
inirereklamo ng chr ang walk of shame na ipinagawa ng mayor sa tanuan, batangas nuong may, 2016 (photo from: abs-cbn)
Wala tayong magagawa kung maingay ang Commission on Human Rights (CHR) kapag may mga kriminal na parang naaabuso ng mga awtoridad. Itinatag ng 1987 Constitution ang CHR para ipagtanggol ang karapatan ng lahat ng tao. Kabilang na rito ang karapatan ng mga lumalabag sa batas.
Masasabi nating ginagawa lang ng CHR ang trabaho nila kaya nagrereklamo sila kapag may mga drug pusher, magnanakaw, rapist o mamamatay-tao na naiinitan sa loob ng kulungan, o kaya eh hindi masarap ang kinakain.
Kaya lang, ang problema, sa lahat ng trabaho ng CHR eh para bang dun na lang sila nag-focus sa pagtatanggol sa mga kriminal.
Narito ang mga tungkuling dapat gampanan ng CHR na iniatang sa kanila ng Saligang Batas ng Pilipinas.
EXECUTIVE ORDER NO. 163 Section 3
The Commission on Human Rights shall have the following powers and functions:
• Investigate, on its owner on complaint by any party all forms of human rights violations involving civil and political rights;
• Adopt its operational guidelines and rules of procedure, and cite for contempt for violations thereof in accordance with the rules of Court.
• Provide appropriate legal measures for the protection of human rights of all persons within the Philippines, as well as Filipinos residing abroad and provide for preventive measures and legal aid services to the under-privileged whose human rights have been violated or need protection;
• Exercise visitorial powers over jails, prisons, or detention facilities;
• Establish a continuing program of research, education and information to enhance respect for the primacy of human rights;
• Recommend to the Congress effective measures to promote human rights and to provide for compensation to victim of violations of human rights, or their families;
• Monitor the Philippine Government’s compliance with international treaty obligations on human rights;
• Grant immunity form prosecution to any person whose testimony or whose possession of documents or other evidence is necessary or convenient to determine the truth in any investigation conducted by it or under its authority;
• Request the assistance of any department, bureau, office or agency in the performance of its functions;
• Appoint its officer and employees in accordance with law; and
• Perform such other duties and functions as may be provided by law.
Source: Executive Order No. 163
Kung pagbabasehan natin ang mga report tungkol sa mga ginagawa ng CHR, masasabi nating protektor na lang ng mga kriminal ang CHR ngayon at hindi nito ginagawa efficiently ang trabaho nito na itaguyod ang pantay-pantay na karapatan ng lahat ng tao.
Dahil ang mga biktima ng mga kriminal, ang mga biktima ng mga sakuna, ang mga sibilyang naiipit sa digmaan, ang mga pulis at sundalong dumanas ng karumal-dumal na bagay mula sa mga kaaway, sila man ay may karapatan ding pantao.
Katungkulan din ng CHR na proteksyunan ang karapatang pantao ng mga taong ito. At ang hindi pantay na pagtatanggol sa karapatan nila ay malinaw na paglabag sa tungkuling iniatang ng batas sa CHR.
Pwede ba nating ipakulong yung mga taga-CHR dahil dito?
Categories: Halu-halo
BOBO KANG BLOGGER KA
iginagalang ko po ang inyong opinyon tungkol sa akin…
better delete this blog. mali po ang pang-unawa mo sa tungkulin ng CHR.