Si Binay ang Magiging Pangulo sa 2016

binay dynasty

The Binay Dynasty: (mula sa kaliwa) Makati Mayor Jejomar Binay, Makati 2nd District Rep. Abigail Binay, Sen. Nancy Binay at si VP Jejomar Binay

Magalit man tayo sa kanya, batikusin man natin s’ya, igawa man natin s’ya ng igawa ng kung anu-anong meme, mahirap pa ring itanggi ang mga indikasyon na ang ating kasalukuyang Vice President na si Jejomar Binay (VP for short) ay posibleng maging Pangulo natin sa 2016.

Marami sa ating mga netizens ang hindi natutuwa sa mga antics ng ating VP, partikular na yung mga epal moves na napapansin natin mula sa kanya lately.

Unfortunately, hindi yata naglalagi sa social media ang mga Binay kaya hindi nila alam na marami na ang pumupuna sa kanila (pati na sa iba pang mga pulitiko). Iniisip ng VP na paninirang puri lamang ang mga umiikot na kritisismo sa internet at isa lang daw itong grand conspiracy para bahiran ang pangalan nila. (Source)

ovp bags for relief goods

isa sa mga viral pics na iniuugnay kay VP…

Hindi naman mahirap maintindihan kung bakit marami ang naiirita sa VP.

– masyado itong excited maging Pangulo
– tinututulan ng pamilya nila ang pagbuwag sa Political Dynasties
– itinatapal ang pangalan n’ya sa mga relief goods na binili gamit ang pera ng bayan
– isinisingit ang kanyang sarili sa mga major national events

At hindi s’ya nahihiyang ipamalas ang mga bagay na ito sa atin.

Well, uulit-ulitin ko lang ha, ayaw kong mabansagang hipokrito. Aaminin ko, na ako talaga ay nag-aaspire na maging kandidato bilang pangulo sa 2016. (Source)

Ito ang mga katagang ibinigay ng VP nang kapanayamin ito ng mga reporter sa isang Cybersecurity Forum ng National Defense College of the Philippines.

As early as 2011 pa ay nag-express na ng interes na kumandidato sa pagka-Pangulo ang VP. At sino mang atat na makaupo sa isang puwesto lalo na sa national level ay pinagsu-suspetsahan nating mga Pilipino ng hindi maganda.

Sa kasamaang palad, sa ayaw o sa gusto ng madlang pipol, maraming indikasyon ang nagpapakita na posibleng si Jejomar Binay ang kasunod na magiging Pangulo ng bansa pagsapit ng 2016.

7 Dahilan Bakit Pwedeng Manalong Pangulo si Binay sa 2016

1. Sikat s’ya sa social media

Kung kontrobersya din lang ang labanan, hindi magpapahuli si VP. Issues ng pagiging epal? Tsismis ng pambababae? Akusasyon ng katiwalian? Meron lahat niyan ang ating VP.

Sa kasamaang palad, kahit na negative ang mga isyung ito ay lalo lang itong naging dahilan para sumikat si VP hanggang sa maging household name siya. Ilang mga meme na ba ang ginawa para sa kanya? Gaano na karami ang mga social media sites na binatikos ang ating VP?

Bad publicity is still publicity at nare-retain ang kanyang pangalan sa isip ng maraming tao.

2. Meron s’yang Political Dynasty

Marami ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng Political Dynasty ang mga pulitiko.

Baka gusto ng buong angkan nila na makatulong sa pagpapa-unlad ng bansa, o baka gusto ng lahi nila na ialay ang buong buhay nila sa paglilingkod sa mga Pilipino, at pwede rin namang likas lang talaga silang mga pinuno dahil iyon ang ini-atang na responsibilidad ng destiny para sa kanilang salinlahi.

Kung ano man ang kanilang dakilang dahilan sa pagbuo ng dynasty, siguradong kaakibat nito ay pera, kapangyarihan at impluwensiya. At ang pulitikong meron nito ang karaniwang nananalo sa ating bansa.

3. May mga kaalyado s’yang mga maimpluwensiya

Bukod sa sariling angkan, close din ang mga Binay sa mga Cojuangco, Aquino at mga Estrada.

Malaki na ang naitulong ng mga ito nung kumandidato siya sa pagka-VP at malaki din ang maitutulong ng mga ito sa kandidatura niya sa pagka-Pangulo sa 2016.

4. Hindi bumuboto ang mga ayaw sa kanya

Kahit gaano pa karami ang bumabatikos sa VP ay ayus lang na hindi niya ito pansinin lalo na kung hindi rin naman makaka-apekto ang mga critics niya sa magiging resulta ng botohan.

Malaking bahagi pa rin sa mga Pilipino ang hindi bumoboto sa loob at labas ng ating bansa. Marami sa mga ito ang mga bumabatikos sa VP pero hindi naman nagsisiboto para manalo ang kalaban ng VP sa kandidaturya.

Related article: Taxpayer Lang ba ang Dapat Bumoto?

5. Immature pa daw ang botanteng Pilipino

Let me summarize the problem with Philippine elections:  Of the 50 million voters who will troop to the polls in May next year, the greater majority are not intelligent, they are not educated for voting, and the candidates they choose are not educated for serving. (Source)

Ito ay bahagi ng speech ni Sen. Miriam Santiago sa Far Eastern University nuong 2012 kung saan ay in-address niya ang mga problema ng eleksiyon sa Pilipinas.

Mapapansin natin na maging sa makabago nating panahon ng libre at mabilis na impormasyon ay yung mga traditional politician na gumagamit ng traditional methods pa rin ang nagwawagi sa panlasa ng masang Pilipino.

6. Dissatisfaction ng mga tao sa Pamahalaan

May mga sabi-sabi na dalawa lang ang major Presidential candidates para sa 2016, si Jejomar Binay at si Mar Roxas (kasalukuyang DILG Secretary). Pampagulo na lang siguro yung magiging tingin sa ibang tatakbo sa pagka-Pangulo.

Pero kelan lang ay napabalita na hindi pa sigurado kung sino ang ie-endorso ng Administrasyon (LP Party) sa pagka-Pangulo sa 2016. Posibleng hindi daw si Mar Roxas.

Kahit sino pa man ang balak i-endorso ng Pamahalaan ay parang mahihirapan itong makakuha ng suporta sa mga tao. Lalo pa hangga’t hindi napapahupa ng Pamahalaan ang kumakalat na dissatisfaction ng mga mamamayan sa performance ng Administrasyong Aquino.

Baka maging sumpa lang ang bendisyon ng Pangulo sa gusto niyang pumalit sa kanya.

Bagama’t nangangalahati pa lang sa termino ay nararamdaman na ang pagkabawas ng kumpiyansa ng mga tao sa Pamahalaan. Ang pag-handle ng Administrasyon sa kahirapan, kriminalidad, katiwalian at natural disasters ang humihila sa approval rating ng Pangulo pababa.

Pero kung biglang inindorso ng Pangulong Aquino si VP bilang Pangulo sa 2016, that would be very interesting.

7. Mataas ang kanyang approval rating

Kung nanalo bilang senador si Nancy Binay na hindi kilala ng mga tao kundi lang dahil sa kanyang apelyido, pano pa kaya yung taong pinanggalingan nung apelyido n’ya?

Ang apelyido ng mga pulitiko ay naging brand name na sa bansa natin. Basta kilala ang apelyido, hindi na masyado tinitingnan kung paano ba ang kaledad nito sa pamumuno o kung ano pa man ang experience nito.

Pero bukod sa kanyang apelyido ay patuloy na ini-enjoy ni VP ang mataas nitong approval rating mula sa surveys ng SWS o Pulse Asia.

Sa mga dahilang nabanggit, hindi malayong si VP na nga ang kasunod nating magiging Pangulo.

Sa mga fans ni VP na gusto siyang manalong Pangulo sa 2016, wala nang dapat gawin, hayaan lang ninyong magpatuloy ang kalakaran at kasalukuyang sitwasyon. Makaka-asa kayo na lalong mamamayagpag at aangat sa ratings ang VP at magkakaroon ng malaking tsansa sa pagka-Pangulo.

Sa mga gusto namang pigilan ang VP na umangat lalo ang posisyon, dapat ay makahanap tayo ng alternatibong karibal sa pagka-Pangulo ni VP at siguraduhing iboboto ito sa darating na eleksyon.

binay for president

Pilipinas, handa ka na ba sa susunod na Pangulo? (fb.com/vpjejomarbinay)

References

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

14 replies

  1. pwede iba..

  2. Haha newest move naman ngayon ni Binay, makikipag-alyansa kay GMA.

  3. Ping Lacson for President…. Kamay na Bakal ni Ping ang kailangan para matanggal ang korapsyon at mga smugglers at cartel sa bansa para tuloy-tuloy ang asenso ng Pinas…..

  4. Magaling si VP Binay na paglaruan ang isip ng masa… Para siyang genius sa psychology ng mga botanteng masa kasi kahit anong pagpapakita ng mga harapan niyang kasinungalingan, marami parin siyang napapaniwala… alam niya kung ano ang kiliti ng mga taong kumakalam ang sikmura.. lalo na yung mga inaalagaan niyang skwater sa bakuran ng makati…

  5. Wow, magaling na Political Analyst ang peg natin ah. Astig! 🙂
    Sa kasamaang palad parang 100% tama ka nga RP.
    Good luck, Pilipinas!

  6. My parents will freak out. They knew him , and never liked him.

  7. iboboto mo ba siya? XD

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: