Site icon The Pinoy Site

It’s Hadouken Time!

Mabilis maluma ang mga uso ngayon. Parang kelan lang eh sikat ang harlem shaking pero ngayon eh itong gwiyomi naman ang unti-unting kumakalat.

Sa kasamaang palad, ang gwiyomi ay bagay lamang sa mga magagandang nilalang. Hindi ito para sa lahat.

Isang bagong kumakalat na pauso ngayon ang masasabi kong matipid, madali, masaya at pang-masa. Ito ay ang Hadoukening.

Nagsimula ito nun lang March ngayong taon nang magpost ng picture ang mga kabataang hapon ng picture nila online.

Hindi ko na siguro kelangan ipaliwanag kung ano ang Hadouken, ano? Sayang lang ang oras at pagod ko kung ipapaliwanag ko pa na si Ryu at Ken ng video game na Street Fighter ang original na nagpauso nito.

Nakita ng ilang Amerkano ang picture ng mga haponesang ito at bumenta naman. Ngayon nga ay nagkalat na ang hadoukening pictures at meme online.

Nagkaroon na rin ng ibang version ito gaya ng “vadering”.

Huwag magpahuli sa bagong uso na ‘to dahil 2 to 3 months from now eh maluluma din ‘to.

Mas marami pang hadoukening at vadering pics dito:

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version