Home » Revolutionary Government sa Pilipinas

Revolutionary Government sa Pilipinas

Narito ang ilang impormasyon patungkol sa Revolutionary Government.

revolutionary government

Ano ang Revolutionary Government?

Ayon sa BBC, ang kahulugan ng Revolutionary Government ay, “If a government is overthrown by force, the new ruling group is sometimes called a revolutionary government.”

Ang Revolutionary Government ay isang uri ng Pamahalaan na nabuo sa pamamagitan ng rebolusyon (tahimik man o bayolente) at nagpapatupad ng malawakang pagbabago sa sistema at pamunuan ng umiiral na Gobyerno.

Pagkatapos alisin sa puwesto ang dating Pamahalaan at ang mga namumuno dito, pansamantalang aandar ang Revolutionary Government bilang isang transitional o provisional government upang ihanda ang pagtatayo ng isang bagong sistema ng Pamahalaan at mga tatayong mga bagong pinuno nito.

Nagkaroon na ba ng Revolutionary Government sa Pilipinas?

Ayon sa Kasaysayan ng Pilipinas, dalawang halimbawa ng mga Revolutionary Government na naitatag na dati ay ang mga sumusunod:

1. Revolutionary Government laban sa Espanya – Sa panahon ni Gen. Emilio Aguinaldo, nuong 1898 ay nagtatag ng isang revolutionary government ang mga Pilipino upang palitan ang pamumuno ng Espanya. Nang makalaya ang Pilipinas ay itinatag ang Malolos Constitution.

2. Revolutionary Government laban kay Marcos – Isang maituturing na Revolutionary Government ang pumalit sa Pamahalaang pinamunuan nuon ni Ferdinand Marcos matapos siyang paaalisin sa puwesto sa pamamagitan ng EDSA Revolution. Ang pumalit na Pamahalaan ang nagpasimula ng 1987 Constitution sa ilalim ng pamumuno ni Corazon Aquino.

Sino ang may nais sa Revolutionary Government?

Ang mga nagnanais ng Revolutionary Government ay ang mga tao o grupo na hindi kuntento sa kasalukuyang umiiral na Pamahalaan. Sila ay mga taong nais ang mabilisan at malawakang pagbabago sa Gobyerno at sa mga taong namumuno rito.

Layunin ng Revolutionary Government na maglagay ng mga pagbabago sa Pamahalaan na sa tingin nila ay makabubuti para sa nakakarami o sa kanilang mga sarili.

Subalit ang Revolutionary Government ay dapat na magmula sa mga mamamayan o nasasakupan ng umiiral na Gobyerno at hindi mula sa mga pinuno at may katungkulan sa kasalukuyang umiiral na Pamahalaan.

“The revolution will be brought about by the people, and the people are the proletariat and the peasantry. Clearly, it is they who should undertake the task of carrying the revolution through to the end, of curbing the reaction, of arming the people, and so forth. To achieve all this the proletariat and the peasantry must have champions of their interests in the provisional government. The proletariat and the peasantry will dominate in the streets, they will shed their blood—clearly therefore, they should dominate in the provisional government too.” J.V. Stalin (The Provisional Revolutionary Government and Social-Democracy August 15, 1905)

Ano ang magagandang naidudulot ng Revolutionary Government?

Ang mabuting Revolutionary Government ay maaaring magpalaya sa mga tao mula sa isang mapanikil at/o depektibong Pamahalaan na humihila sa kaunlaran ng isang bansa. Maaari nitong ibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kaledad ng buhay ng mga nasasakupan nito.

Nagpapatupad din ito ng mga agarang pagbabago na inaasam ng marami mula sa dating Pamahalaan. Ibinabalik nito ang pagkilala sa mga karapatan at mga kalayaan ng kanyang mamamayan.

Halimbawa ng mga Revolutionary Government na nagdulot ng mabuting pagbabago sa kanilang bansa:

Ano ang masasamang naidudulot ng Revolutionary Government?

Ang masamang uri ng Revolutionary Government ay ang nagmula sa personal na interes ng iilang tao lamang at may mga layuning pang-makasarili. Maaari nitong sikilin ang maraming karapatan ng mga pangkaraniwang mamamayan.

Ang hindi mabuting Revolutionary Government ay maaaring magdulot ng lalong pagiging mailap ng hustisya at katarungan para sa marami. Pupuksain nito ang lahat ng mga magsasalita at magsisiwalat sa mga kapintasan ng Pamahalaan.

Kung kaya, lalong nagiging mahirap ang buhay ng mga karaniwang tao. Samantala, lalo namang sumasagana ang buhay ng mga nasa kapangyarihan at malapit sa mga pinuno na nananatiling nasa puwesto sa loob ng napakahabang panahon.

Halimbawa ng mga bansang ganito ang nangyari sa kanilang Revolutionary Government ay ang mga sumusunod:

Ano ang mangyayari sa Pilipinas kapag nagkaroon ulit ito ng Revolutionary Government?

Dalawang bagay ang maaaring mangyari kung magtatatag muli ng isang Revolutionary Government sa Pilipinas: pwedeng MASAMA at pwede ring MABUTI.

Depende kung sino at anong uri ng mga taong mamamalakad kung magtatagumpay ba ang Revolutionary Government o hindi para sa isang bansa.

Other References:

Leave a Reply

%d bloggers like this: