Department of Selection and Wrong Distribution?

monetary beneficiaries

Photo by Denniz Futalan on Pexels.com

Dapat repasuhing mabuti ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) yung listahan nito ng mga monetary beneficiaries. Ang daming napapabalita ng mga benepisyaryong hindi naman ginagamit ng maayos yung ayudang natatanggap nila. Gaya ng mga ito:

Mabuti na lang at may mga iilan pang benepisyaryo na tapat at isinauli ang nadoble nitong benepisyo. Eh pano yung ibang mga nagkaroon din ng dobleng benepisyo? Namo-monitor ba talaga yan ng DSWD?

Hindi nga yata magandang ideya ang mamigay ng pera na hindi pinaghihirapan gaya ng sabi ni Haring Solomon. Mas madali ipagwalang-bahala ang mga bagay na libre lang natatanggap. “Ang perang hindi pinaghirapan, kung gastusin ay walang hinayang.” (Kawikaan 20:21)

Dapat ding magbigay ang DSWD ng financial management education sa mga benepisyaryo nito at siguraduhing mapaparusahan ang mga mahuhuling magwawaldas ng tulong pinansiyal na kanilang tinanggap mula sa Pamahalaan.

Ang monetary benefit ng 4P’s (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ay tinatawag ding CCT (Conditional Cash Transfer). Ito ay isang programang pinasimulan nuong 2007 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo at itinuloy hanggang sa kasalukuyang Pangulong si Rodrigo Duterte. Subalit ang programang ito ay matagal nang tinutuligsa dahil sa mga alegasyon ng korapsyon at hindi pantay na pamamahagi sa mga maralitang Pilipino. Ito ay may taunang budget na Php 62 Bilyon noong 2016 na dinadagdagan taun-taon hanggang sa maging Php 89 Bilyon sa taong 2020.

References:

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: