All posts by ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Komik Istrip 002: Kinababaliwan ng Kababaihan

Ang okay siguro kung merong magbibigay sa ‘yo ng kahit anong kahilingan mo ‘no? Pero ‘wag kang masyado excited. Mas maganda kung isipin mo muna mabuti yung hihilingin mo. Baka iba yung maging interpretation nung magbibigay ng wish mo eh.

kinababaliwan ng mga kababaihan

Advertisements

Paano Magka-Girlfriend

paano magka-girlfriend

This goes out to all my hommies who have sacrificed their lovelife all these years for whatever selfless reasons.

O ‘di ba? Gangster na gangster lang ang peg.

Paumanhin sa mga girls. This post is for the boys only. Pero kung ikaw ay girl at gustong makatulong sa isang boy na kilala mo, please refer this post to him.

Here goes.

Sa mga walang girlfriend na kalalakihan dahilan sa mga dakilang kadahilanan gaya ng pag-aaral nang mabuti, pag-una sa responsibilidad na tumulong sa mga magulang, kapatid o kamag-anak o paghabol sa mga pangarap sa buhay.

Para sa inyo  ito.

(Kung ikaw ay manyak, palamunin at salot sa mundo, wala akong pakialam sa ‘yo 😀 )

So, sa tingin mo ay handa ka nang pumasok sa isang relasyon. Pwede ka nang magka-girlfriend. Gusto mo nang magka-girlfriend. Nagpasya ka nang available ka na sa merkado (ng love market).

Kaya lang may problema.

  1. Hindi mo alam kung saan hahanap ng girlfriend
  2. Hindi ka marunong manligaw
  3. Wala kang nalalaman tungkol sa mga babae
  4. Hindi ka kagwapuhan

Sa tagal mong ginawang hindi available ang sarili mo, nagkaroon ka tuloy ng social disability.

Well, meron akong good news. May tip ako para sa ‘yo.

Pero bago ang lahat, may tanong muna ako na gusto kong itanong mo rin sa sarili mo.

“Bakit gusto mong magka-girlfriend?”

Ilan sa mga posibleng sagot sa tanong na ito ay ang mga sumusunod:

a) gusto mong pagbigyan ang iyong makamundong pagnanasa
b) nalulungkot ka or naiinip or wala ka nang alam gawin sa buhay mo
c) gusto mong mag-asawa at bumuo ng pamilya dahil sa a) or b)
d) meron kang specific na napupusuan na girl at sa tingin mo ay magiging kumpleto ang buhay mo kapag naging kayo

Kung ang dahilan kung bakit gusto mo magkaroon ng girlfriend ay a) or b) or c), meron akong bad news. Meron kang problemang hindi kayang solusyunan ng pagkakaroon ng girlfriend.

Try to fix that problem muna then get back here.

Para sa mga sumagot ng d), read on.

So meron ka namang good intentions kaya gusto mong magkaroon ng girlfriend. Kaya lang ay problema mo yung mga problemang nakalista sa taas. Well, heto lang ang solusyon sa mga problemang iyan.

Are you ready? Wag kang kukurap. Heto na.

Ang solusyon sa iyong problema ay…

LAKAS NG LOOB at KAPAL NG MUKHA

What, nagi-expect ka ba ng mas kumplikadong sagot sa mga problemang nakalista sa taas?

Ang tagumpay mo sa pagkakaroon ng girlfriend ay nakasalalay nang malaki sa dalawang bagay na ito.

LAKAS NG LOOB at KAPAL NG MUKHA

Maaaring may pera ka, may hitsura ka, may muscles ka, may ginintuang kalooban ka, may mga trophy at plake ka, etc.

Pero kung wala ka nitong dalawang bagay na ito, mas mabuti pang ipanata mo na lang na magiging celibate ka buong buhay mo.

LAKAS NG LOOB at KAPAL NG MUKHA

Dahil hindi naman mahuhulog sa mga palad mo ang babaeng iniirog nang ganun-ganon lang.

Kahit 21st century na tayo, kailangan pa ring ikaw ang mag-initiate dahil ikaw ang lalake.

Hindi iyon nakasulat na batas. Pero batas pa rin iyon ng natural world na dapat nating sundan whether we like it or not.

Ngayon, kung wala ka pang napupusuan na girl pero gustung-gusto mo na talagang makahanap ng girlfriend at potential na mapapangasawa at bumuo ng pamilya (dahil ayaw mong tumandang binata at gusto mong magparami ng lahi), narito ang ilang paraan para makita ang iyong match.

Mga magandang lugar para makakita ng potential girlfriend

1. Kapitbahay
2. Friend ng iyong kapamilya or kamag-anak or kaibigan
3. Paaralan
4. Church
5. Community organization
6. Trabaho
7. Kahit saang lugar na regular mong pinupuntahan at may nami-meet kang girls (sports club, suking salon, tindahan, etc.)

Sa mga lugar na nakalista sa itaas, may chance kang makilala ang personalidad nung babae. Meron ka rin pwedeng pagtanungan na nakakakilala sa kanya. Maa-assess mo ang iyong options.

Pero saan ka man magpunta para mag-hunting ng iyong forever, itong dalawang bagay pa rin na ito ang kailangan mo:

LAKAS NG LOOB at KAPAL NG MUKHA

Everything else will follow.

Dahil kung wala ang dalawang bagay na ‘yan, maaaring hindi na-meet ng nanay mo ang tatay mo at wala ka rin dapat sa mundong ito.

Pagpapadala sa Kapwa OFW

Narito po ang isang article mula sa isa nating reader na OFW. Isang paalala sa mga nakikisuyo ng padala.

*********************************************************

Author Name: Alex  from Saudi
Website: http://alex-insights.blogspot.com/

Bilang isang manggagawang nangingibang-bansa, naranasan ko rin ang maki-padala sa mga nagbabalik-bayang kaibigan. Iyun yung panahong hindi pa ako nakakaranas na magbakasyon at nung nasa ikalawa at ikatlong taon ko pa lang bilang isang Pilipinong Manggagawa na nasa Ibayong-Dagat (OFW). Dahil ang totoo nito ay iba ang hatid na saya ng pagpapadala ng kahit maliit na bagay lang dahil alam mong matutuwa sa iyong ibibigay ang iyong pamilya na nasa Pilipinas.

At bilang isang bakasyonistang OFW, naranasan ko rin ang magdala ng mga ipinapadala para sa pamilya ng nasa ibang bansa. Tanawan lang naman ng utang ng loob. Kung ikaw ay nakisuyo nuon na makidala ng kung anuman para sa iyong pamilya, bilang pagganti ay dapat lamang na ikaw ay makisama din na tanggapin kung may ipinapakisuap na padala ang iyong kasamahan.

Tama na sa akin ang maranasan ang makisuyo na makapagpadala ng dalawa o tatlong beses at itinigil ko na ito bago ko pa ito makaugalian. Dahil nakita ko ang mga bagay na nangyayari sa pagpapadala at naunawaan ko kung paano ang nagiging kalagayan ng mga tao na ating pinakiki-usapang maghatid ng ating mga ipinapadala.

May panahon na dahil kailangan kong tumanaw ng utang ng loob at makisama ay ang mga sarili kong bagahe mismo ang binabawasan ko upang hindi ako lumampas sa tamang timbang ng bagahe. Mula sa naka-ayos nang mga gamit ko ay kailangan kong alisin ang ilan upang magkasya sa lalagyan ang mga ipinapadala ng ibang tao.

Kailangan kong gawin iyon dahil nung mga panahon na ako ang nakikiusap ay pinagbibigyan nila ako, kaya ngayong ako naman ang napunta sa kaparehong lagay nila ay kailangang pagbigyan ko rin sila. Kaya isa sa aking natutunan ay ayoko ng makadagdag pa sa bagahe ng magbabakasyong OFW kung kaya iniwasan ko na ang magpadala.

Iniwasan ko na ang makisuyo ng padala dahil ayokong makaabala. Kadalasan at karaniwan, ang isang bakasyonistang OFW ay minsan lamang sa isang taon kung makapagbakasyon na tumatagal lamang ng tatlumpu’t isang araw. Kailangang maghabol na masulit ang mga araw sa pamilya dahil sa dami ng panahon, pagkakataon at mahahalagang pangyayari na hindi naranasan kasama ang kanyang pamilya ay kulang na kulang ang 31 araw upang mabawi ang mga nagdaan.

Kaya hangga’t maaari ay ipaubaya na lamang natin sa bakasyonistang OFW ang mga araw na ito sa kanyang pamilya, kamag-anak at kaibigan. Mahalaga ang bawat araw, ang bawat sandali ay ginto ngunit nababawasan ito sa pag-aasikaso ng balik-bayang OFW na maihatid ang mga ipinadalang gamit ng mga kasama sa kani-kanilang pamilya.

Ang paghahatid ng padala ay responsibilidad. Pananagutan ito na iniatang sa kanya na mapasakamay ng mga kinauukulan. Obligasyong maibigay ang kasiyahan ng nakikipadala papunta sa pupuntahan, kung minsan ay mayroon pa ngang araw na kailangang makarating. At alalahaning maibigay nang walang magiging aberya mula sa paglabas pa lamang ng bansang pinagtratrabahuhan hanggang sa makapasok sa sariling bansa. Ayokong bigyan ko pa ng obligasyon ang mga magbabakasyon.

Kung lagi mo rin lamang gusto na padalan ang iyong mga mahal sa buhay sa tuwing may mga kakilala kang magbabalik-bayan ay bakit hindi ka na lang magpa-cargo isang beses sa isang taon?

Alalahanin sana natin ang abala at alalahanin ang mga taong pinakisusuyuan natin mapa-pauwi at pabalik ay nakikipadala pa rin tayo.

Sa karanasan ko bilang isang OFW sa Gitnang Silangan ay mahirap at nakaka-kaba ang magdala ng mga ipinapadala ng ibang tao. Upang makaiwas sa anumang problema, may mga pagkakataon na kailangan ko pang magbayad sa mga “marunong” upang ipasuri ang isang bagay na dadalhin ko papasok sa napakahigpit na bansa.

Oo, naroon ang pagtitiwala sa kasama ngunit hindi mo maiiwasan ang matakot na paano kung, sadya man o nagkataon o nagbiruan lang, na mayroong kontrabando sa ipinadala na maaaring buhay mo ang maging katumbas?

Nakakatakot, sana ay maunawaan ito ng mga nakikipadala lalong-lalo na iyung mga pabalik sa bansang ating pinagtratrabahuhan.

immigration naia 1 arrival
maraming umuuwing OFW ang may bitbit na bagahe ng iba…

Bagong Pamahalaan. Bagong Simula. Baguhin na rin ang Pangalan ng Bansa

perlas ng silangan

Ngayong tapos na ang halalan at maliwanag nang magkakaroon tayo ng bagong administrasyon, umaasa rin ang maraming tao nang maraming pagbabago. Mga magandang pagbabago.

Atat na atat na kasi ang maraming Pilipino para sa pagbabago.

At para talagang maramdaman natin ang pagbabago, I suggest a name change. Palitan na natin ang pangalan ng Pilipinas.

Over 100 years nang malaya ang Pilipinas mula sa Espanya pero ang pangalan ng bansa natin eh nagpapa-alala pa rin sa ating Alipin Era.

‘Yang pagbabago ng ating pangalan ang magiging inspirasyon natin para sa bagong imahe, pagpapatibay ng ating identity, at pagpupunyagi para maging maunlad na bansa.

Para lang toothpaste na nagkaroon ng re-packaging dahil sa bagong formula (added Vitamin E and Calcium).

Narito ang aking mga propose na bagong pangalan para sa ating bansang Philippines:

1. Ang Nagkakaisang mga Pulo ng Pilipinas (United Islands of the Philippines)

O, ‘di ba? Parang United States of America lang ang dating. Pero “United Islands” tayo kasi ang lahat ng ating isla ay nagkakaisa para sa isang matatag na nasyon. Kaya lang, meron pa ring “Pilipinas”. May shadow pa rin ng ating past.

2. Maharlika

Sa pangalang ito ay ini-embrace natin ang ating dugong Malay, kung saan nagsimula ang ating lahi. Ethnic na ethnic ang dating kaya hindi mao-OP ang ating mga katutubong kapatid sa dulong Hilaga man o dulong Timog.

3. Malaya

Ito rin ay mala-ethnic ang dating pero mas ipinapa-alam nito na malaya na talaga tayo. Malaya sa mga dayuhan, malaya sa corruption, malaya sa violence, malaya sa kamangmangan, kahirapan at kung anu-ano pa.

4. Perlas ng Silangan (Orient Pearl)

Tinatawag nang ganito ang bansa natin pero mas maganda kung gawin na natin itong official para di na maangkin ng ibang bansa. Sa pangalang ito, mapapangatawanan natin ang maging pinakamagandang bansa sa buong Silangang bahagi ng daigdig.

5. Pilipinas

Ba’t pa nga ba tayo magpapalit ng pangalan? Gastos lang yan sa oras at pera. Ang dami-dami pang trabahong kaakibat ng pagpapalit ng pangalan ng bansa. Ayusin na lang natin ang bansang Pilipinas at gaganda rin ang image natin sa mga taga-ibang bansa.

Binalak na itong gawin nuon pero (mabuti na lang at) hindi natuloy dahil nga parang mas marami pa itong perhuwisyong magagawa kesa sa benepisyo.

Pero kung sa pagpapalit natin ng bagong pangalan eh maitatapon natin ang mga luma at nakakasira nating pag-iisip at kultura, aba’y magpalit na tayo ng pangalan ngayon din.

Millenials, Gustong Pagsisihan Ang Pagboto Kay Duterte

16th pangulo ng bansa

Intramuros, Manila – Nais pagsisihan ng ilang grupo ng mga kabataang botante ang pagboto nila kay presumptive President-elect Rodrigo Duterte sa nakaraang halalan.

Ngayon pa lamang ay pinaplano na diumano ng inaasahang bagong uupo na Pangulo ang pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan, ang pagbabawal ng pag-inom (ng alcoholic beverages) sa mga pampublikong lugar at pag-ban sa mga maiingay na karaoke.

“Napaka-KJ naman pala ni Duterte!”, alma ng isang 27 anyos na empleyadong umamin na ikinampanya at ibinoto ang maangas na Mayor ng Davao.

“Akala ba namin eh mga kriminal ang pupuksain n’ya? Bakit pati pagsasaya namin, gusto n’ya pakialaman?”, tanong naman ng isang first time voter na estudyante.

 Sinabi naman ng kampo ni Duterte, sa pamamagitan ng kanyang spokesman, na dahil gusto ng mga Pilipino ng pagbabago, uumpisahan ito ng bagong Pamahalaan sa pagtuturo ng disiplina.

************************************

Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Komik Istrip 001

Dahil malapit na ang eleksyon, narito ang isang handog na komik strip…

pinoy joke election

Please vote wisely 🙂

Boboto Ka Ba?

Uy, musta na?
Ganda ng t-shirt mo ah.
Binili mo?

Hindi?
Gawa mo?
Ang galing ah.

S’ya ba yung President mo?

Ah oo nga.
Nakita ko nga sa newsfeed ko.

Grabe, todo suporta ka talaga sa kandidato mo ha.
Bilib ako sa ‘yo.
Wala akong tyaga sa ganyan eh.

Oo, yung selfie mo dun sa miting de avance n’ya, nakita ko nga.

Kuntodo attire ka nga eh, may banderitas, may pamaypay, may t-shirt, bag, bandana, etc.

Kala ko kung sinong international singer yung inattendan mong concert eh miting de avance pala.

Comments? Ah oo nabasa ko nga yun.
Yung nakipag-away ka dun sa nag-bash sa kandidato mo?
Haha angas mo nga eh!

Ano’ng oras nga pala punta mo sa presinto para bumoto?
Ah eh, sasabay na sana ako eh para may kasama ako sa pagboto sa Monday.

Ah, nag-volunteer ka para poll watcher kaya maaga kang pupunta sa presinto?

Ah okay sige, boboto ka na rin ba sa oras na ‘yun?
Hindi?
Bakit?

Hindi ka nakapagpa-rehistro?
Teka, ‘di ba one year yung palugit dun?

Hindi ka nakapunta dahil busy?
One year kang busy?

So, ibig mong sabihin, hindi ka boboto para sa kandidato mo?
‘Di mo naman alam na kakandidato pala s’ya?
So, kasalanan nung kandidato mo yung di mo pagpapa-rehistro?

Alam mo bang sa pamamagitan lang ng boto pwede manalo ang kandidato mo?

Oo nga, malaking bagay din yung nakakapagbigay ka ng suporta at kampanya para sa kandidato mo pero kung kayong lahat na supporters n’ya eh hindi naman pala mga registered voters eh ano’ng sense nun?

Paano ninyo masisiguradong mananalo ang kandidato ninyo kung ‘di n’yo naman pala s’ya kayang iboto?

Hinahangaan kita sa alab mong ikampanya nang libre ang kandidato mo pero mas matutuwa siguro ang kandidato mo kung maiboboto mo s’ya.

Oo, pwede ngang mahikayat mong bumoto sa kandidato mo ang ibang mga registered voters pero sa case ko, hindi effective ang kampanya ninyo.

Kasi registered voter ako at boboto ako sa Lunes.
Pero hindi kandidato mo ang iboboto ko.

mga kandidato sa pagka-pangulo 2016
may kandidato ka nga, kung di mo naman maiboto…nonsense!

‘Tis the Season for the Mahihiraps to be Jolly

kahirapan sa bansa
kuha mula sa inquirer.net

Maligayang pagli-labor sa ating lahat ngayong Labor Day.

At dahil nga election season na naman, bida na naman ang mga manggagawa at lalo na ang mga mahihirap. Mahal na naman tayong lahat ng mga pulitiko. Ang kapakanan na naman natin ang focus (daw) ng mga platapormang inilalatag ng mga kandidato.

Marami na namang posters, tv ads, radio ads at newspaper ads na nagpapakita ng mga kandidatong may yakap na mahirap, may tinutulungang mahirap, may dinadalaw na mahihirap o nakikikain kasama ang mahihirap.

Bigla-bigla na lang, mahirap din daw sila. Nabuhay din daw sila sa hirap. Lumaki din daw sila sa hirap.

Makakarinig na naman tayo ng mga pangako ng pagbabago, ng mga pangakong gaganda na at giginhawa ang ating buhay basta iboto lang natin ang pulitikong nagmamaka-awa sa boto natin.

Mae-entertain na naman ang mga dukha sa pagsayaw-sayaw at pagkanta-kanta ng mga pulitiko at celebrity endorsers.

Busog na naman ang mga gutom sa mga libreng pagkain at give-aways na ipinamimigay ng mga pulitiko tuwing campaign period at miting-de-avance.

May dagdag panggastos na naman ang mga kapuspalad kapag nabigyan sila ng mga galanteng pulitiko sa kanilang pangangampanya.

Pero pagkatapos ng eleksiyon, pagkatapos ng resulta, pagkatapos ng panunungkulan, pagkatapos ng lahat-lahat, ano kaya ang mangyayari?

Sa kasawing-palad, sa bandang huli, ang mga mahihirap ay mahirap pa rin.

Hangga’t patuloy na magpapa-uto tayo at maniniwalang nasa pulitiko nakasalalay ang paggaan at pag-asenso ng ating buhay, sisiguraduhin lamang ng mga pulitikong ito na ang mga mahihirap ay manatiling mahirap. Forever.

kahirapan sa pilipinas
kuha mula sa philstar.com

Problemang Pinas: Wapakels!

pasaway na mga bus
isang dahilan ng matinding traffic ay ang kawalang pakialam ng mga driver ng mga bus…

Isang problemang humihila sa Pilipinas pababa ay ang pagiging “Wapakels” o walang pake o walang pakialam ng maraming Pilipino. Sa English, ito ay tinatawag na indifference.

Maraming bagay sa ating paligid makikita ang kawalang pakialam ng mga Pilipino: walang pakialam sa kalat, walang pakialam sa dumadaan, walang pakialam sa naghihintay, walang pakialam sa katabi, walang pakialam sa tumatawid, walang pakialam sa tumutulong tubig, walang pakialam sa natutulog, etc.

At yung ugali nating walang pakialam, dalang-dala rin ng ating Pamahalaan. Walang pakialam sa mga OFW, walang pakialam sa mga pumipila dahil sa dispalinghadong serbisyo, walang pakialam kung marami na ang nagagalit, walang pakialam kung marami na ang nagrereklamo, walang pakialam kung may namamatay, etc.

Sa kasamaang palad, yung mga bagay na dapat pakialaman, ayaw nating pakialaman. Pero yung mga ‘di natin dapat pakialaman, yun pa ang gustung-gusto nating pakialaman.

Ngayong 2016, at eleksiyon na ulit, sino man ang manalong mga bagong pinuno, magkaroon na sana tayo ng pakialam sa mga mahahalagang bagay na nakakaapekto sa ‘ting lahat.

Magbago na tayo, Pilipinas!

Survey Result: Nais Ibalik ng mga Pilipino ang Martial Law

Manila, Philippines – Nais ibalik ng maraming Pilipino ang Batas Militar sa buong Pilipinas. Ito ang lumabas na resulta sa pinagsamang survey na isinagawa ng Pulse Asia at SWS nitong Abril, 2016.

Matapos tanungin ang may 10,0000 respondents sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, lumilitaw na marami sa mga Pilipino ang nais ipatupad ang Martial Law sa buong bansa.

“Hindi naman po naipapatupad ng maayos yung batas natin sa Pilipinas eh kaya dapat pagpapatayin na lang agad yung mga kriminal sa bansa natin.”, ang isinaad na opinyon ng isang respondent.

“Kung hindi istriktong didisiplinahin ang mga Pilipino, walang mangyayari sa ‘tin.”, ang pahayag naman ng isang negosyanteng tumugon din sa nasabing survey.

Sa nasabing survey, 85% ang nagsabing nais nilang ibalik ang Martial Law, Diktaduryang Pamamahala o anumang uri ng Kamay na Bakal na sistema. Samantala, 10% ang hindi pabor dito at 5% naman ang hindi alam kung ano ang isasagot.

Ito rin ang pinaniniwalaang dahilan ng ilang mga political analyst kung bakit mataas ang kasalukuyang rating ni Duterte at Marcos para sa kandidatura nila sa pagka-Presidente at Bise-Presidente.

duterte at marcos
photo from inquirer.net

***********************************************************

Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Bakit THE BEST Ang Paskong Pinoy sa Buong Mundo

pasko sa pilipinas
photo source: bakitwhy.com

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit The Best ang Paskong Pinoy sa buong mundo:

  1. Christmas lights sa paligid
  2. hindi nakaka-freeze ang lamig sa atin
  3. merong NPA at government ceasefire
  4. pasalubong at pera mula sa mga umuuwing balikbayan
  5. kamag-anak gatherings
  6. Christmas parties
  7. lumalabas ang masasarap na pagkain
  8. discounts at sale sa mga mall
  9. Christmas music sa radyo
  10. kanta ng mga maaayos mangaroling (with real musical instruments)
  11. company give-aways
  12. aginaldo
  13. 4 months of celebration (september to december)
  14. raffle promos ng mga commercial products
  15. Christmas special tv shows
  16. Christmas events sa iba’t ibang lugar
  17. salu-salo ng pamilya
  18. simbang gabi sa bisperas
  19. sa Pilipinas, hindi si santa claus ang bida kundi si Jesus
  20. walang pasok sa trabaho (yung iba)
  21. Christmas decorations sa bahay
  22. pagsusuot ng mga Pamaskong gamit
  23. kahit nasalanta ng kalamidad nagiging positive pa rin
  24. walang pasok sa Paaralan
  25. naka-costume na mga nagtitinda
  26. nakakatipid pag isine-celebrate ang binyag, kasal, birthday o ibang events kasabay nito
  27. okay lang magpuyat
  28. galante ang mga tao
  29. 13th month pay
  30. okay lang kalimutan ang diet
MALIGAYANG PASKO at MANIGONG BAGONG TAON!!!

 

Tax Reform vs Government Wage Hike

wage hike at tax reform

Sana ang susunod na administrasyon ay maging mabait sa mga taxpayers…