Ito ay para sa mga bibyahe papuntang ibang bansa at tanung ng tanong kung ano ang mga bawal dalhin sa eroplano. Basahin ang mga ginalugad na impormasyon tungkol sa kung anu-anong anik at abubot ang mga hindi dapat dalhin sa eroplano.
Sa pagsakay sa eroplano, merong hand-carry (or carry-on) baggage at merong check-in baggage.
Yung hand-carry ay yung bitbit mong bagahe na dadalhin mo sa loob ng eroplano. Yung check-in luggage ay yung bagahe na ipapakarga mo sa airline/airport staff bago ka sumakay sa loob ng eroplano. Mas malaki ito at mas maraming laman.
Mga halimbawa ng bawal dalhin sa hand-carry
- all types of liquids or gel na sumusobra sa 100 ml (hair gel, alcoholic beverages, mga inumin, toothpaste, etc.)
- mga nasisirang pagkain (isda, lutong ulam, prutas, etc.)
- matatalim na bagay (kutsilyo, gunting, cutter, lagare, palakol, etc.)
- flammables (lighter, spray can, gasolina, granada, flame thrower, etc.)
- lithium battery (more than 2grams or more than 160Wh)
- fireworks
- weapons and ammunitions (baril, itak, bala, bazooka, etc.)
- obvious na hindi papayagan (illegal drugs, chemical weapons of mass destruction, bangkay, etc.)
Mga halimbawa ng bawal sa checked-in baggage
- flammables and explosives (lighter, spray can, gasolina, granada, flame thrower, liquefied gas lighters, safety matches, lighter fuel, etc.)
- liquids (alcoholic beverages, pintura, thinner, etc.)
- lithium battery (any size)
- electronic cigarettes
- matatalim na bagay (kutsilyo, gunting, cutter, lagare, palakol, etc.)
- fireworks
- weapons and ammunitions (baril, itak, bala, bazooka, etc.)
- obvious na hindi papayagan (illegal drugs, chemical weapons of mass destruction, undeclared bangkay, etc.)
Marami pang detalye sa kung ano ang pwede at hindi pwedeng dalhin sa eroplano ang makikita sa ibaba. Hanapin kung alin sa ibaba ang sasakyan mong airline at i-click ang link sa website nito. Dadalhin ka ng link sa listahan ng mga ipinagbabawal dalhin sa kanilang eroplano.
Detailed restricted items information from different airlines: