Si Dr. Paul Joseph Goebbels, isang malapit na taga-sunod ni Adolf Hitler, daw ang nagsabi ng mga katagang, “If you repeat a lie often enough, it becomes the truth.”
Sa maraming pagkakataon ay nakikita nating gawain ito ng mga may isinusulong na propaganda o bagong impormasyon. Mind-conditioning kumbaga.
Pwede rin kayang gawin ‘yun para sa pagpapabuti lalo ng kalagayan ng ating bansang Pilipinas? Sana ‘no?
Gumawa po ng bagong category ang site na ito na pinamagatang “Pantasya Balita”. Ito ay koleksyon ng mga kathang-isip na magagandang balita tungkol sa ating bansa at lahi na matagal na nating gustong marinig.
Sa kasamaang palad, baka hindi na maabutan ng marami sa atin ang araw na magiging totoo ang mga magagandang balitang ito. Pero malay natin, baka kahit ilusyon lang ang mga magagandang balita na ito ngayon eh maging katotohanan din kapag inulit ng inulit hehe.
Inspired ito ng mga influential blogsites gaya ng So What’s News at BV Patrol.
Maraming salamat sa patuloy na pagbisita sa site na ito. Kung mahilig kayong mag-facebook, meron din tayong facebook page na pwede n’yo i-like at nang makatanggap kayo ng mga dagdag na pag-aaksayahan ng oras, joke. Hindi ko sasabihin na nasa kanang bahagi ng site na ito ang link ng FB page.
Okay, ’til next post po.
Categories: Pantasya Balita
Leave a Reply