All posts by ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

BALIKBAYAN BOX: The Extreme Version

Narito ang isang lumang joke na pinagpasa-pasahan namin sa email nung hindi pa uso ang Facebook. Dumaan na ito sa iba’t ibang version pero makikita pa rin dito ang paglalarawan sa Balikbayan Culture ng mga Pilipino.

*************************************************************

Balikbayan Box
Author: Unknown

balikbayan box

Registered nurse si Maria sa States. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Subalit namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong sa kanila, napansin ng mga kapamilya niya na tila namamaga ang mukha ng bangkay at nakadikit na ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, “Ay, naku! Tingnan mo ‘yan… hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!”

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan nila ang kabaong. Napansin nila na may sulat sa dibdid ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ito ang nilalaman ng liham na nagmula kay Maria:

Mahal kong itay at mga kapatid,

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang inay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe.

Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni inay ang mga sumusunod…

Nasa likod ni inay ang dalawampu’t apat na karne norte. Ang Adidas na suot ni inay ay para kay itay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni inay. Tig-iisa kayo.

Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwitan ni inay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi matunaw ang mga ito. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni inay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata.

Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, original Japanese version ng pokemon trading cards at stickers.

Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni inay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigda-dalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni inay ay para sa mga anak mo, dikong, na nagba-basketball.

Tigda-dalawang ream ng Marlboro green at Winston lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kili-kili ni inay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni inay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo itay, suot-suot ni inay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, itay.

May isiniksik akong zip-loc sa bunganga ni inay na naglalaman ng 1000 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo, Kuya, para pag namatay si itay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni inay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nail cutter kay Jay, yung bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Isang Ray-Ban ladies sunglass na pa-birthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay inay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni inay. Nasa pink na plastik na maliit. Mga Chanel at Champion na medyas, suot suot din ni inay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.

Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga Scotch Brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels… Yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin kayo. Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausage na delata, barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoons and forks, paper at styrofoam plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soaps, matchbox toys, used t-shirts, hand towels, CD, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. na hindi ko na na-itemize dahil nagmamadali ako at graveyard shift ako ngayon.

Marami pa sana akong ilalagay, kaya lang baka mag-excess na ang timbang at si inay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, itay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay inay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.

Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Maria

P.S. Pakibihisan ninyo agad si Inay!

Advertisements

Funeral Service Businesses, Patok sa Pilipinas

Mandaluyong, Philippines – Naghahanap ka ba ng magandang negosyo? Kasalukuyang umuunlad diumano ang mga funeral businesses sa bansa ayon sa Business Insider Asia.

pilipinas funeral service
patuk na patok na negosyo sa Pilipinas ang funeral services

Bukod sa mga punerarya, nakikita ring nagbu-boom ang business ng mga sementeryo at cremation services para sa mga bangkay.

Nagkakaroon na rin ng mataas na demand para sa mga sepulturero at embalsamador na dumoble ang monthly salary at benefits kumpara sa standard compensation nitong nakalipas na limang taon.

Sa isang panayam ng The Pinoy Site, sinabi ni Mang Kandoy, 51, embalsamador, “Opo, totoo pong malaki ang kita naming mga embalsamador at hindi kami nawawalan ng trabaho. Nagpapadami po sa trabaho namin yung mataas na antas ng krimen sa bansa natin ngayon.”

Kinumpirma naman ng isang cremation service owner na 60% ng mga bangkay na kanilang kini-cremate buwan-buwan ay namamatay sa kriminalidad kagaya ng mga biktima ng riding in tandem, rape slay, away kalye at iba pang mga gun related at drug related violence.

Tinuran ng mga funeral service owners na ang natitirang 40% sa kanilang mga “kliyente” ay yung mga namatay sa aksidente, sakuna o sakit.

Itinanggi naman ng PNP na tumataas ang kriminalidad sa bansa at iginiit na isolated cases lamang ang lahat ng krimeng nangyayari sa Pilipinas.

Inaasahan ng mga funeral service owners na lalong magbu-boom ang kanilang business ngayong papalapit na ang 2016 elections dahilan sa tradisyunal na tumataas ang rate ng violence sa lahat ng parte ng bansa tuwing eleksiyon.

********************************************

Note: Ang balitang ito ay walang katotohanan at kathang-isip lamang.

Some Random Stuff You Might Find Out While Visiting the Philippines

Here are some random stuff you might find weird, questionable or inconvenient but totally common in my country. So please prepare yourself (emotionally and physically) if you think that is necessary.

  1. basic services are a privilege and not a right
  2. electricity and water could be disrupted sometimes
  3. hot water bath is not common in Filipino homes (hotels have them)
  4. there will be insects/bugs almost anywhere you go (yes, that includes cockroaches)
  5. if you’re male and you notice a sudden rise in popularity among the girls, they’re most probably after your money and not your body
  6. service crews everywhere you go will expect to get a tip from you for doing their job
  7. you are expected to be wealthy wherever you go
  8. people use hi-beams with their car during night-time even when they’re on regular streets (yes, we blow horns too)
  9. when you buy stuff, you might not get all the (coin) change you deserve
  10. people love karaoke (also called videoke) and depending on where you are staying, you may hear it throughout the night
  11. some men drink with their buddies outside their house or even if it is on the side of a roadway
  12. air pollution is terrible in densely populated cities (take necessary measures if travelling with kids, infants or if you are sensitive to air pollution)
  13. people will ask/dare you to eat balut
  14. internet/wifi is slow in most places
  15. most Filipinos cannot eat their meals without rice
  16. you will find it very uncommon to eat with a knife and fork
  17. most men do not use an umbrella even when it is raining
  18. guys could go out a short distance from their house without wearing a shirt on
  19. many homes have at least one family member outside the country that supports them financially
  20. cellphones are among the basic commodities of the people
  21. no matter what students or teachers tell you, basketball IS the national sport
  22. all the parts of a chicken can be cooked and eaten (nothing goes to waste)
  23. not all homes have flushes for their toilets (don’t worry most hotels do)
  24. floods caused by rain in some cities could reach up to 1 meter (3 feet) high
  25. traffic congestions inside Manila could stall cars for 1 to 3 hours
  26. the very long queue of people taking the MRT is an everyday occurence
  27. posters, banners, billboards of Politicians could be seen in almost any city you go
  28. drinking water may be bought in gallons from water purifying stations/shops
  29. you may get extra special treatment anywhere you go just for being a foreigner
  30. most people will smile while talking to you and that is despite whatever current condition they are in
smiling children
photo source: snipview.com

Why Visit or Live in the Philippines

You have probably read or heard many good reasons to visit the Philippines like the beaches or the warm weather. But here are some more reasons to visit the country that you probably do not often hear or read about.

1) Low cost of living

According to a survey, the Philippines is one of the countries with low costs of living.

I think at least half’s worth of your airplane and hotel costs combined together will be the worth of what you will save by taking advantage of the cheaper but good quality services available in the Philippines.

However, there is a possibility that you will be charged slightly higher compared to how much they charge the locals but you can negotiate.

2) Service fees (dentist, barber, car wash, etc.)

For less than $2, you can have a nice clean cut in 15 minutes or less! Sometimes, with an after massage as free added service.

Other service products are relatively cheaper too, provided, you know where to avail of these services. Because as many as there are cheap services, there are also many expensive places to go to have these services.

I don’t know how much those fees cost in your country but if you live in one of the G20/OECD member countries, I am sure those listed above will be way too cheaper in the Philippines compared to your country.

3) Female Doctors/Gynecologists/Obstetricians/Pediatricians

Many female patients feel awkward or uneasy with male doctors. Countries like Japan, have more male doctors than female doctors (even for fields that tend to the female anatomy).

In the Philippines, there are many female medical practitioners that female patients could consult with. So if you are a female visiting the Philippines, why not have a simple check‐up or consultation with our lady doctors.

This might also be the reason why, in a survey of gender equality, the Philippines was ranked among the Top Ten countries.

4) Fruits

If you love fruits, you will not be disappointed in the Philippines because fruits here are dirt cheap (compared to prices of fruits in wealthy countries). As of this writing, you can have all the pineapple, melon, banana, coconut or mango you can eat each for just under US$3/kg (but I’m sure you cannot eat that much).

5) Philippine products

Products made in the Philippines are reliable. I recommend clothes and leather products made in the Philippines. They last longer than products made in other countries and they have cheaper prices than those you can buy in wealthy countries.

6) Volunteer, outreach, charity projects

I am not really proud of this but if you are a foreigner who wants to do some humanitarian activity, there are many places in the Philippines where you can do this. No thanks to our corrupt politicians and government agencies, government money is not used properly and basic government services in several areas are poor.

Places such as those devastated by natural calamities or poverty stricken areas could always need volunteers.

7) We speak English

You won’t have to worry if you get lost or can’t find your way. You can ask anyone and you will be able to read most of the signs anywhere you go.

8) We love foreigners

You can have an unfair advantage over locals when it comes to service quality, friendliness and hospitality. Do not be surprised when in certain situations, you will get a special treatment just because you’re a foreigner.

9) We have the most beautiful beaches

The Philippines is popular for its beautiful tropical beaches and this year, CNN has cited Palawan as a perfect sailing trip destination.

In another survey, Palawan was voted as the best island to visit according to CN Traveler. Vigan and Boracay on the other hand, were finalists for the New Seven Wonder Cities of the World for 2014.

10) Foreigners can easily adapt in the Philippines

A survey for expats have ranked the Philippines as one of the 14 best countries to raise a family. And in another survey, about 6 out of 10 expats were found to be integrating well in Philippine companies.

In 2014, the Philippines was honored the Destination of the Year for 2015 at the 25th Annual TTG Travel Awards by TTG (Travel Trade Gazette) Asia.

Also, Forbes have ranked the Philippines as one of the Top 20 retirement havens of 2015.

And these are only some of the reasons why you should visit the Philippines. Why not try and see it for yourself?

Dapat Nang I-boykot ng Pilipinas ang mga Produktong Tsina

Sa dami ng mga masasamang bagay na ginagawa ng Tsina sa Pilipinas, bakit ba hindi pa rin natin binoboykot ang mga produkto nila?

Hindi na dapat ipagpatuloy ng Pilipinas ang pagsuporta sa ekonomiya ng bansang Tsina kung saan ay ginagamit ang resources nila para i-bully tayo at ang ibang mga bansa.

boycott china products
huwag na nating tangkilikin ang mga gawang tsina…

Bukod sa pangangamkam na ginagawa ng Tsina sa mga isla at karagatan natin, narito pa ang ilang mga dahilan kung bakit dapat nating i-boykot ang mga produkto nila.

  1. Halos lahat ng mga hazardous na produkto (laruan, gamot, make-up, pagkain, etc.) ay nagmumula sa Tsina
  2. Ini-execute ng Tsina ang mga drug mule na Pilipino pero panay din naman ang pagpasok nila ng drugs sa ating bansa
  3. (Ayon sa mga sabi-sabi) Sinusuportahan ng Tsina ang mga Komunistang raliyista at mga rebelde sa ating bansa

Kung ibo-boykot natin ang mga produktong Tsina, narito ang mga bagay na maaaring mangyari.

Pro’s

  • mababawasan ang unsafe products sa merkado
  • mababawasan ang income ng Tsina mula sa kanilang export
  • less income ng Tsina, less military funds
  • magiging mas masigla ang ekonomiya ng mga lokal na produkto kapag made in the Philippines ang binili
  • mababawasan ang unemployment kapag naging mas maunlad ang mga lokal nating negosyante
  • mas maunlad na local business means more employment and more purchasing power para sa mga mamamayan
  • more purchasing power, more healthy economy
  • more healthy economy, more business opportunities for small entrepreneurs
  • more entrepreneurs, more government income
  • more government income, more benefit for pinoys

Con’s

  • mababawasan ang mga murang pirated na produkto

Mahirap sigurong ipatupad ang panukalang ito sa buong Pilipinas. Pero kahit man lang sana ang lahat ng government offices at agencies lang muna ang gumawa nito, as an example para sa lahat ng mamamayang Pilipino, okay na.

iboykot ang mga made in china

Paano Makapasa sa Engineering Kahit Hindi Ka Genius

Sabi nila genius lang daw ang kumukuha ng engineering.
Sabi nila magagaling lang sa math ang nakakapasa sa engineering.
Sabi nila dapat analytical ka mag-isip para mag-survive sa engineering.

Isang malaking KALOKOHAN!

engineering math
first 2 years mo pa lang sa engineering, makakakita ka na ng ganito…

May kilala akong highschool student ilang dekada na ang nakakalipas. Average student lang s’ya. Okay ang mga grades n’ya sa maraming subjects maliban sa math. Tuwing lumalabas ang report cards, pinakamababang subject n’ya lagi ay math.

Weakness n’ya ang math. Bwisit na bwisit s’ya sa math.

Nung magtapos s’ya ng highshool, hulaan mo kung ano ang kinuha n’yang course sa college? Tama, engineering! Civil Engineering pa nga eh to be exact.

Naisip kasi n’ya nuon na ang Engineering ay hindi nalalaos na propesyon. At tama s’ya. Ang mga engineers, ano mang field sila nag-especialize ay hindi nawawala sa uso. Kahit saang bansa ay kinakailangan ang mga engineers.

Dahil nanggaling sa mahirap na pamilya, naisip ng estudyanteng ito na magandang investment para sa kanyang kinabukasan kung makakapagtapos s’ya ng engineering. Kaya kahit alam n’yang hindi s’ya nage-excel sa math, kumuha pa rin s’ya ng engineering at hinarap ang isa sa mga kinatatakutan n’ya sa buhay – ang subject na math!

Hindi kailangang maging genius, analytical mag-isip o maging magaling sa math para mag-survive sa engineering.

Narito ang ilang tips kung paano makapasa sa kursong Engineering.

  1. Don’t sweat the minor subjects. Huwag ipag-walang-bahala ang mga minor subject. Kahit na maliliit lang ang mga units nito, panghatak din ito ng overall grades. At kung sakaling maisipan mong lumipat ng course, at least make-credit pa ang mga ito at hindi mo na kelangang kunin ulit.
  2. Mag-advance study. Kung may kilala kang estudyante na ahead sa iyo ng one o two years, hiramin / hingin / bilhin mo yung mga luma n’yang notes at test papers. Pag-aralan mo yung mga major subjects (Trigonometry, Algebra, Calculus, Differential Equations, etc., etc.) ahead of time para may panahon ang utak mo na i-absorb ang mga mahihirap na bagay na bubunuin nito sa malapit na hinaharap.
  3. Mag-aral mag-isa. Importanteng mag-aral muna mag-isa para malaman mo kung ano ang mga bagay na hindi mo alam at dapat mong pagtuunan ng pansin. Subukan mong mag-set aside ng sapat na oras para tingnan ang iyong mga notes, sumagot ng mga practice problems at ilista ang mga hindi mo naiintindihan.
  4. Mag-group study. Importante ang group study dahil nakakapag-share kayo ng mga alam ninyo at hindi ninyo alam. Pwede kayong mag-set ng iyong mga kaibigan ng oras, araw at lugar kung saan maggu-group study.
  5. Practice solving as many problems as possible. Para sa mga mahihina sa math, hindi sapat ang isa o dalawang practice problems para masabing kabisado mo na ang formula o ang isang computation method. Kailangan mong sumagot ng sangkatutak na problema na may iba’t ibang kundisyon at sitwasyon bago ka maging confident na alam mo na nga gamitin ang nasabing mathematical formula.
  6. Kabisaduhing mabuti ang sariling calculator. Ang pagpili ng calculator ay parang pagpili ng mapapangasawa. Pakaisipin mo munang mabuti kung ano ang pipiliin mo dahil matagal kayong magsasama. At kapag nakapili ka na ng right calculator for you, see to it na makikilala mo ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Alamin mong mabuti ang mga special functions n’ya, ang mga shortcuts, weaknesses and strengths. Pati yung mga secondary/tertiary button functions n’ya, alamin mo lahat as time passes. Commit to your calculator. Take good care of it. And it will not let you down.
  7. Durings tests, sagutin agad ang mga madaling problema. May mga nagpapayo na unahin muna daw ang mahihirap na questions sa mga test pero I never believed in that. Paramihan ng points ang test. Kaya para sa akin, answer as many problems as you can. Unahin muna ang mga madadali at tapusin ang mga ito as early as possible. Then, move on sa mga mahihirap at mabibigat na problema. Dun mo na ubusin ang oras mo. Hindi mo man matapos sagutin yung heavy problems, at least may points ka pa rin galing dun sa madadali.
  8. Kaibiganin ang mga henyo sa math. Tanggapin na natin na life is unfair. May mga gifted talaga sa math. Sila ang mga rockstar sa engineering. Pero don’t be bitter. Hindi naman komo lapitin sila ng mga magagandang kadalagahan o poging kalalakihan dahil magaling sila sa math eh wala na silang panahon sa ‘yo. Befriend them, be nice to them. Then, magtanong ka sa kanila paminsan-minsan tungkol sa mga hindi mo naiintindihan sa math.
  9. Unahin ang pag-aaral kesa sa anumang bagay. No need to explain. Gusto mong pumasa sa engineering nang walang bagsak? Bigyan mo ng mataas na priority ang pag-aaral at paghahanda para sa mga exams.
  10. Magdasal. Humingi ng talino, sipag, disiplina at pasensya sa ating Lumikha. Kahit mahina ka sa math, miracles can help you. Pero yung hindi ka mag-aaral at magdadasal ka na maipasa mo ang test, kahibangan yun on your part. Walang himalang mangyayari.

At sa habag at kabutihan ng ating Poong Lumikha, nag-graduate nga ang pobreng estudyante sa ating kuwento nang walang bagsak at minsan pa nga eh with flying colors. Yes, hindi rin n’ya kinailangang mangopya kapag merong test.

Hindi ko sasabihin na ako ang estudyanteng tinutukoy ko sa post na ito dahil ayokong amining mahina ako sa math.

Pero ang gusto ko lang sabihin ay hindi lang mathematical skills ang kailangan para magtagumpay sa math. Lalo na sa kursong kagaya ng engineering.

Hindi sapat na dahilan ang mahina ka sa math kaya igi-give-up mo na ang engineering course. Magagamit mo ang iba mong mga kakayahan at strong points para suportahan ang pag-aaral mo ng engineering. Medyo kailangan mo lang ng mas maraming oras para mag-aral kumpara sa mga gifted sa math.

Sa lahat ng nais maging engineer balang araw, hindi imposibleng mag-graduate sa engineering kahit na mahina ka sa math.

Marami ang kumukuha ng engineering, nagga-graduate, nakakapasa sa board exam at nakakahanap ng trabaho taun-taon kahit hindi magaling sa math.

Narito ang listahan ng grades na nagpapatunay sa aking mga sinasabi.

sample enginering grades
grades ng isang engineering student na mahina sa math…

Bakit Hindi Dapat Mangopya sa Klase

pandaraya sa eskwela

Yehey, pasukan na naman. May baon na naman, may crush na naman and may gimikan with friends na naman.

Kaya lang, may exams na naman. At pag may exam, panahon na naman ng dayaan para sa mga mandaraya at mapangopya. Para lang yung mga corrupt politicians kapag panahon ng eleksiyon.

Kapag lulong na ang isang tao sa isang masamang bagay eh nalilimutan na n’ya kung bakit kelangang ihinto ang kanyang masamang bisyo. Ganyan din ang nangyayari sa mga nandadaya o nangongopya kapag may exams.

Ang mga nalululong sa pandaraya at/o pangongopya eh hindi na alam kung bakit ito masama.

So, bakit nga ba masama ang mangopya? Narito ang ilang mga dahilan.

  1. Ang pangongopya ay isang paraan ng pagnanakaw.
  2. Ang pangongopya ay nagtuturo ng katamaran.
  3. Ang pangongopya ay pinagmumulan ng kawalang-disiplina.
  4. Ang pangongopya ay nagbibigay ng kalyo sa konsensya.
  5. Ang pangongopya ay nagtatanggal ng tiwala sa sarili.

Marami sa mga kilala kong mapangopya ang hindi nakapasa sa board exam at nahirapang makahanap agad ng trabaho.

Hindi lang simpleng dishonesty ang pangongopya, maraming bagay ang naapektuhan nito hindi lang sa personal nating buhay kundi pati na rin sa lipunang ginagalawan natin.

Para sa aking kapwa guardians (of the kabataan)

Bilang mga magulang, guro o tagapag-alaga, tungkulin nating masigasig na ituro sa ating mga kabataan ang pagiging tapat at pagsisikap para sa isang bagay, gaya ng pag-aaral ay mas gaganda siguro ang sitwasyon ng bansa natin.

Para sa mga kabataaang mag-aaral

Ang pagtuturo sa inyong mga kabataan na huwag mangopya ay pagtuturo din sa inyo na magpursige, magsikap, maging disiplinado, magbigay dangal sa sarili, maging tapat, sumunod sa batas, maniwala sa sarili at maging independent.

In essence, tinuturuan kayong magtagumpay sa buhay sa tamang paraan. Sa paraang hindi tumatapak sa karapatan ng iba at sa paraang hindi sumisira sa kaayusan ng lipunan.

Narito ang ilang bible verses na tumatalakay sa isyu ng pandaraya.

“Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya’y may maibigay sa nangangailangan.” Mga Taga-Efeso 4:28

“Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami.” Lucas 16:10

“Huwag kayong magnanakaw; ni magdadaya, ni magsisinungaling ang sinoman sa iba.” Levitico 19:11

Related Article:

Bakit Love na Love ng Pangulong Aquino si Purisima

Ang sarap sigurong maging kaibigan si Pangulong Noynoy. Ipaglalaban ka niya no matter what. Hanga ako particularly sa pagtatanggol na ibinibigay niya kay Purisima.

bff pnoy and purisima
si purisima at ang pangulong noy (rappler.com)

Napakasama na ng imahe ni Purisima sa madlang Pinoys all over the world pero hayagang ipinapaalam pa rin ng Pangulo ang kanyang buong-buo at intact na intact na tiwala at pananampalataya kay Purisima.

Sa lahat ng mga previous na iskandalong kinasangkutan ni Purisima:

  • PNP white house construction
  • Nueva Ecija mansion
  • Police uniforms deal
  • Fire arms deal
  • Pagtaas ng krimen sa lahat ng bahagi ng bansa
  • Mga absences
  • Pagkamatay ng 44 SAF Forces sa Mamasapano

Eh hinding hindi siya inilaglag ng Pangulo.

Kung hindi pa sinuspinde ng Ombudsman si Purisima eh hindi sana ito maaalis sa kanyang puwesto.

After 6 months ng suspension ay babalik na nga si Purisima sa puwesto. Bale nag-resign  lang pala siya sa pagiging PNP Chief at hindi sa PNP mismo. High ranking official pa rin si Purisima pagbalik sa PNP.

