Site icon The Pinoy Site

Mga Sintomas na Isa Kang Komunista

 

Kapag may napansin ka sa mga sumusunod na sintomas, malamang ay may tendencies ka na maging komunista.

1. May urge kang mag-rally at magsunog ng effigy ng kung sino man ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas o ng bansang Amerika tuwing napapanood mo ang sinuman sa kanila sa tv.

2. Naniniwala kang ang pagbabago ay makakamit lamang sa marahas na pamamaraan.

3. Gustung-gusto mong binabasa ang mga accomplishments nina Stalin, Lenin, Marx at Mao.

4. May poster ka ni Mao Tse Tung sa iyong kwarto.

5. Miyembro ka ng mga organisyon na sumusuporta sa mga makakaliwang grupo ( sa iyong komunidad o sa social media).

6. Nae-excite ka sa prospect na manirahan ng matagal sa kabundukan.

7. Naaawa ka kay Jose Maria Sison dahil nasa Netherlands siya at hindi masamahan ang kanyang mga taga-suporta na nasa bundok at namumuhay na salat sa lahat ng pangangailangan habang ipinaglalaban ang mga ideyalismo na siya ang nagpasimula.

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version