Site icon The Pinoy Site

Kailangan Natin ng Sensitivity

May napili na palang bagong pambato para sa Miss Universe ang ating lupang hinirang. Si Bb Ariella Arida.

s’ya na kaya ang susunod na miss universe? abangan… http://www.facebook.com/MissAArida

Ay, hindi pa po pinapalitan ng showbiz news ang tema ng blog site na ito. Napa-isip lang ako sa sagot ni Bb Arida sa Q & A portion. Heto ang kanyang makapanalo koronang kasagutan:

One lesson in life that we, women, can teach men is being sensitive. Because we all know that men are more logical when it comes to decision. They usually are more rational, straight forward. Unlike we, women, we use our heart and we tend to get emotional in some of our decisions… For me, sensitivity is something that we can teach men.

Maganda ang sagot n’ya pero naisip ko, lalaki lang nga ba ang kailangan turuan ng sensitivity? At ano’ng klaseng sensitivity ang maaaring maituro ng kababaihan sa mga kalalakihan?

Bilang lalaki, narito ang isa sa mga alam kong medyokulang kami sa sensitivity:

Mahirap maintindihan minsan para sa amin kung bakit kailangan pang ulit-ulitin ipaalam sa kanila na mahal namin sila, na hindi namin sila pababayaan, na maaasahan nila kami sa lahat ng pagkakataon (give us a break naman!).

Pero bakit tayo magfo-focus sa mga lalaki lang?

Heto ang ilang mga partikular na uri ng tao at area ng kanilang nasasakupan na sa tingin ko ay nangangailangan ng sensitivity:

1. Mga Magulang

Kelangan nila ng sensitivity sa pakiramdam ng kanilang mga anak. May problema ba sila? May gusto ba silang sabihin sa inyo? Alam ba nilang kakampi nila kayo?

Maraming kaso ng suicide gawa ng bullying sa iba’t ibang bansa ang nangyayari dahil hindi masabi ng mga anak ang sitwasyon nila sa mga magulang.

Marami ang napapariwara ng landas at nadidisgrasyang anak dahil hindi nila magawang mag-open up sa mga magulang sa takot na hindi sila pakinggan o lalo lang silang pagalitan.

2. Mga Anak

Kailangan nila ng sensitivity sa pakiramdam ng kanilang mga magulang. Madalas magkabangga ang opinyon ng mga anak at magulang dahil sa level ng kanilang karanasan.

Kung alam ng mga anak na mas tama ang alam nila, ipaliwanag dapat nila ito ng maayos at huwag daanin sa lakas ng boses o pagdadabog ang usapan. Pakinggan yung gustong sabihin ng magulang. Tatahimik din naman sila kapag narinig na yung side nila.

Masakit para sa mga magulang makita ang cute na cute na baby na inalagaan, iningatan at minahal nila na lumaking lapastangan at kehaba-haba ng mga pangil at sungay.

3. Mga Guro

Hindi ko alam kung alam ng lahat ng mga titser ang kapangyarihan nilang makaimpluwensya ng pag-iisip ng mga estudyante nila, pati kung anong landas ang tatahakin ng mga ito sa kanilang buhay.

Kelangan maging sensitive ang mga guro sa uri ng edukasyong ibinibigay nila sa mga mag-aaral.

4. Mga Nasa-Kapangyarihan

Alam naman nating sila ang nasa kapangyarihan at may hawak ng karapatan sa maraming bagay. At kung hindi sila magiging sensitive sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan, maraming buhay ang magdudusa dahil sa kanila. (No need to elaborate)

5. Mga Customer

Hindi aliping saguiguilid o aliping namamahay ang mga crew o staff ng isang kumpanya. Tao din sila. Maghinay-hinay lang dapat ang mga customer sa kanilang pananalita at pagtrato sa mga service staff.

Kung meron mang mga crew na hindi gumagawa ng tama, ipagbigay-alam ito sa mas nakatataas. Lalo lang mapeperwisyo ang mga cutomer kung hindi sila magiging sensitive sa pakikitungo sa mga service staff o crew.

6. Mga Mamamayan

Naniniwala ako na lahat ng tao ay dapat maging sensitive sa kung ano ang magiging epekto n’ya sa buhay ng taong kasalamuha n’ya.

Madali kumilos at magsalita ayon sa bugso ng damdamin, ang mahirap ay iyong huminto at mag-isip kung ano ang pangmatagalang epekto ng sariling salita o pagkilos sa ibang tao.

7. Mga Kababaihan

Maging sensitive sana sila sa pamamaraan ng mga kalalakihan. Minsan, marami lang talagang responsibilidad ang mga kalalakihan na nakaka-agaw ng aming atensyon. Kelangan din namin ng emotional support kahit hindi namin ito sabihin (o hindi man namin aminin).

Please, bago n’yo kami bungangaan eh tengahan n’yo muna kami.

Okay, next posting po ulit 🙂

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version