House of Congress, Manila – Isang kontrobersyal na manghuhula na tinagurian ang kanyang sarili bilang “Ang Propeta”, ang nagbunyag ng kaniyang premonisyon sa resulta ng magaganap na halalan sa Pilipinas sa taong 2016.
Ang manghuhulang ito na siya ring walang palyang nagpahayag ng mga nanalo sa halalan nuong 2013 ay ayaw pa ring magpakilala sa publiko magpa-hanggang ngayon. Sa kabila ito ng kanyang natatanging kakayahan na hulaan ang mga magaganap sa hinaharap.
“Kahit sino naman eh kayang hulaan yung mga mananalo sa halalan sa Pilipinas eh. Tingnan mo lang kung anong klaseng mga botante at pulitiko meron tayo, magagawa n’yo rin yung ginagagawa ko.” pahayag ng kontrobersyal na manghuhula sa isang panayam.
Narito ang ibinunyag na listahan ng mga mananalo sa halalan sa 2016 para sa pagka-Pangulo, Bise-Presidente at mga Senador ayon sa “Ang Propeta”.
President – Jejomar Binay
Vice President– Ramon “Bong” Revilla, Jr.
12 Senators:
Vicente “Tito” Sotto III
Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Imee Marcos
Kristina Bernadette “Kris” Cojuangco Aquino
Juan Ponce Enrile
Juan “Jack” Ponce Enrile, Jr.
Jeorge “ER” Ejercito Estregan
Manny Pacquiao
Jejomar Erwin “Junjun” Binay
Lani Mercado – Revilla
Jinggoy Estrada
Andal Ampatuan, Sr.
Hinulaan din ng “Ang Propeta” na magagawa pa ring mangampanya ng mga pulitiko kahit sangkot sila sa iba’t ibang kasong kriminal o kahit nakakulong man sila. At makakakuha pa rin daw sila ng sapat na boto upang manalo.
Ibinunyag din ng nasabing manghuhula na mula 2016 ay lalo pang dadami ang mga miyembro ng National People’s Army at ng Abu Sayyaf. Dadami rin daw umano ang mga Pilipinong mag-i-immigrate sa ibang bansa na nangangakong hindi na muling babalik sa Pilipinas magpakailanman.
***********************************************************************
Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.
Categories: Pantasya Balita
The number of days after which an enrolled bill becomes a law.
A. 45 days
B. 60 days
C. 75 days
D. 90 days
I wish that is not true! 🙁
That’s shocking prophecy! OMG
Malay nyo naman maging maganda ung mangyari
Buti na lang po kathang isip lang yan… *whew!*
Wow ! That’s a depressing prediction.
I felt the same. Haha
and we hope that it would just stay that way, just a prediction…