All posts by ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Maligayang Araw ng Kalayaan

Narito ang maikling kasaysayan patungo sa kalayaan ng ating bansa.

1521-1898 (Pamahalaan: Kastila)
Mahigit 300 taon tayong naging kolonya ng Kaharian ng Espanya. Nagsikap ang mga Pilipino na makalaya mula sa pamamahala ng ibang bansa.

1898-1946 (Pamahalaan: Amerikano)
Pagkatapos ibenta sa Amerika, halos 50 years tayong pinamahalaan ng mga Amerikano. Sinikap muli ng ating bansa na makalaya sa panibagong pamahalaan ng dayuhan.

1942-1945 (Pamahalaan: Hapon)
Bagama’t maikli lamang ang pamamahala, nagawang magtatag ng kanilang pamahalaan ang mga Hapon sa Pilipinas. Nagtagumpay din ang ating bansa na makalaya mula sa pamamahala ng mga banyagang ito.

1946-kasalukuyan (Pamahalaan: Pilipino)
Nakamit natin ang pinakamimithing kalayaan. At sa ilalim ng pamamahala ng kapwa Pilipino, marami ang nagpunta sa ibayong dagat.

Ang June 12 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay sinimulan nung panahon ng Pangulong Macapagal. Bago iyon, ang ating kalayaan ay ipinagdiriwang ng July 4.

Para sa akin, July 4 ang tunay na araw ng ating kalayaan dahil dun pa lang talaga itinatag ang pamahalaang Pilipino. Pero dahil hindi ako KJ at law abiding citizen ako…

Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino!

Advertisements

David and Venus #4

Kahit hindi masyado nakakatawa, post ko na rin. Bawi na lang ako next time…sana 😀

Jessica, Itinanggi ang Pagiging Pilipino

Kamakailan lang ay sinubukan kong kontakin si Jessica S. para sa isang telephone interview na maipo-post ko sa blog na ito. Siya yung nanalong runner-up sa nakalipas na bagong season ng AI. Nagpakilala muna ako sa pamamagitan ng agent niya at nagpadala din ako ng litrato.

Tumawag sa akin yung agent at sinabing pumayag daw si Jessica na magpa-interview pero may kundisyon.

Hindi ako makapaniwalang papaunlakan ako ni Jessica nung araw na iyon. Hindi ko nga lang inasahan ang mga bagay na malalaman ko mula sa aking interview sa kanya.

Narito ang transcript ng naging interview ko sa kanya.

Me: Hello Jessica, thank you so much for taking out time from your very busy schedule for this phone interview.

Jessica: Oh, it’s my pleasure. Thank you for inviting me.
Jessica: By the way, you look so handsome in the picture you sent me.

Me: Uh, hehe…I don’t want this to take up so much of your time so I’ll go straight with my questions.

Jessica: Okay, I’m ready (giggles)

Me: How do you feel about not being the champion in AI’s latest season?

Jessica: Even if I wasn’t the champion, I’m very very happy.
Jessica: Just being in AI and getting as far as I did was a dream come true.

Me: We are very proud of you.

Jessica: Thanks.

Me: What was your reaction after knowing that many Filipinos were out there supporting you?

Jessica: Filipinos?

Me: Yes, many Filipinos were doing everything they can to keep you from being eliminated.

Jessica: Why would they do that for me? I’m not Filipino.

Me: What are you saying?

Jessica: I’m not even Asian.

Me: How could you deny your Filipino blood?
Me: Your mother is Filipina.

Jessica: No, she’s not.

Me: Yes, she is and your father is Mexican.

Jessica: Where did you get all these information?
Jessica: Both my parents are European.

Me: Aren’t you Jessica Sanchez from American Idol?

Jessica: No.
Jessica: I’m Jessica Svetlana from Artificial Intelligence.

Me: Artificial Intelligence?

Jessica: It’s a reality game show where contestants pretend to be super smart.
Jessica: Whoever fools the most number of people, wins.
Jessica: Too bad I wasn’t convincing enough.

Me: Oh, I’m sorry. I made a mistake.

Jessica: It’s ok.
Jessica: You still owe me a date.

Me: That’s not possible.
Me: I don’t live in Europe.

Jessica: That’s okay, I can fly over there.

Me: You don’t want to do that.
Me: The picture I sent you is that of Dingdong Dantes.

Jessica: Dingdong who?

Me: Never mind, thank you for your time.

Jessica: Is Dingdong, Filipino?

Me: Yes, but you should watch out for Marian.
Me: She’s a very jealous girl.

Jessica: Who’s Marian?

Me: What is that? Your voice is fading.
Me: I think my battery is running low.

Jessica: I thought you’re using a landline?
Jessica: Hello?

*ka-chak*

********************************************************************************************

ADVISORY: Ang nakasaad na kuwento sa itaas ay hindi totoong nangyari. Ito’y kathang-isip at gawa-gawa lamang.

KM3:TINIG (Ibuwal ang mga Pader)

*****************************************************************************
Ipinapauna ko ang paghingi ng paumanhin sa pagiging napaka-Tagalog ko sa sulating ito.
Mangyari kasi’y walang pangingiming inilahok ko ang aking sarili sa patimpalak ng Kainaman kung saan si JKulisap ang may pasimuno.
*****************************************************************************

Mahalagang bagay ang maibahagi ang nilalaman ng ating isip sa mga taong naka-paligid sa atin. Pinapatatag nito ang ugnayan natin sa ating kapwa-tao at nagbibigay sa atin ng mga kaaya-ayang karanasan.

Maraming paraan para maibahagi ang saloobin natin at isang mabisang paraan ay ang paggamit ng ating tinig. Sabi nga nila, “H’wag kang parang tuod, magsalita ka!”.

Sa isang pangkaraniwang tao na walang kapansanan sa pag-iisip, ang pakikibagay at pagsasanay sa sarili sa bagong kapaligiran ay hindi nangangailangan ng napakatagal na panahon. Sapat na ang ilang linggong patuloy na pakikipag-ugnayan sa bagong paligid na kinasadlakan.

Paano naman kung mapasadlak sa isang kapaligiran na may ibang kultura, ibang wika at ibang pamamaraan? Gumulat ang mga ito sa akin nang una akong dumating sa bansang Hapon.

Karamihan sa mga Hapon na aking nakilala ay unang beses pa lamang maka-salamuha ng Pilipino. Subalit nararamdaman ko na mayroon na silang pananaw kung ano ang mga Pilipino ayon sa mga hindi mabuting balita o kuwentong narinig na nila tungkol sa Pilipinas.

Karamihan sa kanila ay hindi nakakapag-Inggles at lalo namang hindi nakakapag-salita ng
Tagalog. Ako naman ay hindi marunong mag-Hapon ng mga panahong iyon.

Gumugol ako ng halos dalawang taon upang matutunan ang kanilang salita, sulat, kultura at pananaw. Nagbigay ito sa akin ng lakas ng loob humarap sa mga Hapon. Hindi man perpekto, nagkaroon ako ng sapat na kakayahan upang makabuo ng makabuluhang relasyon sa ilang mga Hapon na nasa aking paligid.

Naibahagi ko rin sa kanila ang mga mabuting bagay tungkol sa Pilipinas na hindi nila malalaman sa panonood lamang ng mga balita tungkol sa ating bansa.

Kagaya ng mga nakalipas kong isinulat, ang pagsisikap upang lagpasan ang mga hadlang sa ating pag-unlad ay isang kakayahang natututunan.

Nang magawa kong iparinig ang aking tinig sa salitang nauunawaan ng mga Hapon, ibinuwal nito ang mga pader ng hindi pagkakaintindihan at lumikha ng tulay sa pagtatagpo ng magkaibang kultura.

Kulang sa Inspirasyon (Part 2/2)

Gaano kaaga itinuturo sa mga batang Hapon ang magsikap?

Ise-share ko itong Japanese na pambatang kanta na inaawit sa isang popular na children’s show sa Japan. Ang children’s show na ito ay para sa mga pre-schoolers. Kaya 5 years old below ang target audience ng programang ito.

Ang pamagat nito ay “The Boyoyon March”.  Ang “boyoyon” ay sound effect ng paglundag sa Japanese. Parang “boing! boing! boing!” sa English. Parang nagma-martsa ang beat kaya “The Boyoyon March” ang pamagat. Nasa ibaba ang Japanese at Tagalog lyrics.

Narito naman ang youtube link ng kanta: Link (pasensya na, wala akong nakitang magandang kopya)

(Japanese)
Donna taihen na koto ga okitatte
Kimi no ashi no sono shita ni wa,
Totemo totemo joubu na bane ga tsuiterun da ze.
Shitteta?

Oshi-tsubusaresou na sonna toki datte
Guh! to hizakkozou ni yuuki o tame
“Ima da! Stand by, ok!”
Sono toki o matsu no sa

Pyuu raa rii raa kaze ga kimi o yonde iru yo
Pyuu raa rii raa raa ima koso!

Boyoyoyon to sora e tobi-agatte miyou
Hora ano kumo made te ga todokisou

Boyoyoyon to takaku tobi-koete yukou
Niji no fumoto de egao de matteru kimi ga iru

Boyoyoyon to sora e tobi-agatte miyou
Hora ano hoshi sae te ga todokisou

Boyoyoyon to takaku tobi-koete yukou
Hoshi no shizuku wa hajimete no ashita e to tsuzuku

(Tagalog)
Kahit gaano kalaking problema ang mangyari
Sa iyong paa ay may mga malalakas na pakpak
Alam mo ba ‘yun?

Kahit sa oras na parang madudurog ka
Ihanda ang mga tuhod at ipunin ang lakas ng loob
“Ngayon na! Naka-stand by na ako!”
Ang timing na iyon ang hihintayin

Pyuu raa rii raa (tunog ng umiihip na hangin)
Tinatawag ka ng hangin
Pyuu raa rii raa raa
Ngayon na!

Boyoyoyon (sound effect ng paglundag)
Pumaimbulog sa kalangitan
Tingnan mo, abot-kamay ang mga ulap na iyon

Boyoyoyon, lumundag ng pagkataas-taas
Sa paanan ng bahag-hari ikaw ay nakangiting maghihintay

Boyoyoyon, pumaimbulog sa kalangitan
Tingnan mo, abot-kamay kahit ang mga bituing iyon

Boyoyoyon, lumundag ng pagkataas-taas
Ang bulalakaw ay magpapatuloy hanggang sa bagong bukas

Hindi ko na siguro kelangan ipaliwanag ang message ng kanta.

Hindi ko na kelangan sabihin na tungkol ang kanta sa pagsisikap at paghihintay ng tamang oras para sagupain ang mga kinakaharap na balakid papunta sa gustong puntahan.

Kapag sinabi ko pa kasi kung tungkol saan ang message nitong kanta eh dadami lang ang isusulat ko. Eh medyo tinatamad pa mandin akong magsulat ngayon hehe.

Kahit mga pre-schoolers pa lang eh kinakantahan na ng ganito. Kaya kahit sa napakabatang gulang eh natututo na ang batang Hapon na magsikap i-overcome ang mga challenges na kinakaharap n’ya para makarating sa mga goals n’ya.

Matutong mag-bike, matutong magbasa, matutong magtupi, magsintas ng sapatos, etc. Simple lang naman ang goals at challenges ng mga bata. Pero ang conscious na pagsisikap na natututunan nila sa murang edad ay natatandaan at nadadala nila habang lumalaki sila.

Kung magsisikap ay maaabot kahit ang pinaka-malayong bituin. Kelangan din nating mga Pilipino ang ma-inspire at ma-encourage.

Unfortunately, sa ibang mga Hapon, sumusobra sila sa pagsisikap at nasasakripisyo na ang iba pang mga importanteng bagay sa buhay. Pero ibang topic na ‘yon.

Kulang sa Inspirasyon (Part 1/2)

Isang teoryang nabuo ko sa matagal kong pananatili sa Japan ay ito: kulang ang mga Pilipino sa inspirasyon.

Gaya ng isinulat ko sa dati kong post, nagsisimula at nagtatapos ang araw ng maraming Pilipinong tahanan sa panonood, pakikinig o pagbabasa ng balita. At dahil naniniwala ang maraming news companies na mabenta ang bad news, bombarded ang Pilipino ng negative na balita araw-araw.

Ganyan ang sitwasyon sa aming bahay nung highschool ako. Dahil laging nakikinig ng balita ang mga magulang ko, at madalas na hindi maganda ang balita, naging negative ang pananaw ko sa Pilipinas. Minana ng henerasyon ko ang pananaw na ito sa henerasyon ng mga magulang ko. At ipinamana rin ng henerasyon ko ang pananaw na ito sa mga bagong henerasyon ngayon.

Hindi uso sa kultura natin ang mag-encourage ng mga positibong bagay. Gaya ng mensahe ng pagsisikap at pagpupursige para sa mga pangarap. May mga positive messages na lumilitaw sa media paminsan-minsan pero hindi pa rin ito ang natural na gawi sa atin. Pag nakakarinig tayo ng ganito, parang nako-kornihan pa tayo or napa-plastican sa kung sino ang nagsabi.

Kung mas marami pa sanang honest at sincere na tagapag-hatid ng mga positive na mensahe sa atin, mas marami sigurong makikinig. At hindi maglalaon, magiging dagdag na character natin ito. Malaki ang magagawa ng inspiration at encouragement sa ating lahat.

Hindi man natin maabot yung kayaman o kasikatan ni Manny Pacquiao, may pagsisikap tayong magagawa na makakapagpabuti sa kalagayan ng buhay natin at ng iba.

(Itutuloy…)

David and Venus #3

Nauubusan na ‘ko ng pantakip…

Kabataan Para sa Kinabukasan

Nakikinig ako ng mga lumang kanta ni FrancisM kaninang umaga on the way sa trabaho kaya na-inspire akong i-post ito dito. Maganda pala ang message ng kanta, ngayon ko lang nalaman hehe.

Applicable pa rin yung message kahit sa mga hindi na masyadong kabataan.

Cost of Decent Living (Part 4/4)

Anu-anong trabaho ba ang pwedeng pasukan para masustentuhan ang cost of decent living sa Pilipinas? Heto ang mga nagalugad ko sa internet.

1. Entry level clerical work  – P10,000/month
2. Managerial position          – P20,000/month pataas
3. Call Center Agent              – P20,000/month pataas
4. Maging OFW                     – P40,000/month pataas (depende sa kumpanya)
5. Negosyo                             – P50,000/month pataas (depende kung successful)
6. Pangulo ng Pilipinas         – P60,000/month
7. Macho Dancer                   – P10,000/night
8. Illegal activities                 – P100,000 above (depende sa uri ng illegal activity)
9. Tumaya sa Lotto              – P100,000,000 (‘yun eh kung tatamaan ang jackpot)
10. Corrupt Gov’t Official    – $10,000,000 or more plus properties abroad

Ang nakikita ko lang na matinong pagpipilian sa mga inilista ko ay ang numbers 1 to 5. Bagama’t hindi imposibleng magtagumpay sa ibang larangan, para sa mga matagal ng OFW na kagaya ko eh malaking risk na para sa amin ang numbers 1, 2, 3 at 5.

Sa hinaba-haba ng blog post na ito, sa pagiging OFW din pala ang bagsak ko.
Ma-review nga ulit yung expected gastusin ko every month.

References:
http://www.worldsalaries.org
http://wiki.answers.com
http://www.gopinoy.com
http://www.zdnetasia.com
http://www.salaryexplorer.com

Guilty as Charged

Wow, hindi ako makapaniwalang makaka-pull off ng ganito ang pamahalaan natin. Ang pagkaka-convict ni “former” Chief Justice ay lumikha ng bagong trend sa ating bansa.

1. Mataas man ang posisyon ng isang gov’t official, pwede pa rin s’yang ma-prosecute.
2. “Cool” na ulit ipatupad ang batas sa Pilipinas.
3. Pansariling interes man o hindi, ibibigay ng mga pulitiko ang gusto ng karamihan.
4. Hindi na mabenta ang paawa effect.
5. Baka sa ibang bansa na lang magsipag-open ng account ang mga tiwaling official.

Gumugol man tayo ng 5 buwan at 5.7 million pesos para dito, sana may makita tayong maraming positive result sa mga susunod pang araw (gaya ng pagbuti na ng kalagayan ng buhay ng maraming Pilipino).

Congratulations sa ating lahat. Kaya naman pala nating i-implement ang batas ng demokratikong pamahalaan eh.

David and Venus #2

Pasensya na sa mosaic…

Cost of Decent Living (Part 3/4)

Hindi pa naman umaabot ng 1300 pesos ang melon o 1000 pesos ang pakwan sa Pilipinas. Pero ang laki na ng itinaas ng presyo ng mga bilihin sa atin kumpara sa presyo ng mga ito 10 years ago.

Tatanggkain ko ngayong i-estimate kung magkano ang gagastusin para magkaroon ng “decent living” sa Pilipinas ayon sa mga pinagsusulat ko sa nakalipas kong post. Ito ay ibinase ko sa kasalukuyang presyo ng mga bagay-bagay sa Pilipinas (kung kaya’t another 10 years mula ngayon eh hindi na ito magiging applicable).

Ang listahang ginawa ko ay estimated na buwanang (monthly) gastusin ng mag-asawang may isang anak na nag-aaral ng elementarya sa isang pribadong paaralan.

1. Bahay – P3000
May mga marerentahan pa ring apartment na ganito ang presyo sa mga probinsya.
Kelangan lang magdagdag ng malaki kung mangungupahan sa Maynila.

2. Kuryente – P2000
Hindi dito kino-consider ang malustay na paggamit ng kuryente.
Binubunot pa dito ang plug ng anumang appliances at battery charger na hindi ginagamit.

3. Transportasyon – P1500
Kasama na dito ang buwanang gastos sa gasolina ng sariling maliit na sasakyan at gastos sa mga pamasahe kapag sumasakay ng dyip o tricycle. Hindi naman kelangang mag-kotse tuwing may lakad.

4. Pagkain – P8000
Isinama ko na dito ang mga gamit panluto gaya ng toyo, suka, paminta, pati na rin ang
tangke ng LPG. Isinama ko na rin dito ang mga grocery gaya ng mga sabon, shampoo,
toothpaste, etc.

5. Tubig – P1500
Kasama na dito ang mineral water na hiwalay pang bibilhin dahil may mga lugar pa rin sa
Pilipinas na hindi maaaring inumin ang tubig na nanggagaling sa gripo.

6. Internet at Celphone – P3000
Celphone para sa dalawang tao at monthly landline/internet bill.

7. Edukasyon – P5000
Hinati ko sa 12 buwan ang tuition fee sa isang taon kasama na ang isang taong mga gastusin sa kung anu-anong project, activity, excursion at ipinapabili ng eskwela (para sa isang bata lang ito).

8. Luho – P3000
Kasama na dito yung minsang pagkain sa labas, outing sa beach, birthday party,
aginaldo, tip sa barbero, etc. (Estimated luho sa isang taon na hinati sa 12 buwan)

9. Charity – P1000
Kahit gaano tayo kagipit sa buhay, meron at meron pa ring mas gipit sa atin kaya nakahanda dapat tayong tumulong at magbigay (kahit konti lang).

10. Savings – P1000
Magtira naman tayo para sa sarili natin, ano?

Hindi ko masasabing accurate ito. Gaya ng sinabi ko, “estimate” ito. Marami pa ring makaka-apekto sa mga presyong ito batay sa indibidwal na kalagayan ng tao.

So, ang total na magiging buwanang gastusin ng isang pamilyang masasabi nating disente ang pamumuhay sa Pilipinas ay tumataginting na…drum rolls please…

29,000 PESOS!

Kung papansinin natin, hindi kasama dito ang sweldo ng kasambahay o house helper. Kung isa lang ang anak, sa tingin ko eh magagawan na ng paraan kahit wala nito.

Hindi rin kino-consider dito ang biglaang mga gastusin gaya ng merong nagkasakit na kelangang dalhin sa ospital o biglang nasiraan ng sasakyan o pininsala ng bagyo ang bahay at iba pang mga hindi natin gustong mangyari pero nangyayari pa rin.

Sabihin na natin kung ganun na 30,000 pesos net income (tanggal na ang kung anu-anong tax, insurance, etc.) ang dapat na ihanda buwan-buwan ng isang pamilyang gustong mabuhay ng magaan sa Pilipinas. Para magawa ito, ang dapat na sweldo ng isang bread winner sa Pilipinas ay P40,000 pataas.

Saang lupalop naman ng Pilipinas ka maaaring sumuweldo ng ganito???

(Itutuloy)