All posts by ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Doumo Arigatou! 10 Bagay na Dapat Ipagpasalamat ng Pilipinas sa Japan

Nakaka-touch ang act of kindness na ipinamalas ng First Lady ng Japan sa mga kapuspalad ng Maynila nitong nakalipas na APEC Summit 2015. Bagay na ginagawa lang ng mga pulitiko natin kapag panahon ng eleksiyon.

first lady visits payatas

Ang laki na talaga ng pagbabago ng ating relasyon sa bansang Japan mula nung natapos ang World War 2. Ang dating mananakop natin ay itinuturing na nating ally ngayon. At gayon din ang turing ng bansang Japan sa atin.

Mas magandang di hamak ang relasyon ng Japan sa atin ngayon kumpara sa relasyon nito sa mga bansang Korea at China.

Narito ang mga magagandang bagay na ginagawa ng Japan sa Pilipinas:

1. Financial aid for overall development

Isa sa mga bansang galante magbigay ng tulong ang Japan. Nitong 2015 lamang ay ilang beses nagbigay ng tulong pinansiyal ang bansang Japan para sa pagde-develop ng ating bansa.

Sayang lang at baka hindi rin mapunta sa kaunlaran ng Pilipinas ang mga pondong ito kundi sa personal na kaunlaran ng mga walanghiyang corrupt at incompetent government officials natin.

2. Monetary and rescue support after natural disasters

tulong ng hapon sa yolanda

Namalas natin ang malasakit ng Japan sa ating bansa nang magpadala ito ng mga rescue team sa atin pagkatapos manalasa ng Yolanda. In fact, nauna pa silang magpadala ng rescue team sa Tacloban kesa sa Malakanyang.

3. Military modernization assistance

Sinusuportahan ng Japan ang arbitrary case ng Pilipinas laban sa pananakop ng China sa West Philippine Sea. Pero actions speak louder than words kaya hindi lang moral support ang ibinigay ng Japan sa Pilipinas. Magbibigay din sila ng mga military equipment gaya ng mga used planes pang-patrol sa ating dagat.

Kung magpapakabait lang ang mga government officials natin, baka bigyan din tayo ng Japan ng submarines sa darating na Pasko.

4. Territorial sovereignty and security assistance

First time (yata) sa history ng Japan ang mag-participate sa isang military drill at isang karangalan na ang Pilipinas ang bansang kanilang naging partner sa drill na iyon.

Bagamat isang pacifist country, ang Japan ay isa pa ring bansa na may well-developed military technology at magbe-benefit ang Pilipinas sa training at education na maibabahagi ng bansang Hapon sa Pilipinas.

5. Importation of products made in the Philippines

magic flake crackers japan

Kung sa Pilipinas ay patuloy ang pagtangkilik natin sa mga produktong gawa sa Tsina, ang Japan ay unti-unti nang nagda-diversify ng kanilang imported products. Isa ang Pilipinas sa mga pinagkukunan ngayon ng Japan ng iba’t-ibang produkto gaya ng saging, damit, gamit sa bahay, electronics, atbp.

6. Employment for Filipinos in the Philippines

Para na rin masustentuhan ng Japan ang mga pangangailangan ng kanilang bansa ng mga produktong de-kaledad at nasa murang halaga, nagtayo na nga naman sila ng mga pagawaan sa ibang bansa na mas mura ang production cost.

Ngayon ay unti-unti nang binabawasan ng Japan ang mga pagawaan nito sa Tsina at dinadagdagan ang mga factory nila sa Pilipinas. Maganda ito sa ating ekonomiya at nakapagbibigay ng karagdagang trabaho sa ating mga manggagawa.

Kung mababawasan lang sana ang mga corrupt na government officials at kung aayos ang peace and order sa bansa, siguradong bubuhos pa lalo ang foreign investment ng Japan at ibang bansa sa Pilipinas.

7. Visa relaxation for Filipino tourists going to Japan

Nung 2014 ay linuwagan ng Japan ang visa restrictions nito sa mga bansang nasa South East Asia kung kaya nadamay sa biyayang ito ang Pilipinas.

Kung dati’y nahihirapang makapunta sa Japan ang mga Pilipino para mamasyal dun, ngayon ay pinaikli at pinadali ng Japan ang pag-proseso ng tourist visa para sa ating mga Pilipino.

8. Work opportunities in Japan for Filipinos

Nagbukas ng maraming oportunidad para makapagtrabaho sa Japan ang mga mamamayang nakatira sa Timog Silangang Asya. Kasama dito ang Pilipinas kaya dahilan ito upang matuwa ang Pamahalaan ng Pilipinas at mabawasan ang problema nito sa unemployment.

Subalit ang makapagtrabaho sa bansang Japan ay hindi lamang oportunidad para kumita ng malaki. Oportunidad din ito upang matutunan ang pamamaraan ng mga Hapon na nirerespeto ng maraming industriya sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

9. Tourist visitors

mga bisita ng pilipinas

Ang mga Hapon ay pangatlo sa pinakamaraming foreigners na bumibisita sa ating bansa taun-taon. I-welcome natin sila at pakitaan ng ating world renowned hospitality.

10. Charity for impoverished Filipino children

Bukod pa sa pagbisita ng First Lady ng Japan sa ating mga kapuspalad na kabataan, marami nang ginagawang outreach program ang mga Hapon para sa mga kabataang Pinoy.

Tuwang-tuwa naman ang ating mga government officials kasi kahit huwag nilang gawin ang trabaho nila, meron namang mga mababait na bansang kagaya ng Japan na ginagawa ang dapat sanang sila ang gumagawa.

Nasa Japan ang mga NGO kagaya ng Habitat for Humanity at Unicef na humihikayat sa mga mamamayang Hapon na suportahan ang mga mahihirap na kabataang Pilipino.

Sa kabila ng lahat ng kabaitang ito na ipinapakita ng Japan sa atin, hindi natin maiwasang magtanong, “Ano kaya ang kapalit ng lahat ng ito?”

Sana wala silang hinahanap na kapalit kundi ang magkaroon ng mas malapit na relasyon ang Pilipinas at Japan. Atsaka konting tax relaxations here and there sa kanilang mga business investments sa ating bansa.

Pero whether may kapalit man o wala, hindi natin maikakaila na malaking bagay ang mga naiaambag ng Japan sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa.

Kaya, doumo arigatou, Japan!

Advertisements

APECtado ka na ba?

apec philippines banner

APEC week ngayon sa Pilipinas mula Nobyembre 16, 2015 hanggang Nobyembre 20, 2015.

So what?

Wala lang, darating lang naman ang mga Heads of State ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas.

So what pa rin?

Ito ay isang taunang pagpupulong na kinabibilangan ng halos 40% ng ekonomiya ng ating daigdig. At ang pagpupulong na ito sa ating bansa ay siguradong makaka-APECto sa ‘yo.

  • Kung nagtitinda ka sa mga kalye ng Maynila na pwedeng makita ng foreign delegates, tangay ang paninda mo
  • Kung may-ari ka ng sasakyan na nakabalandra sa mga kalsadang dadaanan ng APEC, mai-impound ang sasakyan mo
  • Kung palabuy-laboy ka sa kalye, sa boys town ka pupulutin
  • Kung estudyante ka o empleyado sa Maynila, pwedeng wala kang pasok
  • Kung driver ka ng truck, wala kang pasada
  • Kung may flight ka, malamang kanselado iyon
  • Kung nagko-commute ka sa Maynila, maglalakad ka
  • Kung may gusto kang pasyalan na gusto mong puntahan at nandun ang APEC delegates o First Ladies, hindi ka makakapasok
  • Kung sa barung-barong ka nakatira, matatakpan ito ng mga higanteng tarpaulin
  • Kung raliyista ka, magpahinga ka na lang muna

Kung hindi ka naman nakatira sa Maynila at taxpayer naman, apektado ka pa rin dahil parte ng income tax mo ang ginastos sa 10 Bilyong Pisong ginasta para sa APEC event na ito.

At kung may ilang bahagi man ng bansa ang magkaroon ng disruption ng tubig, kuryente o wifi internet, wag na tayong magtaka kung ang dahilan nito ay dahil in-allocate nila ang supply sa mga APEC delegates.

Sana lang ay may mapakinabangan nga ang bansa natin sa pagho-host ng APEC meeting na ito.

Related Articles:

Ang mga Iskandalo ni Yolanda

yolanda anomalies
click to enlarge…

Sa kasamaang palad, kelangan pa lagi ng isang matinding trahedya para masukat ng ating bansa ang kahandaan natin sa mga hagupit ng kalikasan. At sa mga trahedya ding gaya nito nakikita kung anong uri ng mga mamamayan at Pamahalaan meron tayo.

Natuto na dapat ang Pilipinas sa maraming mga trahedyang nangyari dito nang nakalipas na limang taon, mula sa mga bagyong gaya ni Ondoy, Habagat at Sendong. Pero nangyari pa rin ang trahedya na gawa ng Bagyong Yolanda. Ang pinakamasama pa dito ay ang mga kaganapang nagpalala sa sitwasyon pagkatapos ng pananalanta.

Narito ang mga iskandalong napabalita pagkatapos manalasa ni Yolanda nuong Nobyembre 2013:
  • Alitan at sisihan ng Lokal at Pambansang Pamahalaan

sisihan ng mga pamahalaan

  • Paggamit ng katagang “storm surge” na hindi naiintindihan ng marami

storm surge

  • Pagbawal sa pagbibilang sa dami ng mga namatay

dead count

  • Pagdi-delay sa pamimigay ng mga relief goods at pagdurusa ng maraming taong hindi nakatanggap agad ng tulong

delay sa pamimigay

  • Pag-imbak ng relief goods imbes na ipamigay agad ito at ang pagri-repack ng mga ito kahit na naka-repack na

repacking operation

  • Pagkasira ng mga relief goods na hindi ibinigay agad

nabubulok na goods

  • Hindi pag-abot sa mga nasalanta ng mga tulong galing sa mga dayuhan

tulong ibayong dagat

  • Pananamantala ng mga pulitiko para maagang mangampanya gamit ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng mga relief goods

binay relief goods

  • Pagbagsak ng relief goods ng ilang helicopters sa mga nasalanta dahil sa kabagalan mag-desisyon sa pagbibigay ng mga ito

hulog ng langit

Ang dami, ‘di ba? But wait, there’s more. Narito pa ang ibang mga anomalya nung panahon ng Yolanda na gusto nang makalimutan ng Pamahalaan.

  1. Pagtanggi ng Pamahalaan na i-acknowledge ang dami ng mga namatay sa Yolanda
  2. Kabagalan sa pagtungo sa kinaroroonan ng mga biktima (mas mabilis pa ang mga newscaster sa Pilipinas at ibang bansa)
  3. Pagtanggi ng Pamahalaan na may nangyayaring mga anomalya
  4. Pagfocus ng tulong sa iilang lugar lang na sinalanta ng bagyo
  5. Kakulangan ng kooperasyon ng National at Local Government
  6. Napakabagal na pamamahagi ng tulong sa mga biktima
  7. Below standard materials at overpricing sa pagtatayo ng bunk houses
  8. Hindi magandang kalagayan ng mga biktima sa mga evacuation center
  9. Pagtanggi ng Pamahalaan sa mga napansing anomalya ng mga tao at newscaster
  10. Pagbenta ng mga relief goods galing sa ibang bansa
  11. Pag-imbak ng pondong pera sa loob ng mga bangko imbes na gamitin para sa mga nasalanta
  12. Pagkagalit ng Pamahalaan kapag ipinapaalala sa kanila ang mga hindi pa nila nagawa

Sana ang mga susunod na administrasyon ay gumawa na ng tamang paghahanda para huwag nang maulit ang mga bagay na ito.

Hindi man mapigil ang kalikasan sa mga gusto nitong gawin, at least man lang sana eh gawin ng mga ahensya ng ating Pamahalaan ang trabaho nito ng maayos.

At bilang mga mamamayan, dapat din tayong maging responsable sa pagsunod sa abiso ng Pamahalaan patungkol sa mga sakuna at magkaroon ng simpatiya para tumulong sa mga taong sinalanta ng anumang sakuna.

Mga Scam na Dapat Pag-ingatan sa NAIA

Sinabi na ng NBI na may sindikato ngang nasa likod ng laglag-bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay sa kabila ng pagpipilit ng Pamahalaan na pagtakpan ang anomalyang ito sa ating airport.

worst and dangerous airport
worst na, dangerous pa ang tingin ng marami sa ating pambansang paliparan…

Pero hindi lang laglag-bala scam ang dapat pag-ingatan ng mga biyahero sa tuwing mapupunta sa NAIA. Narito ang iba pang mga scam o modus operandi ng mga airport personnel na dapat pag-ingatan ng sinumang biyahero sa nasabing paliparan.

1) Tanim Drugs Scam

Para rin itong laglag-bala scam pero drugs naman ang gamit para i-frame up ang kawawang pasahero para magbayad ito ng suhol o areglo para huwag ma-hassle sa byahe.

2) Overweight Baggage Scam

Sasabihin ng baggage checker na overweight ang bagahe mo at kelangan mong magbayad ng penalty pero kung bibigyan mo siya ng kung magkano ang hinihingi n’ya, aaprubahan n’ya kung ano man ang timbang ng bagahe mo.

3) Offloading Scam

Tatanungin ng immigration officer ng sangkatutak na tanong at sisitahin ang lahat ng documents ng pasahero lalo na kung gipit na ito sa oras. Hindi papayagan ng immigration officer na makaalis ng bansa ang pasahero hangga’t hindi ito nagbibigay ng lagay sa officer.

4) Forced Tip Scam

May mga airport staff na sapilitang “tutulungan” ang pasahero sa pagdadala ng kanyang mga bagahe kahit na hindi naman ito nangangailangan ng tulong. Pagkatapos “tumulong” sa mga bagahe ay maniningil ng napakalaking bayad ang airport staff sa ginawa niyang “pagtulong”.

5) No Choice Transportation Scam

Sa mga pasaherong hindi sanay magbiyahe sa airport, napupuwersa silang gamitin ang mga airport taxi na napakamahal ang bayad. Kahit na maikling distansiya lang ay malakas sumingil ang mga taxi na ito. At ang mga taxi lang na ito ang puwede mong ma-access sa loob ng airport. Walang ibang sasakyan sa loob ng airport ang pinapayagan liban sa mga taxing ito.

6) Over P10,000 Extortion Scam

Ten thousand Philippine pesos (Php10,000) lamang ang maaaring dalhin na pera palabas ng bansang Pilipinas. Bawal ang magdala ng sobra sa halagang ito sa ating mga airport. Kapag nahulihan nito ang sinumang pasahero ay kukumpiskahin ng mga awtoridad ang sobra sa Php10K. Pero isa-suggest ng airport officer na nakakita nito na suhulan na lang siya para payagan niya ang pagdadala ng sobra-sobrang pera ng pasahero.

Karaniwan sa mga madalas mabiktima sa mga scam na ito ay mga balikbayan na umuuwi sa Pilipinas o mga OFW na lumalabas ng bansa.

Narito ang ilang tips kung paano mag-iingat.

  1. Sumunod sa mga patakaran ng airport (huwag lumabag sa mga rules and regulations)
  2. Huwag magdala ng anumang bawal sa airport o eroplano
  3. Siguraduhing kumpleto ang mga dokumento sa pagbyahe
  4. Mariing tumanggi sa anumang inaalok na hindi kailangan
  5. Dumating ng 3 to 4 hours bago ang byahe para magkaroon ng oras sa anumang aberya
  6. Alamin ang mga hotline para sa legal na tulong o reklamo sa mga airport staff o personnel
  7. Maghanda lagi ng celphone o phonecard na magagamit pantawag sa mga kamag-anak
  8. Kandaduhan o baluting mabuti ang mga dalang bagahe upang hindi ito masalisihan
  9. Kung uuwi ng Pilipinas, magpasundo sa kakilala o kamag-anak sa airport
  10. Use common sense, huwag sunod ng sunod sa sasabihin ng airport personnel, magtanong din kung kinakailangan at kung kwestyonable ang hinihingi o ipinapagawa

Mga Tungkulin at Responsibilidad ng mga Elected Government Officials

Narito ang ilan sa mga trabaho, tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan ng ating mga inihahalal na mga opisyal ng lokal at pambansang gobyerno.

palasyo ng malakanyang

Pangulo ng Pilipinas
  • Commander in chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
  • Pinuno ng ehekutibong sangay ng Pamahalaan (kabilang ang mga Cabinet at lahat ng mga Kagawaran)
  • Tanggihan ang bagay na paglalaanan ng pondo o sistema ng pagbubuwis
  • Magtalaga ng bagong ikalawang pangulo mula sa kongreso at sa pahintulot ng nakararami sa kongreso kapag nabakante ang posisyon ng ikalawang pangulo
  • Depende sa pagsang-ayon ng kumisyon ng pagtatalaga, italaga ang mga pinuno ng mga sangay na tagapagpaganap, kinatawan sa ibang bansa, pampublikong kinatawan, ilang opisyal ng kasundaluhan, at iba pang posisyon sa gobyerno ayon sa konstitusyon
  • Mangangasiwa sa lahat ng sangay ng gobyerno at siguraduhing lahat ng batas ay nasusunod
  • Mamuno sa buong kasundaluhan at pakilusin ang mga sundalo kung kinakailangan
  • Ipataw ang Martial Law o bawiin ang Writ of Habeas corpus sa loob ng 60 araw sa panahon ng pananakop o pag-aaklas
  • Mangontrata para sa pondo o pangungutang ng gobyerno sa pakikipag-ugnayan sa Lupon ng Pananalapi
  • Magpasa sa kongreso ng badyet at pagkukunan ng pondo para dito
  • Magtalaga ng mga miyembro ng punong hukom at mga hukom ng mababang hukuman
  • Magbigay ng mga utos sa pagpapaganap ng katungkulan ng gobyerno at mga sangay nito
  • Paganahin ang kapangyarihan sa mga dayuhan sa loob ng bansa
  • Kumpiskahin ang pribado o pampublikong ari-arian ng may ampat na kabayaran para sa kapakanan ng lipunan gamit ang maayos na pamamaraan ng batas
  • Ilaan ang pampublikong lupa para gamitin ng publiko
Bise Presidente
  • Maaaring tumanggap ng posisyon sa gabinete at gampanan ang tungkulin nito
  • Magsilbing Pangulo kung ang posisyon na ito ay nabakante
Senador at Kongresista
  • Humarap sa kanilang lupon para madinig sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang katungkulan
  • Magdeklara ng kundisyon ng giyera ayon sa boto ng 2/3 ng pinagsamang pagpupulong ng senado at kongreso
  • Sa panahon ng giyera o sakuna, maaaring bigyan ng kongreso ang Pangulo ng kapangyarihan para tugunan ang sitwasyon, maaari din itong bawiin ng kongreso
  • Magmumula sa mababang kapulungan ang mga batas na ipapatupad ukol sa pagbubuwis, utang ng gobyerno at iba pang bayarin (ang senado ay maaari lamang magmungkahi at sumang-ayon).
  • Ang proseso sa pag-aapruba ng pondo ng kongreso ay susunod sa patakaran ng pag-aapruba sa iba pang sangay ng gobyerno
  • Isaad ang paglalaanan ng mga espesyal na pondo at siguraduhing may mapapagkunan nito ayon sa pambansang ingat-yaman o di kaya ay nararapat na kalapin sa naaayon na pagbubuwis
  • Gampanan ang kanilang tungkulin sa mga komiteng itinalaga sa kanila
  • May mga pondo na ipagkakaloob sa ilang opisyal ngunit kinakailangang gamitin para sa pampublikong kapakanan, suportado ng mga dokumento at naaayon sa mga patakaran at batas.
  • Ibalik sa pangkalahatang pondo ng gobyerno ang sobra sa mga espesyal na pondo
  • Walang batas na ipapasa para palawakin ang kapangyarihan ng katas-taasang hukuman
  • Walang batas na ipapasa para magtalaga ng political dynasty
  • Magtalaga ng sistema para imungkahi o tanggihan ng taumbayan ang isang batas na ipinasa ng kongreso alinsunod sa pamamaraan ng pagmungkahi o pagtanggi
  • Isaad ang katangian ng mga hukom para matangap sa mababang hukuman
  • Tanggihan o pahabain ang martial law na ideneklara ng pangulo
  • Linawin ang limitasyon at sakop ng mga korte ng hustisya maliban sa pinakamataas na korte o kataas-taasang hukuman
  • Mag-impeach ng pangulo, ikalawang pangulo, miyembro ng punong kahukoman, miyembro ng komisyon ng konstitusyon at ang ombudsman
  • Magmungkahi ng pagbabago sa konstitusyon
Gobernador ng Lalawigan
  • Ilatag ang batayan ng mga polisiya ng probinsiya at managutan sa sangguniang panlalawigan para sa mga programa ng gobyerno
  • Bigyang direksyon ang planong pangkaunlaran ng probinsya
  • Ihayag sa Sangguniang Panlalawigan ang programa ng gobyerno at magmungkahi ng angkop na polisiya at proyekto
  • Pangatawanan ang probinsiya sa lahat ng negosasyon , kontrata at obligasyon sa pagsang-ayon ng Sangguniang panlalawigan
  • Magsagawa ng mga paraan para matugunan ang mga sakunang natural o gawang-tao
  • Suriin ang mga talaan at dokumento ng lahat ng tauhan ng probinsiya
  • Mamahagi ng utos na tagapagpaganap ng Pangulo sa loob ng 72 oras mula sa pagkakautos nito
  • Bisitahin ang mga siyudad at munisipyo ng probinsya minsan kada anim na buwan
  • Pangatawanan ang probinsya sa mga palaro sa labas ng probinsya
  • Magsagawa ng taunang palarong panlalawigan
  • Magpasa sa Pangulo ng taunang ulat ukol sa mga pangyayari sa probinsya
  • Ipataw ang mga batas, ordinansa at mga aprubadong programa, proyekto at gawain sa probinsya
  • Magpatawag ng pagpupulong ng mga opisyal sa probinsya
  • Pangasiwaan ang planong pangkapayapaan at pangkatahimikan ng probinsya
  • Tumawag sa mga mga ahensya ng pagpapatupad ng batas upang sugpuin ang rebelyon at iba pang kilos laban sa kapayapaan
  • Mangasiwa sa pangangalap ng pondo at buwis para sa pagpapatakbo ng mga Gawain ng probinsya
  • Paabrubahan sa Sanggguniang Panlalawigan ang taunang badyet ng probinsya
  • Mamahagi at bumawi ng mga permiso at lisensya
  • Magsagawa ng mga hakbang para mapangalagaan ang likas-yaman
  • Pangalagaan ang mga karapatan at ari-arian ng probinsya
  • Magtalaga ng mga pagdinig sa mga kaso na mya kinalaman sa paglabag sa ordinansa sa di pagbayad sa buwis at pagbawi ng pondo at ari-arian
  • Siguruhin ang pamamahagi ng mga serbisyong pampubliko
Municipal Mayor
  • Mangasiwa sa lahat ng gawain ng lungsod
  • Ilatag ang batayan ng mga polisiya ng lungsod at managutan sa Sangguniang Panlungsod para sa mga programa ng gobyerno
  • Bigyang direksyon ang planong pangkaunlaran ng lungsod
  • Ihayag sa Sangguniang Panlungsod ang programa ng gobyerno at magmungkahi ng angkop na polisiya at proyekto
  • Pangatawanan ang syudad sa lahat ng negosasyon, kontrata at obligasyon sa pagsang-ayon ng Sangguniang Panlungsod
  • Magsagawa ng mga paraan para matugunan ang mga sakunang natural o gawang-tao
  • Suriin ang mga talaan at dokumento ng lahat ng tauhan ng lungsod
  • Bisitahin ang mga barangay minsan kada anim na buwan
  • Magkasal
  • Magsagawa ng palarong panlungsod
  • Magpasa sa gobernador ng taunang ulat ukol sa mga pangyayari sa syudad
  • Ipataw ang mga batas, ordinansa at mga aprubadong programa, proyekto at gawain sa lungsod
  • Magpatawag ng pagpupulong ng mga opisyal sa lungsod
  • Pangasiwaan ang planong pangkapayapaan at pangkatahimikan ng lungsod
  • Tumawag sa mga mga ahensya ng pagpapatupad ng batas upang sugpuin ang rebelyon at iba pang kilos laban sa kapayapaan
  • Mangasiwa sa pangangalap ng pondo at buwis para sa pagpapatakbo ng mga gawain ng lungsod
  • Paabrubahan sa Sangguniang Panlungsod ang taunang badyet ng lungsod
  • Mamahagi at bumawi ng mga permiso at lisensya
  • Magsagawa ng mga hakbang para mapangalagaan ang likas-yaman
  • Pangalagaan ang mga karapatan at ari-arian ng lungsod
  • Magtalaga ng mga pagdinig sa mga kaso na may kinalaman sa paglabag sa ordinansa sa di pagbayad sa buwis at pagbawi ng pondo at ari-arian
  • Siguruhin ang pamamahagi ng mga serbisyong pampubliko
Vice Mayor
  • Manilbihang pangunahing opisyal ng Sangguniang Panlungsod (SP), maaari lamang bumoto pag tabla (pareho ang dami ng bilang) ang botohan
  • Pirmahan ang mga dokumento sa paggasta ng SP
  • Italaga ang mga opisyal at empleyado ng SP ayon sa nakasaad sa serbisyo sibil
  • Punan ang nalalabing panahon sa opisina ng mayor kung ito ay mabakante
Sangguniang Panlungsod (City Councilors)
  • Aprubahan at magpasa ng mga resolusyon para sa maayos na pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan.
  • Gamitin ang buwis at iba pang likas yaman para sa pagpapaunlad ng lungsod
  • Magsagawa ng mga ordinansa sa pag-aapruba ng mga permiso at lisensya ng kalakalan at iba pang operasyon sa lungsod
  • Mangasiwa sa mga gusali at imprastrakturang nasasakupan ng lungsod
  • Aprubahan ang mga ordinansa sa mahusay na pamamahagi ng mga serbisyo publiko
  • Gawin ang iba pang katungkulan na ipinagkaloob ng batas
Barangay Kapitan
  • Ipataw ang mga batas at ordinansa na naangkop sa barangay
  • Makipagtalakayan at mangontrata para sa barangay sa pahintulot ng Sangguniang Barangay
  • Panatilihin ang kaayusang pampubliko
  • Tumulong sa Mayor at sa Sangguniang Panglungsod sa kanilang mga tungkulin
  • Magtawag at mangasiwa sa mga pulong ng barangay at bumoto lamang kapag patas ang botohan
  • Magtalaga at palitan ang ibang mga opisyal ng barangay sa pahintulot ng nkararami sa sangguniang barangay
  • Bumuo at manguna ng grupo para maaksiyunan ang anumang kalamidad
  • Makipag-ugnayan sa konsehong pangkaunlaran ng barangay sa paghahanda ng badyet ng barangay
  • Aprubahan ang mga dokumento sa mga gastusin ng barangay
  • Ipataw ang mga batas at regulasyon para sa proteksyon ng kalikasan
  • Ipatupad ang operasyon ng katarungang pambarangay
  • Subaybayan ang mga gawain ng Sangguniang Kabataan
  • Siguraduhin ang pamamahagi ng serbisyo publiko, magsagawa ng taunang palarong pambarangay
  • Maaaring magdala ng armas sang-ayon sa nakasaad sa batas
Sangguniang Pambarangay (Barangay Councilors)
  • Ipataw ang mga ordinansa para sa kapakanan ng barangay
  • Ipataw ang mga ordinansa sa pagbubuwis
  • Sundin ang taunang badyet
  • Paglaanan ang pagpapagawa at pagpapaayos ng mga gusali at pampublikong gawain ayon sa pondo ng barangay at iba pang pondo na nakalaan
  • Magbigay mungkahi sa Sangguniang Panlungsod para sa ikauunlad ng barangay
  • Tumulong sa paggawa at pag-organisa ng mga kalakalan sa loob ng barangay
  • Pangasiwaan ang mga pasilidad na nasa kapangyarihan ng barangay pati na ang pagsingil sa pag-gamit ng mga ito
  • Mangalap ng pondo, materyales at tauhan para sa pampublikong gawain at kalakalan na makatutulong sa barangay
  • Bayaran ng naaayon ang paninilbihan ng mga opisyal ng barangay
  • Pahintulutan ang punong barangay na mangontrata para sa barangay
  • Magpataw ng parusang pagbabayad ng salapi sa paglabag ng anumang ordinansa
  • Ibigay ang mga pangangailangan ng lupong tagapamayapa at pangkat ng tagapagkasundo para sa pagganap ng kanilang tungkulin
  • Ibigay ang mga pangangailangan ng mga tanod at mga serbisyong pampubliko sa pagganap ng kanilang tungkulin
  • Magsagawa ng mga programa na humihikayat sa publiko na tumulong sa gobyerno
  • Magsagawa ng mga paraan para maiwasan ang pagdami ng mga squatter at masasamang elemento
  • Proteksiyunan ang kapakanan ng mga bata sa barangay lalo na ang edad 7 pababa
  • Magsagawa ng mga paraan para masugpo ang pagkalulong sa bawal na gamot at pang-aabuso sa bata
  • Pangunahan ang pagtatatag ng mataas na paaralan sa baranggay kung kakayanin
  • Maglaan ng lugar sa barangay para sa hindi pormal na edukasyon kung kakayanin
  • Maglaan para sa pamamahagi ng serbisyo publiko
  • Tulungan ang punong barangay sa kanyang mga katungkulan
  • Panatilihin ang pampublikong kaayusan at kapayapaan
  • Gawin ang ibang pang katungkulan na ipinataw sa kanila ng punong barangay
Sangguniang Kabataan (SK)
  • Magsagawa ng mga programa para sa paglago ng sosyal, politika, kultura, dunong, pagpapahalaga, ispiritwal at pisikal ng mga miyembro
  • Magsagawa ng mga gawain para kumalap ng pondo parasa sangguniang kabataan
  • Bumuo ng mga grupo para sa pagganap ng tungkulin ng SK
  • Magpasa ng taunang report sa sangguniang barangay ukol sa mga gawain at proyekto ng SK
  • Kumonsulta at makipag-ugnayan sa iba pang mga grupo ng kabataan sa barangay sa pagbuo pagpapalaganap ng mga polisiya at programa
  • Gawin ang iba pang katungkulan na ipinataw ng Sangguniang Barangay

References:

7 Resume DOs and DON’Ts for OFWs

Ang guest post na ito ay mula sa co-founder at head ng OFWguru website. Isi-share po ng ating guest author ang ilang very useful at informative tips sa paghahanda ng isang kagila-gilalas na resume. (Hindi po affiliated o related sa nasabing website ang The Pinoy Site.)

*******************************************************************

7 Resume DOs and DON’Ts for OFWs
by Jonathan Ong

Your resume says a lot about what you can or cannot do for a company, or whether you’re right for a particular position. Regardless if you’re applying for a job locally or in another country, you should thoroughly and carefully consider every detail included in your resume.

Some people think that a resume is only a basis of whether you have the potential to be called in for an interview, but according to international recruitment agency, Leslie Corporation, in an interview with news network, GMA 7, many Pinoys working abroad have been able to find jobs on the merits of their resumes alone.

While you may not get a chance to impress your potential employer in an interview, your resume should be impressive enough already to land you the job that you want.

pagsulat ng resume
image source: popsugar.com
Check out this practical list of dos and don’ts in creating an efficient and compelling resume:

1. Don’t lie in your resume.

This should be common sense although some people still need to be reminded about this. Don’t pretend to be anything that you are not. Don’t make up positions and achievements you’ve never had, as the employer will soon find out anyway.

Companies aren’t really looking for 10-page resumes, rather they’re looking for a set of skills and experiences that you may already have. Remember, quality of experience trumps quantity of companies worked for.

2. Don’t send the same resume for different job positions.

Customize your resume according to the job that you’re applying for. Highlight the experiences that will show how you can function effectively in the position that you’re hoping to get.

For example, if you’re applying for a public relations position in a hotel in the U.A.E., you should include your experiences in direct marketing and customer relations management.

3. Do know what your employers are searching for in a candidate.

Aside from the job description usually provided by head hunters in job listings online, the location of the company is a hint to what employers may be searching for in a candidate.

For example, companies based in the U.S. and U.K. are more concerned with the set of skills you’ve developed and jobs you’ve held in the past, more than your educational background and academic achievement; whereas these details add weight to your application for European and Asian-based companies.

You also need to know the global standards of qualification for your line of work. For instance, if you’re a nurse looking for work abroad, you need to have passed your NCLEX and IELTS examinations and have supporting documents to prove it, especially when you’re going to work for health facilities in non-English speaking countries.

4. Do use bullets when enumerating your skills and highlight relevant experiences.

Most of the time, the headhunter has to go through hundreds of applications every day. Therefore, highlighting your relevant skills and experiences in a bullet format makes it easier for them to gather all they need to know about you.

Quantify your accomplishments, such as how much you’ve contributed to the growth in sales for a period in your previous companies, or what significant changes you’ve introduced that improved the day-to-day operations.

However, keep it to a minimum of two lines per bullet. Keep it straightforward and easy to read.

5. Do optimize your resume with relevant keywords.

If you’re applying for a big company, the chances are that they’re using a program or an app to sort through hundreds of applications they receive every day.

You don’t have to go overboard with the keywords, just make sure that you include a couple of relevant ones and proofread your resume well for better results.

6. Don’t quote the job description in your cover letter.

Write a cover letter that clearly shows your intention for applying and what you can offer the company. Introduce yourself briefly in such a way that your character and personality will shine through.

Just as with any written pieces, make sure that your first paragraph will be compelling enough to make the employer continue reading. Don’t quote the job description provided, as this will reflect on your competence—or your lack thereof.

Make two versions of your cover letter and resume for companies located in non-English speaking countries, with one in English and another in their local language. This will show how committed you are to getting the job.

7. Do mind the content before submitting your resume.

You are what your resume says that you are, and some of these qualities are not seen in the words you’ve added, but in the way you have presented your resume. So, put an effort in creating the right impression on the employer.

Do a spell check, proofread your sentences, check your format, and edit it thoroughly to make sure that you’re getting the right message across the company you’re hoping to get into.

Keep the important details and eliminate the unnecessary ones, such as accomplishments or past jobs that have little or no relevance at all to the position you’re applying for.

Consider the culture, laws, and the belief system of the country where the company is located. Don’t include details about you that may be acceptable here but questionable in their culture, like political rallies and extreme advocacies.

Your best foot forward

Put your best foot forward, whether you’re applying for work here or abroad. Commit to creating a great resume that will best represent you and what you’re capable of.

Keep your resume neat and don’t do anything to it that will connote disrespect towards the employer, such as italicizing or underlining skills that you want to emphasize to them. Don’t worry if your list of work experiences is short, as employers consider potential, attitude, and trainability as well.

At the end of the day, what these companies only need to find out is how well you can handle the responsibility and if you can adjust to the culture—both inside and outside the workplace.

Author’s Bio

———————————————————————————————-
Jonathan Ong of ofwguru.comJonathan is the Head Business Development of OFWguru.com, a job listing website for OFWs. On his free time, he likes to read the news especially those that concerns OFWs.

He publishes articles that guide OFWs in their work abroad, from finding a job and adapting to diverse cultures, to stories about the ups and downs that OFWs go through in their life abroad.

———————————————————————————————

Sino Ang Iboboto Mo?

Alam mo na ba kung sino ang iboboto mo para maging kasunod na Pangulo natin? Ako, wala pa. Wala pa akong ganang bumoto. Este, nawalan na pala ako ng ganang bumoto.

binay for president

Excited pa mandin ako nung nagpa-biometrics ako sa Comelec kasi after more than 10 years eh makakaboto na ulit ako. Tapos, nung makita ko na ang mga pagpipilian, nakakadismaya.

grace poe for president

Sayang naman ang karapatan kong bumoto kung hindi ko magagamit. Pero wala talaga akong makabig eh. Puro tulak ang gusto ko gawin!

mar roxas for president

Hay naku, sana naman eh may matino-tino pang presidentiable candidate ang mag-file ng candidacy bago matapos ang deadline.

Si Heneral Luna at ang mga Pasaway na Pilipino

Kung nabuhay si Heneral Luna sa panahon natin ngayon ay malamang sapitin niya rin kung ano ang nangyari sa kanya sa kasaysayan.

si heneral luna

Kahit na kasi matalino, talented, world class at may klarong direksiyon si Heneral Luna para sa minamahal niyang bansang Pilipinas eh hindi siya marunong makitungo sa mga pangkaraniwang Pilipino at sa mga  makapangyarihang Pilipino.

Puro siya prinsipyo.

Palibhasa ay anak mayaman, nag-aral sa mga tanyag na paaralan at nagtapos ng doctorate sa Europa, hindi masyadong nakahalubilo ni Heneral Luna ang mga uri ng Pilipinong araw-araw niyang makakasalamuha sa kanyang mga misyon.

Nagkaroon siguro siya ng culture shock sa mga totoong nangyayari sa Pilipinas at kung paano mag-isip ang mga Pilipino. Hindi niya yata na-anticipate na mahihirapan siyang ipatupad ang mga plano niya sa klase ng pag-uugali ng mga Pilipino.

Hindi natin masisisi si Luna sa paghahangad na magkaroon ng disiplina at pagbabago sa sandatahan ng Pilipinas. Yun ang trabaho niya. At dahil isa siyang Grade A student, ginusto niyang ma-accomplish ito at all cost. Kahit na buhay pa niya ang maging kabayaran nito.

So, ganun nga ang nangyari, pinatay ng pasaway na mga Pilipino ang nag-iisang mahusay na heneral ng Pilipinas dahil hindi nila gusto ang pamamaraan ni Luna. At bumagsak tayo ng tuluyan sa kamay ng mga Amerikano dahil dito.

Ngayon, kung nabuhay man si Luna sa panahon natin at ginustong magpatupad ng disiplina at pagbabago, papatayin lang din siya ng mga pasaway na Pilipino.

Ang Heneral Luna ay palabas pa rin sa mga sinehan, ganda ‘to, nood na! (Warning: May mga pagmumura, graphic violence at mabilisang nudity.)

pelikula tungkol kaheneral luna

Bakit Kailangang Ibalik ang Death Penalty sa Pilipinas

Drugs, gun-for-hire killings, murder, rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts of terrorism at malversation of public funds – ito ang mga lumalalang krimen sa lipunan natin. Ito rin ang mga problemang ipapamana natin sa ating mga anak.

Subalit para sa lahat ng krimen na ito ay may isang kandidatong solusyon. Ito ay ang pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

bitay sa pilipinas

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit kailangang ibalik na sa ating bansa ang Death Penalty, now na!

  1. Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal
  2. Dahil dumadami ang mga kriminal at nagkukulang ang mga pasilidad para i-contain sila
  3. Dahil nababawasan ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa kulungan
  4. Dahil nagiging headquarters lang ng mga kriminal ang kulungan
  5. Dahil hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit nahatulan na
  6. Dahil may mga kriminal na hindi hihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila
  7. Dahil lumilikha ng mga bagong kriminal ang mga kriminal
  8. Dahil binabago ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao (nagsisisi, nagiging banal, tinatanggap ang nagawang pagkakamali, hinahanda ang sarili para sa pagpanaw)
  9. Dahil kahit walang malasakit sa tao ang mga kriminal, may malasakit siya sa sarili niyang buhay (pwede silang mapigilan sa paggawa ng krimen kung alam nilang  tiyak na kamatayan ang magiging parusa sa kanila)
  10. Dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ng mga vigilante na inilalagay ang batas sa kamay nila

Dapat din syempreng repasuhin agad ang judiciary system natin upang magkaroon ng mabilis, pantay at malinis na paglilitis sa mga krimen.

Maraming ginagawang paraan ang pamahalaan natin para dumami ang mga turista at foreign investment sa Pilipinas. Pero kung ibubuhos lang sana nila ang kanilang puwersa at paggastos ng pera sa pagbabawas ng krimen sa bansa, siguradong dadami ang lokal na negosyo, ang pagdayo ng mga turista at investments sa ating bansa.

Gusto ko na sana tapusin ang post na ito sa pagsuporta sa Death Penalty subalit ang mapait na katotohanan ay hindi magiging epektibo ang Death Penalty sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.

Sa kasamaang palad, narito ang mga dahilan kung bakit hindi magiging epektibo ang death penalty sa Pilipinas.

  1. Dahil sa corruption sa loob ng PNP
  2. Dahil sa corruption sa loob ng mga kulungan
  3. Dahil sa corruption sa judiciary system (mabagal na proseso at nababayarang mga judges)
  4. Dahil sa corruption ng government officials (lalo na sa LGU level)
  5. Dahil sa kahirapan sa bansa (iaalok ng mga mahihirap kapalit ng pera ang kanilang sarili para akuin ang kasalanan ng mga mayayaman)

Ang dapat gawin ng ating bansa kung ganon ay:

  1. Eradicate corruption sa lahat ng sangay ng Pamahalaan at pribadong sektor
  2. Improve education and basic services para sa mga mamamayan
  3. Impose Death Penalty Law

Pero parang loop, hindi ba? Paano mo mai-eradicate ang corruption kung hindi natatakot sa batas ang mga corrupt? At paano naman sila matatakot kung alam nilang hindi naman sila mapaparusahan?

Kailangang ma-eradicate muna kung ganon ang katiwalian sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Pero kung wala nang korapsyon, kailanganin pa kaya natin ang death penalty?

Related articles:

Mga Maaaring Gawin ng Guro Para Pigilan ang Pangongopya sa Klase

Second year highschool na ako nuon nang mapansin ko ang epidemyang ito na mabilis kumalat sa klase namin – ang pangongopya sa klase. Sa panahong ito ko na rin kinamuhian at isinumpa ang pangongopya.

Mag-aaral ako ng maayos tapos makikita ko lang ang mga kaklase ko na nagkokopyahan, makakakuha ng matataas na score at mabibigyan pa ng recognition pagkatapos ng taon.

paraan para huwag mandaya ang mga estudyante
narito ang isang mabisang paraan para pigilan ang pangongopya…

Mula Elementary hanggang College ay hindi ako nangopya. Hindi ako genius na estudyante, average lang ako pero nagawa kong makapasa sa lahat ng subject na pinagdaanan ko. Kaya masasabi ko kagaya ni Pinay Unlimited, na hindi talaga imposibleng makapasa sa pag-aaral kahit hindi nangongopya.

Ang pangongopya ay parang sakit, wala itong pinipili. Babae, lalaki, Katoliko, CYA, INC, Born Again, etc. Nakita ko silang lahat na nangopya. Hindi ako nagmamalinis sa pagsabing hindi ako nangopya habang nag-aaral. Ilang beses ko na ring tinangka mangopya pero mas nananaig lang talaga yung muhi at poot ko sa gawaing ito kaya hindi ko ginawa 😀

Nakaka-adik din siguro ang pangongopya. Parang sugal, o kaya kahit na anong masamang bisyo; kapag nalulong ka na, mahirap nang magbago.

pangontra sa pandaraya
mabisang paraan din ito…

Kaya kung ikaw ay isang estudyante na hindi pa nakaranas mangopya o nagsisimula pa lamang mangopya, huminto ka na ngayon pa lang. Iligtas mo ang iyong dangal, dignidad at moralidad. At kung nakalubog ka na sa pangongopya, humanap ka ng tulong.

Narito ang ilang mga pamamaraang ginawa ng mga titser ko noon para mahinto ang kopyahan sa amin. Hindi perpektong na-eradicate ang pangongopya pero nagkaroon ng kontrol sa klase.

  1. by batch na test
  2. surprise quiz
  3. oral test
  4. secret spies
  5. malayong pagitan ng mga upuan
  6. mahigpit na pagbabantay
  7. pagpapahinto ng test sa estudyanteng nahuling nangongopya sa klase
  8. pamamahiya sa nangopyang estudyante sa harap ng klase
  9. pag-cancel ng test sa buong klase
paraan para pigilan ang kopyahan...
okay na idea din ito…

Pero of course, kung tamad ang titser at walang malasakit sa kinabukasan ng kanyang mga estudyante eh wala siyang gagawing kahit na anong effort para masawata ang pandaraya sa klase.

**************************************

Disclaimer: Ang mga larawan sa itaas ay hindi kuha sa Pilipinas at hindi ko rin pag-aari.

Mabuti Pa Ang Japan, Tinatangkilik ang Made in Philippines

Mula nang umigting ang dispute ng China at Japan sa Senkaku Islands ay lumamig ang relasyon nito sa isa’t isa. Naging daan ito para maisip ng Japan na hindi na pala sila pwedeng umasa sa Tsina lang para sa pag-angkat ng mga produktong mura.

Ang panlalamig ngang ito ng relasyon ng Tsina at Japan ang siya ring naging dahilan ng pag-init ng relasyon ng Japan sa Pilipinas na meron ding disputed na mga teritoryo sa Tsina.

Ngayon, marami nang produktong Made in Philippines ang nakapasok sa mayamang merkado ng Japan.

  • Merong mga Prutas

banana from philippines

  • Merong mga Snacks

magic flake crackers japan

  • Merong mga Swim Wear

adidas made in phil

  • Merong Sports Gear

sports gear phils

  • Merong Kitchen Items

kitchen item from phils

  • Meron ding Electronics

electronics phils

At marami pang iba na hindi ko na nakunan ng pictures.

Kung ang mayamang bansa na kagaya ng Japan ay tumatangkilik sa mga produktong Pilipinas, tayo naman sa Pilipinas ay patuloy pa rin sa pag-angkat ng mga produktong galing Tsina.

At habang pinapayaman ng Pilipinas ang ekonomiya ng Tsina, patuloy naman ang pambu-bully nito sa atin. Sana gumaya na rin ang Pilipinas sa Japan.

Buy Philippine made products. Tangkilikin natin ang sariling atin.

Paano Kokontrahin ang Boto ng Bobotante

Sino ang mga “bobotante”? At bakit kelangan nating kontrahin ang boto nila? Huway hon hearth should we care about them?

Ang mga tinaguriang bobotante ay kahit na sinong rehistradong botante na hindi nag-iisip ng maayos kung sino ang iboboto sa mga importanteng posisyon sa ating Pamahalaan.

pigilan ang mga bobotante

Ang mga bobotante ay walang pakialam kung corrupt, inutil, mamamatay-tao, rapist, magnanakaw, traydor sa bansa, sinungaling o lantarang immoral ang isang pulitikong kandidato.

Iboboto ng bobotante ang kahit na sinong pulitikong gusto nila regardless kung ano pa man ang kuwalipikasyon nito.

Ito ang dahilan kung bakit dapat nating kontrahin ang boto ng mga bobotante. In English, we must stop them!!!

Hindi natin maaaring ipagkatiwala sa kanila ang desisyon kung sino ang mamumuno sa ating bansa, lalawigan, munisipalidad o baranggay. Dahil wala sila sa tamang katinuan o kapasidad para pumili ng lider para sa atin.

Kung kaya’t nararapat lamang na tayong matatalinong mga mamamayan ng Pilipinas ay dapat magkaisa upang kontrahin ang kabobohang magiging desisyon ng mga bobotante.

Iboto natin ang matuwid.
Iboto natin ang tapat.
Iboto natin ang tunay na may malasakit sa bansa at hindi lang sa mga mahihirap (kuno).

Sa pamamagitan ng sama-sama nating boto ay makakapili tayo ng lider na hindi mga bobotante ang naghalal.

Sounds like a good plan, ‘di ba?

Pero bago tayo makaboto, ang kelangan muna eh magparehistro tayo para sa halalan next year. At ang deadline nito ay sa October 31, 2015 na!!!

Wala na tayong dahilan para hindi makapagpa-rehistro. Ang Comelec registration ay nagkalat na kung saan-saan.

1.) Meron sa inyong malapit na local Comelec Office

local comelec office

2.) Meron sa NAIA Airport

ofw voters registration naia

3.) Meron sa mga popular na malls

comelec in malls

4.) Meron din sa Internet

online registration

Tamad ka na lang talaga at walang pakialam kung hindi ka pa rin magpapa-rehistro para makaboto.

Ito na ang chance natin to make a difference kahit once every 3 or 6 years lang. Kaya magparehistro na at bumoto!

Marami pang impormasyon dito: Comelec Website