Mga Palatandaang May Mga Mandurukot Sa Loob ng Sinasakyang Bus

Narito po ang isang very timely at kapaki-pakinabang na guest post upang makapag-ingat tayo sa mga mandurukot.

magnanakaw

Mga Palatandaang May Mga Mandurukot Sa Loob ng Sinasakyang Bus

ni Mamang Enhinyero

Tulad ng karamihang Juan ay isa ako sa mga umaasa sa mga bus na syang totoong hari ng kalsada (na minsan ay aakalain mong paga-ari nga nila ang EDSA). May ilang beses na rin akong nakakita ng mga bugok na mga mandurukot sa loob mismo ng bus at minsan na rin akong naipit ng mga kampon ni Mang Taning habang bumababa ako at natangay ang nakabulsa kong cellphone.

Kelangan talaga mag-ingat lalo na sa mga pampublikong transportasyon gaya sa loob ng bus. Dapat di ka sitting duck o easy prey. Pero paano mo ba sila makikilala at paano mo malalaman ang mga galawang pangkawatan nang ikaw mismo ay hindi kinakailangang maging mandurukot (eto e kung naniniwala ka sa kasabihang it takes one to know one)?

1. Merong siksikan sa may malapit sa pinto kahit di puno ang center isle.

Ang lehitimong pasahero ay ayaw na ayaw masiksik lalo na kung maluwag pa ang sinasakyang bus. Pinipili ng mga mandurukot ang malapit sa pinto para makalabas at makatakbo kaagad kapag nagkaipitan. Kung kaya very prone madukutan ang mga nasa malapit sa pinto gaya ng ibang mga pasahero na kahit Ayala pa bababa at kakasakay lang sa Quezon Ave. e gustong nasa may pintuan pa rin. Madalas sa mga ganito e mga babae at mga matatanda.

2. Nanlilisik ang mga mata, di mapakali, at lilinga-linga kahit napaka-ordinaryo ng sitwasyon.

Dito ay kailangan mo ng baseline para ma-detect mo ang mga galawang out of the ordinary. Kailangan mong maging mapagmatyag at maka-establish ng baseline behavior. Di mo kelangang maka-graduate ng psychology, kelangan mo lang magmasid.

3. May dalawa o higit pang mga taong biglang sumakay na may kahinahinalang kilos.

Madalang rumaket mag-isa ang mga mandurukot. Ulit, kailangan mong maging pamilyar sa mga out of the ordinary na mga kilos para mapansin mo sila.

4. Magkakalayo sila ng pwesto sa bus, malalakas mag-usap ng mabilis at hindi maintindihan (not necessarily ibang dialect, alam mong tagalog pero magtataka ka kung bakit di mo maintindihan).

Ang lehitimong pasahero malapit sa kausap, at madalas ay walang pakialam sa iba kahit marinig ang pinag-uusapan.

5. Di nagbabayad ng pamasahe kahit nasa harapan na nila ang kunduktor.

Nasaksihan ko ito ng personal habang sinusulat ko ito sa loob ng bus gamit ang lapis at notebook. Magkakalayo sila noon na nakaupo mga 3 katao. Nang naniningil na ang kunduktor sa harap ng isa sa kanila ay nagsalita ang kasama nya ng hindi maintindihan at sabay-sabay nagsibabaan. “Mga mandurukot yun a,” nasabi nalang ng kunduktor.

6. Iba makatingin sa gamit ng ibang pasahero, lalo sa bag at cellphone.

Iba yung nakatingin lang sa tingin ng taong may maitim na balak at budhi. Nasa East Avenue ako noon. May suot akong relo at kitang-kita ko ang pagtitig ng isa sa kanila sa suot ko. Buti nalang di niya tinangkang agawin. Mga 5-7 katao sila na sabay sabay bumaba nang hindi nagbabayad. Yung isa ay nakita ko pang namulot ng ticket.

7. Kapag nakatayo ka, binabangga ka kahit siksikan, ayaw kang padaanin ng mga nasa harap mo kapag bababa ka na.

Eto na yung aktwal na pandurukot. Naranasan ko ito nung pababa na ako ng bus sa may Espanya. Di talaga ako pinababa hanggang hindi nakuha yung cellphone na nasa bulsa ko. Buti nalang at lumang-luma yung cellphone at buti nalang at hindi nakuha yung sampung libo na nasa secret pocket ko. Pero syempre nakakasama parin ng loob na bukod sa nadukutan ako e nawala ng isang iglap yung mga contacts ko.

Naglipana sila kahit saan. Kung paano sila uubusin ay tanging new world order lang ang makakagawa nyan. The least na pwede mong gawin e wag kang maging biktima. Pero paano ka nga ba makakaiwas?

  1. Wag magbubulsa ng wallet. Although hindi na ata uso to ngayon. Wag ilagay ang mga importanteng dokumento gaya ng ID, ATM at iba pa sa wallet sabay lagay sa likod na bulsa.
  2. Tanggalin ang relo at hikaw pati singsing dahil para kang naglagay ng karatula sa noo mo na may nakasulat na “COME ON BEBE, ROB ME, ROB ME!!!”
  3. I-bag ang cellphone (UTANG NA LOOB!!!). Etong di ko maintindihan sa karamihan. Yung iba di bale nang di kumapit sa mga hawakan at mabangasan ang mukha kapag natumba sa loob ng humaharurut na bus basta nakahawak lang sa cellphone. BAKIT???!!!
  4. Alisin ang mga temptation. Kung chic ka (o kahit hindi) at magpakita ka ng legs o cleavage e siguradong titignan at titignan yan parehas ng mga manyakis at mga hindi. Ganyan din sa cellphone at iba pang mamahaling gadgets at gamit. Simple logic.
  5. Magmasid ka. Tigilan mo yung cellphone, tanggalin ang headset at itago mo muna yung libro. Alalahanin mong life skill ang maalam sa tinatawag na situational awareness.

*****************************************************************

Mamang Enhinyero

Isang enhinyerong nasa CBD na madalas nakatingin sa malayo kapag naglalakad dahil palaging may iniisip; madaling maagaw ang atensyon habang naglalakad sa Ayala Avenue dahil sa mga chics; isang mamang nakasakay sa ordinary o aircon bus at makikitang nagsusulat kahit umaandar ito o di kaya’y dinudutdut ang kanyang latest, state-of-the-art cellphone na Samsung Metro 312 bilang kanyang digital notebook; INFJ.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: