
Photo by Julius Silver on Pexels.com
Ang Covid19 na nga siguro ang tatapos sa matagal nang pag-depende ng mga mayayamang bansa sa suplay ng mga produkto nito mula sa Tsina.
Matagal nang gusto ng Amerika at Europa ang mag-pull out ng produksyon nito sa Tsina. At kamakailan lang ay nag-desisyon na ang Japan na tanggalin na ang maraming pabrika nito sa nasabing bansa.
Dahil din sa suspetsa na ang Covid19 ay nilikha sa isang laboratoryo ng Wuhan, mas mapapabilis ang desisyon ng Western economies na ilipat sa ibang lugar ang kanilang mga kumpanya.
Napakalaking tsansa ito ng iba pang mga bansa na makuha ang atensyon ng mga mayayamang korporasyon para lumipat sa kanila ang produksyon ng mga ito. At kung hindi kikilos agad ang Pilipinas, siguradong mapag-iiwanan tayo.
Kasabay ng paglaban sa Covid19, kailangang ayusin na rin ngayon ng Pilipinas ang mga isyu nito upang maging mas competitive sa mga kapitbahay nating bansa. Gaya halimbawa ng:
- Gawing simple ang proseso ng pagse-setup ng negosyo sa ating bansa
- Gawing mabilis ang pagkilos ng mga ahensiya ng Pamahalaan sa pag-proseso ng mga dokumento
- Bigyan ng makatwirang fees and tax bracket ang mga negosyo ayon sa laki at uri ng negosyo nito
- Kontrolin ang mga local at national fees na kailangang bayaran ng mga kumpanya
- Kontrolin ang paniningil ng mga nagpapaupa ng puwesto, lote, building, stall, etc.
- Ayusin ang peace and order
- Lipulin ang mga corrupt na local at national government officials
Related Articles:
- Pandemic accelerates push to move supply chains out of China
- We could have attracted investments if only Philippines is more open
Categories: Halu-halo
Sorry to burst the bubble but they’re not transferring to the Philipppines. The Philippines is too pro- that country whose name I shall not mention, and the president is too hostile to all except to that country whose name I shall not mention. The investments are going to Vietnam, Taiwan , India , Thailand and Malaysia.
unfortunately, all you’ve said are correct. and to add to it, corruption is still a problem. but i’m still hoping that a new generation of public officials and voters could change our current situation.
They’re not coming not because of corruption….. they think the leader of the Philippines have screws in the head that are loose, and corporations don’t want to deal with that.