Paano Kokontrahin ang Boto ng Bobotante

Sino ang mga “bobotante”? At bakit kelangan nating kontrahin ang boto nila? Huway hon hearth should we care about them?

Ang mga tinaguriang bobotante ay kahit na sinong rehistradong botante na hindi nag-iisip ng maayos kung sino ang iboboto sa mga importanteng posisyon sa ating Pamahalaan.

pigilan ang mga bobotante

Ang mga bobotante ay walang pakialam kung corrupt, inutil, mamamatay-tao, rapist, magnanakaw, traydor sa bansa, sinungaling o lantarang immoral ang isang pulitikong kandidato.

Iboboto ng bobotante ang kahit na sinong pulitikong gusto nila regardless kung ano pa man ang kuwalipikasyon nito.

Ito ang dahilan kung bakit dapat nating kontrahin ang boto ng mga bobotante. In English, we must stop them!!!

Hindi natin maaaring ipagkatiwala sa kanila ang desisyon kung sino ang mamumuno sa ating bansa, lalawigan, munisipalidad o baranggay. Dahil wala sila sa tamang katinuan o kapasidad para pumili ng lider para sa atin.

Kung kaya’t nararapat lamang na tayong matatalinong mga mamamayan ng Pilipinas ay dapat magkaisa upang kontrahin ang kabobohang magiging desisyon ng mga bobotante.

Iboto natin ang matuwid.
Iboto natin ang tapat.
Iboto natin ang tunay na may malasakit sa bansa at hindi lang sa mga mahihirap (kuno).

Sa pamamagitan ng sama-sama nating boto ay makakapili tayo ng lider na hindi mga bobotante ang naghalal.

Sounds like a good plan, ‘di ba?

Pero bago tayo makaboto, ang kelangan muna eh magparehistro tayo para sa halalan next year. At ang deadline nito ay sa October 31, 2015 na!!!

Wala na tayong dahilan para hindi makapagpa-rehistro. Ang Comelec registration ay nagkalat na kung saan-saan.

1.) Meron sa inyong malapit na local Comelec Office

local comelec office

2.) Meron sa NAIA Airport

ofw voters registration naia

3.) Meron sa mga popular na malls

comelec in malls

4.) Meron din sa Internet

online registration

Tamad ka na lang talaga at walang pakialam kung hindi ka pa rin magpapa-rehistro para makaboto.

Ito na ang chance natin to make a difference kahit once every 3 or 6 years lang. Kaya magparehistro na at bumoto!

Marami pang impormasyon dito: Comelec Website

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: