Site icon The Pinoy Site

Detalyadong International Flight Procedures Para sa NAIA Terminal 1 at 3

kelangang pumila para mag-check-in (naia 1)

Narito ang mga procedures na dapat gawin ng mga lilipad sa ibang bansa via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 at 3. Para hindi ka maligaw at magmukhang walang kamuwang-muwang sa NAIA, inipon ko ang mga impormasyon dito kasama na ang ilang tips para maging gabay sa paggamit ng nasabing airport terminals.

Maaaring first time mo magbyahe sa labas ng bansa, o kaya naman ay balikbayan ka na matagal nang hindi tumutuntong sa NAIA o baka naman matagal ka nang hindi lumalabas ng bansa at nalimutan mo na kung paano dumaan sa proseso ng paglipad via NAIA 1 at 3. Makatulong sana sa iyo ang post na ito.

Para sa iyong future reference kung paano sumakay ng eroplano sa NAIA, i-bookmark, i-save o i-print ang post na ito para madaling mahagilap kapag iyong kinailangan.

At para sa mga sanay na magbyahe, paki-comment na lang po kung merong dapat i-correct sa mga impormasyong nakasulat dito.

Here we go.

departure area ng naia terminal 1

MGA DAPAT GAWIN BAGO PUMUNTA SA AIRPORT

  1. Siguraduhing valid ang passport, visa, OEC (kung OFW), boarding pass (plane ticket), e-ticket, listahan ng contact information sa Pilipinas at sa bansang pupuntahan at kung anu-ano pang dokumento na dapat dalhin
  2. Siguraduhing at least 6 months or more na valid ang iyong passport base sa expiration date nito (ipa-renew ito sa lalong madaling panahon kung less than 6 months na itong valid)
  3. Ilagay ang mga dokumento sa bag o hand-carry kung saan madali itong makuha at maitago sa pinaka-convenient at mabilis na paraan
  4. Maghanda ng ballpen na gumagana at ilagay din sa lugar na madaling kunin
  5. Siguraduhing nasa allowable limits ang timbang ng mga bagahe ayon sa rules ng sasakyang airline
  6. Siguraduhing hindi ka nagdadala ng mga bawal na bagay (liquids, sharp objects, maaaring sumabog na bagay, etc.)
  7. Siguraduhin ang petsa at oras ng flight at pumunta at least 3 hours before yung flight
  8. Magdala ng pera (mula PhP5000 pataas) para sa airport fees at emergency purposes
  9. Siguraduhin kung saang airport terminal ka dapat pumunta para sa iyong departure flight
  10. Magdasal para sa ligtas at walang aberyang byahe

naia 3 check-in counters

MGA DAPAT GAWIN PAGDATING SA NAIA

  1. Dalhin ang mga bagahe at pumunta sa entrance (pumila)
  2. Ilabas ang passport at boarding pass (plane ticket) o e-ticket
  3. Ipakita ang passport at boarding pass o e-ticket sa guwardiya pagsapit sa entrance
  4. Ipasok sa scanning (x-ray) machine ang mga bagahe
  5. Tumuloy sa loob ng terminal via metal detecting door (katabi lang ng entrance x-ray machine)
  6. Kunin ang mga bagahe paglabas nito sa x-ray machine
  7. Hanapin ang counter para sa sasakyang airline at pumila
  8. Sagutin ang mga tanong ng airline staff tungkol sa iyong mga bagahe
  9. Pagsapit sa airline counter, ibigay ang lahat ng dokumentong hihingin nung staff
  10. Iwan sa staff yun lang luggage para sa check-in at dalhin ang hand-carry luggage
  11. Pagkatapos makumpleto ang proseso ng check-in, kuning lahat sa staff ang iyong mga dokumento
  12. Tumungo sa immigration pero pumila muna at magbayad ng airport terminal fee (550 pesos or 750 pesos)
  13. Tumuloy sa immigration counter pero wag muna pumila
  14. Hanapin ang embarkation card at i-fill-out ito (gamitin ang dalang ballpen dahil laging walang ballpen sa lugar na ito)
  15. Pagkatapos ma-fill-out ang form, pumila papunta sa alinmang immigration staff
  16. Pagsapit sa immigration staff, ibigay ang passport, boarding pass at embarkation card
  17. Pagkatapos sa immigration staff, pumila ulit papunta sa mga x-ray scanning machines
  18. Pagkatapos sa scanning, hanapin ang gate sa sasakyang eroplano (nakasulat ito sa boarding pass)
  19. Pagsapit sa waiting area ng sasakyang eroplano, kelangan mong ipa-manual inspection ang laman ng iyong mga hand carry luggage at magpa-metal detect (sa NAIA 1 lang ito ginagawa, wala nang ganito sa NAIA 3)
  20. Pagkatapos ng manual inspection, maupo at maghintay
  21. Pag natawag na ang mga seat number na pwedeng sumakay, ihanda ang boarding pass
  22. Ibigay ang boarding pass sa airline staff bago tumuloy sa eroplano

CAUTION:

Huwag tumanggap ng anumang bagay na ipinakiusap sa iyo para dalhin at ibigay sa isang taong nakatira sa pupuntahan mong bansa. Ganito ang modus ng mga drug trafficker. HUWAG MAGING DRUG MULE! Please lang.

Mga Dapat Babayaran sa Airport

Travel Tax (P500 to P2900)

Terminal Fee (P550)

Overweight Baggage (depende ang presyo sa airline)

sample ng mga bawal isakay sa eroplano (ana.co.jp)

Mga Bawal Dalhin sa Airport

Mga bawal sa hand-carry

Mga bawal sa checked-in luggage

Para sa mas maraming detalye, basahin ito: Mga Bawal Dalhin sa Eroplano

MGA DAPAT GAWIN SA LOOB NG EROPLANO

  1. Hanapin ang upuan at ilagay ang mga hand-carry luggage sa pinakamalapit na overhead compartment
  2. Makinig at sumunod sa instructions at iba pang impormasyon mula sa mga cabin attendants
  3. Huwag mahiyang magtanong sa mga cabin attendants kung merong nais malaman

hitsura ng loob ng eroplano (economy lang ang kaya kong sakyan)

Notes:

Picture Gallery

Ipatong ang cursor ng mouse sa picture para mabasa ang description nito.

Have a hassle-free, safe and pleasurable trip 🙂

Related Information:

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version