Alam natin na tech savvy ang mga Pinoy at laman tayo ng mga social media. Kung kaya naman, sinisikap din ng mga pulitiko na maramdaman ang presensiya nila sa cyber world.
Ano kaya kung ang dami ng mga followers ng mga pulitiko ang nagde-decide kung sino ang susunod nating Pangulo para sa 2016?
Narito ang mga facebook account screenshots ng mga posibleng kandidato bilang pangulo sa 2016 at ang bilang ng mga likes/followers nila habang sinusulat ang post na ito.
Kung bibilangin natin ang mga likes o followers ng mga posibleng kumandidato bilang pangulo sa 2016, narito ang kanilang magiging rankings at posibleng kalabasan ng botohan kung likes lang ang pagbabasehan.
7th Place
Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.: current number of followers, 0.11M
6th Place
Sen. Grace Poe – Llamanzares: current number of followers, 0.2M
5th Place
Sen. Francis “Chiz” Escudero: current number of followers, 0.49M
4th Place
DILG Sec. Manuel “Mar” Roxas II: current number of followers, 0.7M
3rd Place
Davao City Mayor Rody Duterte: current number of followers, 0.71M
2nd Place
Vice President Jejomar Binay: current number of followers, 0.82M
1st Place
Sen. Miriam Defensor – Santiago: current number of followers, 2.3M
Kung magpaparehistro at pupunta sa mga presinto para bumoto ang mga taong nagla-like na ito at sumusubaybay sa mga pulitiko sa itaas, makikita natin ang maaaring maging trend ng halalan sa 2016. Pero, siyempre hindi naman pwedeng gawing batayan talaga ang mga likes na ito dahil hindi naman lahat ng Pilipino ay may access sa internet o merong facebook account.
At kung papayagan lang ang kasalukuyang Pangulo natin na kumandidato ulit, malamang may laban pa siya (kung likes lang ang basehan).
So, kung may access ka sa internet, nasa voting age, may access sa internet at merong napupusuang kandidato para sa 2016, show your support! I-follow ang iyong hinahangaang politician. I-share sa lahat ng iyong mga cyberfriends ang magagandang plataporma at kahanga-hangang track record ng iyong pambato sa 2016 at tulungan mo siyang mas makilala ng maraming tao. Who knows? Baka sakaling ito ang magpapanalo sa kanya sa 2016.
Wag lang sana pag-interesan ni Anne Curtis ang maging Presidente dahil ilalampaso niya ang mga kalaban.
Categories: Halu-halo
Yey Anne Curtis for president! Kabog silang lahat. Hehe.
Kidding aside, sana talaga maging maayos ang health ni Madame Miriam at sana tumakbo talaga siya if ever. Ikakampanya ko siya nang walang bayad. 🙂
parang nai-imagine ko na gagawa ka pa ng social media account na dedicated lang sa pagkampanya kay madam santiago ah 😀
very nice analysis! si anne curtis pala ang ay pinaka maraming followers na pinoy figure.
salamat po sa comment 🙂 marami nga pong followers si anne, talo pa si pacquiao…