All posts by ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Nonsense

Huwag aksayahin ang anumang biyaya sa paggawa ng bagay na masama, okay?

Nonsense ‘di ba?

Advertisements

Minsan Hindi Gaanong Masaya sa Pilipinas

Ang mga pangyayaring kagaya nitong nakasulat sa ibaba ang sumisira sa lahat ng pagsisikap ng ating bansa na pagandahin ang imahe ng Pilipinas sa buong mundo.

MANILA, Philippines—A teenage Dutch tourist, celebrating Independence Day at the Rizal Park, was drugged and then robbed of more than P20,000 in cash by seven “friendly” Filipinas, including an elderly woman, in Manila, police said.

Ang mga magnanakaw sa ating bansa ay pwede na ding ituring na mga terorista. Pineperwisyo nila ang mga lokal na mamamayan sa paligid nila, sinisira pa nila ang reputasyon ng buong bansa.

Narito ang buong istorya: Dutch tourists fall for ‘friendly’ Filipinas

Ekonomiya ng Pilipinas Gumaganda?

Nabasa ko ito sa Inquirer. Isa na namang pambuhay ng loob.

In an interview with Philippine media, Tadashi Yanai said that while the global economy is sluggish, “in countries like the Philippines, the situation is very good. Asia, for the first time, has the momentum in terms of development. There’s a huge potential.”

Kelan kaya mararamdaman ng mga Pilipino ang magandang ekonomiya na laging binabanggit sa media? Parang si Henry Sy lang ang nakakaramdam nito eh.

Narito ang buong istorya: Japan’s Richest Man is Upbeat About PH

David and Venus #6

Hindi pa rin nagpapa-awat sa kakornihan…

Andong Agimat Short Film

Heto ang asteg na pinoy animated short film mula kay Arnold Arre. Nagtataka pa rin ako kung paanong ang mga kawatan eh hindi makahanap ng paraan para magka-trabaho pero nakakakita ng paraan para magkaroon ng baril.

Believe It or Not: Eco-friendly ang Pinoy (Part 2/2)

Hindi naman sa dini-discourage ko ang pamumulot ng mga bagay na pwede pang gamitin. Wala namang batas laban dun at nakakatulong pa nga ito sa pagbabawas ng basura.

Nakaka-tipid din ang Pilipinong nasa ibang bansa dahil hindi na n’ya kelangan bumili ng bagong gamit.  Naipapadala n’ya sa Pilipinas yung perang gagamitin sana pambili ng bagong gamit (‘wag lang sana bulagsak sa pera ang kaanak na padadalhan ng pera sa Pilipinas.)

Kaya lang sa tingin ko, dapat maging maingat ang sinumang Pilipino na gustong magtangka na pumulot ng mga recyclable na gamit sa ibang bansa. Nagiging dahilan ito para sa mga banyaga na tingnan ng mababa ang mga Pilipino.

Gaya ng comment ko tungkol dun sa pananaw ng isang Singaporean sa mga Pilipino, kahit na ano pa ang lahi mo: Filipino, Indonesian, Chinese, Indian, American, etc., dapat mag-ingat sa kung anong impression ang ibinibigay natin sa mga hindi natin kalahi. Kasi (bagamat hindi tama) nahuhusgahan ang buong bansa dahil sa mga ikinikilos ng ilan sa mga mamamayan nito.

Sa ayaw man o sa gusto natin, kapag nagpunta tayo sa ibang bansa, nagiging official representative tayo ng lupang ating sinilangan.

Kung kaya kahit na may magandang benefits sa ating environment at nakakatulong sa pagtitipid, hinding hindi at never talaga ako namumulot ng basura sa bansang kinaroroonan ko.

Maliban lang dun sa isang pagkakataon na may nakita akong isang bunton ng Samurai X comics sa labas ng apartment namin. Luma na pero malinis, walang punit at ang gaganda ng drawing. Hayun ang picture nila sa taas ng post na ito. Sayang din yun ah.

Related Post: Pananaw ng Isang Singaporean sa Pilipinas

David and Venus #5

Merong guest…

Believe It or Not: Eco-friendly ang Pinoy (Part 1/2)

Isang mabuting katangian ng Pilipino na maipagmamalaki ko ay ang ugali nating hindi
nagtatapon ng basura basta-basta. Oo nga at maraming nagtatapon ng basura kung saan-saan lalo na sa mga bawal pagtapunan ng basura. Ito ang nagiging dahilan ng pagbaha at pagkalat ng kung anu-anong sakit. Pero ang ibig kong sabihin ay yung hindi tayo nagtatapon agad ng mga bagay.

Sa bahay lang ng mga magulang ko ay napakaraming damit, mga kahon, drawer, timba,
libro, appliances, magazine at kung anu-ano pang mga hindi ginagamit pero hindi pa rin itinatapon.

Marami akong alam na mga tahanang ganito sa Pilipinas. Hangga’t hindi pa tuluyang gutay-gutay at walang wala na talagang silbi ang isang bagay ay hindi ito itinatapon ng maraming Pilipino.

Magandang bagay ito sa tingin ko kumpara sa ugali ng mga banyagang kahit pwede pang
gamitin ang isang bagay ay itatapon na dahil napagsawaan na, nagkaroon ng konting diperensya o wala na sa uso. Magtatapon sila ng refrigerator, washing machine, colored tv, kotse, computer at kung anu-ano pa, kahit pwede pa itong magamit.

Mabuti na lang ang mga Pilipino, kahit saang bansa sila magpunta ay nadadala ang ugali ng
pagre-recycle sa mga gamit. Hindi tayo nagdadagdag ng basura sa ibang bansa, minsan pa nga eh nagbabawas pa.

Minsang ako ay naghihintay ng sakay pauwi sa Pilipinas, naulinigan ko ang dalawang Pilipinong nag-uusap at parang nagpapayabangan tungkol sa mga magagandang bagay na napulot nila sa Japan. Yung isa eh may mga napulot na magagandang pigurin, yung isa naman eh may mga napulot na magagandang electronic appliances gaya ng stereo. ( Ang totoo n’yan, nalimutan ko na kung yun nga ang mga napulot nila pero naaalala ko na nagpayabangan sila sa napulot nila.)

May mga alam din akong ibang Pilipino na nakakakuha minsan ng cd player, bisekleta, microwave oven, keyboard at kung anu-ano pa sa basura.

Pero ako, ayoko mamulot ng basurang pwede ko pang magamit. Nagnais ako dati at nagtangka na din ako (sa kalaliman ng gabi) pero hindi ko pa nagawang isakatuparan ang pamumulot ng basurang pwede pang gamitin.

Naiisip ko, ano na lang ang iisipin ng mga banyaga kapag nalaman nilang namumulot ng basura nila ang mga Pilipino?

(Itutuloy…)

Paano Magluto ng Adobo (Warning: This is Medyo Corny)

English: Chicken adobo.
English: Chicken adobo. (Photo credit: Wikipedia)

Hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakain ng adobo. Baboy man ‘yan o manok, importanteng makakain ang isang Pilipino ng adobo sa kanyang buhay. Kaya naisipan kong umimbita ng mag-asawang Pilipino upang ituro sa atin ang tamang paraan ng pagluluto ng masarap na adobo.

Heto na po sila, nasa ikapitong taon na ng kanilang matamis na pagsasama, ang mag-asawang si Juan at Maria. Palakpakan. Palakpakan.

Juan: Marami pong salamat sa pag-imbita sa amin dito.

Juan: Mahal, bati ka.
Maria: …

Juan: Uh, ‘andito po kami ngayon para ituro ang pagluto ng masarap na adobong manok.
Juan: Hindi n’yo na po itatanong eh isa ito sa mga paborito kong luto ng aking misis.
Juan: Hindi ba, mahal?
Maria: …

Juan: Simulan po natin sa mga sangkap.
Juan: Heto ang mga kakailanganin nating sangkap sa pagluluto.
Juan: Manok, toyo, suka, bawang, sibuyas, paminta, laurel, at pulang asukal.

Maria(pabulong): Ba’t isinama mo pa ‘ko dito?
Juan: May sinabi ka, mahal?

Maria: Bakit sinama mo pa ‘ko dito?! Bingi!
Juan(pabulong): Pinaunlakan natin yung imbitasyon sa atin, di ba?
Maria: Ikaw na lang sana mag-isa’ng pumunta, wala naman ako gagawin dito.

Juan(pabulong): Magtatalo ba tayo dito? Ang daming nakakakita, naman o.
Maria: …

Juan: Paumanhin po, kailangan po natin ng kaserola o kawali panluto ng ating adobo.
Juan: Pero bago ang lahat, hiwain muna natin ang mga bawang at sibuyas.

Maria: Hindi ba huhugasan muna?
Juan: Huhugasan pala muna natin bago hiwain.

Maria: Babalatan muna bago hugasan.
Juan: Balatan po muna bago hugasan.

Maria: Hindi mo pa inilalabas sa ref lahat ng sangkap.
Maria: Ano’ng babalatan mo?

Juan: May naka-away ka ba this week?
Juan: Masakit ba t’yan mo?
Juan: May nararamdaman ka bang kakaiba?

Maria: Wala ako sa mood.
Maria: Bilisan mo na lang d’yan.
Juan: Wala ka naman lagi sa mood eh.

Maria: Akala ko ba ayaw mong makipagtalo na marami ang nakakakita?
Juan: Inumpisahan mo eh.
Maria: Ah ganun? Inumpisahan ko kaya tatapusin mo, ganun?
Juan: Wala akong sinabing ganun.

Maria: Ang hirap sa ‘yo, nagmamagaling ka lagi.
Maria: Gusto mo lagi kang first!
Juan: Anong first?

Maria: First honor, first prize, first place, gusto mo ikaw lagi ang magaling.
Juan: First sa puso mo…
Maria: Shut up! Wala ako sa mood!
Juan: …

Maria: O ano, bakit hindi mo ituloy ‘yang ginagawa mo?
Juan: Wala na ‘kong gana.
Maria: Tumunganga na lang tayo dito.

Juan: …
Maria: …

Juan: Naaalala mo pa ba nung sinagot mo ‘ko?
Maria: …
Juan: Nasa park tayong dalawa nanonood ng mga naglalarong bata.
Maria: …

Juan: Tinanong ko sa ‘yo, “Pwede bang magtanong?”
Maria: …
Juan: Sabi mo, “Ano ‘yun?”
Maria: …

Juan: Sabi ko, “May chance ba ‘ko?”
Maria: …
Juan: Sabi mo habang nakangiti na parang nahihiya, “Meron.”

Maria: Okay na, magluto ka na.
Juan: Yung araw ding ‘yun, sinagot mo ‘ko.

Maria: Sige na nga, magluto ka na.
Juan: Wala na nga akong gana eh.

Maria: Uwi na tayo.
Juan: Ano gagawin natin sa bahay?

Maria: Matulog na lang tayo.
Juan: Okay, tara na.

————————————————————————————–

ADVISORY: Ang mga nakasulat sa itaas ay hindi totoong nangyari. Ito’y kathang isip at gawa-gawa lamang.

Pananaw ng Isang Singaporean sa Pilipinas

Salamat kay Shuniegirl sa pagtimbre sa akin ng statement galing sa diumano’y isang Singaporean na binabatikos ang mga Pilipino.

Narito ang ilang excerpt mula sa Filipino bashing statement:

My observation of pinoys here in Singapore is not favourable either. I have seen maids abusing little children by literally dragging the tiny tots while yakking on the phone, infesting the shopping centres with their irritating English slang and tagalog which sounded more like chickens and ducks talking. They are supeficial people in the corporate world, smiling fakely but with a dagger behind – just look at their politicians and political culture which affirm this culturally imbibed trait.

Heto ang link sa buong mensahe: A Singaporean’s Observation of Filipinos

Una sa lahat, hindi tayo sigurado sa background ng mensaheng ito. Hindi rin natin alam kung totoong Singaporean ang sumulat nito. For all we know, baka isang Pilipino troll na galit sa kapwa Pilipino ang gumawa nito. We can never be sure.

Subalit kagaya ng ibang mga nakalipas na umikot na negative statements tungkol sa Pilipinas, naglalaman ito ng mga sumusunod:

1. Over Generalization – “lahat ng Pilipino sa buong Pilipinas ay pareho”
2. Puno ng galit – gumagamit ng mga derogative na pantukoy sa mga Pilipino
3. Naka-focus sa negative – “wala ng ginawang tama ang mga Pilipino”

Sa ganitong mga puna sa atin, pwede nating sabihin na, “To hell with them!
Mamatay sila sa kunsumisyon!” at magpatuloy lang tayo sa kani-kaniya nating gawain.

Pero para sa akin, bilang mga sibilisadong tao, mabuti yatang i-consider muna natin ang mga sumusunod na bagay bago tayo maging bayolente sa mga taong ito:

1. Tingnan natin kung may katotohanan ang sinabi
Kung may bahid ito ng katotohanan, may magagawa tayong pagbabago sa kani-kaniyang
bakuran ng impluwensya natin para matanggal ang masamang imahe sa atin.

2. Gusto man o hindi, ang bawat isa sa atin ay representative ng bansa natin
Kung ang kauna-unahang foreigner na makilala natin ay barumbado, maiisip natin na
lahat ng tao sa bansa n’ya ay barumbado din.

Kung paano din natin pakitunguhan ang mga dayuhan ang nagiging basehan nila para
husgahan ang buong lahi natin. At sa dahilan ding ito ay…

3. ‘Wag natin sumpain ang bansa ng dayuhang masama ang opinyon sa atin
Hindi natin mapipigilan ang mga banyaga na magsalita ng hindi maganda tungkol sa atin. Hindi naman ibig sabihin nu’n na lahat ng mga banyaga ay may ganitong opinyon tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas.

Ang magandang magagawa natin ay i-blacklist sa immigration ang partikular na dayuhang galit sa Pilipinas, kung matutukoy ang identity ng dayuhang ito. Tapos ay pag-ibayuhin pa natin ang pagpapaunlad sa ating bansa. Hayaan nating ma-torture ang banyagang iyon sa katotohanang hindi na s’ya makakabalik pa sa ating bansa kahit kelan. Ah, the sweet taste of revenge.

Mail Order Bride Course, Anyone?

Nabasa ko itong article na ito sa June 2012 issue ng Reader’s Digest. Ino-offer daw na kurso sa Johns Hopkins University ang Mail Order Brides para unawain ang Pilipinas. Kasama ito sa listahan ng mga walang kwentang kurso na ino-offer sa iba’t ibang university ng USA ayon sa Reader’s Digest.

Pagkatapos kong galugarin ang internet ay natagpuan ko ang detalye ng course na nabanggit sa taas. Heto sa baba ang detalye.

Pagkatapos kong mabasa ang detalye eh lalo lang akong naguluhan. Kasi, bukod sa mail order bride eh itinuturo din nila ang tungkol sa mga kulto at espiritista. Pati mga pelikula natin hinihimay nila.

Mukha ngang aksaya lang ng pera ang course na ito. Pwede kaya akong mag-apply na professor dito?

Link: Mail Order Brides? Understanding the Philippines in Southeast

Philippines on Japanese TV

Kinuha ko ang video na ito gamit ang aking low resolution digicam habang nanonood ng tv nung isang gabi. Na-feature ulit ang Pilipinas sa Japanese tv.

Bagama’t merong mga barung-barong na makikita eh hindi naman tungkol sa kahirapan ng Pilipinas ang ipinapakita.

Ipinapakita sa footage ang creativeness ng mga Pilipino pagdating sa pagtitipid ng kuryente at pagiging eco-friendly.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pet bottles na nilagyan ng tubig, nagagamit itong parang bumbilya para sa mga tahanan. Kaya matipid ang mga tahanan sa kuryente pag araw. Nagsisindi na lang sila ng de-kuryenteng ilaw sa gabi. Proyekto din daw ito ng ilang mga NGO groups.

Maraming beses ko na din nakitang ma-feature ang Pilipinas sa Japanese tv. Minsan nga lang eh negative ang laman. Pero at least sa pagkakataong ito eh positive na aspeto tungkol sa Pilipinas ang ipinakita.

Ngayon ko lang din nalaman na may ganito pala sa atin. Pilipino ako pero sa mga Hapon ko pa nalaman ang tungkol dito. Dyahe naman.