Site icon The Pinoy Site

Paano Mapapaunlad ang Turismo sa Pilipinas

Exotic adventures. White sands. Friendly locals. Fascinating history. Pretty ladies. Wonderful climate. Sumptuous delicacies. It’s more fun in the Philippines!

Ganyan natin hinihikayat ang mga banyaga para dayuin ang ating minamahal na bansang Pilipinas. Merong mga kumakagat, este, naeengganyo pero merong mga duda pa rin. Bakit? Dahil sa perception. Dahil sa hindi magandang reputasyon na ibinibigay ng international media sa atin.

Kung kaya naman hangga’t hindi natin naaalis ang perception na “It Actually Sucks in the Philippines”, mahihirapan tayong kumbinsihin ang mga ibang lahi na seryosohin ang Pilipinas bilang isang tourist hub na dapat nilang ilagay sa kani-kanilang mga bucketlist.

screenshot ng website na nagpo-promote ng Philippine tourism sa Japan (premium-philippines.com)

Malaking bagay ang naiaambag ng turismo sa kaunlaran ng isang bansa.

Ang ginagastos ng mga dayuhang bisita ng bansa ay nagpapalakas sa ekonomiya. Lumilikha ito ng mga bagong trabaho para sa mga mamamayan ng bansang iyon. At ang mga dayuhang bisita ang nagiging dahilan kung bakit nafi-feature sa CNN at Discovery Channel ang isang bansa para sa mas malawak na exposure.

Ito ang mga dahilan kung bakit masigasig ang mga bansa na humikayat ng mga dayuhan para bisitahin sila.

Nitong nakalipas na apat na taon ay nakapagtala ng malaking pagtaas ng bilang ang Pilipinas sa mga dayuhang bisita nito. Magandang balita ito kung tutuusin.

Ibig sabihin nagpe-payoff ang ginagastos sa kampanya ng Pamahalaan at ng Department of Tourism (DOT) sa pag-engganyo ng mga turista papunta sa ating Philippines, Oh my Philippines.

Kaya lang, kung titingnan ang statistics ng Pilipinas at ikukumpara ito sa ating mga kapitbahay sa South East Asia, makikita na napag-iiwanan pa rin pala ang Pilipinas sa lagay na yan.

Di hamak na mas marami pa rin pala ang mga dumadayo sa Malaysia, Thailand, Singapore, Indonesia at Vietnam kesa sa bansa natin. At kung hindi lang siguro naging komunistang bansa ang Cambodia at Myanmar, baka tinalo na rin nila tayo sa dami ng mga bisitang dayuhan.

Nakakapagtaka ba kung bakit naiiwanan ang Pilipinas sa ibang mga bansa pagdating sa turismo? Latak lang ba yung mga bumibisita sa atin? Naubusan na lang ba ng flight papuntang Malaysia at Thailand ang mga turista kaya pinagtiyagaan na lang nila ang Pilipinas?

Marami sa mga kilala kong foreigners ang pinupuntirya ang Thailand o Malaysia sa mga bansang nais bisitahin sa South East Asia.

Bakit??? Ano pa ba naman ang ayaw nila sa Pilipinas?! ANO?!

Anu-ano kayang steps ang maaaring gawin ng ating bansa para dumugin tayo ng di mahulugang karayom na dami ng turistang hayok matikman ang ating fruit salad at magtampisaw sa ating blue oceans with matching white sands?

Narito ang ilang mga hindi-naman-hinihingi-pero-ibibigay-ko-pa-rin na suggestions na baka pwedeng subukan ng mga kinauukulan sa Pilipinas para mapaunlad ang Turismo sa ating bansa.

1. Cover the Basics

Ang ibig sabihin ng “basics” eh yung mga common sense na pangunahing kinakailangan ng tao: hangin, tubig, pagkain, shelter at damit.

Malinis ba yung hangin natin? Malinis ba yung tubig (worse, may tubig ba in the first place)? Ligtas ba yung pagkain? Maayos ba yung mga matutuluyan? Damit, problema na nila yung damit. Pwede na ring idagdag sa basics yung kuryente at imprastruktura ng bansa. May kuryente ba? Maayos ba yung mga kalsada at establishments?

Kapag napadaan ang isang foreigner sa isang lubak-lubak na kalsada na walang matinong traffic rules kung saan naglipana ang mga rugby boys na namamalimos habang lumalanghap s’ya ng maraming itim na usok mula sa mga barumbadong government vehicles na nagka-counter flow sa traffic, asahan mong pi-picturan n’ya, ko-commentan n’ya at ise-share sa social media ang lahat ng mae-experience n’yang ito.

Murahin man natin s’ya ng murahin ng lahat ng kabisado nating explicit words at pagbantaang babalatan ng buhay at ibababad sa asin na may kamyas, hindi pa rin nito mapipigilan ang mga foreigners na isigaw sa buong mundo kung ano ang makikita nila sa bansa natin. At lalong hindi natin mababago ang opinyon nila sa Pilipinas kahit i-ban pa natin sila sa bansa natin magpakailanman.

Kaya sana naman eh mai-provide ng mga kinauukulan ang mga basic needs and services sa mga bisita natin, para hindi tayo nakakahiya.

2. Ayusin ang mga airport

First impressions last. Mae-estima mo kung anong klaseng bansa ang pinupuntahan mo sa klase ng airport na meron sila.

Kung nanggigitata, nangangamoy, tumutulo, inconvenient at hindi maayos ang serbisyo sa airport pa lang, baka pagsisihan na ng dayuhan kung bakit naisip-isipan n’yang magpunta pa sa bansang iyon.

Parang bahay din yan na sa ayos ng gate at garahe pa lang eh medyo alam mo na kung ano magiging ayos ng loob ng bahay.

By the way, ang hirap din puntahan ng mga airport natin. Walang tren, bus, dyip, kalesa na diretsong pumupunta sa arrival at departure area.

Kung wala kang sariling sasakyan o private vehicle na inarkila, ang option mo lang ay taxi. Kawawa ang mga first time foreigners na pumupunta sa atin dahil sa hirap ng transportasyon.

3. Solusyunan ang karahasan at krimen

Isyu na nga ang seguridad para sa mga Pilipino, dadagdagan pa natin ng mga dayuhan. Kung hindi natin masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong nakatira na sa Pilipinas, paano pa natin masisiguradong ligtas ang mga dayuhang bumibisita sa ating bansa?

Malaking parte ng pondo ng Department of Tourism, ng DAP, ng Pork Barrel (ay, wala na DAW pala yun) ang dapat na ibinubuhos sa pagpuksa ng kriminalidad sa ating bansa.

Ang kailangan ng bansa natin ay mas mabigat na mga parusa, mas epektibong pagpapatupad ng batas, mas maraming kulungan, mas maraming pulis, mas maraming CCTV camera, mas maraming trabaho, mas mababang inflation, mas maraming midnight madness sale, WUHOOO!!!

4. Kahandaan sa mga natural calamities

Sinong foreigner ba ang gugustuhin magpunta sa bansang laging sira ang mga beaches, ang mga resort, ang mga gulayan, ang mga palaisdaan at ang mga bubungan?

Sino din bang dayuhan ang excited mag-stay sa mga hotel na walang contingency plan sa panahon ng kalamidad?

Hindi man natin mabawalan si Inang Kalikasan na mag-tantrums kung kelan niya gusto, sana man lang eh maging mas handa na tayo hindi lang para sa personal nating kaligtasan kundi para rin sa kapakanan ng mga bisita natin.

Hindi naman bago yung mga bagyo sa atin eh, pero bakit ba lagi na lang tayong parang nasosorpresa kapag andyan na.

5. Sugpuin ang katiwalian

Ito siguro ang puno at dulo kung bakit hindi natin magawang maka-angat bilang isang tourist spot sa Timog Silangang Asya.

Maraming trabaho ang hindi nagagawa, hindi napopondohan, hindi natatapos at walang pinupuntahan dahil sa katiwalian. Theme song ng marami sa ating mga pinuno ang “It’s all about the money, money, money!” Hindi lang sa pamahalaan, kundi pati na rin sa private sector.

LET’S END CORRUPTION NOW!

Philippine Tourism Campaign sa Germany

Ang reputasyon ng ating bansa bilang magandang pasyalan ay hindi problema lang ng ating Pamahalaan siyempre. Bilang mga mamamayan, meron din tayong malaking maiaambag sa pagkakaroon ng kaaya-ayang pagbisita ng mga dayuhan sa ating bansa.

Narito ang mga magagawa natin:

1. Huwag tayong maghanap ng mahihingi

Oo nga at masasabing maraming pera ang mga dayuhan kesa sa atin pero huwag naman tayong parang lagi na lang nakaabang nang mahihingi sa mga dayuhan.

Magbigay tayo ng libre sa kanila kung nasa kapasidad naman natin.

2. Ayusin ang ating serbisyo

Maaaring nagta-trabaho tayo sa airport, sa hotel, sa restaurant, sa resort, o kung saan mang propesyon na kelangang humarap sa mga foreigner. Siguraduhin nating satisfied sila sa ating serbisyo.

Importante ang perang matatanggap for a job well done siyempre pero bukod duon, ang mahusay na serbisyo ay gumagawa ng magandang reputasyon sa ating lahat bilang mga mamamayan ng Pilipinas.

3. Ipakita ang tunay na kahulugan ng hospitality

Gaya ng nasabi na sa itaas, ang pagpapakita ng warmth, friendliness, generosity at kahandaang tumulong sa mga dayuhang nalilito o aanga-anga sa kanyang bagong paligid ay isang boost sa positive experiences na maaaring ikuwento ng foreigner pagbalik niya sa kanyang bansa.

Kung, at ito ay isang napakalaking KUNG(!):

Hindi na siguro natin kelangang gumastos ng pagkalaki-laking halaga sa pag-promote ng ating bansa. Yung mga dayuhang bumibisita na sa atin ang gagawa nito para sa atin.

References:

Related Articles:

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version