Malapit na naman ang Eleksiyon sa Pilipinas kaya nakikita na natin ang pagsisimula ng mga pulitiko na maging active. Hindi sa kanilang trabaho, kundi para sa pangangampanya sa darating na halalan next year 2022. Alam na natin ang routine ng mga tinatawag nating TraPo (Traditional Politician):
- Masipag na maglilibot sa maraming lugar para makahikayat ng mga taga-suporta at botante (sasayaw, kakanta, mamimigay ng goods, cash, mangangako ng mga bagay na hindi niya gagawin, etc.)
- Pagkatapos manalo, magpapasarap na sa buhay, magnanakaw sa kaban ng bayan, maghahari-harian sa mga nasasakupan
- Kapag malapit na ulit ang halalan, uulitin lang ulit ang Step 1.
Ganito na ang kalakaran noon at ganito pa rin ang kalakaran ngayon sa ating bansa. At nakakalungkot na naging alipin na tayong mga Pilipino sa napakasamang cycle na ito sa napakahabang panahon.
Ang chance lang natin na magkaroon ng pagbabago ay kung magbabago ang kultura ng ating bansa from corruption to honest and sincere public service. Which is parang matagal-tagal pa bago mangyari.

Kaya ang next best option natin ay magpa-rehistro tayo at bumoto ng mga taong sa tingin natin ay maghahatid ng tunay at wagas na mabuting mga pagbabago sa ating bansa. Then, hope for the best na tama ang pinili natin 😀
Naging lalong mas convenient ang pagparehistro ngayon bilang botante sa Comelec (Commission on Elections). Sa tulong na rin ng mga contact-less initiatives na ipinapatupad sa mga ahensiya ng ating Pamahalaan.
Narito ang mga paraan kung paano mag-parehistro online bilang botante sa Pilipinas
- Pumunta sa website ng Comelec para magpa-i-rehistro (i-click ang “Continue” or “Proceed” kasi wala naman ibang choice)
- Piliin ang uri ng application na gustong gawin (Halimbawa: Reactivation)
- Ilagay ang mga personal na impormasyon (pangalan, middle name at apelyido)
- Ilagay ang birthday (baka may surprise gift ipadala ang Comelec, malay natin)
- Ilagay ang lugar ng kapanganakan, kasarian at civil status (wag na magtanong kung bakit, sumunod na lang)
- Ilagay ang supplementary data at address ng tirahan
- Kung walang supplementary data, piliin ang “Not Applicable” at ilagay ang address ng tirahan
- Piliin ang dahilan ng pag-register (sayang walang option na “Para mabawasan ang corrupt na politician”)
- Mag-set ng appointment o schedule sa pagpunta sa iyong local Comelec office
- Kung ayaw mag-set ng appointment/schedule at mas gustong makipagsapalaran sa walk-in registration, i-click ang “I don’t want to set an Appointment” (bakit nga ba mas marunong pa sila sa atin?)
- Patunayan mo na ikaw ay isang tao (na may puso at damdamin, hindi gaya ng mga korap nating pulitiko) sa pamamagitan ng pag-check sa “I’m not a robot”
- Kumpirmahin kung tama ba ang iyong mga inilagay na impormasyon (“Proceed” kung okay na at “Edit” naman kung may makitang mali)
- I-download ang PDF file na awtomatikong lilikhain ng website para sa iyo
- I-check ang nilalaman ng PDF at i-save ito kung walang problema (kahit may problema, pwede mo pa rin itong i-save, walang pipigil sa ‘yo)
- I-print out sa long bond paper (legal size) ang PDF file at dalhin ito sa pinakamalapit na suking Comelec office para sa biometrics at pag-submit ng iyong dokumento
Kapag malapit na ang eleksiyon (mga 3 to 4 weeks siguro) ay i-verify ang status ng iyong registration sa pamamagitan ng gabay na nakasaad sa link na ito: Voter Verification Process
Ang voter’s registration ay hanggang September 30, 2021 lamang (pero pwede pang ma-extend ‘yun kasi alam naman natin dito sa Pilipinas, walang hindi pwedeng ma-extend kahit matagal nang sinasabi yung deadline).
Pero para na rin hindi ka nakikipagsiksikan kasama ng ibang mga procrastinators (mga nagpapatumpik-tumpik hanggang sa maabutan ng deadline) eh mag-rehistro ka na habang maaga pa.
Maging instrumento ng pagbabago, BUMOTO SA 2022!
References:
alam mong medyo matamlay na ako pagdating sa pulitika. nakakawalang gana na lang. 🙁
hello, jc. long time, no read 😀 wala na rin ako masyadong energy sa pulitika. pero gusto ko pa rin makitang ini-exercise ng mga pilipino ang malayang pagboto. yun nga lang pag nagka-dayaan,bokya din 😀 balik na ba sa active blogging?
gusto sana pero busy busy pa. shying away from facebook kasi may time na toxic na ang maging Pilipino 😀