Site icon The Pinoy Site

Paano Kumuha ng OEC (sa Pampanga)

oec pampanga 6

Ang Overseas Employment Certificate (OEC) ay isang maliit na papel na ini-issue ng POEA para sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFW) na pupunta/babalik sa ibang bansa para magtrabaho. Para itong exit permit sa ating mga International Airports. Tsini-check ito sa airport mula sa baggage check-in, pagbabayad ng airport terminal fee at sa Immigration desks ng airport.

Sinisigurado din ng OEC system na magbabayad ang lahat ng OFW ng insurance sa Pilipinas ayon sa isinasaad ng batas.

format ng overseas employment certificate (OEC) as of 2014

Para kanino ang OEC

Ayon sa batas, ang OEC ay requirement para sa lahat ng OFW na na-hire sa pamamagitan ng Agency sa Pilipinas.

REPUBLIC ACT No. 10022 – AN ACT AMENDING REPUBLIC ACT NO. 8042 Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995

Section 23. Compulsory Insurance Coverage for Agency-Hired Workers.

“The recruitment/manning agency shall have the right to choose from any of the qualified insurance providers the company that will insure the migrant worker it will deploy. After procuring such insurance policy, the recruitment/manning agency shall provide an authenticated copy thereof to the migrant worker. It shall then submit the certificate of insurance coverage of the migrant worker to POEA as a requirement for the issuance of an Overseas Employment Certificate (OEC) to the migrant worker.”

Kung babasahin ng mabuti ang buong batas, parang compulsory lang ang mga insurance (OWWA, PhilHealth, Pag-IBIG) kapag dumaan sa isang agency ang na-hire na OFW.

Pero kung direct hire ka ng kumpanya sa ibang bansa, marami pang tsetse buretse para patunayan ito. Kaya maraming mga OFW ang kahit directly hired sa ibang bansa ay nagbabayad na rin ng government insurance para makakuha ng OEC at nang makaiwas sa gulo at katakut-takot na sakit ng ulo.

Ano ang mga kailangan para makakuha ng OEC

Mga requirements na dapat bayaran (as of May, 2014)

Note: Ang mga presyong ito ay maaaring magbago ayon sa pagtatakda ng mga kinauukulang ahensya

Saan makakakuha ng OEC

  1. Philippine Embassies sa ibang bansa
  2. POEA Regional Offices sa Pilipinas
  3. Selected SM Malls sa Pilipinas
  4. Selected Duty Free Shops sa Maynila
  5. NAIA Airport Terminals (para sa mga OFW’s na 5 days or less lang sa Pilipinas)
  6. Balik Manggagawa Online Processing System (POEA Online Link)

pwede kumuha ng oec sa airport ang mga short staying ofw’s (ofwbisdak.com)

Meron ding tinatawag na Online Reservation na serbisyo ang POEA pero hindi ko pa ito nagamit at ‘di ko alam kung walang palyang ire-reserve nito ang gusto mong oras at lugar kung saan ka kukuha ng OEC. Please use with caution. Ihanda ang sarili sa mga aberyang pwedeng mangyari kung gusto mong subukan ang serbisyong ito.

Kailan pwedeng kumuha ng OEC

Expiry date ng OEC

Ang OEC ay valid up to 2 months mula sa araw na makuha ito. Halimbawa, kung nakuha mo ito nang May 30, 2014, pwede mo itong magamit anytime hanggang ma-expire ang iyong OEC sa July 30, 2014. (Isang beses lang ito pwedeng gamitin.)

Gaano katagal ang pagkuha ng OEC

Ang dami ng oras (kunsumisyon at sakit ng ulo) na gugulin mo sa pagkuha ng OEC ay depende sa mga sumusunod:

Saan ka kukuha ng OEC – sa airport ang pinaka-mabilis makakuha ng OEC pero yung mga 5 days or less lang ang stay sa Pilipinas na mga OFW ang ini-entertain nila.

Anong okasyon ka kukuha ng OEC – karaniwang maraming tao ang kumukuha ng OEC kapag malapit o katatapos lang ng holiday.

Anong oras ka kukuha ng OEC – umaga na ang pinaka-ideal na oras na kumuha ng OEC, minsan nga yung 11am eh late na.

Sitwasyon ng iyong mga dokumento – kung nagpalit ang status of employment at iba pa sa sitwasyon ng mga dokumento, kumunsulta muna sa mga related government agencies bago magtangkang kumuha ng OEC.

Sa klase ng sistema at serbisyo ng mga ahensya ng ating Pamahalaan, mabuti na ang maghanda ng isang buong araw para kumuha ng OEC. Magbaon na rin ng sangkatutak na pasensya, pang-intindi at pang-unawa. Kung walang problema ang mga dokumento, konti lang ang tao at hindi naman brownout, kahit 2 hours lang, makukuha na ang OEC.

Paano Kumuha ng OEC sa Pampanga

Specifically, sa Pampanga lang ang matatalakay nating guide dito kasi sa Pampanga ako madalas kumuha ng OEC. Pero maaari din itong maging reference sa mga kukuha ng OEC sa iba pang mga regional offices ng POEA. So, kung kukuha ka ng OEC sa Pampanga, nandito ang masalimuot na proseso sa aming lalawigan.

Sa 3rd Floor ng SM Pampanga kumukuha ng OEC. Sa kasamaang palad, hindi pa ito kasama sa mga POEA offices na pwedeng i-reserve ang appointment online nung last akong kumuha. Kaya kinailangan kong magpunta sa mall na ito ng napaka-aga at nakipag-unahan sa ibang mga aplikante.

Para makapunta sa SM Pampanga, gamitin ang NLEX at lumabas sa San Fernando exit para agad makapunta sa mall na ito. Pwede ring sumakay ng dyip mula sa Dau, Mabalacat bus terminal o sa San Fernando intersection para makapunta sa SM Pampanga.

Office Schedule

Monday to Friday 8:30am to 5:00pm
(Closed on Saturdays, Sundays and Holidays)

(+63) 45-455-0832
poea.region3@yahoo.com

1. Pumunta ng maaga sa SM Pampanga at kumuha ng Information Sheet

As early as 6:30am ay nagbibigay na ng OFW Info Sheet na merong number. Yung number ang basehan ng pagkakasunud-sunod ng mga aplikante. Sa main entrance ng SM Pampanga ito makukuha.

8:00am nagpapasok ang mga guwardiya ng mga empleyado ng SM at ng mga aplikante para sa OEC. Kahit sa oras na ito, ay marami na ang mga taong nasa labas na kumukuha ng OFW Info Sheet. Maganda kung less than 100 ang makukuha mong number para siguradong maaga kang matapos.

2. Hintayin ang guard na nagbibigay ng number ID

Kung wala pang 8am, maghintay muna sa labas o i-fill out na yung info sheet para hindi sayang ang oras. Magtatawag at mamimigay ng number ID ang isang mamang guard para makapasok sa loob ng mall ang mga aplikante pagsapit ng 8:00am.

3. Tumungo sa 3rd floor, pumila at sumunod sa instructions

Pagkatapos makakuha ng OEC, malaya ka ng makakapag-enjoy ng iyong bakasyon ng walang agam-agam.

So, good luck na lang po sa pagkuha ng OEC at mabilis mo sanang makuha ito para hindi makabawas ng malaki sa oras ng iyong bakasyon sa ating mahal na lupang sinilangan.

Kung may nakita kang hindi malinaw o mali sa mga nakasulat dito, paki-comment na lang sa ibaba at ng maayos natin. Kung may karagdagang impormasyon ka rin, pakisaad na lang sa comment section sa mahinahon at magalang na paraan.

2014 September UPDATE:

Mag-ingat po at pagmasdan mabuti kung paano i-handle ng mga staff ang mga dokumento ninyo at baka mangyari sa inyo ito.

napunit ng isang OWWA staff ang aking passport…

Kamakailan lamang ay kumuha ako ng OEC sa SM Pampanga at nangyari ang larawan sa itaas.

Naghiwalay ang cover at mga pages ng aking passport nang ito ay i-handle ng isa sa mga OWWA staff sa SM Pampanga. Nakatahi ang mga pages sa cover pero dahil sa hindi maingat na pag-handle ng staff ay nahila n’ya ang cover mula sa mga pages.

Bad trip.

2015 October UPDATE:

Para sa mga kukuha ng OEC sa Maynila.

OEC Online Processing Tutorial Video

Useful References:

Exit mobile version