Announcement: Ang 2013 ay Year of the Rice

Nangangalahati na ang taong 2013 pero alam n’yo ba na ang taong ito ay isinet ng ating pamahalaan bilang Year of the Rice? Opo, ang 2013 ay hindi lang year of the snake. Year of the Rice din ito.

Nitong mga nakalipas na taon, sinasabi na ang Pilipinas daw ay isa sa mga bansang malakas umangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Malakas din daw tayo magtambak ng bigas at malakas magtapon ng saku-sakong bigas na nabulok sa sobrang pagkaka-stock.

Kaya kailangan nating kumilos. Dapat tayong maging self-sufficient sa bigas. Panahon na para huwag mag-aksaya ng bigas at kanin!

Dahil Year of the Rice ngayon at dahil mabubuting mamamayan tayo ng umuunlad na Pilipinas (keep up the faith), dapat lamang na makipag-cooperate tayo sa pagtitipid at pag-iwas sa pag-aaksaya ng bigas (/kanin).

Narito ang ilang mga suhestyon para makatipid sa bigas:

1. Huwag kumain ng kanin

Gayahin natin ang mga Yuropeo, subukan nating kumain ng patatas o kamote bilang staple food.

2. Mag-set ng isang araw sa isang linggo na gulay lang at prutas ang kakainin

Nasubukan n’yo na ba kumain ng gulay lang? Lalo na yung hilaw? Ang bilis makapag-tanggal ng appetite sa pagkain ng mga gulay. Dahil sa gulay, gaganda na ang balat mo, papayat, lilinis ang katawan, at higit sa lahat, malaki ang matitipid sa pagkain.

3. Huwag kumain ng tanghalian o hapunan

Para lalong makatipid, subukang huwag kumain ng tanghalian o hapunan paminsan-minsan (mga 2 to 3 times a month). Subukan mo. Maniwala ka sa akin, hindi ka mamamatay. Wag ka lang masyado gagalaw at uminom dapat ng maraming tubig.

Sa pamamagitan ng mga suhestyon na ito, makakabawas tayo sa kunsumo ng kanin.
Makakatipid din ang ating bansa sa pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Okay, sama-sama nating bigkasin ang Panatang Makapalay:

Panatang Makapalay

Bilang isang mamamayang Pilipino
Nakikiisa ako sa panatang
Huwag magsayang ng kanin at bigas.

Magsasaing ako ng sapat lamang at
Sisiguraduhing tama ang pagkakaluto nito.

Kukuha ako ng kaya kong ubusin
Upang sa aking pinggan ay walang matirang kanin.

Ganun din ang aking gagawin kung may handaan o
Kung sa labas ako kakain.

Ang brown rice o pinawa ay susubukan kong kainin
Pati na ang ibang pagkain bukod sa kanin tulad ng
Saba, kamote, at mais.

Ituturo ko sa iba ang responsableng pagkonsumo
Nang mabigyang halaga ang pagod ng mga magsasaka at
Nang makatulong na maging sapat ang bigas sa Pilipinas.

Aking isasapuso ang panatang ito dahil
Sa bawa’t butil ng bigas o kanin na aking matitipid
Ay may buhay na masasagip.

panatang-makapalayRelated Sources:

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , ,

5 replies

  1. haha late na pero maglalaan pa rin ako ng isang araw para hindi kumain ng kanin. mahirap man, ngunit kakayanin ko. hakhakhak.

  2. hello, RP… iiwasan kong sunugin ang kanin at magsasaing ng sapat lamang, ahaha. sana nga po. 😉

    maganda ang mga paalala mo, kapatid. kumbaga, what we can do on the demand side (sa bahagi ng end-user) ng bigas… may kabila pa yata, kapatid, on the supply (production) side naman. kailangang palakasin ang produksyon ng palay domestically para kayang supply-an ang pangangailangan ng hindi over-dependent sa importation, ahaha. ^^

    isa pa, gaya ng sabi ng ka-blog, may kailangan pa rin yatang ayusin sa distribution and marketing o yaong sinasabing supply chain. marami-rami pa wari ang buhol sa major or staple food products natin tulad ng bigas, asukal and cooking oil. pag tinotal ang inefficiencies and wastage sa transaction costs ng mga ‘yan, do’n ata papasok ang artificial cost or higher price ng products sa market. sa pagkaalam ko, nitong mga huling taon, more or less, mas stable na ang presyo and reflective of the actual cost na (yata). but still, mataas pa rin ang price, kaya napipilitang mag-rely sa imported (mas mura). but then, the more and the longer we depend on outside sourcing, mas gumuguho ang local industries (production side) natin at mas tumataas pa ang presyo ng locally-produced. ahaha, parang ganoon… hello and regards 🙂

    • salamat sa malaman na comment, ate san. tunay nga, maraming resources natin ang naaaksaya dahil sa di mahusay na pamamahala at nagiging dahilan ng iba pang problema para sa atin.

      kelan kaya ifi-feature ni ted failon yung mga bagay na naaaksaya sa bansa natin para maging aware ang nakararaming tao sa epekto nito?

      • hala, ginulo ko yata, pasensya na… ang nabanggit na inefficiencies and wastage, mas infrastructural and support system, wari, ahehe… halimbawa, sirang kalsada (nadodoble ang transport time and napupudpod ang gulong) o kaya, kawalan ng loan windows, assistance and insurance at the local level. ang effect nito, nagkakaroon ng usury sa grassroot level of production, saka monopoly sa pamimili and trading ng tubo, kopra and palay, etc… iyon ata ang ina-allude ni ka-blog na nag-comment, parang… ^^

        ahaha, di ko lang alam. di ata gaanong bagay sa format ng show ni Ted Failon? medyo technical and policy ang nature ng usapin, kapatid… baka mas pwede sa kabila nilang istasyon, sa Ch. 21? ayon lang, English usapan do’n, ahihi… good day po. 🙂

  3. walang magsasakang nakikinabang sa pagtatanim ng bigas. mga broker ang yumayaman dhl hnd hawak n magsasaka anp presyo n kanilang mga ani. knw y? ang NFA mga broker lng ang nakakapagbenta sa kanila pero ang ordinaryong magsasaka hnd. gusto n NFA tone-tonelada ang ibebenta sa kanila

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: