mga Kagawaran)
  • Tanggihan ang bagay na paglalaanan ng pondo o sistema ng pagbubuwis
  • Magtalaga ng bagong ikalawang pangulo mula sa kongreso at sa pahintulot ng nakararami sa kongreso kapag nabakante ang posisyon ng ikalawang pangulo
  • Depende sa pagsang-ayon ng kumisyon ng pagtatalaga, italaga ang mga pinuno ng mga sangay na tagapagpaganap, kinatawan sa ibang bansa, pampublikong kinatawan, ilang opisyal ng kasundaluhan, at iba pang posisyon sa gobyerno ayon sa konstitusyon
  • Mangangasiwa sa lahat ng sangay ng gobyerno at siguraduhing lahat ng batas ay nasusunod
  • Mamuno sa buong kasundaluhan at pakilusin ang mga sundalo kung kinakailangan
  • Ipataw ang Martial Law o bawiin ang Writ of Habeas corpus sa loob ng 60 araw sa panahon ng pananakop o pag-aaklas
  • Mangontrata para sa pondo o pangungutang ng gobyerno sa pakikipag-ugnayan sa Lupon ng Pananalapi
  • Magpasa sa kongreso ng badyet at pagkukunan ng pondo para dito
  • Magtalaga ng mga miyembro ng punong hukom at mga hukom ng mababang hukuman
  • Magbigay ng mga utos sa pagpapaganap ng katungkulan ng gobyerno at mga sangay nito
  • Paganahin ang kapangyarihan sa mga dayuhan sa loob ng bansa
  • Kumpiskahin ang pribado o pampublikong ari-arian ng may ampat na kabayaran para sa kapakanan ng lipunan gamit ang maayos na pamamaraan ng batas
  • Ilaan ang pampublikong lupa para gamitin ng publiko

References:

Mga Konstitusyon ng Pilipinas

Kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:

Ang Konstitusyon ng 1987 ay inaprubahan ng 1986 Constitutional Commission nuong Oktubre 12, 1986. Ito ay hinatid kay dating Pangulong Corazon Aquino nuong Oktubre 15, 1986 at niratipika nuong Pebrero 2, 1987. Ipinahayag at ipinatupad nuong Pebrero 11, 1987.

Mga nakalipas na konstitusyon ng Pilipinas:

1. Ang 1899 Malolos Constitution
Inaprubahan ng Malolos Congress nuong November 29, 1898, isinauli ni dating Pangulong Aguinaldo nuong Disyembre 1, 1898 para maamyendahan subalit tinanggihan ng Kongreso; inaprubahan ng Pangulong Aguinaldo nuong Disyembre 23, 1898; ipinatupad nuong Enero 21, 1899.

2. Ang Philippine Organic Act of 1902
Isinabatas ng United States Congress nuong July 1, 1902

3. The Jones Law of 1916
Isinabatas ng United States Congress nuong Agosto 29, 1916.

4. Ang 1935 Constitution (Unang Bersyon)
Inaprubahan ng 1934 Constitutional Convention nuong Pebrero 8, 1935 at inayunan ng Pangulo ng Amerika nuong Marso 25, 1935, at niratipika sa pamamagitan ng plebisito nuong Mayo 14, 1935.

5. 1935 Constitution (Inamyendahang Bersyon)
Inamyendahan nuong Hunyo 18, 1940 at nuong Marso 11, 1947.

6. Ang 1943 Constitution
Inaprubahan ng Preparatory Committee on Philippine Independence nuong Setyembre 4, 1943 at niratipika ng KALIBAPI Convention nuong Setyembre 7, 1943.

7. Ang 1973 Constitution (Unang Bersyon)
Hinatid ng 1971 Constitutional Convention ang draft kay dating Pangulong Marcos nuong Disyembre 1, 1972; niratipikahan ng Citizens’ Assemblies nuong January 10-15, 1973. Ipinahayag at ipinatupad nuong Enero 17, 1973.

8. Ang 1973 Constitution (Inamyendahang Bersyon)
Inamyendahan nuong Oktubre 16-17, 1976, Enero 30, 1980, at Abril 7, 1981.

9. Ang 1986 Freedom Constitution
Ipinasinaya sa pamamagitan ng Presidential Proclamation nuong Marso 25, 1986.

Reference:
http://www.gov.ph/the-philippine-constitutions/

Panatang Makabayan

Ang pagsambit ng Panatang Makabayan ay ipinatupad na batas sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado kung saan ang karamihan ng mga mag-aaral ay mga Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng Republic Act 1265 na naging batas nung Hulyo 11, 1955. Inimplement ang batas sa mga paaralan sa pamamagitan ng Department Order No.8 ng Department of Education na inaprubahan naman noong Hulyo 21, 1955.

———————————————————————–

Kasalukuyang Opisyal na Bersyon (Nov.2001 Revision)

Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.

Orihinal na Salin

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang
Makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot
At nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita at sa gawa.

Lupang Hinirang

Lupang Hinirang
Lupang Hinirang (Photo credit: Siopao Master)

Narito ang lyrics ng ating Pambansang Awit:

Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim,

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo,
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa iyo.

*******************************************

Kahulugan ng mga liriko (The Pinoy Site translation):

Bayang magiliw,
Ang bayan natin ay mapagmahal

Perlas ng Silanganan
Sa silangang bahagi ng daigdig, ang Pilipinas ay parang perlas sa dagat ang kagandahan

Alab ng puso,
Ang parang nagliliyab na “passion”

Sa dibdib mo’y buhay.
ay nananalaytay sa dugo ng mga Pilipino

Lupang Hinirang,
Ang bansa natin ay pinili (annointed land)

Duyan ka ng magiting,
Tayo ay bansa ng matatapang

Sa manlulupig,
Sa mga mananakop

Di ka pasisiil.
Hindi tayo magpapatalo

Sa dagat at bundok,
Sa mga karagatan at sa mga kabundukan

Sa simoy at sa langit mong bughaw,
Maging sa hangin at sa malawak na kalangitan
(Kahit saan ka naroon)

May dilag ang tula,
Makikita ang taglay na ganda ng mga tula

At awit sa paglayang minamahal.
Pati na ang mga awitin tungkol sa kalayaan na gustung-gusto natin makamit

Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning,
Ang bandila natin ay makikita ng lahat at walang makakapigil sa pagwawagayway nito

Ang bituin at araw niya, kailan pa ma’y di magdidilim,
Ang mga probinsya, lalawigan, kabilang na ang mga isla ng Pilipinas ay hindi mababalot ng kasamaan.

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta,
Ang Pilipinas ay lupain ng glory at love

Buhay ay langit sa piling mo,
Parang nasa paraiso kapag nabuhay sa Pilipinas

Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Kaligayahan ng mga Pilipino na kapag merong nambu-bully sa Pilipinas

Ang mamatay ng dahil sa iyo.
Ay nakahanda kaming mamatay para sa pagtatanggol ng bansa.

Advertisements
%d bloggers like this: