Usaping Bahaghari

Napakainit ng usaping LGBT ngayon at kanya-kanyang opinyon ang naglipana, dito at doon. Napakaselan ng topic na ito dahil bukod sa aspetong social ay kalakip na din ang pulitika at relihiyon dito. Oo, isa itong topic na nagdala ng alon sa ating lipunan. Kanya-kanyang opinyon, kanya-kanyang pinaglalaban.

bahaghari

ang kulay ng bahaghari…

Sa aspetong relihiyon ay may magandang opinyong inihayag si Doctor Eamer tungkol sa usaping ito na mababasa niyo rito. At si Michaela naman ay naghayag ng maikling opinyon na tumatalakay sa social at psychological aspects na mababasa naman dito. (Update: Hindi na po active ang blogsite ni Ms. Michaela)

Follower ako ni Shakira Sison, isang award winning na manunulat  at columnist sa rappler. Nagsubscribe ako sa kaniya dahil gandang-ganda ako  sa kaniyang piyesang pinamagatang Insert Her Silence Here. At dahil subscriber ako, madalas akong makatanggap ng mga emails niya at binabasa ko naman ito. Minsan tungkol sa mga heartbreaks, madalas tungkol sa isyung LGBT.

Tinanong ko ang sarili ko kung mag-a-unsubscribe ba ako dahil hindi ako masyadong interesado sa buhay ng mga LGBTs.

  • Una, dahil hindi ko naiintindihan ang kanilang mga pinagdadaanan sa buhay; at
  • Pangalawa, hindi ko gustong intindihin dahil kako, straight naman ako, at wala akong masyadong kaibigang bakla o tomboy

Pero hindi ko pinindot ang unsubscribe button at paminsan-minsan ay nagbabasa pa din. Nagbabasa ng mga pinagdaanan niya at mga payo niya sa mga nagdadaan pa lang sa kalsadang kaniyang tinahak.

Ano bang meron? Ano ba ang mga pinagdadaanan nila?

Kung yung mga pangit o lampa, at minsan yung mga may kapansanan ay binu-bully, sila (LGBT) ay nakakaranas din ng ganoon.

Kung yung mga kababaihan na ilang daang taon nang pinaglalaban ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ay napagkakaitan pa rin, mas lalo na sila na unti-unti pa lang natatanggap ng lipunan.

Kung ang straight ay naloloko sa relasyon at paulit-ulit na nasasaktan at nate-take for granted, ganun din sila.

Kung yung mga Pinoy at Asians ay nakakatanggap pa din ng pambu-bully ng mga racists sa modernong daigdig na ito, ganun din sila.

So ano ang bottom line nito?

Tao rin sila. Kagaya natin, nasasaktan, may nararamdaman, may pinaglalaban.

Tao rin sila na kailangan nating irespeto tulad din ng nais natin na irespeto tayo bilang tao.

Ilang daang taon nang ipinaglalaban ng mga kababaihan ang pagkakaron ng pantay na karapatan pero hanggang ngayon ay nakakatanggap pa din sila ng pang-aabuso at hindi pantay na pagtingin mula sa mga kalalakihan.

Kahit sabihin nating tanggap na ng modernong mundo na pwede nang mamuno ang mga kababaihan sa gobyerno at sa mga kumpanya at mga organisasyon, hindi pa rin natin maiaalis ang kakaibang pagtingin ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. Madalas, na mas mababa pa din ang pagtingin nila sa mga babae. Sobrang tagal na ng usaping ito pero hanggang ngayon ay patuloy pa ding pinaglalaban.

Sa Amerika, kung saan legal na ang pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian, ay may mga estadong pumapayag nga sa batas na ito pero marami namang consequences. Tulad ng mawawalan ng trabaho ang mga gays na nagpakasal o mawawalan sila ng mga benepisyo, etc. Nangangahulugan ito na malayu-layo pa ang dapat takbuhin ng usaping LGBT.

Sa bansang demokratiko tulad ng Pilipinas, bawat isa ay maaaring maghayag ng sariling opinyon, pero isa rin itong bansang Kristiyano kung kaya’t maraming restriksyon at 50-50 ang usaping ito.

Masasabing halos tanggap na  ito ng modernong lipunan kahit hindi ito talaga dapat kung batas pantao at batas ng Diyos ang pagbabasehan.

Katulad na lang ng usaping live-in partners, tanggap at in practice ito pero hindi tanggap ng parehas na batas.

Parang diborsyo rin na di tanggap sa Pilipinas pero ginagawa pa rin ng karamihang may kakayanang magpunta sa Amerika para isagawa ito.

Lahat tayo’y may kani-kaniyang pinaglalaban sa buhay, may kanya-kanyang opinyon, may kanya-kanyang sinasabi. Pero anuman ang pinaglalaban ng kahit sino, kailangang matuto tayong rumespeto.



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

Leave a Reply

%d bloggers like this: