Parang tamad na estudyante lang si Mar Roxas pati na yung ibang mga kumandidato nung 2016 elections na nagpapa-extend sa deadline ng submission ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE).
‘Di ba yung mga estudyante, kapag binigyan mo ng specific deadline na mag-submit ng assignment o kaya project eh maaasahan mong merong mga magsa-submit at meron ding hindi magsa-submit?
Karaniwan sa mga hindi nagsa-submit on time eh yung mga mahilig sa petiks at tamad na estudyante. Hihingi lagi sila ng deadline extension.
At bigyan mo man sila ng 1 week, o 1 month, o 1 year para mag-prepare, hindi sila magsa-submit on time!
Kung ano man ang dahilan ni Mar Roxas at nung iba pa eh hindi na importante. Hindi sila tumupad sa isinasaad ng batas (RA 7166).
Sec. 14. Statement of Contributions and Expenditures; Effect of Failure to File Statement. – Every candidate and treasurer of the political party shall, within thirty (30) days after the day of the election, file in duplicate with the offices of the Commission the full, true and itemized statement of all contributions and expenditures in connection with the election.
Dapat sana eh pinatawan man lang ng parusa ang mga hindi sumunod sa deadline. Ang paglabag sa batas ay hindi dapat i-tolerate kahit na kapartido pa sila ng kasalukuyang administrasyon.
Sigurado lang, mas dadami pa ang gagaya sa mga ito sa susunod.
Related News:
- Brillantes: Allowing late filing, bad for next polls
- Soce extension abets impunity
- Republic Act 7166
Categories: Halu-halo
Leave a Reply