Home » Bakit Ayaw Na ng mga Hapon sa Giyera

Bakit Ayaw Na ng mga Hapon sa Giyera

Isang karangalan po para sa site na ito ang mapaunlakan ng isa sa mga iginagalang at hinahangaan kong guest blogger. Isa siya sa mga masisipag at maalam na Pinoy bloggers. Kung nagpapa-seminar lang siya tungkol sa history, research o kaya writing, malamang nag-attend na ako hehe.

Siya ang may-akda sa likod ng mga blog sites na Doon Po sa Amin, Sa Saliw ng Awit at 35 And Up Cynicism on Hold.

Gaya ng marami sa mga artikulo sa kanyang mga blogs, ang post na ito ay may kahabaan gawa ng mayamang kaalaman na nakapaloob sa kanyang mga sulatin.

Ang guest post na ito ay tumatalakay sa pagtalikod ng bansang Hapon sa karahasan at pakikidigma.

-RP

******************oOo******************

Ang Patakarang Walang Deklarasyon ng Giyera ng mga Hapones
by: Ate San

Napag-uusapan din lamang ang baril at armas sa mga balitang panloob at panlabas ng bansa nitong mga huling panahon, hayaan ninyong ibahagi ko ang ilang natatandaan sa patakaran sa armas ng bansang Japan, isa sa itinuturing na pinakamayaman at pinakamalakas na bansa sa buong mundo.

walang deklarasyon ng giyera

Ang patakaran ng bansang Hapon ay hindi ito magdi-deklara ng digmaan o gera sa alinmang bansa. Binuo ito at pinagtibay matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II. Ipinatutupad at isinasabuhay ito ng mga Hapones, against the grain ng kalakaran sa pandaigdigang antas. Sa biglang tingin, tila kakaiba ito at nakakapagtaka. Ang pagde-deklara ng gera ay itinuturing na isa sa mga batayang karapatan ng isang bansa o grupong pormal na itinuturing na sovereign people. Waived ito ng bansang Japan.

Ang Japan ay mayroon ding armadong unit o pwersang sandatahan – para itaguyod ang mga batas pambansa, para sugpuin kung kinakailangan ang harmful elements sa lipunan at para magmintina ng panloob na kapayapaan sa teritoryo. Ngunit ang standing policy pa rin ng mga Hapones sa gawing ito – restraint – hanggang sa maaari, iwasang gamitin ang armas at baril. Kadalasan, ang functions at ginagawa ng kanilang sundalo at kapulisan, ayudahan ang mga tao sa panahon ng sakuna at emergencies.

Kulang-kulang 700 taon ang karanasan ng bansang Japan pagdating sa labanan, pakikidigma at paggamit ng dahas para manupil at manakop ng mga tao at lugar. Sa bandang Far East o Malayong Silangan ng kontinente ng Asya, dalawa sila ng bansang China na napakatagal umiral sa panahong medieval or feudal, mga panahon ng dynasties o mga kahariang ang lakas at kapangyarihan ay nakatuntong sa paggamit ng dahas at panggagahis sa mga tao. Malalim ang warrior culture sa dalawang grupong ito ng tao. Karaniwan sa mga Tsino at Hapon, may dangal at pagmamalaki ang isang taong may ninunong naging warrior o mandirigma noong araw – 50, 70, isang siglo o mas malayo pa – ang nakaraan.

Maraming pelikulang Hapones at maging pelikulang Hollywood tayong papanood na magpapatunay nito – movies about samurai, shogun era at ronin (samurai o mandirigmang eksperto sa labanan subalit walang panginoong pinagsisilbihan), mga pelikulang umaliw sa atin noong mga bata pa at maging nang magsipagtandaan na. Sa ngayon, mas madalas natin silang mamalas sa anime films, videos and comic strips. Doon sa lipas nang panahon, itinuturing na premium ang chivalry bilang pagpapahalaga o value at ang sinumpaang tungkulin ng isang samurai – ang katapatang maglingkod at lumaban para sa nobility o mataas na uring kanyang pinaglilingkuran.

samurais of japan
RP’s note: Hanggang ngayon, sikat pa rin ang mga Samurai

Sinasabing paglakas ng isang bansa, paglaki rin ng sandatahang lakas nito. Bakit? Sapagkat sa makabagong lipunan, ang pag-iral at pananatili ng pamamalakad o kaayusan ay nakabatay sa lakas o pwersa ng dahas ng estadong titiyak na sinusunod ng mga mamamayan o nasasakupan ang batas. Habang lumalaki ang kakayahan ng estado o pamahalaang manaig sa mamamayan, gayundin ang kakayahan nitong manakop at magpasunod ng iba pang grupo ng tao o mga mamamayan sa mga kalapit o banyagang bansa.

Sa kasaysayan ng mundo, sa iba’t ibang yugto, naging world power o itinuring na pinakamakapangyarihan sa mundo ang mga Tsino, gayundin ang mga Romano, ang mga Portuges, ang mga Espanyol, ang mga Ingles at ang mga Amerikano. Sa dahas at pananakop nakabatay ang kanilang paghahari. Ang kapangyarihan at pananaig ay nakamit nila sa dulo ng espada, bayoneta at baril. Nitong 20th century, halos limang dekadang nagtagisan at nagpataasan ng ihi ang dalawang bansang nangunguna sa paggawa ng nukleyar na armas – ang US at ang USSR – sa isang panahong kung tawagin ay Cold War(1947-1991). Iilan ang hayagang digmang naganap sa pagitan ng mga bansa sa nasabing panahon, subalit matindi ang kumpetensya sa paglikha ng mga armas at gamit na maaring magpasabog at puminsala sa milyong tao sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ang lundo o peak ng expansion efforts or imperialism ng bansang Hapon ay noong panahon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, matapos itong manalo sa ikalawang pagkakataon sa Sino-Japanese War noong 1937. Ang panawagan ng imperial Japan noon – Asia for Asians – nangangahulugang tanging mga Asyanong bansa ang dapat mag-colonize sa kapwa Asyano. Panahon ito ng pangangalas ng mga lumang Empires o grupo ng colonies (maging ng mga satellites at annexed territories) ng mga itinuturing na tradisyunal na imperyalista o mananakop na bansa – Espanya, Inglatera at Pransya.

japan one asia
RP’s note: Tinangkang sakupin ng Japan ang buong Asya nung WW2

Tanging ang Amerika, bilang pinakahuling mananakop na bansa (dulo ng 19th century) o Johnny-come-lately imperialist power, ang alanganin noon. Habang ang veteran imperialist countries ay kiling na sa pagbitiw sa colonies, nagwa-warm up pa lang noon ang gobyernong Amerika sa ganitong papel. Sa Europa, panahon ng pamamayagpag ng pasismo o fascism, sinasabing pinakamalupit at pinakapangit na anyong maaring tunguhin ng nasyunalismo – bilang isang ideolohiya o programmatic set of beliefs. Ang mga kilalang lider ng kilusang pasismo noon ay sina Benito Mussolini ng Italya at Hitler ng Alemanya (isang Austrian). Pan Romanism ang nais ng kilusan ni Mussolini o pagbabalik ng glory days ng mga Romano, habang pamamayani naman ng Aryan race – ang tinutumbok ng nasyunalismo ni Hitler.

Sa ganitong context nalagay ang expansion campaign ng Japan bago mag-umpisa ang World War II. Nais sana ng mga namumunong Hapones na i-secure ang Asya mula sa kamay ng sa tingin nila ay militarily nalalaos nang Western powers na mas kilala sa tawag na Allied Forces. Nag-umpisa ang WWII nang lusubin ni Hitler ang Poland, para tuyain ang Britanya (at kapanalig nitong Pransya) noong 1939. Bago pa iyon, naputol na ng gobyerno ni Hitler ang alyansa nito sa pamahalaan ng China at may alyansa na ito sa pamunuan ng mga Hapones. Ang panawagan nitong rising fascist powers – Italy, Germany at Japan – kuhanin mula sa kamay ng Allied Forces ang paghahari sa mundo. Ang common grounds nila – pamahalaang ang lakas ay batay sa militarism, habang ginagatungan ng nag-aalab na nasyunalismong layon din ay manakop ng ibang nasyon.

Madugo ang inabot ng World War II sa iba’t ibang panig ng daigdig. Milyun-milyon ang namatay, lalo pa nga at may ethnic cleansing component ang military campaigns ng mga agresibong mananakop. Tinatayang 50 milyon ang namatay noon, sa utos at kagagawan ni Hitler. Iba pa ang casualties na dulot ng Italian campaign sa iba’t ibang panig at ang tugon ng mga kalabang pwersa. Iba pa rin ang mga namatay at nasugatan ng mga pwersang Hapones, sa mga bansa sa Pasipiko – kasama na ang Pilipinas. Sa kabilang banda, nakaranas din noon ng kalupitan, prosecution at pagtatago ang mga Hapones na nasa ibang bansa, lalo na sa bandang Hilagang Amerika.

enola gay
RP’s note: Enola Gay ang pangalan ng eroplanong naglaglag ng unang atomic bomb sa Japan

Ang last straw ay noong binomba ng mga pwersang Amerikano ang mga lunsod ng Hiroshima at Nagasaki, ika-6 at ika-9 ng Agosto, 1945 . Napilitan ang Japang itigil ang gera, isuko ang laban at mag-iba ng patakaran – pagdating sa paggamit ng dahas at armas. Atomic bomb ang ginamit para pasukuin ang military might ng Japan, unang pagkakataong gumamit sa gera ng nuclear arms. Ang pagsukong iyon din ng pamahalaang Hapones ang opisyal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mahigit 210,000 ang kaagad namatay sa radiation sa Hiroshima at Nagasaki Prefectures, kabilang na ang 20,000 Koreans na subcontracted workers sa mga nasabing lungsod. Humigit-kumulang, 200 taon o walong henerasyon ang maaapektuhan at naaapektuhan ng radiation galing sa atomic bomb. Ito ang tila hindi kinaya ng national conscience ng bansang Hapon – may limit din pala ang military adventures ng lahing malaong nabuhay at kinilala sa pakikidigma.

Mahigit anim na dekada na ang active peace education campaign ng mga mamamayang Hapones, lalo na laban sa paggamit ng bomba sa digmaan. Noong 1955 naganap ang unang breakthrough, nang ilunsad ang World Conference Against Atomic and Hydrogen Bomb sa Japan. Mga pribadong mamamayan ang nagtulak nito, pangunahin ang mga nanay na Hapones, nangalap ng mahigit isang milyong pirma to raise concern and awareness laban sa kalupitan ng digma. Ang sumunod na tagumpay ay ang documentation ng sinapit ng 20,000 A-Bomb survivors, nailathala at nailabas sa publiko noong 1981. Sa nasabing dokumento, nakalagay ang pagkasira ng kalusugan at buhay ng maraming Hapones bunga ng radiation at iba pang kaakibat na mga sakit – keloids, leukemia, breast and lung cancer. Ikinwento rin ang kinahinatnan ng mga batang nawalan ng magulang at ng orphaned elderlies.

japan council against atom bombs

Sinasabing ang nabubuhay raw sa dahas, sa dahas din namamatay. Masakit ang mga pangyayaring nagturo ng aral na ito sa mga Hapones – ilang susunod na salinlahi ang magdadala ng bigat at kaparusahang dulot ng pagnanais na makapanaig sa Asya, kundiman sa buong daigdig. Japan seems to have learned its lesson the hard and painful way and, at a great cost to its people.

11 thoughts on “Bakit Ayaw Na ng mga Hapon sa Giyera

  1. “I got dirty, I got filthy, but see, I learned.”
    At least yung Japan natuto di gaya ng iba dyan…hmmp… itago natin sa pangalang June.

    Thanks Ate San for giving a sense of assurance by informing us about the matter and sharing the historical background. Way to go! Aba crossing borders na ha. Diplomatic move, para iwas gyera? Pwede rin alliance. 🙂

    Astig RP! Amazing graphics! Sana makagawa ka ng graphic novel someday. 🙂

    1. ahaha, China ba? about its attempt to regain its glorious past and pangunguna nito sa other civilizations around the world… anyway, wala pa naman yatang military component. the Chinese are doing its expansion via trade and finance, hoho. at least, for now… 🙂

      welcome, June. a, dati pa ito, Jan 2013 pa naisulat. ni-request ni RP, dec 2012 pa ata… thanks for the appreciation. 🙂 nabasa ko na new post mo, hihi…

      1. Kawawa din ang China noon. I’ve read and watched about “the rape of Nanking”. Dapat natuto na sila na walang magandang naidudulot ang gyera.

        I see. Ang haba rin pala ng conception nitong post na. Worth the wait naman. Btw, Ikaw ba yung babaeng naka-kimono sa taas? Buti pala single ka Ate San kung hindi naging Mama San ka hihi.. Peace yo!

        1. hello, June… ay, oo, kakaiyak ang history ng China. sila ‘yong limang bansa ang nag-colonize at one time, madugo ang unification process nila by 20th century… may movies and novels about this. ahaha, di natin alam kung natuto na sila… 🙂

          a, about a month lang on my part. si RP, medyo a year bago nakaupo para i-drowing ang post – maraming taping at photoshoots ang lolo mo, wari ko… 😉 actually, feeling ko, mahirap yong drowings na ginagawa nya, mabusising gawin technically…

          1. Di rin natin alam kung dahil sa experience ba nilang yun kung bakit big deal sa kanila ang magkaroon ng immense power para di na ulit maapi. 🙂

            ahaha busy talaga si RP kasi family man. pero at least may time siya mag blog at nahanapan niya ng panahon yung mabusising graphics.

    2. lol, ako na ang pinaka-late mag-reply sa comment. paumanhin po at salamat sa compliments, june. gawa tayo ng graphic novel pag nagka-time baka ma-discover at gawing pelikula hehe 😀

      1. Ayos lang late RP, kasama na yata sa mga awkward moments ng blogger ang late reply lalo na pag napunta sa spam yung comment. 🙂
        Maganda sa graphic novel yung noir genre. Parang dark and gritty pero classy… which I doubt I could come up with something like it. Daydream daydream na lang pag may time. 🙂 I trust though na you yourself have a story to tell. 😉

  2. Kaya nga sinasabi ng iba na Baka Matuto din ang pilipinas kapag ay sobrang sakit na pangyayari. Huwag Sana umabot sa ganon

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading