Paano Maiwasan ang Heat Stroke

mainit sa pilipinas

nakita ko lang kalat-kalat sa facebook

Ka-Pinoy, kung ikaw ay taga-Middle East, Silangang Asya o Timog Silangang Asya, mag-ingat sa heat stroke sa mga buwang ito ng Marso hanggang Mayo.

Lahat ng tao ay maaring maapektuhan ng heat stroke pero ang mga mas madaling tablan ay:

  • mga senior citizen (lalo na yung mga walang pampalamig gaya ng aircon o electric fan)
  • mga baby at batang-batang bata (2 to 5 years old)
  • mga buntis
  • mga may karamdaman o naggagamot dahil sa sakit
  • mga hindi palainom ng tubig
  • mga naga-outdoor activities ng mahabang oras
  • mga mainitin ang ulo at madaling maasar kahit malamig ang panahon

Kapag lumagpas na daw sa 41°C ang temperatura ng ating katawan ay maaari na mapinsala ang mga internal organs natin na maaaring makapinsala sa utak at ikamatay natin on the spot. Kaya hindi na dapat hintayin pang mangyari iyon.

Ilan sa mga sintomas na nahi-heat stroke ka na ay:

  • pagtaas ng temperatura ng katawan mula 40°C pataas
  • pagkahilo, parang masusuka
  • pamumula at paghapdi ng balat
  • pagkatuyo ng dila
  • pananakit ng ulo
  • panghihina

Dalhin na kaagad sa pinakamalapit na ospital ang sinumang magkaroon ng mga sintomas na ito.

Mga paraan para maiwasan ang heat stroke:

  • uminom ng maraming tubig
  • magsuot ng bright colored na damit (kumakain ng init ang dark colored na damit)
  • limitahan ang oras sa labas ng pintuan (outdoors) lalo na sa bukas kalawakan (open space)
  • huwag na huwag iiwanan ang mga bata o matatanda sa loob ng sasakyan sa parking lot
  • panatilihin ang mababang temperatura ng katawan (magbabad sa mall 🙂 )

I-enjoy ang summer sa ligtas na paraan.

monkey sunbath

uy seksi! (wakpaper.com)

References:

Philippine Department of Health Advisory
Mayo Clinic



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

12 replies

  1. Benta yung picture. Hakhak. Inom maraming tubig!

  2. mag-mall pero huwag magdala ng pera. hahaha.

  3. mall at maraming tubig.. pinakamadali.. hehehe

  4. Isang explanation din kaya nagkaka-heat stroke ang isang tao ay dahil kapag mataas sa body temperature ang nireregulate ng katawan, nagiging malapot ang dugo natin.. Masyadong malapot na nasa puntong hindi tutulo ang dugo kahit masugatan ka or hindi ka makuhanan ng dugo gamit ang hiringgilya kahit ilang tusok na ang gawin syo (based sa experience ko).. Kaya kung may mga mantika ka na nasa ugat, lalo na sa mga parteng di masyadong nafeflex tulad ng sa bandang likod ng skull or batok, magbabara dun ang dugo kaya ka ma-iistroke…

  5. Maraming salamat sa paalala. Helpful to lalo na sa akin na feeling kandidato sa heatstroke, wag naman sana. Lagi naman akong umiinom ng tubig pero minsan pag preoccupied nakakalimutan ko.
    Nakakatawa ang mga images. Feeling ko rin talaga mas malapit ang pinas sa sun. 😀

Leave a Reply

%d bloggers like this: