Site icon The Pinoy Site

One Year Old na ang The Pinoy Site!

 

Hello ka-Pinoy! Kumusta ang nagdaang Semana Santa? Nakapag-muni-muni ba ng bongga? Ano kanyo? Two weeks na lumipas ang Holy Week? Oo nga ‘no?

Anyway, ito ang aking 1st year anniversary blog post. Isang taon na ang blog na ito! Congratulate me! Congratulate me! Hindi ko akalaing aabot ako ng isang taon sa (hindi tuluy-tuloy na) pagba-blog.

Ilang mga walang katorya-toryang trivia tungkol sa blog na ito.

  1. Ang kauna-unahang published post dito ay pinamagatang Turismo nuong April 10, 2012
  2. Para sa mga boring (informational) topics, March ang siniset na petsa na pagkaka-publish ng post
  3. Sabay na ginawa ang blog na ito sa Blogspot at sa WordPress sa unang buwan nito
  4. Nabili na ang domain name na thepinoysite.com pero di pa ginagamit dahil sa maraming dahilan
  5. Pinlano ang blog na ito nuon pang 2005 (link) pero 2012 pa lang nag-materialize dito sa WP

Ayon.

Sa mga susunod na mga linggo at buwan nga pala ay may mga pagbabagong mangyayari sa blog na ito kaya “please bear with me”, ika nga 🙂

Maraming salamat sa patuloy na pagbisita sa blog na ito.

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version