Site icon The Pinoy Site

Aking Guro, Aking Bayani: Ano’ng Nangyari?

Update – Ayon sa FB page ng Hauteu, nagbaba ang DOLE ng return to work order sa mga nag-strike na teachers at dapat silang ire-admit ng school admi under same conditions bago pa nangyari ang strike. Tuloy pa rin ang petisyon ng mga teachers sa DOLE pero nagbalik na sila sa trabaho as of Oct. 7, 2013. Inabot ng total na 51 araw ang kanilang strike.

**********************************************************************

Ngayong October 5 ay ipagdiriwang ng Department of Education ang World Teacher’s Day na may temang “My Teacher, My Hero”.

Oo nga naman, dapat nga naman ituring na isa sa ating mga bayani ang ating mga guro. Kung tawagin nga sila ay pangalawang magulang natin (dahil ang eskwelahan ang sinasabing pangalawang tahanan). Lalo pa kung yung guro ay hindi nangibang-bansa, hindi nakapag-asawa at talagang idinedicate na ang buhay sa paghubog ng pag-iisip ng mga kabataan.

Namataan ko ilang buwan na ang nakakalipas sa isang mall yung HS teacher ko at binati ko s’ya. Akala ko eh nakalimutan na n’ya ko dahil halos 15 years na nung last kaming nagkita. Pero kilala n’ya pa ‘ko. Alam n’ya ring OFW na ako.

Sa libu-libong estudyante na dumaan sa buhay n’ya, nagawa pa n’yang maalala ang kagaya kong walang masyadong outstanding features kundi ang aking pagiging magandang lalaki (gwark).

Sa kasamaang palad, magse-celebrate ang ilan sa mga former teachers ko at iba pang mga teachers ng aking alma mater na may dala-dalang mabigat na tinik sa dibdib.

As of October 4, ay 51 araw nang nasa strike (dahil sa hindi tamang pasahod) ang mga guro ng Holy Angel University sa Angeles City, Pampanga. Halos 2 buwan na inaabot ang standoff ng mga guro at administrasyon ng paaralan. Ang Department of Labor and Employment naman ay wala pa ring ibinababang resolusyon tungkol sa nasabing isyu.

Sa kasalukuyan ay parang tinitiis lang ng paaralan ang mga titser hanggang sa magsisuko ang mga ito sa pagod, gutom at kawalan ng panggastos. Nakikiisa na rin ang ilang pribadong sektor ng  syudad para iresolba ang isyu. Pero wapakels lang ang mga nakaupo sa kaitaasan (or baka meron hindi lang masyado halata).

Ang tema ng World Teacher’s Day ay “My Teacher, My Hero” pero heto ang mga teacher, nag-picket na sa harap ng DOLE, humihingi ng mabilis na resolusyon.

Kung mafi-feature lang ito sa national news at mabibigyan ng full media coverage, malamang eh hindi na inabot ng ganito katagal ang pakikipaglaban ng mga guro.

Sa mga kinauukulan, pakitulungan naman po ang mga guro na maayos agad ang problemang ito.

Nakakahiya sa ibang mga paaralan. Nakakahiya sa mga magulang. Nakakahiya sa mga estudyante. Nakakahiya sa lahat ng mga kabataang nakikita ang mga pangyayaring ganito. Ganito ang kinahihinatnan kapag ginagawang business ang dapat sana’y basic rights ng tao.

Gayunpaman, ipinapa-abot ko po ang saludo at pagpapasalamat sa lahat ng aking mga naging guro at sa lahat na rin ng mga guro sa Pilipinas.

Happy Teacher’s Day!

Narito ang ilang mga larawan sa nasabing strike with permission mula sa Hauteu (union ng mga titser ng Holy Angel University). Marami pang larawan at detalyadong impormasyon sa kanilang FB page: We Support Hauteu

Related Articles:

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version