Site icon The Pinoy Site

Mga Maaaring Gawin Habang Bakasyon

Hello mga kids, bakasyon na naman ba? At ‘di n’yo alam ang gagawin sa bakasyon ninyo? Don’t worry, heto na naman si Tito RP para magbigay ng mga unsolicited advice at tips para sa inyo kung paano pasisiglahin ang inyong bakasyon.

masarap maglakad sa dalampasigan…lalo na kung bakasyon
http://boundlessframe.blogspot.com

Ang mga kabataang Pilipino ay masyadong pampered pagdating sa haba ng bakasyon.

Sa pagkaka-alam ko ay meron kayong tatlong uri ng bakasyon sa loob ng isang taon:

1. Summer vacation (2.5 months)
2. Semestral break (2 weeks)
3. Christmas break (2 weeks)

Wala pa d’yan yung mga bakasyon na gawa ng bagyo, baha o biglaang pag-absent ng titser. Bale humigit kumulang na tatlo hanggang apat na buwang bakasyon sa isang taon! What the…!!!

Ang mga kabataan sa ibang bansa (gaya ng Japan) ay meron lang total na kulang sa dalawang buwang bakasyon sa isang buong taon.

Sayang na sayang ang mga panahong ito kung uubusin n’yo lang sa kalalaro ng games. O kaya eh kakatext, kakanood ng tv at paglalakwatsa ng walang katuturan.

Narito ang mga magandang gawin habang bakasyon

1. Mag-aral

Bakasyon na nga eh, aral pa rin?

Oo, bakit? Masama?

Pag-aralan ninyo ang mga bagay na talagang interesado ninyo pag-aralan: mag-drawing, magsulat, mag-painting, mag-swimming, magluto, maglaba, mamalantsa, etc.

Pwede n’yo rin pag-aralan yung mga alam ninyong kasunod na subjects na kukunin ninyo sa susunod na school year. Tataas na ang grades ninyo, marami pa magkaka-crush sa inyo.

2. Magtrabaho

Huwag laging umasa sa ibibigay na pera ng mga magulang. Bigyan n’yo sila ng break pag bakasyon.

Mag-apply sa mga summer jobs na available sa gobyerno, sa mga fast foods, o kaya naman eh kahit mag-tinda ng sa-malamig.

May sariling pera na kayo, lalawak pa experience n’yo, may dagdag job credentials pa para sa inyo at marami pa kayong makikilang bagong mga cute na guys o gals.

3. Tumulong sa bahay

Bumawi naman kayo sa inyong mga magulang ngayong bakasyon.

Maghugas ng plato, magwalis ng sahig, magpunas ng alikabok, alagaan ang mga batang kapatid, magligpit ng tinulugan, maghain ng pagkain, at iba pa.

Matutuwa ang mga magulang ninyo at baka maisipan pang dagdagan ang allowance n’yo. Praktis na rin ‘yan ng inyong skills para sa future ninyong buhay na may sariling pamilya.

4. Mamasyal

Nakakabagot din yung laging nasa bahay ah.

Masarap sana pumunta sa mga malalayong lugar lalo na kung may pera. Pero kung walang budget, andyan naman lagi ang mga mall. ‘Wag na lang magdala ng pera para makatipid.

Kung may bisikleta kayo, mamasyal sa inyong neighborhood habang nakabisikleta. Magandang ehersisyo ito, umiwas lang sa lugar na maraming asong mahilig manghabol ng mga bagay na gumagalaw.

5. Sumali sa community activity

Magpa-register sa mga community o church activity sa inyong lugar. Marami kayong makikilala at magkakaroon pa kayo ng silbi sa ibang tao. Masarap ang sense of fulfillment at sense of value kapag nagpa-participate sa mga ganitong okasyon.

Minsan makakalibre ka rin ng masasarap na pagkain sa mga ganitong activity.

Okay, ’til next post ulit.

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version