Sang-ayon sa mga pag-aaral, isang mabisang paraan para marami kang ma-accomplish sa iyong buhay ay matulog ka. Tama, ipinapayo ng mga dalubhasa na para marami kang magawa at maging produktibo, matulog ka.
Isa sa mga tinutukoy na pangunahing dahilan kung kaya’t hindi tayo nagiging produktibo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ay dahil wala tayong enerhiya.
Kapag walang enerhiya, walang lakas.
Kapag walang lakas, walang sipag.
Kapag walang sipag, walang gana.
Kapag walang gana, walang pokus.
Kapag walang pokus, maiinip.
Kapag nainip, hahanap ng mapaglilibangan.
Kapag naglibang, mauubos ang oras sa pinaglilibangan.
At matatapos ang araw na walang nagawang mahalaga na talagang dapat sanang gawin.
Alam na alam ko yan kasi ganyan ako dati. Araw-araw na lang kulang sa tulog at nonsense ang ginagawa maghapon.
Kapag naging pattern o routine na ito ng buhay natin ay mahirap na itong baguhin.
Isang mabisang paraan para i-break ang loop na ito ay ang matulog sa tamang oras at gumising sa tamang oras. Iba-iba ang biological clock ng mga tao kaya’t wala akong maipapayo na eksaktong tamang oras na magfi-fit para sa lahat. Subalit once na matukoy mo ang tamang oras nang pagtulog sa iyong katawan, you will see wonders. Pramis.
Sa pamamagitan ng tamang oras ng pagtulog at tamang oras ng paggising ay nire-rejuvenate mo ang iyong buong katawan. At ang taong properly charged ang katawan at isip ay mas maraming kayang gawin at tapusin kaysa sa mga taong laging puyat.
Ilang mga sikat na personalidad din ang sinasabing may sinusundan na personal sleeping regimen para sila maging produktibo at matagumpay sa buhay.
So, ano pa hinihintay mo? Umpisahan mo nang abutin ang iyong mga pangarap. Matulog ka na!
Iba pang mga references:
Nung bata ako, kailangan pa akong pagalitan para matulog sa hapon. Kailangan ako tabihan ng Nanay ko para siguradong matutulog ako. Pero kapag nauna na syang nakatulog, takas mode na para makapaglaro. Ang resulta, palo. Ahahah! Pero enjoy. Pero ngayon, sobrang dalang na lang at talagang maituturing mo nang isang luho ang makatulog ka sa hapon.
uy, hello diwa. long time, no chat. musta ka na? ganyan talaga ang buhay, kung kelan kelangan na, tsaka na mahirap makuha. kagaya lang ng pagtulog sa hapon 😀