
Ka-Pinoy, kung ikaw ay taga-Middle East, Silangang Asya o Timog Silangang Asya, mag-ingat sa heat stroke sa mga buwang ito ng Marso hanggang Mayo.
Lahat ng tao ay maaring maapektuhan ng heat stroke pero ang mga mas madaling tablan ay:
- mga senior citizen (lalo na yung mga walang pampalamig gaya ng aircon o electric fan)
- mga baby at batang-batang bata (2 to 5 years old)
- mga buntis
- mga may karamdaman o naggagamot dahil sa sakit
- mga hindi palainom ng tubig
- mga naga-outdoor activities ng mahabang oras
- mga mainitin ang ulo at madaling maasar kahit malamig ang panahon
Kapag lumagpas na daw sa 41°C ang temperatura ng ating katawan ay maaari na mapinsala ang mga internal organs natin na maaaring makapinsala sa utak at ikamatay natin on the spot. Kaya hindi na dapat hintayin pang mangyari iyon.
Ilan sa mga sintomas na nahi-heat stroke ka na ay:
- pagtaas ng temperatura ng katawan mula 40°C pataas
- pagkahilo, parang masusuka
- pamumula at paghapdi ng balat
- pagkatuyo ng dila
- pananakit ng ulo
- panghihina
Dalhin na kaagad sa pinakamalapit na ospital ang sinumang magkaroon ng mga sintomas na ito.
Mga paraan para maiwasan ang heat stroke:
- uminom ng maraming tubig
- magsuot ng bright colored na damit (kumakain ng init ang dark colored na damit)
- limitahan ang oras sa labas ng pintuan (outdoors) lalo na sa bukas kalawakan (open space)
- huwag na huwag iiwanan ang mga bata o matatanda sa loob ng sasakyan sa parking lot
- panatilihin ang mababang temperatura ng katawan (magbabad sa mall 🙂 )
I-enjoy ang summer sa ligtas na paraan.

References:
Benta yung picture. Hakhak. Inom maraming tubig!
oo nga, tubig lang ang katapat ng heat stroke 🙂 kelan ba summer dyan sa canada?
June to sept o august ata hakhak. Diba nasa japan ka?
oo, sa japan nga, pareho pala ang buwan ng summer ng kinaroroonan natin hehe sa mga buwan na yun maraming napapabalita na nahi-heat stroke dito…
mag-mall pero huwag magdala ng pera. hahaha.
tama, ‘wag magdala ng pera haha kung pwede rin magdala na ng baong pagkain 🙂
mall at maraming tubig.. pinakamadali.. hehehe
hehe, buti na lang marami na ang mga mall sa mga syudad…
Isang explanation din kaya nagkaka-heat stroke ang isang tao ay dahil kapag mataas sa body temperature ang nireregulate ng katawan, nagiging malapot ang dugo natin.. Masyadong malapot na nasa puntong hindi tutulo ang dugo kahit masugatan ka or hindi ka makuhanan ng dugo gamit ang hiringgilya kahit ilang tusok na ang gawin syo (based sa experience ko).. Kaya kung may mga mantika ka na nasa ugat, lalo na sa mga parteng di masyadong nafeflex tulad ng sa bandang likod ng skull or batok, magbabara dun ang dugo kaya ka ma-iistroke…
salamat sa karagdagang kaalaman, rodcabz. hindi talaga maganda ang maraming mantika sa katawan 🙂
Maraming salamat sa paalala. Helpful to lalo na sa akin na feeling kandidato sa heatstroke, wag naman sana. Lagi naman akong umiinom ng tubig pero minsan pag preoccupied nakakalimutan ko.
Nakakatawa ang mga images. Feeling ko rin talaga mas malapit ang pinas sa sun. 😀
oo nga, minsan din nakakatamad uminom ng tubig kaya kelangan pa pilitin ang sarili para wag maging dehydrated…