Kapansin-pansin ang laman ng mga balita ngayon tungkol sa kabi-kabilang buy bust operations laban sa illegal drugs sa Pilipinas. Pati na yung pagkasamsam sa mga ready to consume drugs at pagkahuli o pagkapatay sa ilang mga drug pushers.
Ang dami na ring mga drug users at drug peddlers ang kusang sumuko at nangakong magbabagong buhay.
Wala pa sa puwesto si Duterte ay masigasig na ang mga kapulisan na sugpuin ang bawal na gamot sa Pilipinas. Hindi pa yata nangyari ang ganitong bagay sa kasaysayan ng bansa natin.
Dapat natin itong ikatuwa dahil at last meron tayong nakikitang determinasyon mula sa mga awtoridad na sugpuin yung pagkalat ng bawal na gamot.
Ang kaso, totoo talaga yung kasabihan na “You cannot please all people.” Kasi, meron pa ring mga nagrereklamo sa mga pagkilos na ito laban sa illegal drugs sa ating bansa.
-
Bakit ngayon lang?
Nagrereklamo yung ilang grupo kung bakit ngayon lang daw ginawa ng mga awtoridad itong masigasig na pagtugis sa mga tulak ng bawal na gamot. Utang na loob naman. Maging masaya sana tayo at nakita pa nating nangyari ito. Dahil kung aasa lang tayo sa mga nakalipas na gobyerno, hinding-hindi na magiging masigasig ang mga kapulisan sa pagpuksa ng illegal drugs sa bansa natin kahit kailan. Kahit ngayon lang sila naging determinado gawin ito, ayus lang. Ang importante, naging masigasig na rin sila at last.
-
Nagpapa-pogi lang ang kapulisan sa darating na bagong administrasyon
Eh ano ngayon kung nagpapa-pogi? Eh di bigyan natin sila ng Mr. Pogi award at Mr./Ms. Philippines award! Ang importante masugpo nila yung drugs sa Pilipinas. Kung masusugpo ang pagkalat ng bawal na gamot at ang masamang epekto nito sa mga kabataan natin, hayaan na natin silang magpa-pogi ng magpa-pogi.
-
Hindi naman hinuhuli ang mga big time drug lords, mga pipitsuging drug pusher lang
Ilang weeks pa lang nagsisimula ang massive campaign laban sa illegal drugs, ang gusto eh big time drug lords agad? Excited? Buti nga kahit mga small time drug pushers ngayon eh hinuhuli na eh. Dati nga wala eh! As in, zero! Labas pasok lang sa kulungan o kaya eh pinapabayaan lang mag-operate ng drug business nila. Hayaan muna natin mag-warm up sa mga small time pushers ang kapulisan. Dahil kung seryoso talaga sila sa kampanyang ito, magle-level up din ang mga awtoridad at pupuntiryahin ang big boss. Parang yung mga game lang na nilalaro sa arcade o kaya PC. By stages ang pagpapatumba sa kalaban.
-
Moro-moro lang ang ginagawang kampanya laban sa drugs
Ang ibig sabihin ng moro-moro ay parang palabas lang. Kunwa-kunwari lang daw yung ginagawa ng mga awtoridad laban sa drugs. Eh kung may mga nagdududa sa ginagawa ng mga pulis, sumama dapat sila dun sa mga operasyon ng mga pulis. Manmanan nilang mabuti at obserbahan yung trabaho ng mga pulis. Sumama sila sa mga raid at sa mga imbestigasyon para mapatunayan nila at magkaroon sila ng basehan na palabas nga lang yung lahat ng ginagawa ng mga pulis.
-
Kawawa naman yung mga drug pushers
Eh di ampunin yung mga drug pushers! Pakainin natin ng masasarap na pagkain at patirahin sa mga magagarang tirahan. Mga buwiset! Ang dami ninyong arte!
Dapat nga imbestigahan kung talagang pinatatahimik lang ang mga drug pushers para huwag nilang ituro ang mga protektor nilang pulis, government officials o VIP sa lipunan.
Pero imbes na mag-reklamo tayo sa ginagawa nilang trabaho, dapat eh tulungan natin ang mga awtoridad para mas mabawasan pa lalo ang paglaganap ng illegal drugs sa bansa natin.
Categories: Halu-halo
ganun naman talaga, pag walang ginawa ang gobyerno, nagrereklamo. pag may ginawa, nagrereklamo pa rin.
oo ganun nga, nasanay na tayo masyadong nagrereklamo sa gobyerno, kahit gumawa sila ng tama, reklamo pa rin 😀