Site icon The Pinoy Site

May Sapi ba ang mga Pilipino?

Hindi pa ako nakakita sa totoong buhay ng taong sinasapian ng masamang espiritu, nuno sa punso o anumang laman-lupa at laman-gubat. Pero ayon sa mga napanood ko na sa tv at nabasa sa mga tabloid ay bigla daw nag-iiba ang ugali ng isang taong may sapi.

Para daw s’yang nawawala sa sarili o bigla na lang nagkakaroon ng ibang katauhan.

Ano’ng konek nito sa post na ito? Nagtataka kasi ako sa ating mga Pilipino lalo na yung mga nakakapangibang-bansa. Pagtuntong natin sa ibayong dagat, para bang bigla tayong nag-iiba ng katauhan.

Kapag nasa ibang bansa ang Pilipino:

– Hindi na tapon ng tapon ng basura kung saan-saan
– Sumusunod sa regulasyon ng batas trapiko
– Tumatawid sa tamang tawiran
– Hindi magaspang ang ugali sa mga binibigyan ng serbisyo
– Maayos magtrabaho
– Nagbabayad ng tamang buwis

and so on and so forth…

Pero pagbalik sa Pilipinas, ibang katauhan na naman.
Kabaligtaran na nung mga nakalista sa taas.

Anyare?
May sapi ba tayo?

May puwersa bang bumabalot sa ating pagkatao para maging mabuting mamamayan sa ibang bansa, at hindi masyadong mabuti sa sarili nating bansa?

Kailangan ba talaga kapag nasa Pilipinas ka, anything goes na lang?

Culture of wangwang, of impunity, of corruption.
Crab, colonial, panlalamang sa kapwa mentality.
Each one for himself/herself.
Dog eat dog.
You scratch my back, I stab yours.

Ganun ba talaga dapat kapag nasa Pilipinas?

Nakakapagtakang hindi natin magawa sa sarili nating bansa yung magagandang bagay na ginagawa natin sa ibang bansa.

Mas lalong nakakapagtaka yung mga government officials nating madalas magpunta sa foreign countries. Yung iba nga eh may tirahan pa doon pero hindi nila magawang i-implement sa Pilipinas yung magagandang bagay na nakikita at ini-enjoy nila sa ibang bansa.

Bakit ganun?
May sapi ba tayo?

ang sisidlan daw na may laman na mga alimango ay hindi na kelangang takpan dahil hihilain lang nila ang isa’t isa pababa…

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version