Home » Big World, Small Screen

Big World, Small Screen

Ang mundo ay bilog. Ang smart phone ay parihaba (kadalasan). Pero ang malaki at bilog na mundo ay napapaloob na ngayon sa smart phone na maliit, manipis at parihaba.

Pantawag. Pantext. Panlaro. Pang-email. Pang-kuha ng litrato. Pang FB. Pang kung ano-anong social media (at mga silbi nito sa atin). Pang-drawing.Pang-trabaho. Pangbayad sa traffic fine. Panghanap ng taxi. Pangpapansin. Pangbook ng restaurant, hotel at flight. Pangbayad sa utang. Pang-hanap ng jowa. Pang-online banking.

mobile phone

Ano pa kaya ang di kayang gawin ng smart phone? (Pangkaskas ng yelo. joke.)

Kamakailan lang ay nabasa ko ang tungkol sa Atom Bank na ilulunsad ng UK sa isang taon kung saan ay walang pisikal na branch, mobile app lang. Isipin mo ‘yon? Magbubukas ka ng account at gagawa ng mga transaksyon lahat sa pamamagitan lamang ng iyong smart phone? Oo nga’t mayroon ngang online banking ngayon pero iba ata yung online banking lang.  Walang pisikal na bangko, app lang. Aba! Hindi kaya mas madali ito? Hindi ka na pipila sa bangko? As long as maganda at maayos naman siguro ang sistema ng app na ito ay walang magiging problema. Kaso nagiging sobrang virtual na talaga ang mundo nito, di kaya? Wala nang tao, sistema na lang.

Ano pa kaya ang maaari nilang gawing app sa hinaharap na hindi na rin mangangailangan pa ng pisikal na branch o opisina? Pwede rin kayang app na lang ang mga sangay ng gobyerno? Paano kaya kung wala ng opisina ang halimbawa ay SSS? Pag-ibig? BIR? Mag-oopen tayo ng account online at magbabayad online?

Darating kaya ang panahon na hindi na mangangailangan ng mga empleyado dahil puro system generated na lang? O kaya ay minimal na ang mga taong nagtatrabaho dahil kaya ng gawin ng sistema ang dating tao ang gumagawa? Mababawasan kaya niyan ang mga kurakot sa mga sangay ng pamahalaan kung puro system generated lahat? Mababawasan din kaya ang kabagalan ng proseso (o ang sadyang pagpapabagal dahil nag-aantay ng pampadulas para bumilis?)

Paano kaya kung pati pagboto ay pwede na din sa pamamagitan ng pag-like sa facebook o kaya ay maimbentuhan na din ng app na online na lang lahat ng pagboto? Mababawasa kaya ang dayaan? O mas madali kaya itong mamamanipula?

Totoong malaki ang epekto ng teknolohiya sa henerasyong ito. Mabilis ang pag-unlad. Napakadaling gawin ang napakaraming bagay. Na-phase out ang mga tulad ng typewriter, walkman, dvd, family computer at nauwi na lang ang lahat sa isang maliit at manipis na parihabang screen.

Kalakip ng mabilis na pag-unlad dala ng teknolohiya ay ang malaking pinag-iba ng henerasyong ipinanganak na puro one click na ang lahat. Isang artikulo sa dyaryong The Times ang sinulat ni Jenni Russell na pinamagatang Narcissism has killed the art of conversation na naghayag ng makabagong paraan ng konbersasyon ng mga tao sa mga pagtitipon. Nadadala na ng mga tao ang “kulturang social media” sa kanilang pang-araw araw na buhay. Ano naman ang kulturang social media?  Iyon ay yung ipaalam natin sa iba kung ano ang kinain nating hapunan kagabi, ano ang suot natin ngayong araw at kung ano ang tatak nito at kung saang usong kapehan ba tayo nakatambay.

We try very hard to be interesting when we should be interested

smartphone generation

Ika nga ni Jenni Russell, ang problema sa kulturang social media ay ang pagpipilit na makapag-post ng mga interesting na bagay para magmukhang interesting ang ating mga buhay, at ang kulturang ito ay nadadala natin hanggang sa tunay na buhay. Kung noong unang panahon ay napakahirap humanap ng tsismis tungkol sa iyong kaaway, ngayon buksan mo lang ang iyong account ay lalatag na ang lahat ng mga ito sa iyong harapan. Siksik, liglig at umaapaw. Kailangan mo lang basahin ang lahat ng nasa iyong newsfeed.

Halos sampung taon na nakakaraan, sa unibersidad ay ipinakilala sa amin ng isang propesor si Dale Carnegie at ang kaniyang librong How to Win Friends and Influence People na kung saan isa sa mga tips kung papaano magiging maganda ang takbo ng conversation niyo ay hulihin ang point of interest ng kausap mo na sobrang taliwas sa naranasan ni Jenni Russell. Parang mas madaling makakuha ngayon ng kaibigan kung madalas ang pag-tag niyo sa isa’t isa o kung parehas kayo palagi ng hashtag.

Sa panahon ngayon, pag inikot mo ang mga mata mo sa loob ng restaurant, mapapansin mo na halos lahat ng mga kumakain (hindi lahat pero karamihan) ay inuuna pa ang pagkuha ng litrato ng pagkain, ng mukha nila kasama ng pagkain, at ng buong lamesa ng mga mukha at pagkain bago pa man magpasalamat sa biyaya at kumain.

Habang kumakain naman ay panay ang check ng cellphone. Sila-sila na nga ang magkakasama, sila-sila pa ang nagsisipag-comment at nagsisipag-like sa pinost na picture o status sa social media. Magkakaharap sila physically pero sa kaniya-kaniyang screen nakaharap ang mga mata at nakatuon ang isip. Bakit pa nga ba sila nagkita-kita? Sana pala ay nag-group chat na lang sila.

Siguro nga ay ito na ang makabagong kultura ng ating malaking mundo na pinaliit ng teknolohiya.

Ikaw, ang iyong mundo ba ay umiikot na lang din sa loob ng maliit na screen?

teknolohiya

16 thoughts on “Big World, Small Screen

  1. “Ikaw, ang iyong mundo ba ay umiikot na lang din sa loob ng maliit na screen?”

    Hindi. Di naman kasi ako maluho.Ang cellphone ko ay low-tech, bagay lang sa mas madalas kong gawin, ang mag-text at tumawag sa mga taong mahalaga sa akin. Kapag may humoldap nun sa akin, baka ibalik o ako na ang bigyan ng pera pambili ng mas high-tech, ha ha haaaa!!!! Of course, nagkaroon ako nang mas high-tech nang konti (emphasis on “konti”) pero napatunayan kong mas madali silang masira at hindi ko rin naman magamit sa pang-araw-araw na buhay ko ang ibang features at apps. Meron na akong tablet (na inexpensive, promise) ngayon pero di ko rin lagi gamit pwera kung gusto ko mag-games paminsan-minsan at mag-net (di pa nga siya maganda gamitin sa pag-surf lalo na sa pag-blog, nakakayamot!). Ang pinakamahal ko nang gadget ay netbook na kailangan ko naman talaga at sa kasalukuyan eh ilang buwan nang inactive kasi may sira.

    I was even able to get my hands on a Kindle gadget (not mine) — reading an e-book sucked the fun out of reading. I still prefer actual books and actually still have a growing library at home (now, if i can only get the kids to learn to love reading…

    I admit, technology has its advantages. But if it does not serve a higher purpose and causes disintegration, there should be a limit and control over the use of it.

    1. Sa Pilipinas, aplikable talaga na makalumang pangkaskas ng yelo ang celpon mo para hindi buwis-buhay. Though, kelangang din natin yung ibang mga apps, totoo naman na nakakatulong. Overused lang siguro o OA ang paggamit sa mga inooffer sa atin ng teknolohiya.

      At oo, mas ok pa din ang tunay na libro kesa sa e-book.

      At yung sa pagboblog na gamit ay tablet? Naku po…mayayamot ka nga lang. Iba pa din ang keyboard

  2. Kaya mas preferred ko hanggang ngayon ang simpleng phone lang (mula Nokia at ngayon ay Cherry Mobile) Hehe.. 😉 Hindi touch screen. Walang internet connection. Walang apps.. etc. Para less distraction. 🙂 At dahil nagcocommute ako, di rin takaw nakaw. 🙂

    Masaya naman ako sa choice ko. 😀

    1. Ay nako same here. Ung nokia ko pinagtatawanan na ng lahat dito pero mahal na mahal ko un kahit ayaw na gumana ng camera at video at wala din candy crush at plants vs zombies. Kung hindi nya lang ako sinukuan ay hindi ko talaga papalitan….

    1. hmmm….you need to do this more often…whenever I am stressed, I go to a bookstore…and whenever I’m in a mall, I make sure i pass by one even though I’m not buying anything LOL…

  3. We have multiple gizmos here at home, but I still long for that Christmas card,and the smell of physical books. Humanity is also assuming ( to our peril ) that electricity or energy that makes all this work will always be at our disposal forever, and most importantly, it won’t be hacked.

    1. my thoughts exactly. we have become very reliant on electric powered devices. that was the problem when the earthquake occurred in japan in 2011. a lot of people didn’t know what to do during the long days of blackout because nobody have ever thought electricity won’t be available one day.

      1. All of the pictures that I took in all my travels are in the computer, in cd’s and most importantly, I had them printed in good old fashioned prints, and kept in albums. My friend lost all her memorable photos when her computer crashed. Geez, haven’t people realized that yet ?

        1. i’m planning to do the same with my photos. print them and place them on photo albums like the good old days. the same happened to my friend who lost all her Euro-trip photos…..

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading