Site icon The Pinoy Site

Paano Gumawa ng Resume

pagsulat ng resume

Una sa lahat, sa mga hindi nakaka-alam kung ano ang resume (ré·su·mé: /ˈrezəˌmā/), paki-check na lang ang link na ito: What is a Resume?

Pangalawa sa lahat, sa mga hindi alam kung ano ang pagkakaiba ng bio-data, resume at curriculum vitae, tingnan ang larawan sa ibaba.

At pangatlo sa lahat, kung ayaw mong gumawa ng sarili mong resume, punta ka dito: (link)

Okay, ayan nakatipid na ako ng oras sa pagsusulat. Focus na tayo sa kung paano gumawa ng sarili mong resume.

Pero bago muna ulit yun (daming patalastas 😀 ) alam mo naman siguro kung bakit mahalaga ang resume. Ito lang naman kasi ang advertisement mo para sa iyong sarili. Ito ang iyong love letter sa mga kumpanyang gusto mong ma-attract sa ‘yo. Ito ang entrance ticket mo sa iyong future career. Kaya dapat lang na ayusin mo ang paggawa ng resume. 

Ang paggawa ng resume ay hindi naman kailangang maging komplikado. In fact, habang sumi-simple ang resume, mas binabasa ito ng mga potential employers.

MGA TIPS sa PAGGAWA ng RESUME

Narito ang mga dapat na maging laman ng iyong resume na karaniwang hinahanap ng mga employer:

  1. Sino ka
  2. Saan ka galing
  3. Ano ang kaya mong gawin

Gets? Okay.

Ngayon naman, himayin natin sila isa-isa.

Sino ka

Dapat mong ipaalam ang mga personal na bagay-bagay tungkol sa iyo kagaya ng iyong pangalan, picture (optional), home address, email address, phone number, purpose sa pag-apply ng trabaho, citizenship, gender, marital status at birthdate.

Siyempre para at least eh ma-imagine ng mga potential employers kung ano ang hilatsa ng iyong pagkatao at kung ano’ng klaseng stage ka na naroon sa buhay.

Wag ka na maarte, importante yun. Basta ilagay mo na lang. Sa resume pa lang, fini-filter na ng mga employer kung sino ang gusto nilang makausap o hindi. Kaya importanteng ipakilala mo ng mahusay ang iyong sarili sa pamamagitan ng iyong resume.

Saan ka galing

Bukod sa personal details at information, gustong malaman ng mga potential employer kung ano ang background mo. Gusto nilang malaman ang pinanggalingan mong edukasyon o karanasan sa trabaho.

Sa area na ito ng resume mo isusulat ang iyong pinanggalingang paaralan at kung ano ang pinag-aralan mo duon.

Kung may experience ka naman sa pagta-trabaho, gusto ring malaman ng mga employer kung ano ang mga kumpanyang pinanggalingan mo at kung anu-ano ang mga pinaggagawa mo dun.

Ano ang kaya mong gawin

Achievements, accomplishments, seminars, lectures, certifications, accreditations, skills, special studies, etc., ay dapat mong ibida sa iyong resume.

Dapat malaman ng mga employer kung ano ang mga kaya mong gawin at kung mapapakinabangan ka ba nila sa kumpanya.

Narito ang ilang pinoy resume sample na pwede mong gamiting reference.

Reminder: USE COMMON SENSE! Makakagawa ka pa ng mas maganda pero simpleng resume kesa sa mga sample na nandito. Huwag mo ito kopyahin as it is.

Humingi rin ng tulong sa mga kilala mong magaling sa English. Yes, English only ang pagsusulat ng resume. Pero pwede mo ring isulat sa Tagalog at tingnan na lang kung ano ang mangyayari.

So, keep it simple, keep it concise. Gawin mong madali para sa iyong future employer ang pagbasa ng iyong resume.

Other useful references:

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version