Pacquiao, Nakiusap sa Publiko: ‘Wag N’yo Na Akong Iboto, PLEASE!

General Santos City, Saranggani – Nakiusap ang People’s Champ Manny Pacquiao sa madlang tao sa pamamagitan ng isang press conference na huwag na siyang iboto ulit sa susunod na eleksiyon.

Manny Pacquiao

si Cong. Manny Pacquiao

“Kumakandidato lang po ako bilang pabor sa aking mga kaibigan, kaya tatanawin ko pong malaking utang na loob kung hindi ninyo ako iboboto sa anumang posisyon sa Pamahalaan.” saad ng dating 8 division world champion sa harap ng mga media men.

Si Manny Pacquiao (buong pangalan: Emmanuel Dapidran Pacquiao) ay kasalukuyang naglilingkod ng kanyang 2nd term bilang kongresman ng nag-iisang distrito ng Saranggani kung saan siya ay nanalo nuong 2010 at 2013 May National Elections. Subalit bukod dito, si Pacquiao ay isa ring full time boxing champion, full time basketball coach, tv host, recording artist, movie actor, commercial model, negosyante at isa sa mga paboritong target ni Kim Henares ng BIR.

Sa tala ng House of Representatives, ang Pambansang Kamao ay isa sa mga may pinakamataas na bilang ng absences sa hanay ng mga Kongressman.

Idinagdag pa ng kasalukuyang Kia Sonteros Coach na hindi makakatulong sa bansa kung isa na namang celebrity ang iuupo ng taumbayan upang mamuno sa kanila.

“Muli po akong tatakbo sa 2016 National Elections para naman sa pagka-Senador, bilang tulong sa aking mga kaibigan sa United Nationalist Alliance (UNA) Party. Subalit ipinapakiusap ko po na huwag na ninyo akong iboto. Sapat na po yung pumunta kayo sa aming mga miting-de-avance at magpakita ng suporta sa aking mga ka-Partido sa UNA.

Isa po akong celebrity na abala sa maraming bagay. Hindi ko po magagampanan ang aking mga administrative duties sa Pamahalaan dahil sa dami na ng aking mga responsibilidad. Hindi ko na rin po kelangan ng karagdagang pera o ng kapangyarihan. Masaya na po ako sa katayuan ko sa buhay.

Para sa lahat ng aking mga fans at minamahal na mga kababayan, huwag na po ninyo akong iboto ulit.”

**************************************************

Advisory: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.



Categories: Pantasya Balita

Tags: , , , , ,

5 replies

  1. Pero wala ee. huhu. binoto pa rin siya ng Pilipinas </3

  2. ang galing … ibahagi ko , pang pakalma lang 🙂

  3. hahaha-sumasatire hehe galing 🙂

Leave a Reply

%d bloggers like this: