All posts by ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Parang Soap Opera

Ito na ba ang climactic scene bago ang kapana-panabik na ending? Abangan natin.

Advertisements

Cost of Decent Living (Part 2/4)

Bago ang lahat, ang ibig kong sabihin sa “decent living” ay yung natutustusan ang pangangailangan ng buong pamilya at may kakayahan pang ma-afford ang konting luho kagaya ng kumain ng lobster once every 3 years.

Ang mga sangkap ng decent living sa aking opinyon ay ang mga sumusunod in no particular order:

1. Bahay – na matutuluyan, hindi nakikisilong lang sa bahay ng may bahay (apartment, condo, o rent-to-own house)

2. Appliances/Gadgets – sa panahon ngayon, mas praktikal pa magkaroon ng appliances kesa wala ng mga ito
a) automatic washing machine (para hindi napapagod si misis sa paglalaba sa kamay)
b) refrigerator (para hindi masira agad ang pagkain)
c) aircon (dahil napakainit sa pilipinas pag summer)
d) tv (para sa entertainment)
e) electric fan (dahil magastos sa kuryente ang aircon)
f) stereo (para makapakinig ng radyo)
g) landline phone (para sa internet)
h) celphones (para easy to reach lagi)
i) computer (para makapag-internet)
j) others (mga basic na gamit gaya ng upuan, hapag kainan, panluto, plato, higaan, etc.)

3. Kotse – dahil may mga panahon na hassle sumakay ng dyip o tricycle (kahit maliit na 4 seater lang pwede na)

4. Pagkain – kakayahang kumain ng masustansyang pagkain kapag nagugutom at least 3 times a day (kasama na dito yung kakayahang magluto syempre)

5. Tubig – kakayahang magbayad ng inuming tubig at tubig para sa iba pang gamit

6. Kuryente – para gumana ang mga eletrical na gamit

7. Edukasyon – magawang gastusan ang pag-aaral ng anak

8. Luho – makakain sa labas at least once a week, makapasyal out of town at least once a year o maibili ng regalo ang mga mahal sa buhay

9. Charity – makapagbigay sa simbahan, charity and/or pantulong sa nangangailangan

10. Savings – sa bangko man o sa alkansya, maganda yung may nakatabing pera para sa future na pangangailangan

Sa tingin ko, kahit sinong magkaroon ng kakayahang i-provide sa sarili at sa pamilya ang mga inilista ko sa itaas ay maaari nang i-consider na hindi naghihikahos sa buhay at bagama’t hindi mayaman ay may sapat ng rason para makuntento sa buhay.

Ang tanong ngayon, magkano ang kelangan ko para masustentuhan ito?

(Itutuloy…)

Salamat kay RodCabz para sa litrato sa itaas.
Heto ang link sa iba pa n’yang pics – http://rcabzmd.deviantart.com/

Cost of Decent Living (Part 1/4)

Ang hirap pala talagang mahiwalay sa pamilya lalo na maliit pa ang anak. Pero maraming mga OFW na magulang ang umaabot ng napakaraming taon malayo sa kanilang pamilya para lang makapag-provide. Yung iba, masaya ang ending, yung iba malungkot.

Sa mga pagkakataong nami-miss ko ang aking pamilya eh naiisip ko kung dapat na ba akong bumalik sa Pilipinas for good.

Isang malaking balakid sa desisyong umuwi ng maraming OFW na magulang ay ang sagot sa tanong na ito:

“Makakakita pa ba ako ng stable job na bubuhay sa aking pamilya sa edad kong ito?”

Nangangailangan pa ng improvement ang kalagayang pangkaligtasan natin sa Pilipinas. Ganun na rin yung uri ng serbisyo sa maraming lugar sa ating bansa (mapa-pribado o pampubliko).

Bagama’t wala akong magagawa sa peace and order ng ating bansa, sa tingin ko ay kaya kong masanay sa uri ng serbisyo sa Pilipinas. Basta ‘wag lang akong mag-expect at mag-demand masyado, hindi ako maii-stress.

Ang kelangan ko lang gawan ng paraan ay makahanap ng mapagkakakitaan sa Pilipinas na makapagbibigay ng disenteng pamumuhay sa aking mga mahal sa buhay.

Kaya naisip kong i-estimate ang cost of decent living sa Pilipinas.

(Itutuloy…)

David and Venus #1

Next time na lang ako magsusulat. Komiks muna.

Para Saan ang “THE”?

Napansin ko na sa tuwing binabanggit ang pangalan ng Pilipinas sa salitang English eh nilalagyan ito ng “the” sa unahan. Halimbawa, “The Philippines is a beautiful country.”

Bakit “The Philippines” ang tawag sa Pilipinas? Hindi ba pwedeng Philippines lang? Gaya ng, “I have been to Philippines.” Mas tama pa rin pakinggan ang, “I have been to the Philippines.”

Para saan yung “the”? Bakit yung ibang bansa, wala namang “the” sa unahan ng pangalan? Hindi naman sila tinatawag na the Korea, the Greece, the Japan, the Germany, etc.

Merong “the” pag the United States, the United Arab Emirates, the Republic of China. Kung the Philippine Islands, maiintindihan ko pa, pero yung Republic of the Philippines, hindi ko maintindihan. Bakit ganun? Para saan yung “the”?

Yung nakaka-alam ng sagot, paki-share.

Paunawa

Kinuha ko ang pic na ito nung nag-perya kami malapit sa amin ilang taon na rin ang nakakalipas. Matagal na ring naka-stock ito sa hard disk ko. Nai-share ko rin at last.

Hindi ko alam na ginagawa na rin palang multi-purpose ang ilang mga C.R. sa atin, hehehe.

Ramdam ang Kaunlaran

Naghalungkat ako ng mga lumang pics sa aking hard disk at natagpuan ko ito.

Ilang taon na ang nakakalipas nang makita ko ang tarpaulin na ito habang naghihintay sa arrival/waiting area ng NAIA terminal 1.

Ano kaya ang iniisip nung nagpalagay ng bold, daring at provocative na tarpaulin na ito? “Pag nalaman ito ni Madam, siguradong matutuwa s’ya sa akin at aambunan n’ya ako ng maraming grasya.”

Hindi ko na ulit nakitang nakaladlad ang tarpaulin na ito nung kasunod na taon na umuwi ako. Wala sigurong nakumbinse yung tarpaulin na nararamdaman ang kaunlaran sa Pilipinas.

Pero recently, napansin ko ang mga bagong ipinapagawang daan sa lalawigan namin, mga bagong traffic light, mas mabilis na serbisyo ng NSO at air-conditioned waiting area sa aming City Hall. Okay di ba? Medyo parang nakaramdam tuloy ako ng kaunlaran sa aking hometown.

Kung magkakaroon lang siguro ng mas maraming stable na trabaho, kung masasawata lang siguro ang karahasan at krimen, kung magkakaroon lang siguro ng malinis na inuming tubig, malinis na hangin at matinong serbisyo sa lahat ng ahensyang pampubliko at pampribado, siguro, siguro…siguro sa panaginip ko na lang makikita ‘yun.

Travel Warning na Naman

Naglabas ng memo ngayon ang aming kumpanya para mag-ingat ang lahat ng mga pupunta sa Pilipinas.


Pinag-iingat ang mga Hapon dahil sa mga napapabalitang kidnapping na nangyari sa Pilipinas nitong mga huling araw.

Humikayat man tayo ng humikayat ng mga turista sa ating bansa, hanggat hindi pinagbubuhusan ng Pilipinas ng malaking porsyento ng kanyang kapangyarihan ang masasamang elemento ng ating lipunan, hindi natin makakamit ang maximum potential ng ating tourism industry.

May mga branch sa iba’t ibang bansa ang kumpanya namin subalit ang Pilipinas lang ang nai-issuehan ng ganitong warning.

Kapansin-pansin (Part 3 of 3)

Heto ang last sa mga listahan ng mga bagay na parang ngayon ko lang napansin sa Pilipinas (palibhasa medyo matagal na nung huli akong umuwi).

1. Nakakasilaw ang mga sasakyan sa gabi – kapag lumalabas kami ng pamilya ko sa gabi, nasisilaw ako sa mga headlight ng mga sasakyan. Parang naka-high beam silang lahat. Kahit mag-shades sa gabi, pwede!

2. Marami pa ring bakanteng lupa sa Pilipinas – actually, hindi ko pa nalilibot ang buong Pilipinas. Pero kahit sa isang urban na lugar gaya ng Angeles City, marami pa ring tiwangwang na lupa na tinutubuan lang ng mga talahib. Nung nagpunta rin kami ng Zambales, ang dami kong nakitang mga lupa na hindi pa na-develop. Kung sasakahin ang mga lupang ito, malaki ang maidadagdag natin sa supply ng pagkain ng bansa.

3. Importante ang barya – kahit saan ako magpunta eh parang merong crisis sa barya. Mapa-grocery, food stall, jeep o taxi eh kulang sa barya. Kaya next time, sisiguraduhin ko ng may mamera ako sa bulsa kapag may bibilhin.

Kapansin-pansin (Part 2 of 3)

Nagbalik na ako sa Japan pagkatapos ng 2 linggo kong bakasyon sa Pilipinas. At itutuloy ko ang mga bagay na napansin ko sa aking maikli subalit masayang mga oras sa aking lupang sinilangan.

Isang bagay na napansin ko habang nagbabyahe sa kalsada eh ang mga sasakyang walang plate number.

            

Bakit kaya pwedeng magbyahe ang mga sasakyan kahit walang plate number sa Pilipinas?

Paano kung nabundol ako ng sasakyang “for registration” ang plaka ng sasakyan? Paano ko ‘yun mate-trace sa kung sino ang may-ari? Paano ko ire-report ‘yun sa pulis?

Ganito siguro ang magiging pag-uusap namin ng pulis:

Ako : Magre-report po sana ako ng sasakyang nakabundol sa akin.
Pulis: Nakuha mo ba ang plate number?
Ako : Hindi ho eh.
Pulis: Kapag ganyan, dapat kunin ninyo ang plate number.
Ako : For registration ang nakasulat eh.
Pulis: Oh…
Pulis: Eh yung driver, namukhaan mo ba?
Ako : Tinted ho ang salamin eh, hindi ko nakita ang mukha ng driver.

Basta malayo ako sa mga sasakyang walang plate number, medyo safe ang pakiramdam ko.

Kapansin-pansin (Part 1 of 3)

7 days (1 week) na ako dito sa Pilipinas at may mga kakaibang bagay akong napansin:

1) Walang Brownout – tuwing uuwi ako sa Pilipinas ay siguradong nakaka-experience ako ng brownout, subalit sa pag-uwi ko ngayon ay hindi pa ako dumanas ng brownout.

2) Hindi Nawawala ang Tubig – gaya ng brownout, nung mga nakalipas na pag-uwi ko ay madalas mawalan ng tubig sa bahay ng mga magulang ko, subalit sa pagkakataong ito, tuloy ang sustento ng tubig.

3) Napakarami ng Cellphone – hindi ko alam kung ang ibang mga tahanan ay ganito rin, subalit napansin ko na ang average number na pag-aaring celphone sa bahay ng mga magulang ko ay 3 cellphone sa isang tao (‘di pa kasama ang landline).

4) Maraming Foreigner – hindi naman ibinalik ang US bases sa probinsya namin pero napansin ko ang napakaraming caucasian foreigner na nagkalat sa mga mall. Pwedeng isipin na mga retiradong foreigner ang ilan sa kanila pero nakakakita rin ako ng mga kabataan. Mas marami pa ang mga puting nakita ko kesa mga Korean.

5) Sikat ang Nanay ni Pacquiao – kahit ano yata ang ibigay ni Pacquiao kay Mommy Dionisia ay nagiging national news sa Pilipinas. Kotse, bahay, birthday party bash, etc., siguradong nagiging laman ng balita. Interesado ba ang mga tao dito?

Balitang Pilipinas (Part 2 of 2)

Napanood ko yung “Umagang Kay Ganda” nung isang araw. Isang topic na tinalakay dun eh yung paninisi daw ng Pangulo sa media kung bakit hindi nararamdaman ng mga tao ang mga pagbabago.

May katwiran yung host na si Anthony Taberna yata yun, nung sabihin n’ya na hindi naman kasalanan ng media yung pagpapabaya ng mga ahensya ng pamahalaan kung kaya’t dumadami ang mga negative na balita. Salamin lang daw ang media ng totoong nangyayari sa lipunan.

Pero meron pang isang guest dun na parang taga-media din na nagsabing, ibinibigay lang daw nila ang gusto ng mga tao.

Ang dating sa akin nito eh parang sinasabi n’yang mas interesting sa mga tao ang negative na mga balita. Gaano kaya katotoo ang bagay na ito? Batay kaya ito sa sales data nila o sa actual na pag-aaral sa pamamagitan halimbawa ng survey o pagtatanong sa mga tao?

Sa tingin ko, lalo na para sa aming mga OFW, naghihintay kami lagi ng mababalitaang maganda tungkol sa Pilipinas. Unfortunately, mas maraming pangit kaming napapakinggan, nababasa o napapanood. Sinasadya ba ito ng media, dahil naniniwala sila na mas interesado ang mga tao sa bad news?

Kung anu’t ano man, iwas muna ako sa bad news habang nasa Pilipinas.