Tips Para Hindi Ma-Offload sa Eroplano

Narito ang ilang tips mula sa isa nating reader na nagbiyahe papuntang Dubai. Originally, ito ay comment niya sa isang post na pinamagatang Experience ng Isang Offloaded Passenger. Ipino-post ko ngayon dito as an article para mas marami ang makabasa.

Hindi ito nakakasiguradong effective 100% kaya use your own judgment. Kung gusto mong magbiyahe o magtrabaho sa UAE / Dubai, basahin ito: Paano Makapunta sa Dubai

paano maiwasan ma-offload

Photo by Adam Marikar on Unsplash

Tips Para Hindi Ma-Offload
ni Eigengrau

Hi Guys,

Cross Country Experience (From PH -> SG -> Malaysia -> SG -> Dubai)

It’s been a while, nagpost ako dito last year January 2017. I planned everything 1 year prior ng alis ko. Magsa-suggest lang po ako due to my experiences.

January 2018 – Nag-resign na po ako sa work ko and nag-book ng flight papuntang Singapore ng January 24, 2018. May nakatago na po akong ticket and visa papuntang Dubai during that time. Sinama ko na din credentials ko at pina-Red Ribbon na prior to Dubai flight para wala na problema sa pag-hahanap ng work / process ng visa.

Eto na po, dahil iniisip kong 1 shot lang ang plan ko, talagang lahat ng makakaya ko para maiwasan ang ma-Offload ay ginawa ko, lalo na’t malaking sugal ang ginawa kong pag-resign sa previous company ko dahil na rin sa maganda na ang aking salary at position. Kaso yun na nga, gusto ko din makasama girlfriend ko na nasa Dubai na that time at naghihintay sa ‘kin.

So, eto mga ginawa ko, meron akong Plan A and B.

Plan A : Magsabi na may work ako sa Pilipinas at magbabakasyon lang ako sa Singapore (5 days ang binook ko), gumawa ako ng affidavit of loss para ma-keep ko ang aking mga Company IDs, including health cards etc.

Plan B : Isasama ko daddy ko for Singapore tour, since s’ya ang marami nang tatak ang passport. Habang ako, first time ko pa lang.

Naghanda din ako ng Statement of Account, na naglalaman ng 6 digits na amount (show money)

Dahil masyado akong paranoid, pinagsama ko ang Plan A and B. Haha, more money, less risk.

And Thank God, sa lahat ng yan, nung turn ko na sa Immigration after ko paunahin daddy ko, ang tanging tinanong lang sa akin ay…

“Daddy mo?”

Sabi ko. “Opo”.

Then tapos. Walang kahirap hirap.

Btw, I dressed nicely, and I even intentionally showed my wrist watch and earphones na Apple while handing the passport. Kumbaga di ko binigyan ng rason yung IO na pag-isipan ako na maghahanap ako ng work sa ibang bansa.

To sum it up :

  • Magsama ng kamag-anak (na marami na tatak ang passport) or kahit kaibigan para samahan ka lang makaalis ng Pilipinas. Dahil pagkalagpas mo ng Philippine Immigration, wala ka ng problema. Maski Singapore, Malaysia and Dubai Immigration, wala sa aking itinanong. Kinausap lang ako 1 time sa Malaysia, tinanong ako kung maganda ba ang Malaysia. Hahah sinabi ko “Yes sir, I’m here to visit Legoland and Lee Chong Wei’s badminton court” meaning, nag-background search na ‘ko sa bansa bago pa ko lumarga. Kasi ang tourist, inaalam ang destination. (According to my friend na may kakilalang IO)
  • Kung wala kang makakasama, gamitin ang Plan A. Bilang back up, manghiram ng malaking cash, at gumawa ng Statement of Account, then ibalik (yung pera). May maipakita man lang, then dress nicely. Wag mag mukhang maghahanap ng trabaho. Wag mo muna ilalabas ito kapag di ka tinatanong. Wag na wag kakalimutan ang Passport, Supporting Documents etc.
  • Itago ang mga Red Ribbon credentials at ilagay sa check-in (bag), di naman chine-check yun kundi x-ray lang. Nakapasok nga aerosol(s), pabango, and liquid items ko e, which is bawal according sa isang signage. hahah
  • Mag-book sa nearby tourist spots such as HK/SG/Malaysia/Thai/Taiwan for 2-5 days with return ticket.

Yang 5 na tourists spots na yan ay may successful rate na makadiretso ka ng Dubai or UAE o makaalis ng Pilipinas. Based on our experiences, ako ay dumiretso ng SG then nag-bus papuntang Malaysia, then balik Singapore para sa Flight papuntang dubai, kumbaga nagparami lang ako ng stamp sa passport haha. Then yung ibang bansa na nabanggit ko, dyan pumunta ang mga kakilala / kaibigan ko na ngayon ay may work na din dito sa UAE.

Medyo malaki ang nagastos ko dahil sinagot ko airfare at allowances ng father ko, bday gift ko na sa kanya yung Singapore and Malaysia Trip namin before kami mag-hiwalay papuntang Dubai, at s’ya pauwi ng Pilipinas.

(Singapore Trip – 14,500 for 2)

(Dubai Visit Visa and Flight (From Singapore) – 35,000)

(Allowance – 45,000 for 2 (Singapore))

(Documents – 10,000 – Red Ribbon, UAE Embassy Attestations etc.)

(Dubai Allowance – 30,000 good for 3 months na sana, since nasa Dubai naman GF ko just incase matagalan sa pag hahanap ng work, may sasalo.)

(Emergency Money – 40,000 *wag na wag kakalimutan to, para sa mga walang kakilala/kasama sa Dubai/UAE, wag na wag kayo magtitiwala dahil maraming ibang lahi o kahit na kababayan ang kaya kang lokohin para lang sa pera, maganda yung may enough money ka for Attestation Services sa Dubai, and Food / Rent / Exit).

Good thing nakahanap ako agad ng work within 2 weeks, at sa ngayon ay nakabawi na sa ginastos ko after 3 – 4 months na ipon. Tyaga lang po mga kabayan.

Good thing after 2 weeks, nag-kawork ako agad dito sa Dubai. Totoo ngang pag nakaalis ka ng Pilipinas, wala ka na pu-problemahin sa Immigration ng ibang bansa.

Note : Another friend of mine was a Travel and Tours agent, so nabigyan n’ya ko ng techniques para kahit na-Offload ka na (dati,) makakaalis ka pa din. Ang ginagawa nila, m-agpuprovide ng Statement of Account for their client with 100-200k, then bibigyan ng briefing on what are the things na kelangan sabihin.

Totoo ngang isang tanong, isang sagot ang kelangan gawin.

Pag tinanong ka kung ano gagawin mo sa ibang bansa, ang isagot mo lang pupunta ng Universal Studios ng Singapore, Legoland kung Malaysia, Disneyland kung Hongkong etc. Pag-aralan ang pupuntahang destination.

Pag tinanong ka kung may work ka, ipakita ang mga Company IDs, at Healthcard. Pag hinanap ang employment certificate sabihin na “It’s not required, but I do have my Company ID and Healthcard with me, will it be enough?” Trust me, di nila tatawagan yung company just for the sake of verification. Kahit pa sabihin nilang tatawagan nila yung company, wag kayo maniwala.

Pag tinanong kung meron ka bang Diploma or School credentials, sabihin mo “I don’t have any, is it even required if you’re going on a tour?” Kasi pag sinabi mong meron ka, ‘matic maghahanap ka ng trabaho — Offload ka agad.

Kapag tinanong ka kung may kamag anak ka, sabihin mo wala.

Suggest ko lang, pumunta ng Dubai / UAE tuwing September to April. The rest is wag, why? Una, mainit. Pangalawa, Ramadan / Eid, usually sarado companies or yung mga hiring managers ay nagbakasyon. So, ‘matic ubos na agad halos 2 weeks to 1 month ng Visa nyo. Although di ko naman sinasabing imposible, mas maliit ang chance na makahanap ng work kung hindi September to April ka pumunta.

Ayun po maraming salamat, tyaga lang po mga kabayan at dasal po tayo palagi.

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: OFW Layp

Tags: , , , , , , , , , , ,

2 replies

  1. Hahaha, Natawa ako sa wag maniwala 😀 re: tatawagan ang company nyo… Napaka gandang article… very helpful <3 Thanks for sharing!

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: