
mga OFW sa riyadh…
(migranteme.blogspot.com)
Pinag-utusan ng Pangulo ang lahat ng embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa na pauwiin na ang lahat ng mga OFW sa ibayong dagat.
Bunsod ng mga lumalalang sitwasyon ng mga OFW sa mga bansang gaya ng Taiwan, Saudi, Syria, China at sa mga naapektuhan ng Economic crisis sa Europa, Amerika at ibang bahagi ng Asya, nagpatawag ng closed door meeting ang Pangulo na kinabibilangan ng ilang myembro ng Gabinete, mga Kagawaran, Senado at Kongreso.
Bilang tugon na rin ng Pamahalaan sa lumalaking problema ng kakulangan sa mga skilled workers at eksperto sa bansa, nagdesisyon ang Pamahalaan na pauwiin sa Pilipinas ang lahat ng mga OFW.
“Yung mga OFW ay pwedeng mag-train sa mga bagong trabahador at mga kasalukuyan nang mga manggagawa. Hindi na natin kelangan gumastos para magpadala ng mga trainees sa ibang bansa.” ayon kay Ayala Corporation President Fernando Zobel de Ayala.
“Kulang na kulang tayo sa mga empleyadong may expertise at experience sa iba’t ibang larangan ng industriya sa ating bansa.”, komento naman ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz sa isang panayam.
“Kung mapapauwi natin ang ating mga OFW, magkakaroon tayo ng mga highly skilled at experienced workers na magbu-boost ng ating ekonomiya. Plus, yung mga kaalaman na natutunan nila sa ibang bansa ay mayu-utilize at mas made-develop pa natin para sa lalong ika-uunlad ng Pilipinas.”, dagdag ng Kalihim.
“Ano ka?! Kung mapapauwi lang natin ang mga OFW, makakabuo tayo ng isang buong syudad ng mga skilled workers ‘no?! International level pa!!! “, sabat naman ni Vice Ganda.
Pumalo sa pinakamataas na puntos ang stock market ngayong buwan ng Mayo bunsod ng paglago ng ekonomiya at interes ng iba’t ibang bansa na mag-invest sa Pilipinas. Subalit marami pa rin ang nagrereklamo na hindi ito nararamdaman ng mga pangkaniwang mamamayan.
Naniniwala ang Malacañang na ang paguwi ng mga OFW sa Pilipinas ay magpapalakas lalo sa umuunlad na industriya ng bansa. Bagay na magpapalakas umano sa tiwala ng mga foreign investors sa ating bansa at magdadagdag ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Sasagutin ng OWWA, POEA, DOLE at DFA ang lahat ng gastos para sa repatriation ng mga OFW na tutugon sa panawagang ito ng Pangulo.
Ipinangako din ng Malacañang na may naghihintay na trabaho para sa lahat ng OFW na uuwi sa Pilipinas at ang mga trabahong ito ay magma-match sa kanilang working experience.
**************************************************************************
Sa kasamaang palad, ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.
Categories: Pantasya Balita
sarap basahin kahit pantasya lang 🙂
sana mangyari ito…
Inaasam-asam ko ang balitang ito……….yung walang kathang isip sa huling linya. 🙂
ako rin, dok, abutan pa sana natin yung araw na ‘yun…
Nagsisimula na akong kumatha ng magiging reaksyon habang binabasa ko pero bigla na lang ako nasupalpal nung mabasa ko yung huling linya!
Boom! Ahaha!
haha sori naman 😀
mangyari muna yung mawala yung korupsyon bago ito mangyayari.
uhmmm, never? lol.
naman, cheese, gusto ko pa umuwi sa pilipinas, wag mo ‘ko i-discourage 😀
Ay sos! Sabi na e.
matagal-tagal pa bago mangyari ito sa totoong buhay…
Muntik na ko maniwala! LOL
ang sarap mabasa ang balitang ‘to sa totoong buhay hehe
Kung may trabaho Lang available sa pinas, pwede lalo pa yung mga batang bata pa.
marami naman daw available na trabaho pero hindi matched sa skills ng marami at mahirap makabuhay ng pamilya ang sweldo…