Bakit ganun na lang ang lubos na pagmamahal na ibinibigay ng Pangulong Aquino kay Purisima na isinusuka na ng madlang tao? At sinasabing responsable sa napakaraming pagkakamali?

Anong uri ng gayuma ang ibinigay niya sa Pangulo upang maging lubos-lubos ang affection na ibigay sa kanya nito?

Ang sagot ay wala. (Dahil hindi totoo ang gayuma.)

Marahil ay gayon na lamang talaga ang utang na loob na tinatanaw ng Pangulo sa serbisyong ibinigay sa kanila ni Purisima throughout these years mula nung nabubuhay pa ang dating Pangulong Corazon Aquino.

Ang loyalty ni Purisima marahil ang dahilan sa loyalty na ipinapakita ng ating Pangulo sa kanya. Ito ang larawan ng tunay at wagas na pagkakaibigan.

Ilang puntos man ang ibagsak ni PNoy sa mga survey, ilang milyong piso man ng kaban ng bayan ang malustay, ilang dosenang kapulisan man ang magbuwis ng buhay at  magkagulo man ang buong Pilipinas sa dami ng krimen ay hinding-hindi matitinag ang pagmamahalan ng Pangulong Aquino at ni dating PNP Chief Purisima.

Related Articles:

Best Opportunities For Filipino Freelancers

This is an article shared to us by one of our readers. If you are interested in doing freelance work or working part-time at home, you will find this article helpful.

freelance work

Best Opportunities For Filipino Freelancers
by Melissa Johnson

Are you looking for career opportunities in the Philippines? Your goals may be difficult to achieve in this country, but the situation is not hopeless at all. The growing online freelancing industry enables Filipinos with different sets of skills to get paying jobs as writers, web designers, translators, accountants, advertisers, and other positions.

If you start looking for the right freelancing portal to join, you may get confused by the many options. The following list of 8 trustworthy websites will help you find jobs as a Filipino freelancer.

1. Freelancer.ph

This is a very popular website for paying clients, who want to get work of different categories done quickly and effectively. That being said, there is a constant offer of available jobs at Freelancer.ph. If you have skills in website development, mobile app design, web design, SEO marketing, business card creation, data entry, logo design or article writing, you can get suitable tasks here.

2. FreelancerCareers.com

At this website, writers with exceptional skills in academic writing can work on projects associated to their interests and skills. Since the work available at FreelancerCareers.com is slightly more complicated (and more profitable!), the company requires you to have a Bachelor, MA or PhD degree, a stable Internet connection and appropriate computer skills.

3. Writers.ph

The name of this website is self-explanatory: it offers opportunities for writers from the Philippines. The platform is very functional, so you can start working without wasting time on unnecessary procedures. Many international clients prefer to hire freelancers at this website, so you can always get a constant stream of writing tasks when you create a profile.

4. iFreelance.com

At this website, you can access available jobs for marketing experts, bloggers, writers, translators, retailers, accountants, and other types of professionals. In comparison to similar platforms, iFreelance.com does not take a percentage of your earnings; the company requests the freelancers to pay low membership fees on monthly basis. If you plan to work a lot and make a decent income, this policy will work in your favor.

5. EssayWriters.net

This website offers a constant flow of orders for academic writers, competitive rewards of up to $30 per page, and 24/7 live support for its users. Once you create a profile and get it approved, you can start completing different types of orders, including case studies, essays, book reviews, technical writing tasks, and more. This website is the perfect choice for experts in legal issues, healthcare specialists, experts in literature, finance writers, and business writing specialists from the Philippines.

6. Compumatrix.ph

This is a multinational web technologies company that develops solutions for payment systems, crowd funding, social media monetization, digital marketing, financial technologies, and more. At this website, you can get a freelance job as a marketing manager or virtual prepaid card distributor. You will be paid in virtual currency, which you can use in various ways. You’ll find all information you need in the FAQ and forum sections at the website.

7. PeoplePerHour.com

At this website, Filipino freelancers can work on tasks from the following categories: sales and marketing; design, writing and translation; web development; software and mobile development; video, photo and audio; business support, and social media.

The website is very convenient to use, which makes it suitable for freelancers with multiple tasks at hand.

8. AsiaWriters.com

This freelance writing organization provides great opportunities for Asian writers. The standards are high, but you’ll get great benefits if you meet them and start working for the clients. The built-in support system will make your job much faster and easier; all you need to do is write and leave the rest to the company. If you work regularly, you’ll make around $700 – $800 per month. Your payments will vary depending on the number of orders you complete.

There are many opportunities for Filipino freelancers!

Before you find the perfect freelance website for your set of skills, you might need to experiment with few alternatives. Don’t be afraid to do that; the 8 websites listed above are a great place to start!

Experience ng Isang Offloaded Passenger

Habang dumadami ang mga Pilipinong bumibyahe sa panahon ngayon, dumarami din naman ang mga nade-deny ng basic right na ito na lumabas at bumalik ng ating bansa.

Narito ang experience na inilahad ng isa nating reader nung ma-offload siya. Nagbigay din siya ng ilang mga tips para maiwasan ang mapait na experience na pagbawalan sumakay ng eroplano at lumabas ng bansa.

pila sa loob ng naia terminal 1
pila sa airline reception desk ng naia 1

Experience ng Isang Offloaded Passenger
From TomOdy

Just want to share lang my experience as a tourist. Sa mga kababayan po natin na nagnanais na mag-tour abroad, make sure po na mayroon kayong authenticated affidavit of support and letter of invitation from a member of your family, relatives man, friends or partner especially kapag foreign partner po na nasa bansang gusto nyong puntahan. And these documents should also be certified by the Philippine Embassy. Manggagaling po ito sa taong magi-sponsor sa inyo.

Kadalasan po ay kinakailangan pang umattend ng CFO Seminar. (Commission on Filipinos Overseas. For details, you can visit their website: http://www.cfo.gov.ph/)

Alam naman po ng lahat na sobrang higpit ng immigration natin lalo na sa mga outbound passengers. Nakaka-tense nga kapag nasa pila ka na at nakikita mo kung paano nila usisain ang isang passenger. Mabusisi ang immigration lalo na at first timer ka and you’re travelling alone. Hahanapan ka nila ng mga documents na magpapatunay na ikaw ay magto-tour lamang sa bansang pupuntahan mo at hindi magtatrabaho.

In my case po, I admit na naranasan ko ang pinaka-kinatatakutan ng mga passengers. I was offloaded, 3 weeks ago. Even though I have all the documents, ticket, visa, bank account minus CFO seminar and English translation ng letter of invitation from a friend na nag-invite sa akin sa Europe. Masakit sa pandinig kapag sinabihan ka ng IO (Immigration Officer) na “Hindi ka makakaalis ngayon.” It was a horrible and unforgettable experience na yata.

Isipin na lang po natin yung panahon at pera na ginugol natin para sa pangarap natin makapag-bakasyon man lang sa ibang bansa. We understand naman na ang #1 reason ng mga taga-Immigration is to protect us and to avoid human trafficking kapag nasa ibang bansa ka na. Kaya lang minsan, sa dami ng nao-offload, 40-50 passengers kada araw po iyon sa mga terminal, kahit na may kumpletong documents, mas madalas na nagiging unreasonable sila.

After completing the documents na hinihingi sa akin ng immigration, I rebooked my flight. Of course, once na nagpa-rebook ka, dagdag po sa gastos yun kasama na ang paga-asikaso ng mga documents na hinihingi nila sayo.

Sa mga kababayan po natin, if you think po na may paga-alinlangan pa kayo sa magiging byahe nyo kahit na may ticket at visa pa kayo, just make sure na rin po na may supporting docs kayo na ipapakita kapag hinanapan kayo ng mga taga BI (Bureau of Immigration). You must be prepared bago kayo magtungo sa airport dahil hindi n’yo po gugustuhin na maranasang ma-offload.

Take note pa, mahal din po ang taxi sa NAIA kapag napabalik ka ng wala sa oras, so make sure po na meron ka pa ring extra money. Yung Peso ang currency at hindi pa napapalitan ng dollar. Kaya nga sabi ko, worst experience ever po talaga ang nangyari sa akin at hindi po ito nakakatuwang bagay. Ang lakas pa maka-stress, depress at makapamayat ng ganitong experience. 🙂

That’s all po! Sana makatulong itong munti kong payo at tips sa inyo. Thank you po, sir RP. Malaking bagay po itong Blog n’yo sa lahat ng mga kababayan natin na nagnanais mag-abroad. God bless and more power! 🙂

BBL: Kapayapaan sa Mindanao o Kapangyarihan Para sa MILF?

Warning: Explicit words (well, ‘di naman masyado)

I don’t expect na marami ang magbabasa nitong napakahaba at napaka-boring post na ito about a stupid draft na minamadaling aprubahan without revisions. So I decided to go full rant mode, no holds barred tungkol sa BBL sa post na ito.

Ipapaliwanag ko lang sandali kung bakit hindi dapat aprubahan ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ang kapayapaan sa Mindanao ay hangad ng lahat ng matino at nagmamalasakit na Pilipino. At sa paraan ng pag-prisinta ng Bangsamoro Basic Law (BBL), parang ito na nga ang sagot sa minimithi nating long-lasting na kapayapaan.Magagalit ka pa nga sa mga kumukontra na maipasa ito.

That is until you read the contents of the BBL.

Kapag nabasa mo ang draft nitong bill na ito, you will agree na ang BBL is probably the most stupid, ignorant, masochist, luxurious, traitor law na maaaring isampal ng Pamahalaaan sa mukha ng lahat ng mga Pilipino.

SPOILER ALERT! Ang kapayapaang ipinagyayabang ng BBL ay FAKE! Kasinungalingan at deliberate na panloloko ang ibinibigay sa mga taong hindi alam ang nilalaman nito!

THERE IS NO PEACE IN BBL, ONLY A VERY POWERFUL MILF and possibly a stronger influence of Malaysia sa Mindanao.

Ang magandang itanong sa mga sumusuporta sa bill na ito eh nabasa na ba nila yung nilalaman ng bill? Mahigit 100 pages ang BBL pero hindi ganun kahirap intindihin ang English nito at sa tingin ko eh kahit highschool students eh kayang ma-analyze ang mga probisyon ng BBL.

Basically, kung hindi mo pa nabasa ang bill ay wala kang karapatang kumontra dito. Gayunpaman, hindi mo rin dapat kampihan ang bill dahil sa mga pangakong hindi mo naman alam kung totoo.

At dahil nabasa ko na ang nilalaman ng bill, pwede na akong kumontra dito.

Una sa lahat, ano ang BBL?

To summarize, ang BBL (House Bill No. 4994) ay bill na nagna-nullify sa kasalukuyang Autonomous Region of Muslim Mindanao. Papalitan ito ng Bangsamoro Government na may mas malaking sakop at mas maraming karapatan, kapangyarihan at kontrol sa kanyang nasasakupan. Mula sa MNLF ay lilipat sa poder ng MILF ang pamamahala sa magiging Bangsamoro Region.

Pero ang Bangsamoro Government ay hindi pangkaraniwang autonomous region. Ito ay para na ring isang Islamic State sa bansang Pilipinas na magkakaroon ng Parliamentary Government with several exclusive powers sa nasasakupan nito.

Meron siyang sariling government system (executive and legislative) at iba pang mga agencies at offices na nago-overlap pero hiwalay sa National Government.

Article IV Section 2. Democratic Political System. The Bangsamoro Government shall be parliamentary. Its political system is democratic, allowing its people to freely participate in the political process within its territory.

Article VII Section 1. Powers of Government. – The powers of government shall be vested in the Bangsamoro Parliament, which shall exercise those powers and functions expressly granted to it in this Basic Law, and those necessary for or incidental to the proper governance and development of the Bangsamoro. It shall set policies, legislate on matters within its authority, and elect a Chief Minister, who shall exercise executive authority in its behalf.

It’s technically a different country with its own laws and implementing body. Parang relasyon ng UK at New Zealand.

At obligado ang Pamahalaan na gastusan ang Bangsamoro Government mula sa start-up nito, hanggang sa maitatag ito at habang tumatakbo ito. So, although layunin ng Bangsamoro Government na magkaroon ng fiscal autonomy, obligado pa rin ang Pilipinas na tustusan regularly ang Bangsamoro Government forever.

Saan pumapasok yung sinasabi nilang KAPAYAPAAN once and for all?

Article IV Section 5. Promotion of Unity. The Bangsamoro Government shall promote unity, peace, justice, and goodwill among all peoples, as well as encourage a just and peaceful settlement of disputes. The Bangsamoro abides by the principle that the country renounces war as an instrument of national policy, adopts the generally accepted principles of international law as part of the law of the land and adheres to the policy of peace, equality, justice, freedom, cooperation, and amity with all nations.

THAT’S IT! Iyan lang ang nag-iisang portion na nagsasabing magiging mapayapa na sila. Pero hindi pa rin iyon malinaw na ginagarantiya sa BBL. Magiging policy lang iyon ng Bangsamoro Government.

Parang yung anti-political dynasty provision na isinasaad sa Saligang Batas natin. Bawal daw ang Political Dynasties pero meron pa rin.

Article II Section 26. The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law. (1987 Philippine Constitution)

Dahil hindi naman nilinaw sa Konstitusyon kung paano ipo-prohibit ang political dynasties, hindi pa rin napigil ang mga ito sa paghahasik ng lagim sa bansa.

Ganun din ang pag-“abide” ng Bangsamoro sa national policy ng bansa na i-renounce ang violence o digmaan. Hindi nililinaw ng BBL kung paano sisiguraduhin na hindi na ulit guguluhin ng MILF o ng sinumang rebelde mula sa Bangsamoro ang bansang Pilipinas. Kaya walang kasiguruhang mahihinto na ang digmaan sa Mindanao.

Ang kapayapaang sinasabing makakamit nila is this:

  • Ibigay natin ang kontrol ng Bangsamoro sa MILF
  • Ibigay natin ang mga kapangayarihang hinahangad ng MILF
  • Suportahan natin legally and financially ang Bangsamoro Government

And hopefully, hindi na magrerebelde at gagawa ng gulo ang MILF sa Mindanao.

WALANG NAKASAAD SA BILL NA IDI-DEMILITARIZE O IDI-DISARM ANG MILF kapag naaprubahan ang BBL! Walang instructions kung paano isusuko ang kanilang armas dahil hindi naman sinabing isuko nila ang mga armas nila.

On the contrary, palalakasin pa natin ang armed forces ng MILF sa pamamagitan ng Bangsamoro Police Force at Bangsamoro Armed Forces na bubuuin kapag naipasa na ang BBL!

Article IX Section 2. Bangsamoro Police. – There is hereby created a Bangsamoro Police which shall be organized, maintained, supervised, and utilized for the primary purpose of law enforcement and maintenance of peace and order in the Bangsamoro. It shall be part of the Philippine National Police.

Article IX Section 5.f. The Bangsamoro Police Board shall have the power to investigate complaints against the Bangsamoro Police. Appeals from its decision may be lodged with the National Police Commission. Pending resolution of the appeal, its decisions may be executed. 

Article XI Section 15. Defense and Security. – The Central Government may create a Bangsamoro Command of the Armed Forces of the Philippines for the Bangsamoro, which shall be organized, maintained, and utilized in accordance with national laws. Qualified inhabitants of the Bangsamoro shall be given preference for assignments in the said Bangsamoro Command.

So, may sarili na silang Police Force, pwede pa silang bigyan ng sarili nilang Armed Forces!

BAKIT PUMAYAG ANG PANGULONG AQUINO DITO? BAKIT ALL-OUT ANG SUPPORT NINA MIRIAM CORONEL-FERRER AT TERESITA DELES DITO???

Ang sinasabing kapayapaan eh hindi sigurado at baka sakaling resulta lang kapag naibigay na sa MILF ang lahat ng hinihingi nila. Walang ginagarantiyang kapayapaan ang Bangsamoro Basic Law. READ IT for yourself.

PERO BAKIT BA TAYO NAKIKIPAG-NEGOTIATE SA MILF IN THE FIRST PLACE? Sabi nga ni Sen. Miriam Santiago:

”Who gave the MILF authority to represent the Bangsamoro among the MNLF, MILF, BIFF and other groups that are now springing into existence? Which one shall be validly allowed to claim that it represents the Bangsamoro or the entire Islamic peoples within the Philippine territory?,” – Sen. Miriam Santiago.

Hindi sinasabi sa konstitusyon na pwede tayong gumawa ng sub-state or Parliamentary Government na hiwalay sa National Government. Ang ibinibigay lang na probisyon ng ating konstitusyon ay gumawa ng autonomous region.

Article X Section 1. The territorial and political subdivisions of the Republic of the Philippines are the provinces, cities, municipalities, and barangays. There shall be autonomous regions in Muslim Mindanao and the Cordilleras as hereinafter provided. (1987 Philippine Constitution)

Wala ring nakasaad sa BBL na kapag nag-fail ito eh ibabalik sa National Government ang kontrol sa Bangsamoro. Ang BBL creates a Bangsamoro Government that stays forever. Kelangang gumawa na naman ng panibagong batas para palitan ito kapag pumalya.

Hindi ba paglabag sa konstitusyon ang pagbuwag sa mga established autonomous region?

Bukod sa Bangsamoro Government at regular monetary support ay sinisigurado rin ng Pamahalaan na magkakaroon ng key positions sa National Government ang Bangsamoro people. Including, cabinet positions at iba pang executive government positions.

Article VI Section 9. Bangsamoro Participation in Central Government. – It shall be the policy of the Central Government to appoint competent and qualified inhabitants of the Bangsamoro in the following offices in the Central Government: at least on (1) Cabinet Secretary; at least one (1) in each of the other departments, offices and bureaus, holding executive, primarily confidential, highly technical, policy-determining positions; and one (1) Commissioner in each of the constitutional bodies.

So, para pala magkaroon ng kapayapaan at ma-address ang kahirapan eh kelangan kaming mga Kapampangan eh magrebelde na rin dapat sa Pamahalaan at humingi ng special privileges? Pa’no yung mga Bisaya? Pa’no yung mga Igorot? Pa’no yung mga Aeta? Napapabayaan din kami ng Pamahalaan ah!

Paano rin masisiguro ng Pamahalaan na hindi mga kamag-anak lang ng mga MILF ang hahawak sa mga key positions sa pamahalaan nila? Eh di magulo na naman sila dahil sa power tripping at paglitaw ng mga bagong rebelde sa loob ng Bangsamoro? Ayon sa BBL, ang transitionary authorities ay members ng MILF.

Article XVI Section 2. Bangsamoro Transition Authority. – There is hereby created a Bangsamoro Transition Authority (BTA) which shall be the interim government or the governing body in the Bangsamoro during the transition period. The Moro Islamic Liberation Front (MILF), being the principal party to the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, shall lead the BTA, in its leadership and membership.

Isang probisyon ng BBL ay ang karapatang pumasok sa trade deal or makipag-negotiate sa ibang bansa ng Bangsamoro Government.

Paano yung mga teroristang nagpapanggap na foreign donors or investors sa Bangsamoro? Iche-check ba ng Pamahalaan yun? Of course not! Exclusive power ng Bangsamoro yun eh!

Article XII Section 1. Fiscal Autonomy. – The Bangsamoro shall enjoy fiscal autonomy with the end in view of attaining the highest form of economic self-sufficiency and genuine development. It shall be entitled to all fund sources enumerated herein, and shall have the power to create its sources revenues as provided in this law.

Article XII Section 2. Auditing. – All public funds of the Bangsamoro are subject to auditing. For this purpose, a Bangsamoro Commission on Audit (BCA) is hereby created. It shall have the power, authority, and duty to examine, audit and settle all accounts pertaining to revenue and receipts of, and expenditures or uses of funds and property, owned or held in trust by, or pertaining to the public funds utilized by the Bangsamoro.

Article XII Section 24. Grants and Donations. – Grants and donations from foreign and domestic donors received by the Bangsamoro Government for the development and welfare of the people in the Bangsamoro shall be used solely for the purpose for which they were received.

Article XIII Section 30. Islamic Banking and Finance. – The Bangsamoro Government, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), the Department of Finance (DOF), and the National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) shall jointly promote the development of an Islamic banking and finance system, to include among others the establishment of a Shari’ah Supervisory Board.

Bakit nag-fail yung MNLF? Hindi ba dahil sa graft and corruption din? Dahil kahit na maganda yung mga nakasulat na probisyon sa papel eh hindi rin nasunod? Ang na-satisfy lang ay yung mga MNLF officers at hindi yung mga nasasakupan.

Ano ang garantiyang hindi magfe-fail ang Bangsamoro Government dahilan sa graft and corruption?

Instead of Bangsamoro Government, bakit hindi magtayo ang Pamahalaan ng Mindanao Development Authority? Or bakit hindi sila magtayo ng Malakanyang Branch sa Mindanao? Maa-address nito yung neglect ng Pamahalaan sa Mindanao sa problema ng violence at kahirapan sa Mindanao.

While at it, magtayo na rin dapat ang Malakanyang ng mga branches sa Visayas at sa Mt. Province. Magastos ba, sabi mo? Narito ang planong ibigay ng Pamahalaan sa Bangsamoro Government.

Perang Ibibigay ng Gobyerno

  • 1 bilyon Pesos start-up + supplemental funds (Article XVI Section 13)
  • 7 bilyon Pesos for 1st year (Article XVI Section 2)
  • 10 bilyon Pesos over 5 years (Article XVI Section 2)
  • 2 bilyon Pesos each year onward (Article XVI Section 2)
  • 25% share ng Gobyerno sa Bangsamoro earnings waived for 10 years (Article XII Section 10)
  • 4% of net National internal Revenue regular block grant every year (Article XII Section 15/16)
  • Separate funds para sa mga offices ng Bangsamoro (Article VII Section 10)
  • Additional funds for development projects and infrastructures (Article XII Section 21)
  • Current funds ng ARMM na ibibigay lahat sa Bangsamoro Gov’t (Article XVI Section 13)
  • Benefits para sa mga affected ARMM employees (Article XVI Section 9)

BBL budget

At ano ang financial gains ng Pilipinas?

– percentage in mining or percentage in taxes pero ikukunsulta pa dapat sa Bangsamoro

Article XII Section 9.k. Where all taxable elements are within the Bangsamoro territory, taxes under letters (a) to (d) above shall no longer be imposed by the Bureau of Internal Revenue (BIR) of the Central Government. The Intergovernmental Fiscal Policy Board shall promulgate rules on the determination of taxable elements in relation to taxes (a) to (d) above and on the sharing of revenues from the collection of such taxes where the taxable elements are found within and outside of the Bangsamoro territory. Any dispute between the Bangsamoro Government and the Central Government arising from the imposition of taxes under (a) to (d) above shall be addresses by the intergovernmental Fiscal Policy Board.

At ang limpak limpak na salaping ito ay hindi naman natin alam kung talagang mapupunta sa dapat nitong puntahan. For all we know eh sinuportahan pala natin ang lihim na terorrist acitivities ng MILF eh hindi pa natin alam. (Hindi ko po sinasabing may terrorist activities ang MILF)

milf and biff links
wag po nating kalimutan na isa lang ang pinanggalingan ng MILF at ng BIFF…

Gagastusan natin ng todo-todo ang Bangsamoro Government na hindi naman siguradong magbibigay ng kapayapaan sa Mindanao. And we may even be helping them fund terrorist activities.

Bakit hindi na lang gastusin ng Pamahalaan ang lahat ng perang ito sa Mindanao kahit walang BBL? Kahit walang Bangsamoro Government?

Ibuhos natin ang lahat ng pondo sa pagpapabuti ng buhay ng mga kababayan natin sa Mindanao at baka sakaling bumalik ang tiwala nila sa Pamahalaan at huwag nang gustuhin ang humiwalay pa dito.

BAKIT SOBRA-SOBRANG SPECIAL PRIVILEGES AT KATAKU-TAKOT NA PERA ANG IBIBIGAY NG PAMAHALAAN SA MILF PARA ITAYO ANG BANGSAMORO?

Binasa ba talaga ng Pangulo yung draft ng BBL? I suspect not. Puro maling imprmasyon na naman siguro ang ibinibigay ng mga alipores ng Pangulo sa kanya.

Hindi dapat hinahayaan ng Pangulo na palibutan siya ng mga taong puro papuri at pagluwalhati ang alam gawin para sa draft bill na ito.

Kailangan ng Pangulo na makinig din sa mga salungat dito at pakinggan ang mga dahilan nila.

ISANG MALAKING KAHANGALAN AT TRAHEDYA ANG MADALIANG PAG-APRUBA NITO NANG WALANG ANUMANG REVISIONS.

98% ng laman ng bill is pag-ensure sa kapangyarihan at pribilehiyo na tatanggapin ng MILF sa Bangsamoro Government! (I really encourage everyone to please read this more than 100 page of stupid bill!)

Do not be fooled! This bill is not about peace! This is about giving-in to a Muslim rebel group!

Hindi ito dapat tawaging peace negotiations. Ang tawag dito, “How to Establish the Bangsamoro Government” negotiations!

Ilang batas na ba sa Pilipinas ang mukha lang maganda sa papel at hindi naman talaga ipinapatupad? Ano ang kasiguruhan ng Pamahalaan na susundin ng MILF ang lahat ng nakasulat sa BBL lalo na yung mga probisyon na isinasaad ng “shared powers”?

This is Philippines! Always prepare for the worst!

Lahat ng rights at privileges na ibinibigay ng BBL ay ibinibigay na rin ng kasalukuyang konstitusyon. Ang magiging iba lang ay magiging under na sa MILF ang Bangsamoro region at Shari’ah Law ang ipapatupad na batas sa kanilang nasasakupan.

Kwestyonable rin ang Shari’ah Law dahil may mga batas ito na labag sa konstitusyon ng Pilipinas (polygamy, marrying underaged girls, death penalty, divorce, etc.). Pero gustong gawin ng Bangsamoro Government na higit pa sa Supreme Court ang desisyon ng Shariah Court.

Article X Section 1. Justice System in the Bangsamoro. – The justice system in the Bangsamoro shall consist of Shari’ah law which shall have supremacy and application over Muslims only; the traditional or tribal justice system, for the indigenous peoples in the Bangsamoro; the local courts; and alternative dispute resolution systems.

Questionable ang safety ng sinumang papasok sa Bangsamoro region dahil hindi na protektado ng national laws. Bangsamoro crime laws na ang ipapatupad. Paano makakasiguro ng fair trial kung hindi ka taga-Bangsamoro?

Paano ang karapatan ng mga kababaihan? Kapag na-rape ba sila, kasalanan nila? Paano ang iba pang mga indigenous people at minority sa loob ng Bangsamoro? Sigurado nga bang makakatanggap sila ng pantay na treatment sa loob ng Bangsamoro kahit hindi sila Muslim?

Ilan pa sa mga kwestyonableng probisyon ng BBL ay ang kakayahang mangamkam ng lupa ng mga may kapangyarihan sa Bangsamoro in the form of “redistricting”.

Article V Section 3.57. The Bangsamoro Parliament may create, divide, merge, abolish or substantially alter boundaries of provinces, cities, municipalities or barangays in accordance with a law enacted by the Bangsamoro Parliament, and subject to the approval by a majority of the votes cast in a plebiscite in the political units directly affected.

Article VII Section 8. Redistricting. – The Parliament shall have the power to reconstitute, by law, the parliamentary districts apportioned among the provinces, cities, municipalities, and geographic areas of the Bangsamoro to ensure equitable representation in the Parliament. The redistricting, merging or creation, of parliamentary districts shall be based on the number of inhabitants and additional provinces, cities, municipalities, and geographic areas, which shall become part of the territories of the Bangsamoro Government.

Kwestyonable rin ang full authority na ibinibigay ng Pamahalaan sa land and water resources ng Bangsamoro Government.

Makiki-share lang ang Pamahalaan sa anumang kikitain mula sa mga ito. Hindi sila ang nakiki-share. Ang National Government ng bansang Pilipinas na kinaroroonan ng Bangsamoro Government ang makiki-share. Bakit? Para sa kapayapaan! Of course!

Article XIII Section 8. Natural Resources, Nature Reserves and Protected Areas. – The Bangsamoro Government shall have the authority, power, and right to explore, develop and utilize the natural resources, including surface and sub-surface rights, inland waters, coastal waters, and renewable and non-renewable resources in the Bangsamoro.

Kwestyonable rin ang intergovernmental relations body na composed mainly of Bangsamoro Ministry people! How convenient, di ba? Ano mang conflict meron tayo sa Bangsamoro, talo na agad tayo sa botohan pa lang.

Article XII Section 35. Intergovernmental Fiscal Policy Board. – There is hereby created an Intergovernmental Fiscal Policy Board (IGFBP) that shall address revenue imbalances and fluctuations in regional financial needs and revenue-raising capacity of the Bangsamoro.

Article XII Section 36. Functions. – The IGFBP shall undertake the following functions: (b) Address disputes between the Central Government and the Bangsamoro Government involving the collection of capital gains tax, documentary stamp tax, donor’s tax and estate tax in the Bangsamoro;

Article XII Section 37. Composition. – The Board shall be composed of the heads and/or representatives of the appropriate ministries and offices in the Bangsamoro Government. The Central Government shall likewise be represented in the Board by the Secretary of Finance and such other officials as may be necessary. Once full fiscal autonomy has been achieved by the Bangsamoro, it may no longer be necessary to have a representative from the Central Government to sit in the Board.

Heto pa ang isang kwestyonable (pero di ako masyadong sigurado), basically ay kayang sakupin ng Bangsamoro Government ang buong Mindanao. Sinuman ay welcome sumali sa Bangsamoro Government.

Article III Section 2. Core Territory – The core territory of the Bangsamoro shall be composed of:

d. all other contiguous areas where there is resolution of the local government unit or a petition of at least ten percent (10%) of the registered voters in the area asking for their inclusion at least two months prior to the conduct of the ratification of the Bangsamoro Basic Law and the process of delimitation of the Bangsamoro.

Bakit minamadali ang pagpasa ng BBL? Dahil next year na nila gusto umpisahan ang election. Meron na silang set and fixed schedule (May 2016).

