Alam mo na ba kung sino ang iboboto mo para maging kasunod na Pangulo natin? Ako, wala pa. Wala pa akong ganang bumoto. Este, nawalan na pala ako ng ganang bumoto.
Excited pa mandin ako nung nagpa-biometrics ako sa Comelec kasi after more than 10 years eh makakaboto na ulit ako. Tapos, nung makita ko na ang mga pagpipilian, nakakadismaya.
Sayang naman ang karapatan kong bumoto kung hindi ko magagamit. Pero wala talaga akong makabig eh. Puro tulak ang gusto ko gawin!
Hay naku, sana naman eh may matino-tino pang presidentiable candidate ang mag-file ng candidacy bago matapos ang deadline.
Categories: Halu-halo
Ito pa lang ang unang pagkakataon kong makapagbigay ng boto subalit parang mababalewa at masasayang lamang ito dahil wala man lamang akong napupusuan ni isa man sa kanila.
Duterte sana. 🙂
hello dr. eamer, parang popular nga si duterte sa ilang mga tao pero mahirap pa ring masabi na yung nagawa nya sa davao eh magagawa rin niya para sa buong pilipinas lalo na at wala pa siyang nahawakang position na may nationwide scope. mag-vice president muna siguro siya para mas makilala siya at makita ng mas maraming tao.
Exciting ang 2016 Election 🙂
sana nga. kaso sino?
yun pa nga ang malungkot eh, hindi makapag-produce ang bansa natin ng mga capable na potential leaders. trapo lang lahat ang meron tayo.
ha ha ha…sayang nga…ngayon lang din ulit ako nakapagrehistro…tapos wala pa atang karapat dapat iboto….
better luck next time na lang yata ulit para sa mga returning voters 😀