So, nakakita ulit ng dahilan ang Pamahalaan natin para mag-decide ang mga OFW kung uuwi pa ba sila sa Pilipinas o hindi na. Magpapatupad ng bagong 3% of Monthly Basic Salary Premium Contribution scheme ang PhilHealth para sa mga tinaguriang “Bayani” ng makabagong panahon. Ito ay sa pamamagitan ng PhilHealth Circular 2020-0014.
Bilang major contributors sa ekonomiya ng Pilipinas, ito ang naisipang gawin ng ating Pamahalaan – CONTRIBUTE PA MORE!!!
Ang 3% of Monthly Basic Salary ay simula pa lamang. Dahil magkakaroon ito ng 1% incremental increase every year: 3% (2020), 3.5% (2021), 4.0% (2022), 4.5% (2023) at mafi-fix sa 5% mula 2024 onwards (or pwede ring itaas pa ulit depende sa sitwasyon).
Sinu-sino ang sakop nito? LAHAT po ng mga OFWs.
Overseas Filipinos – refers to migrant workers (OFW), other Filipino nationals and their dependents abroad. Overseas Filipinos are comprised of the following:
1. Land-based OFWs
2. Seafarers and other sea-based workers
3. Filipinos with dual citizenship (RA 9225)
4. Filipinos living abroad
5. Overseas Filipinos in distress
6. Other overseas Filipinos not previously classified elsewhere
Basta Pilipino kang nakatira sa ibang bansa, may trabaho o wala, automatic OFW ka at mandatory mong babayaran ang PhilHealth. Kesyo marami kang dapat bayaran, kesyo marami kang dapat suportahan, kesyo in distress ka, kesyo wala kang permanenteng trabaho, kesyo ano pa kalagayan mo sa ibang bansa, basta Pilipino ka, MAGBAYAD KA.
At pag hindi ka nagbayad on time, MAGBABAYAD ka ng COMPOUND INTEREST! Yes! What a wonderful idea!
So kung isa kang OFW at ayaw mong magbayad ng bagong rate ng PhilHealth, HUWAG KA NANG UMUWI SA PILIPINAS KAHIT KAILAN! Para hindi ka singilin. Pero for the meantime, pwede ka ring mag-sign ng petition na ito sa Change.org.
References:
- PhilHealth Circular 2020-0014
- Gabay sa Tamang Pag-unawa sa Circular 2020-0014
- PhilHealth Reiterates OFW Premium Increase, Many OFWs Disapprove
- PhilHealth reiterates increase for OFW premium payments; online petition seeks repeal
- Teddy Boy Locsin on PhilHealth payment hike: Leave OFWs alone
Categories: OFW Layp
Legal corruption
any administration na lang ang pumalit, mga OFW ang pipigain nila maglabas ng pera. samantalang ang daming ahensya ng gobyerno including yung mga GOCC’s na sobra-sobra ang pondo, allowances at bonuses ng mga high officials.
Hindi po gumagana yung link for the petition. OFW din po ako at matagal ng hindi nakakauwi, nakakasama po talaga ng loob na ganito pa ang imamandato ng gobyerno sa atin. May sarili kaming insurance dito sa abroad na employer namin ang nagbabayad, so walang silbi sa amin ang PhilHealth na yan. Wala din po akong balak mag-for good sa Pinas sa ngayon. Sana may mabago pa.
maraming salamat, ayusin ko yung link 🙂 itong naisipan na naman ng philhealth is tantamount to extortion. halos wala talagang nakikinabang na OFW sa contribution nila sa philhealth. sana nga mabago pa yung regulation na ‘to.
I agree, dapat gawing optional na lang, it’s so unfair. Nakakagalit!