Ito na siguro ang blog post na may pinakamahabang title sa buong kasaysayan ng pagbo-blog 😀 Pwede na ring tongue twister yan. Kapag nabanggit mo ‘yan nang 7 beses na tuluy-tuloy sa loob ng 5 seconds, pwede ka na sumali sa Guiness Book of World Records.
May malasakit ka ba sa Pilipinas? Gusto mo bang maging pinapangarap na paradise ang Pilipinas? Narito ang mga suhestiyon na magagawa natin para sa ating bansa at lupang sinilangan.
1. Bumoto kapag eleksyon, nasa Pilipinas ka man o nasa ibang bansa
2. Huwag ibenta ang iyong boto
3. Humanap ng kandidatong taglay ang magagandang katangian ng mga Pilipino
4. Sumulat sa lokal na Mayor o Kongresman upang ipahayag ang reklamo
5. Sulatan ang mga pambansang pahayagan at mga pampublikong opisyal upang ipalaam ang mga problemang nakakaapekto sa Pilipinas
6. Sumunod sa mga batas trapiko
7. Huwag magbigay ng lagay (bribe)
8. I-ulat ang mga pampublikong opisyal na humihingi ng lagay
9. Magbayad ng buwis
10. Magsalita kapag nakakita ng taong gumagawa ng mali
11. I-report ang krimen na ginawa sa iyo o kapitbahay
12. Bumili ng mga produktong gawa sa Pilipinas
13. Suportahan ang Teatrong Pilipino
14. Manood ng mga makabuluhang pelikulang Pilipino
15. Pag-aralan ang kasaysayan ng bansa
16. Pumunta sa museo
17. Palakihin ang mga mga bata na may pag-ibig sa pagbabasa at pag-aaral
18. Matuto mula sa mga mas nakatatanda sa iyo
19. Pakinggan ang mga nakababata sa iyo
20. Magbigay respeto sa lahat ng tao, iwasang makaperhuwisyo sa kapwa
21. Unawain ang mga taong hindi sumasang-ayon sa iyong paniniwala
22. Magtanim ng puno.
23. Paghiwalayin ang mga basura
24. Mag-recycle
25. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan
26. Magtipid sa tubig.
27. Magtipid sa kuryente
28. Mag-donate sa charity
29. Mag-volunteer sa isang kawang-gawa
30. Mag-trabaho sa Pilipinas
31. Mag-negosyo at lumikha ng trabaho
32. Maging edukado sa mga pinansiyal na bagay
33. Maglakbay sa Pilipinas
34. Ibahagi ang anumang mabuting balita na mayroon tungkol sa Pilipinas
35. Magtrabaho ng mahusay, tapat at may dangal
36. Isiwalat ang anumang anomalyang nalalamann kung nagtatrabaho ka sa Pamahalaan
37. Magbigay malasakit sa mga taong nagtatrabaho para sa iyo
38. Sundin ang Kasambahay law
39. Maging passionate sa iyong mga pangarap
40. Magpursige upang makamit ang iyong pangarap
41. Maniwala ka sa iyong sarili
42. Gawin ang lahat ayon sa iyong kakayahan sa pinaka-etikal at moral na mga pamamaraan
43. Maging huwaran sa iba
44. Maging isponsor ng isang kapuspalad na kabataan
45. Mag-aral mabuti
46. Huwag mangopya at huwag magpakopya kapag may test
47. Huwag maging parasite sa kaklase, magdala ng sariling gamit
48. Pumila ng maayos, huwag sumingit
49. Turuan ang mga bata na mahalin ang Pilipinas
50. Turuang magtipid ang mga kamag-anak sa Pilipinas kung isa kang OFW
51. Gawing aware ang sarili sa mga nangyayari sa bansa
52. Huwag magsunog ng basura
53. Mag-aral ng responsableng pagmamay-ari ng baril
54. Isuko ang mga baril na walang permit
55. Itapon o iuwi ang sariling basura pagkatapos ng isang kaganapan
56. Magtakip ng bibig kapag umuubo o bumabahing
57. Huwag magalit dahil nagtagumpay ang isang kakilala
58. Sikaping tapusin ang anumang sinimulan
59. Huwag ipagpaliban ang kayang tapusin agad
60. Maging eksakto o maaga sa oras sa lahat ng pagkakataon
61. Huwag masyadong sensitive
62. Ikunsidera ang anumang kritisismong tinatanggap
63. Patuloy na mag-improve sa anumang bagay na ginagawa
64. Iwasang magpakalasing
65. Huwag mag-drugs
66. Igalang ang buhay ng lahat ng tao (pati na ang sa iyo)
67. Irespeto ang mga batas ng bansa
68. Pahalagahan ang sariling dignidad at huwag hayaang mabahiran ang dangal
69. Isabuhay ang iyong pananampalataya
70. Ipagdasal ang Pilipinas

Ang listahang ito ay patuloy na dadagdagan…
Ilagay ang iyong suggestion bilang comment sa ibaba.
References:
mag kaisa ang bawat pilipino magmahalan magtulungan magbigayan
buwagin ang kolonyalismo.
tangkilikin ang sariling atin.
maging huwaran.
awitin ng buong giting ang Lupang Hinirang o huminto sa paglalakad pag narinig ito.
huwag magnakaw ng kuryente at kable.
magtaguyod ng mga gawaing pambaranggay na nagsusulong maiangat ang kaalaman ng kabataan tungkol sa literatura.
itaguyod ang pagkakaroon ng maayos na pampublikong tala aklatan.
tigilan ang quarry.
*iwasan ang pagkanta ng My Way pag nasa karaokehan
Buong damdamin kong binabasa itong komento mo at ninanamnam ng mabasa ko ang huling nabanggit nawala. Haha!
Hindi ba kasali iyon? Akala ko kasama sa clause yun ng pagiging hindi perwisyo o pabigat sa kapwa haha
ano ba meron sa kantang yun at naging threat na sa balanse ng national peace and order ng pilipinas?
yun yata ang pinagsisimulan ng away ng mga nag-iinuman sa karaokehan *__*
hindi ko rin alam ang dahilan
Hahahaha, magvivideoke pa naman kami bukas. Asahan mo Aisa, ipagbabawal kong kantahin nila yan! 😀
Maging responsableng mamamayan ka! ha ha ha
^__^
ako rin, habang binabasa ko eh parang nai-imagine ko yung bandila ng pilipinas na iwinawagayway tapos biglang natumba yung flagpole pagdating sa huli 😀