Tungkol sa Blog

Ang blog na ito ay…

  • walang kontrol sa anumang ads na lumilitaw dito
  • tumatanggap ng guest post na article, photo o art work ( please inquire )
  • nagsimula officially nuong April 2012
  • wala pang malinaw na layunin o anumang nais ma-accomplish
  • naglalaman ng mga saloobin, pananaw, opinyon ng mga may-akda sa blog na ito
  • may tendency na maging negative sa maraming bagay at positive minsan
  • magpipilit minsan na maging nakakatawa kahit magmukha ng trying hard at corny
  • magsisikap na magkaroon ng regular update at less grammatical at spelling errors
  • nangangakong magse-self regulate bilang isang PG-13 blog site
  • tungkol sa maraming bagay na may kinalaman sa Pilipinas at pagiging isang Pilipino
  • nanalo ng ika-6 na puwesto sa isang patimpalak ng mga sanaysay (KM3)
  • nanalo ng 2012 blog of the year award mula sa PEBA

Advisory: Ilan sa mga post ay maaaring magkaroon ng mga temang Kristiyano

———————————————————————————–

Disclaimer:

Ang mga larawan at video na ginamit sa blog na ito ay pag-aari ng mga gumawa ng mga iyon. Sisikapin ng blog na ito na mabigyan ng karampatang pagkilala ang tunay na may-ari ng larawan at video sa pamamagitan ng pag-link sa orihinal na pinanggalingang page.

Samantala, ang mga larawan at drowing na may markang “the pinoy site“, “thepinoysite.wordpress.com“, at “thepinoysite.com” ay pag-aari ng may-akda ng blog na ito. Maaaring gamitin ninuman ang mga larawang ito para sa mga non-commercial purposes basta wag lang tanggalin ang marka.

———————————————————————————–

Privacy Policy:

Paki-check na lang po ang link na ito: The Pinoy Site Privacy Policy

Maraming salamat po.

66 replies

  1. Hello po, tumatanggap pa rin po ba kayo ng manunulat sa inyong blog?

  2. Salamat sa isang butihing kaibigan na siyang nagpasa sa akin ng ‘thepinoysite’ ngayon lang araw na ito, naaliw ako! Bravo sa iyo, ResidentPatriot! Hindi lang sa nakaaaaliw ang iyong blogs, maganda at interesting din ang mga paksa na iyong tinatalakay. Ipagpatuloy mo ito ha? Follower mo na ako ngayon 🙂

    Mabuhay!
    Snowhite

  3. Hi po Resident Patriot 🙂 nagpapasalamat po ako sa pag follow mo sa blogs ko. Kahit akoy baguhan pa sa mundo ng pagba blog masarap po basahin ang mga blogs nyo kc di lang my kaalaman matutunan halos matanggal din po ang tonsil ko sa katatawa more power God bless

  4. Paano po ba maging panauhing manunulat sa thepinoysite.com? Gusto ko po sana sumali. Salamat po.

  5. Congratulations ngayon na “.com” na ang blog mo. Cheers! 😀

  6. ang tagal ko nang napapasyal sa blog mo, ngayon lang ako nakapagcomment dito sa section na to. hehehe. anyways salamat sa madalas na pagbisita rin sa site ko. maaliwalas basahin ang iyong mga post, very light. keep it up 🙂

  7. katulad nyo sarado rin ang blog ko tuwing sabado at linggo. marami rin kasing labada tuwing ganun. 😀

    cheers!

    • hello cheesecake, maraming salamat sa pagbisita dito at pag-follow sa blog-blogan kong site 🙂 minsan nagpo-post din ako pag sabado kapag walang masyadong load sa labada at gawaing bahay hehe

      • last week ang una naming palaba. nakinig kasi ako sa nanay ko na sayang yung pahinga nyo kung pati weekends maglalaba kayo. at least nakatulong pa kami na makaraket ang iba. para naman sa iyo ser , tutal sarili mo lang naman pinaglalaba mo kaya ok lang yan.

        tiis tiis din para sa pamilya. saludo ako sa mga OFW. kahit papaano naranasan ko na rin yung ganyan. 😀

  8. ahaha, gusto ko ang hirit na tumatanggap ng labada, ang kulit. hello, patriot 😉

    • hello san, medyo late na ‘tong reply ko pero salamat sa pagdaan sa page na ‘to 🙂 naghahanap na nga ako ng ibang magandang self-intro eh napagkakamalan kasing totoong labandero ako hehe

      • ay, no problem… alam kong busy ka sa games, gizmos errr, sa work palagi, hihihi. a, basta, nagustuhan ko ang peg mo noong una pa lang. halatang marunong kang maghulog ng maruming damit sa machine at mag-set ng timer and acceleration, whehe. in short, parang masipag… 😉

        • ahahaha professional washing machine user nga ako hehe iniimbak ko lang lahat ng lalabhan for one week tapos eh weekends ko pa lang lalabhan lahat. kaya minsan tuloy eh pag lunes, medyo basa pa ang medyas, sinusuot ko na…kadiri ano? 😀

          • ahihi, tama ang hula ko, ang saya… 😉 hala, bawas-gala ka pag weekend, sayang… kung isingit-singit mo kaya pag maaga-aga kang nakakauwi ng weekdays? if medyas lang, pwede mong ibabad sa gabi tapos, gising ka lang ng 15 mins earlier the next day para sa kusot and banlaw, ahehe… anla pa, nakakabaho ng paa ang damp na medyas. kaya mo na yang gawan ng paraan, kapatid. hihi, sisterly advice lang… ^^

            happy, restful weekend, kapatid… 🙂

            • hello ate san hehe 😀 salamat sa payo, ganyan nga ang dapat ko gawin…nagagawa ko naman maglaba minsan kapag weekdays, nakakaligtaan ko lang i-monitor ang mga labada ko…

              wahaha talagang labada ang pinag-usapan 😀

              • ahaha, pasensya naman at doon nalihis, patriot… anyway, ang iyong blog ay tila bahay ng isang nilalang na sinsero sa paghahanap ng mga sagot sa tanong ng buhay at pag-aambag ng munting kakayanan sa igaganda pa nito. ayon… 🙂

                have the rest of the week pleasant and busy. keep well. 😉

              • maraming salamat sa inspiring words, san…pagbubutihin ko pa lalong makapag-produce ng matinong mga post, pero malamang sa 2013 ko na magagawa yun hehe

                patuloy ko ring susubaybayan ang iyong mga makabuluhang akda sa SSA. pati na rin siguro sa DPSA kapag may extra time pa ako hahaha joke 😀 pagpalain ka 😉

  9. Hi Resident Patriot!
    Nabasa ko ang blog mo at ang masasabi ko ay nag-enjoy ako. 😀

  10. Awesome blog! I got to your blog from the facebook proudly pinoy bloggers. 🙂 check out my blog as well 😉

  11. Napakahusay at sadyang malikhain. =)

  12. hello po mula din sa isang OFW na nasa gitnang silangan naman…. maraming salamat sa pag follow sa king blog and am doing the same and already started reading… your posts are really nice at nakakapagpangiti…. maraming salamat kabayan! 🙂

  13. Maraming salamat RP sa pag-follow sa aking simpleng blog. Ang ganda naman ng iyong blog na ito, Pinoy na Pinoy. Muling babalik. Keep on blogging. God Bless!

  14. Magandang araw po, ako po ay nanotify tungkol sa pagfollow ninyo sa aking blog na yayamandinako. Nais ko lamang pong magpasalamat kasi kayo po yung una kong follower 🙂
    Salamat ng maraming marami

  15. We’ve got something in common. Dati rin akong OFW pero umuwi ng Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral.Just so you know, marami kang napapatawa, napapangiti dahil sa blog mo. Salamat!

  16. Hi ResidentPatriot! Maraming salamat sa pag-follow sa Seekers Portal. 🙂

    Mukhang kwela at interesante ang blog mo ah. Keep up the good work!

  17. anong labada ba yan Patriot hehehe, pa follow. Labhan mo din mga katha ko ah, hehehe. aabangan kita sa aking labahan.

  18. Hello, ResidentPatriot! Interesado po akong malaman ang pangalan at itsura ninyo. Nakakatuwa po yung kasi blog niyo, sa tingin ko magiging malaking tulong yun sa pagsusulat ko. Bago lang po kasi ako dito. 😀

    • Sige, Kimmian, pag-iisipan ko. Sigurado ka bang nakahanda na ang kalooban mo na makita ang hitsura ko? Baka gusto mong bigyan muna ako ng isa hanggang tatlong taon para makapag-gym muna at makapag-facial para naman maging presentable ako sa ‘yo.

      • Ay, grabe naman po. Hindi na yun importante, tao tayong lahat.
        Hindi naman po yung itsura yung habol ko, mahilig lang po ako makipag-usap sa mga writers. 😀

        • Ang serious mo naman pala, Kimmian hehe. Actually, kamukhang kamukha ko yung pic na nasa gravatar ko. Maghahalukay muna ako ng maise-send sa iyo…hindi ko nga lang magagawa yun agad. So, please wait a while.

          • Hahaha! Tingin niyo lang po na seryoso ako. 🙂 Well, seryoso po ako in the sense of writing, pero madami po akong kabaliwan. Karaniwan sa isang teenager.

  19. Ang site na ito ay inaasahan kong magtatawid sa akin sa bansang Hapon at magpapabalik sa akin sa Pilipinas. Ang site na ito ay inaasahan kong sari-sari, bahay kubo kahit munti. Ang blog site na ito ay gawa ng isang Pilipino.

    🙂

    • Hello, JKulisap. Isang karangalan para sa akin ang tanggapin ang iyong like at comment. Bagama’t marami pa akong dapat matutunan, sisikapin kong magkaroon ng mga makabuluhan subalit nakakaaliw na mga post sa mga darating pang araw.

  20. Nakakatuwa ang blog mo, ResidentPatriot. Nawa’y marami ka pang maisulat sa hinaharap. Syanga pala, mariming salamat sa pag-follow mo sa blog ko.

  21. Hi Resident Patriot 🙂

    • Hello negrongIsko, nice to meet you dito sa WordPress.

      • Nice to meet you too, engineering din course ko dati, pero hindi ko natapos, hindi siguro talaga para sa akin 🙂 Education ang kursong tinatahak ko ngayon.

        • Magandang course ang Education. Yun ang second choice ko after Engineering. So, naging teacher siguro ako kung hindi ako naging Engineer. Wow, what a coincidence.

          • Oo nga po, marami po akong naririnig na maganda tungkol sa bansang Hapon, sana’y balang araw magkarron po kayo ng pagkakataon ng ituro sa ating mga kabataan kung ano man po ang mga magagandang bagay na natutuhan ninyo sa mga Hapones 🙂

          • Naniniwala po ba kayo na may pag-asa pa ang Pilipinas?

            • Sa mga future posts ko, konti-konti ise-share ko yung mga natutunan, nadiskubre, na-experience ko. Kahit yung mga bagay na hindi masyadong nababalitaan ng ibang bansa tungkol sa Japan at kung paano ito maire-relate sa Pilipinas.

              Hangga’t may mga kabataang kagaya mo, negrongIsko, may pag-asa ang Pilipinas.

              • Salamat po, masyado lang akong nalulungkot, dahil marami sa atin ang pagod ng maging Pinoy 🙂

Trackbacks

  1. Diyos Maging ng mga Nakakatakot na Bagay | Notes of an Imperfect Christian « Notes of an Imperfect Christian

Leave a Reply to ResidentPatriotCancel reply

%d bloggers like this: