Event : International Automotive Exhibit
Date : Nov. 23, 2013 to Dec. 1, 2013
Place : Tokyo Big Sight, Japan
Theme : Compete! And Shape a New Future
Exhibitors : International Automakers and Automotive Parts Suppliers
Narito ang mga larawang nakalap mula sa nasabing event.
Cars (114 Pics)
Para sa mga car enthusiasts, narito ang kagila-gilalas na larawan ng mga bagong modelo ng ilang kotse na malapit nang ibenta sa merkado.
Don’t worry, karamihan sa mga ito ay hindi ibebenta sa Pilipinas. No need to eat instant noodles once a day for the next 5 years para lang makaipon.
Bukod sa modernong disenyo ng panlabas nitong kaanyuan ay pinag-ibayo din ang kagandahang panloob nito. Pinagbuti ang kanilang performance para hindi maging malakas sa paglaklak ng gasolina at hindi makapinsala kay Mama Earth (na medyo sumpungin this past decade).
Luxury cars, sports cars, pampamilya cars, at iba pang bagong modelo cars na de-gasolina ang tinipon upang masilayan sa slide na ito.
Total of 114 pics, maghanda ng large french fries at ketchup.
Bus and Trucks (13 Pics)
Ang bus at mga truck ay ilan din sa mga sasakyang panlupa na nagbibigay ng malaking tulong sa pag-unlad ng kabihasnan ng madlang tao sa face ni Mama Earth kung kaya’t patuloy itong dine-develop upang lalong maging malakas, macho, maraming silbi at matipid sa pagtoma ng fuel.
Motorcycles (33 Pics)
Sa mga mahilig sa motorsiklo, gaya ni Masked Rider Black narito ang larawan ng mga bagong disenyo ng motorsiklo na siguradong babagay lalo na sa mga gwapo at mayamang motorista gaya ng artistang si Bruce Wayne ng pelikulang Batman.
Marami rin sa mga ito ang hindi ibebenta sa Pilipinas. Total of 33 pics, maghanda ng 1 piece chicken joy.
Concept Vehicles (85 Pics)
Ito ang isa sa mga kapana-panabik abangan sa mga Auto Shows.
Ang mga sasakyang ginawa at sinadya for exhibit purposes ay merong exotic designs, advanced technology at futuristic pero hindi imposibleng idea para magbigay ng ibayong gaan sa buhay ng mga tao.
Ang mga sasakyang ito ay hindi ibinibenta pero nagbibigay inspirasyon sa mga engineer at designer ng sasakyan para humanap ng mga bagong teknolohiya para maidagdag sa mga sasakyang gamit natin sa kasalukuyan.
Marami sa mga concept vehicles na ito ay battery powered at pang-isahan lang pero meron din namang mga dini-develop na hydrogen powered na sasakyang pang-pamilya.
Narito ang larawan ng mga futuristic na sasakyang sa mga ganitong event lang makikita. Total of 85 pics, maghanda ng isang personal size pizza.
Eco Cars (15 Pics)
5 to 10 years from now, marami na sa mga mayayamang bansa ang gumagamit ng hybrid, electric at hydrogen powered vehicles at hindi na masyadong dume-depende sa gasolina para paandarin ang kanilang mga sasakyan.
Samantala sa mga panahong iyon, ang Pilipinas ay malamang na patuloy pa ring umaasa sa krudo at patuloy pa ring nagrereklamo sa:
– pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit gawa ng polusyon
– pagtaas ng presyo ng gasolina
– pagtaas ng presyo ng LPG
– pagtaas ng pamasahe
– pagtaas ng presyo ng bigas
– pagtaas ng bayad sa kuryente
– pagtaas ng tuition fee
– pagtaas ng buwis
– pagtaas ng high blood pressure
Narito ang larawan ng mga bagong modelo ng mga eco-friendly cars na kasalukuyan nang nasa merkado ng mga mayayamang bansa. Karamihan sa mga ito ay hybrid at battery powered (wala pang hydrogen powered).
Total of 15 pics, maghanda ng isang basong buko juice.
The Crowd (19 Pics)
Ang mga larawan sa post na ito ay kinuha nuong Nobyembre 30 at tinatayang 131,600 ang bilang ng mga taong dumating nung araw na ‘yon.
19 pictures, maghanda ng isang basong tubig.
Paparazzi (9 Pics)
Armado ng kani-kaniyang camera, hindi papayag ang mga tao na walang maiuwing mga larawan sa event. Pero walang tatalo sa mga professional photographers pagdating sa kaledad ng gadgets at alerto sa pagkuha ng mga larawan.
9 pictures, maghanda ng toothpick.
Girls, Girls, Girls (71 Pics)
Magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ng makabagong siyensya kung bakit kelangang may mga babae ring naka-display kasama ang mga sasakyan.
Narito ang larawan ng mga kababaihang hindi nawawala sa tradisyon ng Auto Shows. Total of 71 pictures, maghanda ng leche flan.
Ang Tokyo Motor Show ay ginaganap isang beses kada dalawang taon. Ang kauna-unahang event nito ay ginanap nuong April, 1954.
In memory of Paul Walker, bida ng Fast and Furious series na pumanaw sa isang aksidente nuong November 30, 2013. Siya ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng kanyang charity institution.Categories: Halu-halo
nagscroll down ako sa pinakababa… gusto ko ng leche flan eh.. ehehehehehe
wahaha, alam mong nasa huli ha 😀
Save the best for last… Eheheehe
kelangan talaga sexy ang models anu? haha.
oo nga eh, kaya tuloy lalong tumataas ang presyo ng sasakyan dahil sa bayad sa mga ‘yan eh 🙂
hahaha, malaking factor pala iyon, haha. promotion & advertising.