Hindi na nila kinu-consider na may kokontra sa bill na ito. Bakit? Dahil hatid nito ay kapayapaan. Kapayapaang hindi nakasulat na mangyayari. Kahit bali-baligtarin mo ang BBL.

Article XVI Section 12. Regular Elections. – The first regular elections for the Bangsamoro Government under this Basic Law shall be held on the first Monday of May 2016. It shall be governed by the Bangsamoro Electoral Code.

Of course lahat tayo gusto ng peace pero unfortunately, hindi ito ipinapangako ng BBL. At walang klarong nakasulat na igi-give-up ng MILF ang armas at militar nito, on the contrary, gagawin pa itong technically legal ng BBL.

Itanong natin ulit, para saan ba ang bill na ito? Kapayapaan? Pangako ng hindi pagrerebelde ng MILF? O pagpapalakas lang lalo sa Muslim rebel group?

Walang nakasaad sa BBL na idi-demilitarize ang MILF, so paanong magkakaroon ng kapayapaan? Ano’ng kapayapaan ang pinagsasabi nila?

Walang legacy na maiiwan si Pangulong Aquino na siya ang tumapos sa kaguluhan sa Mindanao. Walang nobel peace prize taong makukuha.

At kanino ba ang allegiance ng MILF? Sa Pilipinas ba o sa Malaysia? Isa pang probisyon ng BBL ay ang malayang pakikipag-ugnayan ng Bangsamoro Government sa South East Asian Nations. Hindi ba’t miyembro ng ASEAN ang Malaysia?

Article XIII Section 25. Barter Trade and Countertrade with ASEAN Countries. – The Bangsamoro Government shall regulate traditional barter trade and counter-trade with ASEAN countries. The goods or items that are traded with the said counties shall not be sold elsewhere in the country without payment of appropriate customs or import duties.

Kung sino man yung mga nakapalibot sa Pangulo, ipaliwanag sana nila ng maayos kung ano yung laman ng BBL.

At marami pang tanong ang hindi sinasagot ng BBL.

Wala na bang ibang paraan para magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao? Hindi ba kayang ipatupad ng Pamahalaan ang authority nito sa Mindanao?

Bakit sa MILF lang sila nakipag-usap? Paano na yung MNLF? Ang BIFF? Sigurado bang wala ng lalabas na bagong Muslim rebels pag naipasa ang BBL?

Kung pinapayagan pala ng Konstitusyon ang Parliamentary form of Government, bakit hindi na lang natin gawing Parliamentary ang Pamahalaan sa buong Pilipinas? Mukha naman palang mas efficient at matipid at simple ang ganitong sistema ng pamamahala.

Puwede na rin bang magtayo ng kani-kaniyang sub-state ang mga Kapampangan, mga Ilonggo, mga Filipino Chinese, mga Amerasian, mga Bisaya at mga Aeta?

Hindi ba’t di hamak na mas marami naman ang mga Bisaya kesa sa mga Muslim sa Mindanao? Naghihirap din ang mga probinsiya nila. Biktima rin sila ng mga karahasan. Pa’no ‘yan, babalik na lang tayo sa tribo-tribo system gaya nung unang panahon na dumating ang mga Kastila? Ano, papasakop na lang tayo ulit sa mga Kastila para maging isa ulit ang bansa natin? Hindi ba yun paatras tayo at hindi pasulong?

Bakit hindi na lang natin hati-hatiin ang Pilipinas sa bansang Maynila, bansang Luzon, bansang Visayas at bansang Mindanao? Magkakaroon na ba ng everlasting peace sa buong Pilipinas kapag ganun ang ginawa natin?

Narito po ang aking hamak na unsolicited suggestion.

Kung gusto ng Pamahalaan (hindi lang ng Aquino Administration kundi ng LAHAT ng mga darating pang administrasyon) ng tunay na kapayapaan, kung ayaw nila ng may mga nagrerebelde, ng mga reklamador sa social media, ng mga nagpo-protesta o ng mga demonstrador sa kalsada, wakasan dapat nila ang katiwalian. Supilin nila ang nakawan at kapabayaan sa lahat ng ahensiya ng Pamahalaan.

Ibuhos dapat ng National at Local Government ang lakas nito sa pagpuksa ng katiwalian, sa pagpondo at pagpapaunlad sa mga mahihirap na probinsiya ng Pilipinas kabilang ang Mindanao, Visayas at North Luzon. Ibigay nila ang basic needs ng mga mamamayan.

Sa ganyang paraan, makukuha ng Pamahalaan ang loyalty ng masa, ang tiwala ng masa, ang buong suporta ng masa. Walang mae-engganyong magrebelde o sumama sa mga rebolusyunaryong grupo kung may nakikitang pag-asa sa Pamahalaan.

Narito ang ilang screenshots na tinipon ng Sa Ngalan ng Gobyerno FB Page para i-highlight ang ilang mga kwestyonableng probisyon ng BBL.

PLEASE DO NOT SUPPORT THIS BILL AND LET THE GOVERNMENT KNOW!

Sign the petition: Change Now!

Other References:

Kung Nagiging Boto ang mga Likes sa Facebook

Alam natin na tech savvy ang mga Pinoy at laman tayo ng mga social media. Kung kaya naman, sinisikap din ng mga pulitiko na maramdaman ang presensiya nila sa cyber world.

Ano kaya kung ang dami ng mga followers ng mga pulitiko ang nagde-decide kung sino ang susunod nating Pangulo para sa 2016?

Narito ang mga facebook account screenshots ng mga posibleng kandidato bilang pangulo sa 2016 at ang bilang ng mga likes/followers nila habang sinusulat ang post na ito.

Kung bibilangin natin ang mga likes o followers ng mga posibleng kumandidato bilang pangulo sa 2016, narito ang kanilang magiging rankings at posibleng kalabasan ng botohan kung likes lang ang pagbabasehan.

7th Place
Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.: current number of followers, 0.11M

bongbong fb page

6th Place
Sen. Grace Poe – Llamanzares: current number of followers, 0.2M

grace poe fb page

5th Place
Sen. Francis “Chiz” Escudero: current number of followers, 0.49M

chiz escudero fb page

4th Place
DILG Sec. Manuel “Mar” Roxas II: current number of followers, 0.7M

mar roxas fb page

3rd Place
Davao City Mayor Rody Duterte: current number of followers, 0.71M

rody duterte fb page

2nd Place
Vice President Jejomar Binay: current number of followers, 0.82M

jojo binay fb page

1st Place
Sen. Miriam Defensor – Santiago: current number of followers, 2.3M

miriam santiago fb page

Kung magpaparehistro at pupunta sa mga presinto para bumoto ang mga taong nagla-like na ito at sumusubaybay sa mga pulitiko sa itaas, makikita natin ang maaaring maging trend ng halalan sa 2016. Pero, siyempre hindi naman pwedeng gawing batayan talaga ang mga likes na ito dahil hindi naman lahat ng Pilipino ay may access sa internet o merong facebook account.

At kung papayagan lang ang kasalukuyang Pangulo natin na kumandidato ulit, malamang may laban pa siya (kung likes lang ang basehan).

pnoy fb page

So, kung may access ka sa internet, nasa voting age, may access sa internet at merong napupusuang kandidato para sa 2016, show your support! I-follow ang iyong hinahangaang politician. I-share sa lahat ng iyong mga cyberfriends ang magagandang plataporma at kahanga-hangang track record ng iyong pambato sa 2016 at tulungan mo siyang mas makilala ng maraming tao. Who knows? Baka sakaling ito ang magpapanalo sa kanya sa 2016.

Wag lang sana pag-interesan ni Anne Curtis ang maging  Presidente dahil ilalampaso niya ang mga kalaban.

anne curtis fb page