Survey Result: Nais Ibalik ng mga Pilipino ang Martial Law

Manila, Philippines – Nais ibalik ng maraming Pilipino ang Batas Militar sa buong Pilipinas. Ito ang lumabas na resulta sa pinagsamang survey na isinagawa ng Pulse Asia at SWS nitong Abril, 2016.

Matapos tanungin ang may 10,0000 respondents sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, lumilitaw na marami sa mga Pilipino ang nais ipatupad ang Martial Law sa buong bansa.

“Hindi naman po naipapatupad ng maayos yung batas natin sa Pilipinas eh kaya dapat pagpapatayin na lang agad yung mga kriminal sa bansa natin.”, ang isinaad na opinyon ng isang respondent.

“Kung hindi istriktong didisiplinahin ang mga Pilipino, walang mangyayari sa ‘tin.”, ang pahayag naman ng isang negosyanteng tumugon din sa nasabing survey.

Sa nasabing survey, 85% ang nagsabing nais nilang ibalik ang Martial Law, Diktaduryang Pamamahala o anumang uri ng Kamay na Bakal na sistema. Samantala, 10% ang hindi pabor dito at 5% naman ang hindi alam kung ano ang isasagot.

Ito rin ang pinaniniwalaang dahilan ng ilang mga political analyst kung bakit mataas ang kasalukuyang rating ni Duterte at Marcos para sa kandidatura nila sa pagka-Presidente at Bise-Presidente.

photo from inquirer.net

***********************************************************

Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.



Categories: Pantasya Balita

Tags: , ,

2 replies

  1. renxkyoko – I'm a molecular Biology and Forensic Biology graduate, and is currently working as a microbiologist at a dairy company. I have not stopped dreaming of playing in a symphony orchestra as a violinist. Maybe in my next life.

    I cringe. * I’m sorry if you’re either of the two, Duterte and marcos. *

Leave a ReplyCancel reply

Exit mobile version
%%footer%%